Chapter 49

Ezra's POV

Nang makapunta ako sa harap nilang dalawa ay agad akong yumakap kay Chase, ang nasa kanan na puwestong si Chase. Yumakap rin ito pabalik sa akin at naramdaman ko ang pag ngiti n'ya. 

Bumitaw ako rito at ngumiti, dahan-dahan kong dinukot ang kutsilyo at mabilis itong itinarak sa dibdib n'ya. 

Lahat ay nagulat sa nakita. Maging sina Franklin ay nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Dilat itong natumba habang hawak ang kutsilyong ginamit ko para patayin s'ya. 

"Kahit kailan..Hindi nanaisin ng isang Chase Mendivel na iwan ang iba para lang iligtas ang sarili n'ya.." seryosong saad ko. 

Agad na umakap sa akin ang tunay na Chase, ang kakambal ko. Agad naman ding tumakbo sa gawi namin si Commander Alvazar at Platinum. Kahit na nanghihina na sila ay kinaya nilang makaabot sa puntong ito. 

"Tunay ngang matalino ka Mendivel, pero dahil hawak ko na ang metallic triangle ay wala na akong pakialam sa inyo!" sigaw nito at ngumisi. "Magkamustahan nalang tayo sa impiyerno!" 

Agad nitong inihulog ang metallic triangle sa kumukulong kemikal. Hindi mapawi ang mga ngisi sa mga labi nila kaya naman ay ngumisi rin ako. 

"Magsaya lang kayo hangga't gusto n'yo.." nakangisi kong saad pero balewala na iyon sa kanila. 

Agad ko silang pinaatras at may mga pagtataka pa sa kanilang mga mukha ng bahagya ko silang itulak. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay halos yanigin ang buong lugar dahil sa pagsabog. Narinig ko ang ilang sigawan galing sa mga alipores ni Franklin kaya naman agad akong napangisi habang dahan-dahang tumatayo. 

"Umalis na kayo!" Saad ko. 

Agad namang umiling si Chase sa narinig, maging sina Dia at Justin ay agad na lumapit sa akin. 

"Captain! Nangako kang-"

"Mga hayop kayo!"

Agad kong ikinasa ang baril ko ng makitang nakatayo pa si Franklin pero putol na ang kaliwang kamay nito. Nagkalat naman ang ibang bahagi ng katawan ng iba pang kasamahan n'ya pero s'ya nalang ang naiwang nakatayo! 

"Hindi ito ang metallic triangle na kailangan ko!" Sigaw nito at agad na hinugot ang baril. 

"H'wag kang umasa na ibibigay ko sayo ang metallic triangle na matagal mo ng gustong makuha! Magkamatayan na- pero hinding-hindi ko ibibigay sayo iyon!" Sigaw ko kaya naman mas lalo itong nainis dahil sa narinig. 

"Wala kang kasing sama! Napaka tagal na panahon mo kaming pinahirapan para lang sa mga walang kuwenta mong mga plano!" Malakas na sigaw ni Platinum habang umiiyak. 

Ganoon rin ang naging reaksyon ni Commander Alvazar habang naka-alalay sa kanya si Commander Nazi. 

"Wala akong pakialam sa iyong lahat! Kahit mamatay pa kayo ngayon wala akong pakialam! Isa lang ang gusto at kailangan ko!" Aniya. 

Agad naman kaming napasigaw ng bigla nalang tumumba si Commander Nazi at Commander Alvazar! Agad kong pinaputukan si Feliciano ng s'ya ang may gawa ng pagbaril sa dalawang Commander! 

Dilat itong namatay habang hawak pa ang baril. Akmang lalapit si Franklin sa kinaroroonan namin ng nakuha pang bumaril ni Commander Nazi! Imbes na manlumo dahil sa tama ng baril sa kalamanan ay nakuha pa nitong ngumisi! 

"Handa na ang Defense Ship!" 

Lance? 

"Ezra... naririnig mo ba ako?" 

Tito Pabio? 

"Lance! Tito Pabio!" Sigaw ko at hindi pa din inaalis ang tingin kay Franklin na nakangisi pa rin hanggang ngayon. 

"Umalis na kayo d'yan!" Sigaw ni tito Pabio at agad kong nilang inakay si Commander Nazi at Commander Alvazar. 

"Move! Move!" Sigaw ni Justin. 

Narinig ko ang mga yabag nila paalis pero nanatili pa rin akong nakatingin kay Franklin. Nakaluhod na ito at sumuka ng dugo pero sa kabila ng lahat ay nakangisi parin ito pero tuluyan ng lumuha-

"You ruin me! YOU RUIN MY PLANS AND MY DREAMS!" sigaw nito pero nanatili akong nakatingin sa kanya ng walang emosyon. 

"You are the architect of your own problem.." malamig kong saad. 

"Kung hindi kayo nangialam- noon ko pa sana ito nagawa, but you know what's the most funny right here, Captain?" Tumawa muna ito at kinasa ang pang baril kaya muli kong itinutok sa kanya ang hawak na baril. Handa na akong paulanan s'ya ng bala. 

"I accept the fact that I'm going to die right now. But I won't let any of you to live!" Sigaw nito na ikinakunot ng noo ko. 

"Sumuko ka nalang Franklin. Wala ka ng magagawa!" Sigaw ko rito. "Mag-isa ka nalang at wala ng may gustong tumulong sayo!"

"Oo, ako wala ng magagawa para isama kayo sa hukay! Pero ang mga microchipped na nakatanim sa buong katawan ko ay meron! Sa oras na matamaan ako ng bala sa katawan ay mati-triger ang mga bombang nakatanim sa buong paligid! At segundo lang ang bibilangin no'n!" 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. 

"Ezra, umalis na kayo d'yan! Magmadali na kayo!" Sigaw ni tito Pabio. 

Akmang tatakbo na ako ng makarinig ako ng sigaw, sigaw ng isang ginang at isang boses ng batang babae! 

Agad ko silang hinanap sa isa sa mga kuwartong malapit dito at nakita ko silang dalawa na nakatali pa sa kinauupuan nila. Agad ko silang kinalagan at mabilis na hinila patakbo para makasakay sa defense ship na ginawa ni Platinum! 

Nang makarating kami doon ay nakita ko si Justin na mukhang hinihintay ako at agad itong lumapit sa amin! 

"Captain!" Sigaw nito. 

"Isakay mo na sila!" Utos ko at agad na binuhat ang bata para maisakay ito. 

Sila ang nawawalang anak at asawa ni president Argus! 

"Nababaliw ka na ba ha!" Sigaw ni Justin na ikinahinto ko. 

Tiningnan ko ito ng diretso sa mga mata at hindi ito makapaniwala sa ginawa ko. 

"Alam mong puno ng bomba itong lugar pero ano?! Gusto mo pa silang iligtas?!" Muli nitong sigaw sa akin. 

"Sumakay ka na.." malamig kong saad at agad s'yang hinatak sa braso pero agad nitong winaksi ang kamay ko. 

"Akala ko ba ay walang maiiwanan dito?! Ang sabi mo sabay tayong lahat na aalis dito pero bakit magpapaiwan ka?!" Umiiyak nitong saad kaya naman hindi ko na din napigilang hindi mahabag.

Nakaramdam na ako ng paghapdi sa aking mga mata, ngunit pinipigilan kong walang pumatak na luha mula sa akin. 

"It is my duty to protect my people and those who's in need! Kaya pumasok ka na sa loob, wala ng oras Justin!" Sigaw ko rito at marahas s'yang napahilamos sa mukha pero patuloy pa ding umiiyak. 

Agad ako nitong niyakap at humihikbi. Halos hindi na ito makahinga dahil sa pag iyak kaya naman kinuha ko ang pagkakataong sapilitan s'yang isakay sa Defense Ship! 

Kinalabog nito ang pinto pero agad ko ng pinindot ang lock button! Kulay red na din ang front door lights nito na ibig sabihin ay overload na. Mas kinalampag nila ang pinto at umiiyak na nakatingin sa akin kaya naman ay bahagya akong ngumiti. 

Dahan-dahan ng umaandar ang sinasakyan nila hanggang sa tulyan na itong makaalis. May mga lumabas na mga metal na pinto sa bawat butas kanina at nakita ko sa computer ang kabuuan ng lugar at kung saan nakatanim ang bawat bomba. 

Halos mapuno ng red dots kaya naman ay mapait akong napangiti dahil sa nangyari. Hindi ko rin namalayan na natanggal pala ang earpiece na suot ko. Sakto namang tumunog ang isang cellphone kaya agad ko itong kinuha ang sinagot ang tawag. 

"E-Ezra-"

Boses ni tito Pabio! 

"Tito salamat!" Pinilit kong ngumiti pero sa huli ay kusa ng tumulo ang mga luha ko. 

"Ezra.. mahal na mahal kita pamangkin! Mahal ka namin ng tita Vangie mo.." umiiyak nitong saad at tuluyan na itong humagulhol. 

Napatakip naman ako ng bibig dahil sa narinig. Pinilit kong h'wag makagawa ng ingay, pero alam kong nakikita n'ya ako ngayon kaya iniwas ko ang mukha ko sa mga natututukan ng CCTV camera. 

"May.. may gustong kumausap sayo.." rinig kong saad nito at muli akong ngumiti para sulitin ang oras. 

"E-Ezra-.. Ezra, anak!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at muli na namang nag unahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. 

Si mommy! 

"Anak.. anak ko., kung puwedeng ako nalang ang nandyan ay handa akong makipagpalit sayo...," Umiiyak nitong saad kaya kinagat ko ng panandalian ang dila ko para hindi nito marinig ang pag hikbi ko. 

"M-Mom-" agad akong pumiyok kaya napatakip ako ng bibig. "Mom..okay lang ako.. ayos na! Maayos na ang lahat! Makakabalik na si Chase, wala ng magiging gulo!" Nakangiti kong sabi habang umiiyak. 

"Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal kita!" Umiiyak nitong saad. 

At sa kabilang linya ay narinig ko din ang boses ni dad! 

"Ezra.. it's me..I am sorry. I am sorry for all the hurtful words that I've said to you, anak. I should have supported you all the way! Mahal kita. Mahal na mahal kita anak ko, you are the greatest gift that God sent to me!" Umiiyak na sabi ni dad. Alam kong sa mga oras na ito ay magang-maga na ang mga mata ko. "Mag papadala ako ng tao! Baka.., baka may paraan pa ha! Diba? Sinabi kong babawi pa ako sayo! Dapat magkasama parin tayo lalo na't makakasama natin si.. si Chase!"

Sobrang nanghihina akong marinig na umiiyak sila ng dahil sa akin! Sobrang sakit sa pakiramdam na sa oras na ito ay wala akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko. Na hanggang dito nalang ang lahat! 

"Mahal ko din kayo dad.. mahal na mahal ko kayo. Kung mabubuhay ako ulit kayo parin ang hahanapin at pipiliin kong maging magulang! Salamat sa lahat ng nagawa n'yo para sa akin. Wala kayong pagkukulang dad, ako.. ako po iyon! Basta tandaan n'yo palaging ayos na. Okay na ang lahat!" Saad ko at narinig ko pang may sinabi si Cody pero para na akong nabingi. 

Ubos na ang oras na nakalagay sa timer na naka-set sa computer.

Mahal kita Nexus..

Mahal na mahal ko kayong lahat! 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.