Chapter 55

Gemma's POV

Kakarating ko lang dito sa siyudad at medyo maraming tao dahil ngayon kasi ang araw ng fiesta rito. Sa tinagal ko dito ay mabilis ko lang nakabisado ang buong lugar at kaagad na nakapag adjust sa pamumuhay nila. 

Sobrang laking pasasalamat ko dahil nandiyan sina Mang Rogelio at aling Belen para alagaan ako. Utang ko sa kanila ang buhay ko dahil nakuha nilang tulungan ako kahit na kinukulang pa ang pang kain nila sa araw-araw. 

Bagama't wala pa akong naaalala ay nahihirapan akong alamin kung ano nga bang nangyari sa akin. Kung may pamilya pa ba ako o wala na. Iniisip ko kung ano bang buhay ko bago ako mawalan ng ala-ala. 

Dumiretso na ako sa bilihan ng gamot at medyo may kahabaan din ang pila, kaya naman ay tumingin tingin lang ako sa paligid at nag babakasaling may trabaho akong pwedeng pasukan ng makatulong man lang ako kila aling Belen. 

Napatingin naman ako sa telebisyon na nandito sa labas ng bilihan kung saan pwede kaming manuod kahit pa ang mga dumadaan. 

'Patuloy pa ring hinahanap ang nawawalang asawa ng isang sikat na businessman na si Mr. Nexus Atkinson. Maging ang pamilyang Mendivel ay hindi sumusuko sa pag hahanap sa ating tagapag ligtas na si Ezra Mendivel-Atkinson. Kung meron mang nakakaalam ng kinaroroonan niya ay agad na mag report sa ating department'

Ayan lang naman ang balita sa ngayon sa telebisyon. Wala rin akong makitang naka paskil dito sa pwede kong mapag trabahuan. Hindi naman sapat ang nagagawa ko sa isang araw para makatulong kila aling Belen at mang Rogelio. 

"Naku! Bilyon daw ang ibibigay sa makakapag turo kung nasaan ang anak ng mga Mendivel!"

Bilyon? Ganoon kalaki ang ibibigay nila sa makakapag turo? Grabe siguro ang yaman nila at handa silang mag bigay ng ganyan kalaking halaga. 

"Sinabi mo pa! Napaka swerte talaga ng makakapag bigay alam tungkol sa bagay na iyan! Isa pa, nakakaawa rin kasi ang mga Mendivel. Aba'y kagandang babae ng kanilang anak hindi ba? Biruin mo at nailigtas rin ang asawa't anak ng ating mahal na presidente!" Sabi naman ng isa pang babae. 

"Nailigtas ang anak at asawa ng presidente?" Hindi ko na napigilang makisabat at napatingin naman sila sa akin. 

"Ay Oo! Siya ang ligtas sa anak at asawa ng presidente. Hindi lang iyon! Marami na siyang nailigtas na mga tao. Kaya naman maraming nagpapa salamat sa kaniya at halos lahat din ay gustong tulungan ang pamilya niyang mahanap ito kung sakaling buhay pa nga." Pag kwento nito kaya naman ay napatango nalang ako sa narinig. 

Nang makapasok ako sa loob ng bilihan ay agad akong bumili ng gamot at lumabas. May mga libreng pagkain dito dahil fiesta. Pati nga ang mga prutas ay ipinamimigay nalang. Agad akong lumapit sa ale at kumuha ng plastik. 

Kumuha ako ng tatlong barbeque na puro laman, malaki ang stick na ginamit kaya marami ito. Inabutan din ako ng ale ng tatlong mansanas at apat na buko. Nagpasalamat ako rito bago umalis. 

Maganda talaga kapag pista dito dahil makaka libre ka sa pagkain. Kahit anong kunin mo diyan ay ayos lang. Paniguradong matutuwa sina aling Belen at mang Rogelio dito sa mga dala ko. 

Mabuti nalang at hindi sila nag tataka na may balabal ako sa mukha, uso rin kasi iyon dito lalo na kung nagbu bukid ka. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang naka balot na mga rambutan kaya kumuha rin ako non. 

Hindi naman ako nahihirapang dalhin ang mga ito, isa pa may pag lalagyan naman ako nito sa bangka. Masaya ang mga tao dito ngayon at talaga namang nagkakaisa silang lahat. 

Bibihira lang ang ganoon. 

"Diyaryo ho, baka gusto niyo!"

Napatingin ako sa batang hinirang ako sa dadaanan ko at iniabot nito sa akin ang iilang diyaryong hawak. 

Tinitigan ko muna ito bago ko napag desisyonang kunin nalang. Matapos ay nagpa tuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa dalampasigan dala ang mga libreng pagkain at prutas na ipinamahagi sa siyudad. 

Hindi naman masyadong malayo ang tatawirin ko ang problema lang ay dapat may sarili kayong bangka dahil gamit na gamit ang bangka rito lalo na sa aming nasa kabilang bahagi ng isla sa dapit bukid. 

Ang sabi ni mang Rogelio ang lugar na tinitirhan namin ay ang pinaka dulong bahagi ng isla kung saan ito ay ang pinaka tatanging bahagi. Ito lang kasi ang may bukirin. Sa siyudad naman ay nandoon ang mga pamilihan at doon lang din ang may signal. 

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si aling belen na nagka kape sa balkunahe. Agad itong tumayo ng makita ako at tinulungan sa mga bitbit ko. 

"Aba'y napaka rami mong dala ah?" Nakangiti nitong sabi kaya naman ay napangiti rin ako. 

Napaka laking tipid talaga kapag may mga ganitong pag diriwang sa siyudad. Dito kasi ay tahimik lang at tuloy parin sa pagtatrabaho ang mga mambubukid. 

"Pista ho kasi, sayang lang at hindi tayo makakapunta doon!"

Isa-isa kong inilabas ang mga dala kong pagkain at isinalin iyon sa pinggan. 

"Pasensya ka na anak ha? Aba'y kung maayos lang sana ang kalagayan ni Rogelio ay mamamasyal tayo sa siyudad." Bakas ang lungkot sa mga mata nito kaya agad ko siyang tinapik sa balikat. 

"Ano ka ba aling Belen! Ayos lang naman ho iyon, isa pa hindi lang naman pista ang idadaos sa siyudad. Marami pang ganap kaya wag na kayong malungkot!" 

Ngumiti ito sa akin at agad akong niyakap.

Napaisip ako sa kalagayan ko ngayon at kung ano nga ba ang nangyari kung bakit ako humantong sa ganito.

May pamilya pa kaya ako? Ni isa ay wala akong maalala, ultimo ang tunay kong pangalan ay hindi ko rin alam. Bagama't mabait sina aling Belen at mang Rogelio ay hindi naman pwedeng habang buhay akong nandito.  

"Rogelio! Kakain na tayo!"

Hindi dapat ako makampante sa sitwasyon ko ngayon, pinag iisipan ko ring lumuwas ng maynila. Hindi ko alam kung sasang ayunan ba ako nilang mag asawa pero bahala na. 

Ang problema nga lang, dahil sa wala akong maalala ay hindi ko rin gamay roon! Narinig ko dito sa kapit-bahay ang tungkol sa maynila na iyan. Maraming pwedeng pasyalan doob at madaming mga sasakyan, pati na rin ang mga nag tataasang building at kung anu-ano pa. 

Matapos naming kumain ay nag presinta na akong ako na ang mag liligpit ng pinag kainan. Nakakahiya naman sa kanila, nitong mga nag daang buwan paniguradong grabe ang hirap nilang mag asawa para lang maalagaan ako ng maayos. 

Nalaman ko ring nangutang pa sila para may maipambili sa mga gamot dahil sa mga sugat ko sa katawan. Hindi sapat ang kinikita nila sa pag tatanim. Hindi ko rin lubos maisip na ganito pala kahirap ang sitwasyon nila. 

Delikado din kapag nagkaroon ng baha dahil mabilis tumaas ang tubig, dahil nga malapit sa dagat ay talaga namang rinig na rinig ko ang hampas ng alon sa dagat. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag lakad ako sa buhanginan at namulot ng mga kabibe sa tabing dagat. Ang alam ng karamihan dito ay malapit na kamag-anak ako nina aling Belen at mang Rogelio. 

Simula't sapol kasi ay kilala ang mag asawa dito at tanging dalawa lamang silang nakatira sa bahay. Kaya ang iba ang nag tataka sa biglaang pag sulpot ko rito. Wala pa ding nakakakita ng mukha ko bukod kay mang Rogelio at aling Belen. 

Kailangan kong mag ingat sa ngayon, hindi ko alam kung saan man ako nanggaling pero hindi ko naman alam kung may kilala ba ako. Hindi na rin mawawala ang masasamang ugali rito sa lugar. 

Minsan kahit gusto ko ng patulan ang iba ay pinipigilan ko nalang ang sarili ko, unang-una nakakahiya sa mag asawang kinupkop ako. Ayokong madamay sila sa mga bagay na iyan, ayokong masaktan sila ng dahil lang sa kagagawan ko. 

Dahan-dahan akong nag lakad papunta sa dagat hanggang sa maramdaman kong hanggang tuhod na ang taas ng tubig na kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong pumikit at ninanamnam ang simoy ng malamig na hangin, halos araw-araw ata akong bumabalik rito at nag babakasaling may maalala man lang ako. 

Pero mukhang tulad ng kita nina aling Belen sa bukid at pangingisda ay ganoon rin ang mga alaala ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong pag susulit at hindi alam ang sagot dahil hindi ako nag aral. 

Napaka hirap dahil pakiramdam ko ay nangangapa ako sa dilim.

Araw-araw ko nalang pinag darasal na sana ay bumalik na ang alaala ko para malaman ko kung may mga tao pa ba akong dapat balikan. 

Minsan ay bigla nalang akong maiiyak sa sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko ay halo-halong emosyon ang nasa dibdib ko at matagal itong naipon kaya napaka bigat ng dalhin. 

"May naaalala ka na ba hija."

Agad akong napalingon sa likuran ng makita si aling belen. Ngumiti ito sa akin at napansin ko ang basket nitong dala. 

Agad akong pumunta sa dalampasigan at nilapitan siya. Naupo ito at binuksan ang dalang basket na nag lalaman ng saging na nilaga at may bagoong pa. May mga kamote rin at isdang pinirito. 

"Magandang umaga aling belen.." malumanay kong bati rito at naupo sa nilatag niyang tela. 

"Aba'y wala ng mas maganda pa sa umaga bukod sa iyo!" Nakangiti nitong sabi kaya naman ay bahagya akong napahawak sa ulo. 

Pakiramdam ko ay bigla nalang may kung anong kuryente ang dumaloy bigla rito at nag dulot ng sakit sa ulo ko. 

"G-Gemma? Ayos ka lang ba ha?!" 

Nanatili akong nakahawak sa ulo ko at hindi na mapigilang mapa sigaw dahil sa sobrang sakit. Nakadiin ang dalawang kamay ko sa aking sintido para hindi masyadong maramdaman ang sakit pero parang walang nangyayari. 

"S-Sobrang...sobrang sakit ng ulo ko aling Belen!" 

Sigaw ko at namimilipit na sa sakit. 

Naramdaman ko ang pagka tabig ko sa basket na dala ni aling belen pero sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na ito nagawang itayo. 

"Tulungan niyo kami!!" Sigaw ni aling Belen. 

Nanatili akong nakahiga habang nakahawak sa ulo ko. Pakiramdam ko ay papanawan ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. 

May kung ano akong nakikitang mga mukha sa isipan ko pero hindi ito malinaw! May iba't-ibang boses akong naririnig pero hindi rin ito masyadong malinaw para maintindihan ko.

"Anong nangyayari dito?!"

Narinig ko ang sigaw ni mang Rogelio. Agad akong dinaluhan ni aling belen at naramdaman ko ang pag akay nila sa akin. 

"Bigla nalang sumakit ang ulo niya Rogelio!"

Nanlalabo ang mga paningin ko at pakiramdam ko ay nanghihina rin ang mga katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Maayos naman kaming nag uusap ni aling Belen. 

"Ayan, iangat mo ang paa mo Gemma!"

Sinunod ko ang sinabi nila kahit na wala na akong kalakas lakas. Naiintindihan kong matanda na sila at wala ng kakayahang buhatin ako ng buong lakas. Kahit na hirap na hirap ay nagawa nila akong maihiga sa higaaan. 

"Kumuha ka ng tubig Rogelio!" Sigaw ni aling Belen. 

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil nahihilo lang ako tuwing ididilat ko ito. Pakiramdam ko ay bibiyakin ang ulo ko sa sobrang sakit. 

"Gemma? Sobrang sakit pa ba ng ulo mo? Kuwan..eh dadalhin ka nalang namin sa ospital!" Natatarantang sabi ng ginang sa akin kaya naman ay mabilis akong umiling bilang pag tanggi. 

"H-Hindi na ho.."

Ayokong gumastos na naman sila dahil sa akin. Napaka rami na nilang problema sa mga bayarin kaya naman ayoko ng dumagdag pa. Kung tutuusin ay napaka laki na nga ng ginastos nilang mag asawa sa akin tapos dadagdagan ko pa. 

"Aba'y ihahanda ko na ang bangka Belen!" Sigaw ni mang Rogelio sa labas. 

Tumugon naman ang ginang at mabilis ko itong hinawakan sa kamay niya.

"Wag na ho aling Belen! Mawawala rin ito.." nang hihina kong saad. 

"Baka kailangan mo ng dalhin sa ospital Gemma. Hindi na normal iyang pag sakit sa ulo mo.." naaawa nitong saad. 

Muli ko na namang ipinikit ang mga mata ko dahil may nakikita na naman akong mga mukha, ngayon mas malinaw na... kitang-kita ko na-

"Nexus..." 

Tanging nasambit ko at tuluyan ng nag dilim ang paningin ko. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.