"Belen! Mas mabuti pang dalhin na natin siya sa ospital!" May halong galit na sa boses ng aking asawa habang nakatingin ito sa babaeng nakahiga sa aming katre ng kama.
Ilang buwan na rin simula ng makita namin siyang mag asawa sa dalampasigan, noong una ay akala namin patay na siya. Pero nagulat kaming dalawa ng makitang humihinga pa ito pero wala nga lang malay!
"Aba'y mag isip ka nga Rogelio! Napaka raming tao sa lungsod! Wala din tayong sariling sasakyan at kailangan pa nating sumakay ng bangka. Napaka hirap ng sitwasyon natin!" Angil ko dito at naupo sa kinahihigaan ng babae.
Tinitigan ko ito at araw-araw ay ako ang nag aalaga sa kaniya. Umaasa akong gigising siya at makakausap naming mag asawa pero simula ng makita namin siya at dalhin dito ay hindi pa ito nagkaka malay.
Wala ding ospital o mga doctor dito sa lugar namin, tanging mga mang hihilot lang at iyong mga albularyo!
"Baka may nag hahanap na sa kaniya, hindi natin alam kung ano bang nangyari sa kaniya at napadpad siya dito sa isla!" Saad ng aking asawa at tulad ko ay pinag masdan niya rin ito.
Kung titingnan ay para lang itong mahimbing na natutulog, mabuti nalang at epektibo ang mga gamit na pinabili ko kay Rogelio sa bayan. Mukha siyang anak mayaman dahil napaka kinis ng balat nito at napaka gandang babae.
Hindi naman kami maka panuod ng telebisyon dahil walang kuryente dito at ni selpon ay wala rin dahil mahina ang signal, iyon ang sabi ng ilang dumadayo dito na galing siyudad!
"Napaka ganda niyang babae Rogelio! Kapag kuwa'y sa atin na lamang siya!" Nakangiti kong saad na agad namang kinaalma ng aking butihing asawa.
"Hindi maaari iyang gusto mo Belen! Paano kapag may pamilya palang nag hahanap sa kaniya? Aba'y mamaya niyan makasuhan pa tayo!"
Napalabi naman ako sa narinig, palagi nalang siyang kumukontra sa lahat ng sinasabi ko! Gusto ko lanlangg ulit maranasan ang maging isang ina, isa na nga ang ibinigay sa akin nawala pa!
"Masama bang pangarapin kong muli na maranasan ang maging isang ina? Sobrang nangulila ako noon sa anak natin Rogelio! At ngayong may pagkakataon na akonay hindi ko na papaglapasin ito!" Sigaw ko sa kaniya.
"S-Sino kayo!"
Bahagya kaming napalayo ni Rogelio sa gulat ng makitang gising na pala ang babaeng nakita namin sa dalampasigan, mukha itong naguguluhan at hindi ko malaman kung bakit.
Akmang lalapitan ko ito ng mabilis niyang hinawi ang mga kamay ko ng hahawakan ko na siya.
"Ang sabi ko sino kayo?! S-Sino.. S-Sino ako?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napatingin ako kay Rogelio at halatang nagulat din ito.
"T-Teka..wala..wala kang naaalala ganoon ba?" Tanong ko rito.
Mabilis itong tumango habang palipat-lipat ang tingin sa aming mag asawa kaya naman ay ito na ang pagkakataon ko.
"Ihahatid-"
Agad kong itinulak sa likuran ko si Rogelio at mabilis na lumapit sa babae. Hinawakan ko siya sa dalawang kamay at bahagyang ngumiti.
"Kami..kami ang mga magulang mo! Naaksidente ka kaya..kaya naman wala kang maalala!" Saad ko at mabilis ko siyang niyakap.
Wala itong naging imik sa narinig, nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ng aking asawa at mabilis ako nitong hinatak papalabas ng kwarto.
"Ano bang pinag sasasabi mo belen?!" Mahinang saad nito pero halatang pinigilan lang ang galit.
Winaksi ko naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at galit siyang tiningnan.
"Wag ka ng kumontra pa Rogelio! Andiyan na iyan eh, at isa pa hindi ko naman siya aakuin ng buong buhay niya! Hihiramin ko lang siya-"
"Ano? Hihiramin?! Bakit ano bang akala mo sa kaniya laruan?!"
Napailing nalang ako sa narinig at inis na tiningnan siya.
"Manahimik ka nalang Rogelio! Dahil kung hindi ay hihiwalayan talaga kita!"
Agad akong nag martsa papasok sa kwarto at naabutan ko siyang nangalumbaba at mukhang malalim ang iniisip.
"Anak, anong nararamdaman mo ngayon? Gusto mo bang kumain? Nag luto ako ng adobong sitaw! Kakapitas ko lang ng sitaw kaninang umaga!" Masigla kong sabi at tinabihan siya.
"Hindi ko alam..hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman."
Napalunok naman ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Alam kong marami siyang katanungan pero wala din naman akong maisasagot sa kaniya!
"Naiintindihan kita anak. Ganiyan talaga iyan pero masasanay ka rin ha? Ang sabi nong gumamot sayo ay magiging maayos rin daw ang kalagayan mo.." malumanay kong saad.
Tumango naman ito bilang tugon sa sinabi ko. Kinakabahan rin ako dahil baka mahalata niyang nag sisinungaling lamang ako. Baka bigla nalang siyang umalis o lumayo. Ayokong mabigo na naman ako sa pagiging ina ko.
Bilang isang babae napaka halagang bagay na mag dalang tao ka at mag silang ng isang sanggol na magiging dahilan ng saya sa buhay mo.
Noon, akala ko ang asawa na ang pinaka importante sa lahat! Pero hindi..dahil kaya kong iwanan ang asawa ko pero wag lang ang sarili kong anak.
"Sino ba talaga ako?"
"Anak, ikaw si..."
"Wag kang maniniwala sa kaniya! Hindi ka namin anak! Matagal ng namatay ang tunay naming anak! Nakita ka namin sa dalampasigan at dinala dito para tulungan!"
Nanlaki ang nga mata ko sa biglang pag sulpot ni Rogelio! Mabilis akong umiyak dahil sa narinig! Bakit ba ayaw niya akong sumaya?! Iyon lang naman ang gusto ko ah!
"Wag kang maniwala sa kaniya! Ikaw ang anak ko! Ikaw si Gemma!" Umiiyak kong saad at nanatili lang itong tahimik.
Hindi ko alam ang iniisip niya sa mga oras na ito pero..
"Alam ko namang nag sisinungaling ka." Bulong nito sa akin ng yakapin ko siya kaya dahan-dahan akong kumalas sa pag yakap sa kaniya.
"Paanong.."
"Iba ang kulay ng balat ko sa inyong dalawa..isa pa, nararamdaman ko ring may hindi kayo sinasabi sa akin noong nag usap kayong dalawa sa labas." Mahinahon nitong sabi kaya mas lalo akong naiyak.
Bakit ba palagi nalang akong pinagkakaitan ng mundo?! Bakit ba palagi nalang ako itong pinapahirapan ng ganito.
Narinig ko rin ang pag iyak ni Rogelio kaya agad akong lumapit sa kaniya at yumakap. Masyado akong nilamon ng kagustuhan kong maranasang maging isang ina muli.
Nakalimutan kong nandito pa ang asawa ko na dinadamayan ako sa lahat ng oras.
"Patawarin mo sana kami kung nagawa naming mag sinungaling sa iyo..ninais ko lang maranasang maging isang ina sa pagkakataong ito. Pero tama ang asawa ko, hindi ka dapat naming angkinin."
Hindi man maluwag sa puso ko ang mga katagang iyon pero kailangan kong tanggapin. Ang tunay na isang ina ay marunong mag paraya, marunong tumanggap ng katangian at higit sa lahat ang mag tuturo ng tama.
"Mananatili ho muna ako rito hangga't wala pa akong naaalala, maaari niyo akong maging parte ng pamilya sa maikling panahon.." bahagya siyang ngumiti sa amin kaya napatingin ako sa aking asawa.
Mas lalo akong naiyak sa narinig.
Tumayo ako at mabilis na lumapit sa kaniya. Mahigpit ko itong niyakap na maluwag sa aking kalooban.
"Salamat.. salamat kasi hindi ka nagalit sa akin..sa hindi ko pag sabi ng katotohanan sayo"
Naramdaman ko ang pag yakap nito sa akin at pag tapik sa likod ko. Mas lalo akong naluha dahil sa wakas, kahit sa ganitong paraan naiibsan ang lungkot ko.
"Ako ho dapat ang magpa salamat sa iyo, sa inyo aling Belen. Dahil inalagaan niyo ako sa panahong walang ibang makakatulong sa akin.." aniya.
Matagal na panahon na at kahit kailan ay ni minsan hindi pa ako natawag na ina..hindi kahit ang sarili kong anak. Dahil malayo kami sa siyudad ay hindi agad nagawan ng paraan ang pagka laglag ng aking anak sa sinapupunan.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa sakit na nararamdaman ko. Sakit para sa sarili ko dahil sa onti-onting pagka lason at sakit dahil sa pagka wala ng batang hindi ko pa man naisisilang sa mundo ay hindi ko na nagawang alagaan.
Wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko. Nang maisugod kami sa ospital ay halos panawan na ako ng ulirat. Kailangang maalis agad sa loob ng sinapupunan ko ang batang wala ng buhay dahil iyon ang ikamamatay ko.
Matapos akong maoperahan ay iyon na rin ang una at huling pagkakataong nag buntis ako.
Na naramdaman ko ang pagiging isang babae sa buong buhay ko. Simula noon ay palagi nalang may kulang sa akin. Palagi kong hinahanap ang anak ko, pero wala..wala na siya.
"Kumain ka ng marami ha para mabawi mo ang lakas mo!" Saad ng asawa ko at siya na mismo ang nag lagay ng pagkain sa pinggan nito.
Alam kong tulad ko ay nasasabik rin siya na maging isang ama. Ni minsan ay wala akong narinig sa kaniyang kahit na anong paninisi patungkol sa pagkawala ng anak namin.
Bagkus mas pinaramdam niya sa akin ang pag mamahal at pang unawa na kailangan ko.
"Maraming salamat maraming salamat mang Rogelio!"
Napangiti ako sa narinig at tsaka sumandok ng pagkain para sa akin. Maraming ikinukwento ang asawa ko sa tinatawag naming Gemma.
Gemma dapat ang ipapangalan ko sa sanggol na isisilang ko noon pero dahil hindi natupad iyon. Kaya pansamantala ay Gemma muna ang gagamitin niyang pangalan dahil wala naman kaming alam tungkol sa kaniya.
"Aba'y, sana maging kumportable ka sa pag tira dito anak ha? Simpleng mga pagkain lang ang naihahain namin dito." Saad ko naman.
"Ayos lang po, ang importante ay masustansya ang kinakain natin dito. Hayaan niyo po..kapag nakakaalala na ako ay isasama ko kayo para makabawi man lang ako sa mga nagawa niyo sa akin. Anim na buwan niyo akong inalagaan."
Lumipas ang mahigit isang buwan at nasanay na rin si Gemma sa pamumuhay rito. Sumasama siya sa pag punta paminsan-minsan sa siyudad. Tuwing lumalabas rin siya ay naka sumbrero at balabal ito dahil narin maprotektahan niya ang sarili niya.
Wala kaming ideya kung bakit namin siya natagpuan sa dalampasigan kaya naman malamang ay mag gustong gumawa sa kaniya ng masama.
Natuto rin siyang mamitas ng gulay, mangisda at kung anong paraan ang pamumuhay na ginagawa namin dito. Marami nga ring nag tatanong sa amin kung sino siya pero sinabi lang naming malapit na kamag anak at dito muna pansamantala.
Mabait siya at matulungin. Kapag nasa bukirin kami at nag tatanim ay siya narin ang nag aasikaso rito sa bahay. Maging ang mag pakain ng baboy, at manok ay siya na rin ang tumatapos.
"Rogelio!!" Sigaw ko ng makitang matumba ito habang nag sasalin ng tubig.
Napatakbo rin sa loob si Gemma upang tingnan kung anong nangyari. Agad niya akong dinaluhan at tinulungan mabuhat namin papunta sa kahoy na upuan si Rogelio.
"Inaatake na naman siya ng sakit!"
Saad ko kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto naming mag asawa para makakuha ng gamot na iniinom niya pero wala na akong makitang gamot!
Agad kong dinampot ang perang nakatago sa ilalim ng damit namin at mabilis na tumakbo palabas. Nakita ko ring nag aalala si Gemma kaya mabilis akong lumapit sa kanila.
"Anak? Hindi ba't kaya mo ng pumunta sa siyudad mag-isa? Ibili mo ang tatay mo nitong mga gamot na kailangan niyang inumin! Kaya siguro sinusumpong na naman siya dahil naubusan na pala ng gamot at vitamins" saad ko.
"Naku, gagastos lang kayo! Wag na. Ayos naman na ako." Sabat naman ni Rogelio.
Bigla-bigla nalang kasi siyang natutumba, kaya hindi rin pwedeng mag isa lang siya. Pero nangyayari lang naman iyon kapag hindi na siya nakakainom ng gamot na inireseta sa kaniya ng dati niyang doctor.
"Mang Rogelio, kailangan niyong makainom ng gamot. Wag niyo ng isipin ang gastos at didiskarte ako diyan bukas sa labas!" Sabi naman ni Gemma at bahagya akong napangiti.
Napaka bait talagang bata. Para siyang anghel! Ubod ng ganda at kabaitan. Napaka swerte naming mag asawa at dumating siya sa buhay namin.
"Mag iingat ka sa pag punta mo sa siyudad! Yung sumbrero at balabal mo!" Paalala ko sa kaniya at tumango naman ito bilang tugon.
Isinuot na niya ang balabal na hindi pa namin nagagamit. Kapag nag tatanim naman kasi ay damit lang ang ginagamit naming pang proteksyon sa araw. Kaya hindi na ako nag abala pang gamitin iyan, naisip kong baka may espesyal na bisita ang pumarito sa amin kaya maaari kong mapahiram iyan.
Hulog talaga siya ng langit. Sana lang at bumalik na ang ala-ala niya para makabalik siya sa pamilya niya. Paniguradong hinahanap na siya at nag aalala sila para sa kaniya.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡