Chapter 53

Janina's POV

Mahigit tatlong buwan ng hindi umuuwi dito si sir Nexus, noong nandito pa siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag lasing hanggang sa makatulog siya at mapagod kakaiyak. HIndi ko rin maintindihan kung bakit ba masyado siyang apektado sa pagkamatay ng Ezra na iyon! 

Like duh! Ang dami pa kayang babae sa mundo, at isa pa baka mas lalo lang siyang mapahamak kapag kasama niya ang babaeng iyon. 

Matapos din niyang hind mag pakita ay pinabalik kami sa mansyon ng pamilyang Atkinson, at kahapon ay sinabi ni ma'am Aviana, ang nakakatandang kapatid ni sir Nexus na pinapalinis nito ang bahay nila ng asawang niyang si Ezra. 

"Nandito naman kasi ako! kayang-kaya ko siyang pasayahin at ibigay ang lahat sa kaniya." bulong kong saad habang inis na pinupunasan ang picture frame nilang mag asawa. 

"Janina, aba'y mukhang pinanggigigilan mo ata iyang piktyur ni sir Nexus at ma'am Ezra?" 

Bahagya naman akong napairap ng marinig ang sinabi ng bagong kasamahan kong ktulong at siya ang kasama ko ritong pinabalik. 

"Hindi naman ho aling Cheding..." malumanay kong saad at marahang ibinalik sa dating pwesto ang frame na pinunasan ko. 

Mas lumapit ang matanda sa pwesto ko at tsaka tumingin sa litrato ni sir Nexus. 

"Talagang napaka gwapong lalaki nitong si sir Nexus ano? Bagay na bagay sila ni ma'am Ezra! sayang lang at nabyudo siya kaagad!" 

Hindi ko na maiwasang hindi mapairap dahil sa narinig, so isa pala siya sa mga supporters ng lovelife ni sir Nexus at ng babaeng iyon? Tsk. Di hamak na mas bagay ako kay sir Nexus! 

"Alam mo, hindi safe si sir Nexus sa asawa niya. Masyado silang mapanganib ano!" Komento ko at nilagpasan siya. 

"Naku, Janina. Ang dami na kayang humahanga kay ma'am Ezra! Ang tapang niya at ang galing galing pa! Biruin mo galing pala siya sa mayamang pamilya. Aba kung ako iyong biniyayayaan ng ganoon na kagandahan aba'y mag aartista nalang ako o kaya naman magmo model nalang!" 

"Ang kaso..hindi ka naman nabiyayaan ng ganoon kaya atupagin mo nalang iyong mga bibilhin sa grocery at mag papaiwan ako rito!" 

Nakasimangot naman itong umalis sa harap ko at tsaka ako naupo sa napaka laking at malambot na sofa. Naiimagine ko na agad kung ako ang nakatira dito! Mag bubuhay reyna talaga ako lalo na kung si sir Nexus ang magiging asawa ko! 

Mali, hindi ko na pala siya dapat tawaging sir. Wala namang malinkung first name basis kaming dalawa diba? Wala na siyang asawa at wala ng nagpapa saya sa kaniya at willing akong gawin iyon! 

Single na siya at single rin naman ako, wala masama kung magiging kami. At tsaka matagal ko ng kilala si Nexus. Mula teenager ako at ngayong ganap na talagang isang babae ay siya lang ang hinahangaan ko. Siya lang at wala ng iba pa. 

Grabe ang saya ko kapag nakikita ko siya, napaka bait ni sir Nexus. May kasungitan nga lang pero alam kong kayang kaya kong tunawin ang yelo na naka balot sa puso niya. 

Agad akong napatayo ng marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Agad kong inayos ang sarili ko at nag lagay ng pulbo sa mukha at pati na ng kaonting lipstick sa labi. Dinukot ko rin ang pabango sa mukha at in-spray ko sa buong katawan! 

Kailangan mag mukha akong presentable at maganda, mukhang matutuloy ang napaka ganda kong plano na sana noon ko pa ginawa. Sorry nalang sa iba pang babaeng nababaliw kay Nexus pero nakaka sigurado akong magiging akin siya ngayon! 

"Hi sir Nexus!" Nakangiti kong bati dito ng makita ko siyang naka baba na pala sa sasakyan niya. 

Agad akong ngumiti ng tumingin ito sa akin at binitbit ang bag na kinuha niya sa compartment ng sasakyan. Sobrang gwapo nito sa suot na tuxedo, well..mukhang mas may igagwapo pa siya kapag wala ng damit! 

"Kung wala ka ng gagawin pwede ka ng umuwi.."

Agad siyang pumasok sa loob kaya naman napa simangot ako sa narinig, ako? Uuwi? Tsk, never! Mas gugustuhin ko pang landiin siya ngayon para matupad na ang mga plano ko! 

Kaya naman dali-dali akong sumunod sa kaniya sa loob, naupo siya sa sofa at agad na binuksan ang laptop niya kaya bahagya kong binaba ang suot kong off-shoulder na damit! 

Oo! Off-shoulder ang suot ko dahil hindi naman talaga dapat ako mag tatagal dito. Nag bilin na rin si ma'am Aviana sa amin na hindi dapat kami maabutan ni Nexus! Pero alam kong never siyang magagalit sa akin. 

"Ah..sir Nexus? Gusto niyo ba ipag timpla ko kayo ng kape?" Nilambingan ko ang boses ko para naman talagang bibigay siya sa gagawin ko! 

"Alright, black coffee without sugar will do.."

Nadismaya ako dahil ni hindi man lang niya ako nakuhang tapunan ng tingin! Kaya kahit may inis akong nararamdaman ay agad akong pumunta sa coffee maker para gawan siya ng kape. 

"Bibigay ka rin sa akin Nexus.." malandi kong aaad habang inilalagay sa tasa ang kape. 

Agad ko itong dinala sa kaniya at dahan-dahan kong inilagay iyon sa lamesa, medyo mababa ang lamesa kaya kailangan kong bahagyang tumuwad na pabor na pabor sa akin! 

"Ito na ang kape niyo sir.." saad ko pero hindi pa rin inaalis ang pagkaka hawak sa tasa. 

Dahan-dahan akong tumayo at tsaka lang siya tumingin sa kapeng inilapag ko! Tsk. Sayang at hindi man lang niya nasalip ang cleavage ko! Handa kong ibigay ang katawan ko basta siya naman ang pag bibigyan ko! Kahit sino ata mababaliw sa kagwapuhang taglay ni Nexus! 

Nanatili akong nakatayo at nakamasid sa bawat ginagawa niya hanggang sa inumin na niya ang kapeng ginawa ko, hindi ko alam kung masarap ba iyon dahil hindi naman ako mahilig sa kape, lalo na sa black coffee na iyan! Baka hindi pa ako makatulog kapag tumikim ako ng ganiyan! 

Siyempre iba naman ang gusto kong tikman eh, walang iba kundi ang lalaking nasa harapan ko! Wala akong ibang ginawa kundi ang magpapansin sa kaniya, lahat ata ng gusto niya ay inaalam ko! 

Naalala ko rin dati ng matoka ako sa pag lalaba ng damit ni Nexus dahil nagkasakit yung labandera sa mansyon, talaga namang nanlalaki ang mga mata ko ng makita iyong mga underwear niya! Daks! 

"Do you have anything to say?"

Napapitlag ako ng marinig siyang mag salita at kunot noong nakatingin sa akin. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga titig niya! Pakiramdam ko wala ng garter ang panty ko at willing ng dumaodus pababa! Kaloka. 

"Ah..kasi sir..may gusto po akong sabihin sayo.." mahina kong saad at agad na naupo sa tabi niya. 

Bahagya ko pang kinagat ang pang ibabang labi para naman mas lalo siyang maakit sa 'kin! 

"Spill it.." aniya. 

Ibinalik niya ang tingin sa laptop kaya naman bahagya akong umusod sa tabi niya. Naramdaman ko ang matigas na muscles niya kaya naman halos kiligin na ako ng bongga! Napaka bango pa at talaga namang mapapa tulo ang laway ko anytime! 

"Kasi sir..matagal na kitang gusto!"

Hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa at lantaran kong sinabi sa kaniya kung ano ang tunay kong nararamdaman. Alam kong kaya niya rin akong mahalin, kahit kailan alam kong never na naging matapobre si Nexus. Kaya hindi hadlang ang pagiging mahirap ko sa sitwasyon na ito! 

"What?" Halos hindi ito makapaniwala sa narinig at nakuha pang tumingin sa akin.

Agad kong hinablot ang braso niya at mas idinikit ang cleavage ko, bahagya akong ngumiti para naman mas lalo siyang madala sa ginagawa ko. 

"Ang sabi ko gusto kita! Gustong-gusto kita Nexus! Matagal na..una-"

"The heck you're doing!?" Angil nito at agad na binawi ang sariling braso. 

Bahagya siyang umatras at mabilis na isinarado ang laptop. 

"Alam kong gusto mo iyon, handa akong ibigay sayo ang lahat Nexus! Wala ka ng asawa ngayon kaya kailangan mo ng babaeng mag aalaga sayo!" Naluluha kong sabi pero nakuha kong ngumiti. 

Unti-onting nawala ang mga ngiti ko sa labi ng pagak itong natawa, tawang may halong pang iinsulto. Ngumisi ito sa akin bago nag salita at hinubad ang suot na salamin kaya naman kitang-kita ko ang silver nitong mga mata. 

"And do you really think na papatulan kita? No one gonna ever love a selfish bitch like you! You will never ever gonna replace my wife! No one gonna replace her! Let me tell you this slut! I'm into her, at kung hindi lang din naman si Ezra..wag na!" Saad nito at tsaka tumayo. 

Naiyak naman ako sa narinig mula sa kanya. Agad kong hinawakan ang kamay niya at lumuhod. 

"G-Gagawin ko lahat Nexus! Sabihin mo lang please! Alam kong naguguluhan ka lang at masyado mo lang iniisip yung asawa mong walang kwenta!..mahal.. AaacKkk!" 

Napahawak ako sa mga braso ni Nexus ng sakalin ako nito. Nanlalaki ang mga mata ko sa nangyayari at nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Naipaladyak ko na rin ang mga paa ko dahil talaga hindi na ako nakakahinga! 

"Disrespecting my wife and coffin will be your bed for the rest of you life, slut!" 

Kitang-kita ko ang mga galit sa mata niya at marahas niya akong binitawan. Naubo ako sa sobrang sakit ng leeg ko kaya mas lalo akong naiyak sa nangyayari. 

Gusto ko lang namang pasayahin siya! Ang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya tapos eto pa ang makukuha ko?! Napaka unfair naman ata no'n sa akin, sa parte ko! Hindi ako papayag na hindi siya magiging akin! 

Winaksi nito ang kamay kong nakahawak sa kaniya kaya naman tuluyan akong natumba sa sahig. Iyak ako ng iyak ng makita kong aalis na naman ito kaya mabilis ko siyang hinabol kung saan man niya balak pumunta! 

Hinding-hindi ko siya papatakasin! Akin lang siya! Akin lang si Nexus! Napaka tagal na panahon ko 'tong hinintay, matagal na panahon ko itong pinag handaan tapos ano? Dahil lang sa sakal ay titigil ako?! Hindi! 

"Nexus! Gawin mo lahat ng gusto mo sa 'kin! Kahit pa anakan mo 'ko ay handa kong tanggapin iyon! Basta maging akin ka lang! Basta mamahalin mo ako pabalik ay ayos na sa akin iyon!" Sigaw ko. 

Huminto ito sa pag lalakad at dahan-dahang humarap sa akin. Tumitig ito sa akin mula ulo hanggang paa at dahan-dahang nag lakad papunta sa direksyon ko. Napawi ang takot ko at agad na ngumiti ako para ipakita sa kaniya kung gaano ako kahandang tanggapin siya! Ako lang ang babaeng mamahalin siya ng ganito at wala ng iba pa! 

"Sigurado ka ba? Gusto mong gawin ko ang lahat ng gusto ko? Gusto mong gamitin kita?" Paniguradong tanong nito kaya mabilis akong tumango. 

Mas lalo akong nakaramdam ng excitement! Mukhang naging successful ako sa plano kong gawin! Alam kong bibigay siya sa akin tulad ng matagal ko ng alam.

Baka matagal na niya akong gusto pero tinatago niya lang, baka natatakot lang siya sa mga sasabihin ng iba tungkol sa akin kaya ginamit niya ang Ezra na iyon para makalimutan ako! 

"Kahit ano pang gusto mo Nexus..kahit ano pa iyon! Ganiyan kita kamahal, mahal na mahal kita at wala ng makaka higit sa pag mamahal ko sayo! Una palang kitang nakita alam kong totoong pag-ibig na itong nararamdaman ko! At alam kong darating ang panahong ito na magiging tayo! Sabik na sabik ako sa 'iyo Nexus! Sisiguraduhin kong gabi-gabing iinit ang mag damag natin! Wala akong sasayanging oras kapag magkasama tayong dalawa! Kaya handa akong ibigay ang lahat ng meron ako! Ganyan kita kamahal!" Nakangiti kong sabi at agad niyang hinaplos ang pisngi ko kaya aagad akong napapikit. 

"Aray!" 

Naubo ako ng may kasamang dugo matapos niya akong hatakin sa buhok at inuntok sa pader! Ramdam ko ang pag lubog ng isang pisngi ko kaya mas lalo akong napaiyak! 

Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko ng makita ko ang hawak nitong baril! Ikinasa niya iyon at mabilis na itinutok! Sa akin na kinailing ko! 

"Die bitch!"

Matapos niyang sabihin iyon ay walang alinlangan niyang kinalabit ang gatilyo at ni hindi man lang kumurap ang mga mata niya sa ginawa sa akin. Mabilis akong natumba at nanatiling nakatingin sa kaniya. 

Madilim ang aura nitong nakatingin sa akin. 

"Mamatay ka na!"

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.