Chapter 50

Cody's POV

"Ate! Ate please, I will wait for you! I promise tatawagin na kitang ate araw-araw. Hindi na kita aawayin! Please come-"

Napahinto ako ng makita siya sa tv na ngumiti.. ngumiti habang umiiyak.

Pagkatapos noon ay bigla nalang sumabog at biglang naging gray nalang ang makikita sa tv screen. 

Yes, it's in the tv screen where we saw her! Dali-dali namin noong kinontak si tito what's happening kung bakit sila ang halos napapanuod namin sa lahat ng channel! Pero tito find out na bago pa sila makarating doon sa kalaban ay sinadya nitong i-hack ang television system at sila ang makikita ng lahat doon, nagulat pa kami kasi kusang bumukas ang tv namin. 

Umiiyak akong lumapit kay mommy para yakapin s'ya, dahil iyak ito ng iyak habang nakaupo na sa sahig. Si dad ay tulala. Habang si kuya Shan naman ay ganoon din! 

Lahat kami ay umiiyak dito. 

Pakiramdam ko wala na naman akong silbi! I know Ezra, she's a tough and a strong woman! The day our family found out about her whereabouts I felt amazed! But I can't dare to protect her from my dad's anger. 

"She.. She accepted her fate.." umiiyak na sabi ni tito Pabio at mas lalo akong naiyak sa narinig. 

This can't be! 

"I will find her! I will find her like what she did to Chase.. remember? She did her best to find Chase without us..she managed it easy as one, two, three!" umiiyak na sabi ni kuya Shan kaya mabilis s'yang inakap ni dad. 

This time ay humagulhol na ito, kaming lahat! It's hurt that she will never come back to us. I live my life, my whole existence with her! She's my ate.. our princess. The savior and our treasure. 

How am I suppose to live a normal life now? Yes. I always bragged anything about her but it doesn't mean na iyon talaga ang gusto ko! It is just my way to get her attention. 

Since we were kids I always admired her because she can do anything without hesitation. She believed in her self that is why I used to believe on her. The day she used to say na gusto n'yang maging doctor, my mommy and daddy buy her stuff related to medicine that's why she pursued her dreams, but not that quite. 

She ended up being an agent, a Captain to Black Crystal Revolution. She ended up killing people instead of prolonging their lives, but I didn't judge her that fast. She killed them because they are bad. She used to saved lives, she gave hope and love! She even put her life to risk just to bring back kuya Chase! 

"Dumating na sila.." tito Pabio run immediately.

I don't know what's going on but I lift up my mom and follow tito Pabio. Nang tuluyan namin s'yang nasundan ay nakita kong bumukas ang isang napakalaking sasakyan. Isa-isa silang bumaba doon na puro sugatan. I know them.. kasamahan sila ni Ezra. 

Nang bumaba ang pang huling lalaki ay tinitigan ko itong mabuti. Mahaba na ang buhok nito at may kapayatan, pero hindi mo maaalis sa kanya ang dugong dumadaloy sa kanyang katawan! 

Si kuya Chase! 

"M-Mom?" Alanganing tawag nito kay mommy. 

Halos lahat sila ay mga mugto ang mga mata at halatang galing din sa pag-iyak. 

"Chase? Chase!" Agad na tumakbo si mommy at yumakap dito. 

Ganoon din ang ginawa ni dad at kuya Shan kaya naman ay lumapit na rin ako sa kanya. 

"I miss y'all!" Umiiyak na sabi ni kuya Chase. 

Pero mas lalong lumungkot ang mukha nito ng may maalala. Mas lalo itong umiyak at wala ng pakialam kung sino ba ang mga taong nasa paligid n'ya. 

"Si Ezra- si Ezra.., nagpaiwan siya! Narinig ko ang sunod-sunod na pagsabog at.., at-" hindi na nito matuloy ang gustong sabihin kaya naman ay mariin akong napapikit. 

"She saved us! Your daughter save us from death.." saad ng isang ginang. 

Nang titigan ko ito ay tsaka ko lang ito nakilala.

She's Bernadette! The missing wife of the president! She's with her daughter too. 

"I am sorry mom. I am sorry, sorry kasi.." kuya Chase stop when mom and dad hug him tight. 

Kuya Shan just tap my shoulder while he wipe his tears, another heartbreak for the Mendivel family. Ezra is too good to be true, she didn't deserve what happened to her! 

Ano nalang ang mangyayari kapag dumating si Nexus ang hina-

"Where's my wife?!"

Napahinto ako ng marinig ang boses ng taong iniisip ko ngayon-ngayon lang.

Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pang magsalita o kumilos, pakiramdam ko ay bibigay ang buong katawan ko sa sakit na nararamdaman ko.

"N-Nexus.." may kaba sa boses ni tito Pabio. 

Maging sina Drake ay ganoon din. Walang nagsalita sa amin. Walang may kayang magsabi sa kanya ng katotohanan.  

"What? Why y'all just staring me? Where is she? My wife?" Bahagya pa itong ngumiti pero hindi ko na naman napigilan ang luha ko kaya agad ko itong pinahid. "Nasaan si Ezra?" Pag-uulit nito. 

Huminga ako ng malalim at tsaka diretsong tumingin sa kanya. "S-She's gone..," malamig kong saad. 

Nakita ko kung paano kumunot ang noo n'ya ng may pagtataka. Tumingin din s'ya sa iba pero nag-iwas lang sila ng tingin kay Nexus. 

"You're kidding me.. right? I.. I know you Cody!" Umiiling nitong saad pero hindi na ako nagsalita pa. 

"I said where is my wife!!" Sigaw nito kaya naman ay tumayo sina Drake at Zack para lapitan s'ya. 

Bagsak ang mga balikat nitong tumingin sa kanya. 

"Wala.. wala na s'ya bossing. Wala na si.. wala na si- Captain Ezra!" Tuluyan ng umiyak si Drake sa sinabi nito at napamaang naman si Nexus sa narinig. 

Nakita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang buong mukha at nag unahang tumulo ang mga luha n'ya sa mata. Umiling ito at bahagyang umatras. 

"Sinungaling kayo! Sinungaling!" Sigaw nito at agad na lumapit kay tito Nazi. "Tell me Commander.. buhay pa siya di' ba? M-Mali yong sinabi nila.. nagkamali lang sila-"

"Hindi s'ya nakaligtas Nexus! Pinili n'yang magpaiwan para mailigtas kami.."

"NO, NOOO! That's not true! Why do you keep lying! Why do you fucking keep lying to me!" Umiiyak nitong sabi at dahan-dahang naupo habang umiiyak. 

"Bossing..ayaw din naming paniwalaan pero wala eh.. wala na s'ya! Puno ng bomba ang buong lugar. Masyadong tuso si Franklin at sinigurado n'yang hanggang sa huling hininga n'ya ay papahirapan n'ya tayo!" Sigaw naman ni Zack at kitang-kita ko rin ang sakit sa mga mata nito. 

Sakit na pare-pareho naming nararamdaman sa mga oras na ito! 

Agad na tumunog ang system ng computer na gamit ni tito Pabio.

Nagmadali itong lumapit sa computer at maging ako- lahat kami ay naintriga kung ano naman iyon! Nang mabuksan n'ya ang isang nag pop-up sa computer ay nabasa ko ang mga salitang ito. 

"Mahal kita Nexus..." 

Agad na napatakip ng bibig si tito Pabio. Maging sina mommy at daddy ay muling naiyak. Napahilamos naman ng mukha si Nexus at muli na namang umiyak. 

"Iyan ang huling bagay na inisip niya.. bago s'ya nawala." Malungkot na saad ni tito Pabio. "Nakakonekta ang earpiece na ginawa ko sa mga huling iniisip niyo."

Umpisa palang ay alam na naming lahat kung paano n'ya minahal si Ezra, kung gaano n'ya minahal ang kapatid ko. Sampung taon, sampung taon n'yang hinintay ang pagkakataong makasama si Ezra, sampung taon n'yang tiniis na tumingin lang sa malayo. 

Noong panahong nagkakilala na sila ay hindi na s'ya nag atubiling sabihin sa amin ang nararamdaman n'ya para kay Ezra. Na gusto n'yang malaman naming seryoso s'ya sa pagmamahal n'ya para sa kapatid ko. 

He's such a good man! He deserve our treasure, He deserve the Captain of Black Crystal Revolution. 

"Wife.. wife, please...come back to me! I love you since then! I love everything about you.." umiiyak nitong sambit. 

I saw how he put so much effort to my sister, and it's so painful! Kung kailan naging maayos na sila. Kung kailan okay na tsaka naman magiging ganito. 

"Why it needs to turn out like this?! We planned everything well right? But why it needs to end up like this! I want my wife! My wife only!" Nagwala na ito kaya naman ay dali-daling tumakbo palapit sa amin my tito Nazi na may dalang isang syringe.

Agad niya itong tinarak sa likod ni Nexus at dahan-dahan naman itong natumba pero agad naman s'yang inakay nina Flare at Alexis. 

"He needs it, he needs that tranquilizer." Saad naman ni tito Nazi. 

Pagod kaming lahat sa kakaiyak. Alam kong sa mga oras na ito ay kalat na kalat na ang nangyari. She is a strong woman, I wonder how she endured everything. 

"Magpapadala ako ng tauhan sa lugar na iyon para mahanap si Ezra.. hindi s'ya sumuko noong hanapin si Chase, this time ay s'ya naman ang hindi natin susukuan.." matatag na saad ni dad habang inaalalayan si mom. 

Napatango naman ako sa narinig at parang may kung anong nabuhay sa loob ko. Alam kong hindi lang kami ang nagmamahal sa kanya, marami. Kahit pa araw-araw kong ubusin ang oras ko sa paghahanap sa kanya ay hindi ako titigil. 

"Maybe this is the most heartbreak for all of us, pero alam kong matalino si Ezra.. naniniwala akong buhay pa s'ya!" Saad naman naman ng daddy ni tito Nazi. 

Alanganing ngumiti si mom at hinawakan ako sa kamay. Lumapit din sa amin si kuya Shan at kuya Chase. 

"As the son of Alvazar Sandiego and being the heir of the Black Crystal Revolution, I promise that I will do my best to find Captain Samantha Ezra Mendivel-Atkinson, no matter what will be the result of this action." Seryosong saad naman ni tito Nazi. 

Agad namang sumaludo sina Justin at Dia, ang mga naging totoong kaibigan ni Ezra. Ang mga taong nag-alaga sa kanya at sinamahan s'ya para mabawi si Chase sa mga kalaban. 

"Handa rin kaming tumulong Commander, mahal namin si Captain Ezra kaya naman hindi kami matatapos sa ganito lang.." saad ni Dia at kahit na namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak ay pinilit nitong Ngumiti. 

"Handa kaming makipagtulungan para maibalik si Captain Mendivel! Ayoko namang tumandang mag-isa si boss!" Sigaw ni Drake at alam kong pinipilit n'yang mag biro para pagaanin ang mga loob namin. 

I am so thankful na maraming nagmamahal sa kapatid ko, maraming handang tanggapin at mahalin s'ya ng walang pag-aalinlangan. 

"Thank you so much..I really appreciate these help from all of you. Salamat. Salamat kasi bukod sa aming pamilya n'ya ay may iba pang nagmamahal sa kanya na alam kong iniingatan n'ya rin. Pinili man n'yang magpa-iwan para mailigtas kayo ay wala akong sama ng loob sa bawat isa sa inyo. Ginawa n'yo ang lahat ng makakaya n'yo, tinulungan n'yo s'ya para maibalik sa amin si Chase, at alam kong gusto n'yang mabuhay kayo ng maayos at masaya." Naiiyak na sabi ni mom. 

"Salamat. Sobrang laki ng pasasalamat ko na nailigtas kami, alam kong ang kapalit no'n ay ang pag luluksa n'yo pero pinatunayan lang ni Captain Ezra kung gaano s'ya kabuting tao.." umiiyak namang sabi ni Mrs. Bernadette. 

"Kahit gustuhin man naming s'ya ang mailigtas, si Ezra na mismo ang nagdesisyong gawin iyon. Mahal n'ya kayo at hanggang sa huli ay hindi n'ya nakalimutan kung sino s'ya at ano ang tungkulin n'ya." Saad naman ng isa pang matanda. 

Hindi ko kilala ang isang ito pero alam kung mabait s'ya, hindi naman s'ya mapapabilang sa mga nandito kung isa s'ya sa mga kalaban hindi ba? 

"H'wag tayong mawalan ng pag asa, alam kong darating ang araw na makukumpleto tayong lahat at tunay na makakaramdam ng saya!" Sabi naman ni kuya Chase. 

Bago rin matapos ang araw na ito ay personal naming nakaharap ang presidente, sobrang laki ng pasasalamat nito at maging s'ya ay naging saksi kung paano naging isang bayani ang kapatid kong si Ezra. 

Sinabi rin nitong handa s'yang tumulong sa kung ano man ang plano naming paghahanap kay Ezra, nakakataba ng puso na malamang halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay handang tumulong sa amin. 

Nagkaroon din ng interview ang presidente at sinabi nitong kung sino man ang makakakita sa katawan ni Ezra ay mabibigyan ng malaking gantimpala kaya naman alam kong malaking tulong rin iyon. 

Lumipas ang mahigit tatlong linggo at naging maayos na ang kalagayan ni kuya Chase, nakakabawi narin ito sa napabayaang katawan at may isinasagawa sa kanyang iilang therapy. 

Hindi naman din nagpahuli si Marthinie na alagaan s'ya, nalaman naming kasama pala s'yang nakulong ng gagong Franklin na iyon! S'ya ang tumulong kay Chase, at naging dahilan para tuluyang mahanap si Chase ni Ezra- 

"Si Nexus? Anong balita sa kanya?" Rinig kong tanong ni dad. 

Napailing naman ako dahil wala akong ideya. Tinawagan ko rin ang mga magulang ni Nexus pero kahit sila ay walang ideya kung nasaan s'ya. 

Naiintindihan namin iyon dahil alam kong sobrang nasaktan s'ya sa nangyari, hindi n'ya kailangang magpanggap na okay lang ang lahat at hindi n'ya obligasyong magpakita sa amin. 

"Namimiss ko na nga si bossing eh, sana ay makita natin s'ya.." malungkot namang sabi ni Alexis. 

"Tama, hanapin nalang kaya natin s'ya? Kung ayaw n'yang magpakita sa atin- edi, tayo ang pumunta sa kanya.." nakangiting sabi naman ni Zack. 

"Sige.. para hindi na kayo sikatan ng araw bukas. Kilala natin ang isang iyon, kapag ayaw n'yang magpahanap, wala tayong magagawa sa bagay na iyan." Sabat naman ni Flare. 

Napatango naman ako sa narinig, maybe he's a goddamn cold man but he's a human too. He have emotions, and we don't want to invade his privacy and space. 

"Feeling ko tuloy may LQ tayo kay boss!" Saad naman ni Drake. 

Alam kong lahat kami ay malapit kay Nexus. College friend s'ya ni kuya Shan at nakilala ko s'ya ng dalhin s'ya ni kuya Shan sa bahay noon. 

Iyon ang umpisa ng pagkakalapit namin sa kanya. He is from a good family, aside from that ay talaga namang maraming humahanga sa kabaitan ni Nexus. Kung hindi mo s'ya kilalang lubusan baka akalain mong napakasama n'yang tao.

He used to frown or even shouting! Kahit ata nasaan man kaming panig ng mundo ay ganoon s'ya but not until the day that he's totally got different. Naging tahimik man s'ya- he used to listen, being wise and a smart man. 

Sa aming lahat ay si Nexus ang pinaka matalino, well- aminado naman kasi akong puro pambababae ang inaatupag ko. Naisip ko nga baka karma ko na rin ito dahil sa mga kagaguhan ko. 

"Tangina sino ba yang kumakanta?!" Nakakunot noo namang tanong ni Justin. 

Nasanay na kaming lakaking-lalaki na s'yang gumalaw, nabalitaan naming sila na pala ni Calliope na akala ko noong una ay prank lang. Malay ko ba? I remembered that time na sinama s'ya dito ni Ezra. 

Napagkamalan pa siya ni mommy na boyfriend nito.

Pero ngayon? Ibang-iba na. Magmula sa pananamit at pananalita nito ay talagang kahit sino magugulat sa transformation n'ya. Akala ko ay inborn na sa kanya ang pagiging bakla which is not something to be shame of. 

"I'm sorry, don't leave me, I want you here with me

I know that your love is gone

I can't breathe, I'm so weak, I know this isn't easy

Don't tell me that your love is gone

That your love is gone-"

Napapikit ako ng marinig na muling bumirit si Alexis. Tangina, may mas isasama pa ata ng boses ng isang ito! 

"Lasing na ata 'yan!" Rinig kong sabi ni kuya Shan. 

Today is the birthday of our Beautiful mother, she choose to celebrate her day with a simple gathering. Kami-kami lang at wala ng iba. Though, kakaiba dahil hindi kami kumpleto but we tried our best na hindi muna maging emosyonal sa ngayon. 

We been fighting our own battles in different way, minsan akala natin okay lang na mag-isa tayo, na kaya nating magawan ang lahat ng bagay na mag isa 'cause we're trying to be a tough person! Pero sa huli- madaming tunay na taong nagmamalasakit sa atin. 

Muli ko na namang narinig na pumiyok si Alexis sa pagkanta kaya naman ay nagtawanan nalang kami. Tuloy pa rin ang paghahanap namin kay Ezra, kung nasaan man s'ya ngayon ay sana maayos lang s'ya. 

Kahit pa zero percent ang possibility na makaligtas s'ya doon sa pagsabog ay wala kaming pakialam, walang makakapigil sa amin para hanapin s'ya ng paulit-ulit. Hindi namin s'ya susukuan! Nagawa nga n'yang tiisin at itapon ang sariling pangarap para lang mahanap si Chase ng mahigit sampung taon eh. 

"Tangina, videohan n'yo nga ang gagong iyan para walang maitatanggi sa atin iyan kapag nahimasmasan!" Natatawa namang saad ni Flare na ikina ngisi ko. 

Masyado pa namang magaling mag deny si Alexis, kaya naman ay kumuha ng camera si Zack at itinapat iyon sa direksyon ni Alexis na talaga namang palong-palo sa pag kanta. 

"Don't tell me that your love is gone

That your love is gone

That your love is gone

I know this isn't easy (easy)

That your love is gone!"

"Kakanuod na n'ya iyan ng Korean drama!" Sabat naman ni Dia na girlfriend ni Alexis. 

Todo deny pa ang gagong Alexis na iyon na wala raw s'yang gusto kay Dia pero tingnan mo naman ngayon! Sila pa nga. 

Nang matapos kumanta si Alexis ay pumunta naman si mommy sa harap upang maghiwa ng cake. We even sing for her at bahagya s'yang ngumiti. Alam kong kahit pilit na itago ni mom ang lungkot at sakit na nararamdaman n'ya ay hindi iyon basta nalang mawawala. 

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday our dear Queen happy birthday to you!" 

Nagpalakpakan kami at tsaka s'ya muling ngumiti. 

"I wish and I pray to God na sana ay mahanap na natin si Ezra!" Naluluha nitong sabi pero nakuha pa ding ngumiti. 

Sabay-sabay kaming nag thumps up sa narinig. We are praying that too mom! And I know mangyayari iyon! 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.