Chapter 52

Justin's POV

"Calliope!"

Sigaw ko ng makita itong naka impake na ang mga gamit. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at alam kong hanggang ngayon ay patuloy niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa mga nangyayari. 

"Leave me alone, Justin." Malamig nitong sabi at nagpatuloy sa pag hila ng maleta niya. 

Pero hindi ko siya hahayaang umalis, hinding-hindi ako papayag. Walang may gusto ng nangyari at kahit ako ay nasasaktan dahil sa nangyari kay Captain! She's my best friend, and it's painful that she bid a goodbye to us that we know she'll never come back! 

"Shuta naman Cal, why are you doing this?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. 

Oo, tulad nga ng sinabi nila ibang-iba na ako ngayon at hindi na tulad ng dati. Maging si papanay nagulat ng ipakilala ko si Calliope bilang girlfriend ko. Everything went fast, siguro na ako sa kaniya. Natakot lang naman ako noong una dahil baka masaktan ulit ako. 

"It's all my fault! I wasn't dumb and stupid that time baka kasama natin si Ezra! Baka hindi niya nagawang magpa iwan at nagawan pa natin ng paraan. I ruined the planned and everything!" Umiiyak nitong sabi. 

Agad ko itong niyakap, sobrang sakit makita na nagkakaganito siya. Wala namang naninisi sa kaniya, the Mendivel family didn't say anything. At mas lalong wala silang sinisisi sa nangyari. 

But Calliope still blaming herself that it's all her fault, even it's not. She's still undergoing a therapy that can help her. Ang sabi ng therapist na nakilala namin ay masyado siyang naapektuhan sa pagkawala ni Ezra, at hindi nito matanggap ang nangyari. 

"Calliope, listen. Walang may gusto no'ng nangyari okay? At kung kasama man natin si Captain hinding-hindi ka niya sisisihin. I know her that much, never siyang nanisi ng iba kahit anong kalabasan ng plano. Please.. don't hurt yourself this way hon.." pag aalo ko rito. 

Umiiyak lang siya habang yakap-yakap ko. The last time na hindi ko siya nabantayan muli na naman siyang na admit sa ospital dahil naisip niyang laslasin ang pulso niya. 

"I don't want to live anymore.."

Nasasaktan akong makita siyang ganito. Even Odyssey can't handle her. Every now and then hindi na siya lumalabas ng bahay at madalas mag kulong sa kwarto. 

"Don't say that hon. Remember? I promise to you that I'm gonna marry soonest! Hindi ka na maiingit sa ibang may pamilya dahil ibibigay ko sayo iyon. Kapag nawala ka..paano ako? Paano ako Calliope?" Hindi ko na napigilang maluha habang sinasabi sa kaniya ang mga salitang iyon. 

It's true that I want to build a family with her. Dati akala ko never na itong mangyayari dahil binago ko ang sarili kong pagkatao. But seeing myself loving her, it's a real happiness. 

Akala nga ni papa pinipilit ko lang ang sarili ko para matuwa siya but no! This is what I really want. 

"I'm such a disgrace..nakakahiya ako Justin!" Umiiyak nitong sabi. 

Paulit-ulit akong umiling sa sinabi niyang iyon. 

She's scared. Natatakot siyang husgahan ng iba, natatakot siya sa maririnig niya mula sa pamilya ni Captain Sierra and of course..She can't even face Nexus. 

"Don't say that, you know what? Don't matter what they'll gonna say about yourself. The real battle is you and yourself honey. You are worth it, you are more than what you think. At alam kong iyon din ang nakikita ng iba.." pag aalo ko rito. 

Paonti-onti siyang kumalma. 

Hindi ako mag sasawang samahan siya sa lahat ng hirap na pag dadaanan niya, kahit ayawan pa siya ng lahat mananatili akong sa kaniya. 

Humarap siya sa akin at pinunasan ang luha sa aking pisngi, bahagya akong ngumiti sa kaniya at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. 

"I love you..., Thank you so much honey.." aniya. 

Agad ko siyang hinarap sa akin habang hawak ang magkabilang pisngi niya, pinunasan kong muli ang luha sa mga mata niya at tsaka muling ngumiti. 

"You have to see your brother, he missed you so much honey. Even them, you should see them. They are so worried about you.." mahinahon kong saad at saglit siyang natigilan na para bang nag iisip. 

"Hindi kaya-"

"Hon, you should have confirm it to yourself na hindi sila galit or nag iisip ng masamang bagay tungkol sayo." Saad ko at marahan siyang tumango at sumang ayon sa sinabi ko. 

Matapos naming kumain ay ako na mismo ang nag ligpit ng mga pinag kainan, wala ang mga katulong dito dahil pinag bakasyon ni Calliope. Ayaw niyang may ibang kasama sa bahay kaya iyon ang naging desisyon niya. 

Nang matapos kong hugasan ang pinag kainan ay naabutan ko si Calliope na seryosong nakaupo at parang malalim ang iniisip, ni hindi nga niya namalayan ang pag lapit ko sa kaniya. 

"Hon?" Tawag ko rito pero nakatulala parin siya. 

Kaya naman ay agad kong hinawakan ang balikat niya at tsaka siya gulat na tumingin sa akin. 

"H-Hon.."

"Let's go?" Saad ko at inilahad ang kamay sa kaniya. 

Agad naman niya itong hinawakan at tumayo. She's nervous, kaya mas hinigpitan ko ang pag hawak sa kamay niya. 

"Where are we going?" Kalmado niyang tanong habang nakasilip lang sa labas ng bintana. 

Hawak ko parin ang kamay niya kahit na nag da-drive ako ng kotse. 

"Sa bahay ni Captain.." marahan kong saad at naramdaman kong ang bahagyang pag galaw ng kamay niya.

"Odyssey is there too."

Dahil hindi naman traffic ay mabilis lang kaming nakarating sa Mendivel residence, they owned everything about here in this place. Iba rin iyong mansyong napuntahan ko na tinatago pa ni Captain ang real identity sa family niya. 

The wealth of Mendivel's family is not a joke, they have a lot of business here in Philippines even in the other countries. Kaya naman noon hindi magkanda ugaga si Captain sa mga negosyo nila habang ginagampanan naman ang pagiging Captain sa organisasyon. 

"No matter what will happen today, I will stand by you Cal. You got me honey!" Pag papalakas ko ng loob niya at tuluyan na siyang ngumiti. 

She's a good woman. Wala akong masabi, I never thought na maiinlove ako sa kaniya. Noong college days namin may girlfriend ako noon, but no one knows about my relationship with my ex-girlfriend 'cause she wanted it secretly. 

She's a famous model, kaya naman literal na patago ang naging relasyon namin. At sa panahon ding iyon ay umamin sa akin si Calliope na gusto niya ako. At first I thought it was just a big joke but she's really serious that time, to the point na halos siya na ang nang liligaw sa akin. 

Hindi ko din alam noon na kapatid niya si Ody, hindi naman kasi same school na pinapasukan kaya wala akong alam tungkol sa family history niya or something. Basta ang focus ko lang noon ay si Ysabelle. Ang naging first girlfriend ko. 

I rejected Calliope many times back then hanggang sa wala na akong naging balita sa kaniya, and then Ysabelle got pregnant by her colleague back then at ako na mismo ang bumitaw sa relasyon namin. 

Sa sobrang takot kong mag mahal noon, binago ko ang sarili ko. Naisip ko baka lalaki talaga ang para sa akin kaya naman nag bakla nalang ako. Unexpectedly, my father sent me to Black Crystal Revolution para may chance pang maituwid ang pagiging bakla ko. 

Nang makita ko ulit si Calliope nag bago lahat. Akala ko kasi talagang naging bakla na ako, iyon pala siya ang mag babalik sa dating ako. I am her first love, hindi man siya ang una kong minahal pero siya ang babaeng huli kong makakasama sa buhay ko!

"Calliope? Is that you hija?..,"

Bahagya siyang napahinto ng makita si tita Emerald. Agad siya nitong nilapitan at mahigpit na niyakap. Ngumiti naman ako at masaya silang pinapanuod. 

"How are you hija? The last time I saw you nasa ospital ka! Okay ka na ba ngayon?" Bakas ang pag aalala sa mukha ni tita Emerald habang hawak sa dalawang kamay si Calliope. 

Bago pa makasagot ay agad na tumulo ang luha niya, maging ako ay nataranta pero nanatili akong nakatayo. 

"I'm.. I'm so sorry tita Emerald.." umiiyak na sabi ni Calliope at nag taka naman ito sa narinig at agad na tumingin sa akin. 

"Hey? You don't have to say sorry for something that isn't your fault. There's a reason for all of this. Kahit anong mangyari wala akong sisisihin. Naging mabuti kayo kay Ezra, and I know that she's very proud and happy for you Calliope!" May lungkot man sa mga mata ay pinanatili nitong masigla ang boses. 

Agad niya kaming inayang pumasok sa loob, agad nila kaming napansin at mabilis na lumapit si Odyssey sa amin. Mabilis nitong niyakap ang kapatid dahil halos buwan din ang lumipas at hindi sila nagkita at nakakapag usap ng maayos. 

"Anyway, wala ata yung apat?" Nag tatakang tanong ni Cody at tama siya dahil wala sila dito. 

"Don't worry about them, ang sabi nila ay hahanapin lang nila si Nexus dahil gusto nila siyang makausap. They might be worried about him too.." sagot ni Odyssey at naupo kami sa may bakanteng sofa. 

"He's hurt for sure, we all know kung gaano niya kamahal si Ezra. Everything is perfect but because of that incident Ezra's disappearance really affect him that much." Seryosong saad naman ni Shan. 

Napansin ko ring mukhang mas nag matured na si Cody, kung dati puro kalokohan ang nasa isip niya ngayon ibang-iba na. He's a grown up man now at alam ko na kung nandito man si Ezra ay magiging proud siya sa kapatid. 

Hindi man siya showy but he cared a lot to her. Dinadaan niya lang sa kalokohan lahat pero alam kong mahal na mahal niya si Ezra. The day that incident I saw how hurt he was. The whole family of Mendivel was in hurt! 

"Chase!" Tawag ko rito ng makitang kakarating lang niya kasama si Marthinie. 

Agad itong lumapit sa amin at bahagyang ngumiti. 

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila. 

"We're doing great, malapit ng matapos yung therapy ko. I hope na maging okay na magkaroon na din ng progress yung pag hahanap natin kay Ezra.." nakita ko ang bahagya niyang pag lungkot kaya naman ay tango ang itinugon ko dito. 

"Anyway, mom and dad. Ngayon mag rereport sa atin yung mga private investigators na kinuha natin." Sabi naman ni Cody. 

Ilang oras lang ay dumating rin sina Commander Nazi at Mr. Alvazar. Maging si Platinum ay kasama din nila, at halos kasabayan lang din nilang dumating ang sampung private investigators. 

"Anong balita sa pag hahanap niyo?" Agad na tanong ni tito Patrick sa mga ito. 

Lahat kami ay nasa kanila ang atensyon, nakatingin lang kami at nag hihintay sa mga magiging sagot nila. 

"I am sorry to disappoint you Mr. Mendivel, we searched the whole area pero wala kaming mahanap na kahit bakas man lang ni Miss Ezra." 

"Nag hanap na rin po ako sa ibang lugar na posibleng mapuntahan niya pero wala din po akong nahanap."

"Maging ang mga pulis ay wala paring alam tungkol dito, maari nila itong i-case closed kung hindi pa rin mahahanap ang anak niyo Mr. and Mrs. Mendivel."

I'm a bit disappointed, maging kami sa organisasyon ay wala ring usad sa pag hahanap. Halos hindi na nga matulog si Lance sa pag hahanap. Ganoon din ang iba pa. 

"We will update you soonest Mr. Mendivel kapag may iba pa kaming nalaman or may ideya na kami kung sakaling may mahanap kaming makakapag turo sa kaniya." Saad naman ng isa pa. 

Sabay-sabay itong umalis, naiwan kaming lahat na tahimik at tulala. Alam kong pati si Nexus ay kumikilos din para sa bagay na ito. Siya iyong tipong hindi basta susuko lalo na sa ganitong bagay. 

Buhay niya si Captain Ezra kaya naman, kahit wala ng porsiyento sa pag hahanap na 'to hindi siya susuko. Hinding-hindi niya susukuan si Captain Sierra kahit pa anong mangyari.

Kahit pa walang maniwala sa kaniya o sumuporta ay alam kong ipagpalatuloy niya parin iyon para sa babaeng matagal na niyang minahal. 

"We will never get tired of searching for her, not this time.." saad ni Calliope kaya naman mas hinigpitan ko ang pag hawak sa kamay niya. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.