Chapter 56

Nexus POV

It's been three years since I've searched for her but..until now still there's no avail. 

Everything has changed, simula sa kumpanya at maging sa kaniya kaniya naming pamilya. My mother and father decided to visit our relatives in Texas. While Aviana was married last year and giving birth to her first child. 

I am still longing to her presence. I am still hurt. 

"Sir, you have an appointment-"

"No, cancel all of my appointments for today." Saad ko rito at agad na tumayo at kinuha ang coat ko. 

Ang sabi ni Cody ay maya maya lang ay pupunta na doon sina Officer Almonte sa bahay nila. Kaya naman kailangan ko ring makapunta roon. Who knows diba? Baka may maganda silang ibabalita. 

"Yown! Buti naman bossing lumabas ka na sa lungga mo! Kanina pa kaya dito sa parking lot!" Nakasimangot na sabi ni Drake kaya sinamaan ko lang ito ng tingin. 

"Alam mo dapat pala nilagyan natin ng tape iyang bibig mong gunggong ka!" 

Madami pa silang asaran bago nag desisyong umalis.

Nauna na akong mag drive at hindi na pinansin ang mga kalokohan nila. I don't fucking know why they're just acting like nothing happened. 

How the fuck they can still afford to smile while me always frowning like a madman. Since the day I haven't seen her I lost my smile, I lost my life already. She's everything to me, and this fucking fate can be a bitch anytime. 

Nang makarating kami ay napansin ko agad ang dalawang sasakyan, kaya naman ay dali dali akong lumabas ng sasakyan matapos ko itong ipark.

Naabutan namin sina ang mga Mendivel kasama ang tatlong pulis at si Officer Almonte pati na ang iba pang private investigators. 

"Nexus! Mabuti naman at nakarating na kayo!"

Mukhang kanina pa sila nandito kaya naman agad akong lumapit sa kinaroroonan nina Shan at Cody. Nandito din si Dia at Justin. Pati na sina Calliope at Odyssey. 

"Is there's a new update?" Agad kong tanong at ni isa sa kanila ay halos ayaw ng sumagot sa tanong ko. 

Nakita ko rin ang pag lungkot ng ekspresiyon ng iba kaya naman muli na naman akong kinakabahan. 

"I am sorry Mr. Atkinson, but we were going to close the case-"

"WHAT?!" 

Agad akong napatayo ng marinig ang sinabi ni Officer Almonte. Hinawakan naman ako ng Cody sa braso na agad kong iniwaksi. 

"How the fuck you'll going to close this fucking case if we're still not find her?! Are you damn insane!?" Sigaw ko kaya naman napayuko ang tatlong pulis na kasama nito. 

"Man, calm down.." saad ni Shan. 

"We're just doing our duty, it's been there years pero ni isang ebidensyang buhay siya ay wala tayong nakita. Kailangan din kami ng ibang tao Nexus. I hope you'll understand na hindi lang ito ang trabaho namin" 

Agad kong naikuyom ang kamao matapos kong marinig ang sinabi nito kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at agad siyang sinuntok. 

Wala akong pakialam kahit pulis ka pa Almonte! 

"Lang?! Gago ka! Kung ayaw niyo ng mag hanap edi wag!" Sigaw ko matapos ko itong suntukin na ikinatumba niya. Humarap ako sa kanila at mukhang sinangayunan na nila ang bagay na ito.

"Don't tell me pati kayo? Susukuan niyo siya?! Really.." dismayado akong tiningnan sila isa-isa. 

Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman kaya naman hindi ko na napigilan ang sariling luha. Marahas ko itong pinahid at galit na muling sinulyapan sila. 

"Nexus.. it's time for us to move on. Wala na siya, we should accept the fact na kahit kailan ay hindi na siya babalik pa.." rinig kong saad ni Chase na talaga namang ikinainit lalo ng ulo ko. 

"Really? Coming from you Chase? Move on?! Iyon na lang iyon dahil tatlong taon na hindi pa rin siya nahahanap?! Noong panahong ikaw ang nawala anong ginawa niya?! She even spent the half of her life just to fucking find you and bring you back! Tapos move on lang?! Gano'n lang?!" Singhal ko na halatang ikinagulat nilang lahat. 

"Nexus..wag mo namang pagsalitaan ng ganiyan si Chase!" Sabat ni Marthinie. 

"Shut up! Akala ko, ibang tao ang una siyang susukuan! Pero lahat kayo..handa niyo siyang kalimutan ng ganoon lang kadali!" Sigaw ko at agad na lumabas. 

Ayoko ng marinig ang kahit na ano pang walang ka-kwenta-kwentang bagay galing sa kanila. Kahit kailan hinding-hindi ako susuko sa pag hahanap sa kaniya, kahit sukuan pa siya ng buong mundo hinding-hindi ako susuko pagdating sa kaniya. 

Hindi kahit kailan. 

Dumiretso ako sa private house ko, kung saan una ko siyang dinala noong nabaril siya.

Doble-dobleng kaba ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon ng makita ko siyang mawalan ng malay at parang lantang gulay. 

I saw in her eyes that she's hurt that time, halos hindi na nga ako makapag salita dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa kaba. Kung kinakailangang saluhin ko lahat ng bala at bombang ihahagis sa kaniya, handa akong saluhin iyon. 

Mapait akong napangiti ng makita ang malaking picture frame na kuha pa sa civil wedding namin. She's smiling from ear to ear. She's damn happy, I know that. 

Kinuha ko ang maliit na picture frame kung saan dalawa rin kaming nandoon. I asked Aviana to took a picture of me together with my love. Ito yung araw kung saan ko siya dinala sa restaurant na pinapatakbo noon ni Aviana.

Talagang pinasadya kong kuhanan kami ng picture dahil plano na dadalhin ko siya doon. 

Agad akong dumiretso sa mini bar at kinuha ang alak. Mabilis ko itong tinungga kaya at wala na akong pakialam kahit mabasa pa itong suot ko. Halos araw-araw akong namamatay ng paulit-ulit. 

Bakit ba kailangang maging malupit sa akin ang tadhana? Akala ko kapag nawala na ang mga kalaban magiging maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Ezra. Akala ko tulad ng iba ay magiging masaya din kami, but I was fucking wrong! 

Kaonting kasiyahan lang grabe iyong sakit na balik. Minsan lang naman akong naging masaya pero bakit pakiramdam ko tinggalan na ako ng karapatan sa bagay na iyan? Masama bang mag mahal? Masama bang mahalin ko ang babaeng karapat-dapat mahalin ng katulad ko?! 

As far as I remember ay wala naman akong nilokong kahit na sino, I remain faithful and loyal to her! Only her! Pero kung parusahan ako ng ganito ay parang puro kasamaan lang ang ginawa ko sa tanang buhay ko. 

Pagewang-gewang akong tumayo habang bitbit ang bote ng alak. Alam ko, lasing na ako. Mapait akong napangiti at muling tumangga ng alak. Bakit ganoon? Akala ko ba kapag nakainom ka ng makakalimutan mo na ang sakit? Pero bakit mas ramdam ko ata.

"Mga si-sinungaling! Mga madamot! Akala, akala ko ba..kapag uminom na 'ko mawawala na tong sakit!" Humalakhak ako dahil para akong gago ditong umiiyak, tumatawa at nag sasalita ng wala namang kausap. 

See? Nababaliw na ako! 

"Nagdasal naman ako ah?! Nag dasal naman ako sa panginoon na ibalik siya sa akin! Na makasama ko siya ulit.. makita.. pero eto.. mag-isa pa rin ako! Ang daya! Napaka daya mo!" Sigaw ko at naupo sa gitna ng sahig. 

Ang kalat na pala ng bahay ko. Sino bang nag kalat niyan?! Ako ata...

"Mahal na mahal kita Ezra! Mahal na mahal kita!!" Buong lakas kong sigaw at tuluyan na akong humiga sa sahig at ipinikit ang mga mata. 

Muli na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Napahawak nalang ako sa aking mata habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit eh.

Noon na hindi niya alam ang pagmamahal ko o ngayon na mag isa nalang ako at nangungulila sa kaniya. 

Tanginang buhay naman 'to. 

"Mahal kita..mahal kita Ezra.." mahina kong bulong at pinipigilang tumigil na sa pag iyak. 

Pero tangina, gripo na ata 'tong mga mata ko at ayaw tumigil sa pag labas ng luha. 

"Mahal din kita Nexus.." 

Napahinto ako dahil sa narinig. Teka? Guni-guni ko lang ba ito? Buti pa guni-guni nag re-response sa 'kin. Agad akong dumilat at nagulat ako sa nakita. 

"Ezra.."

Naluluha kong saad ng makita ko siyang nakatingin at nakangiti sa akin. 

"Nababaliw na nga 'ko..tama, Oo tama! Wag ka namang paasa!" Saad ko at ipinilit na tumayo. 

Narinig ko itong tumawa dahil sa narinig. Iyong puso ko muntik ng matunaw dahil sa ganda ng pag tawa niya! Ganito ba ang epekto kapag naparami na ng nainom? Kung ganito lang din naman, edi aaraw-arawin ko na para lagi ko siyang nakikita.  

"You're handsome.."

Napangiti ako dahil sa narinig mula sa kaniya at umayos ng upo. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan siyang hinawakan sa kamay. Tangina, hindi naman ata tatagos yung kamay ko kapag hinawakan ko siya diba? 

"Mukhang araw-araw na ata akong mag lalasing nito.." saad ko. 

Nahawakan ko siya sa kamay at naramdaman ko ang pag hawak rin sa akin. Tuluyan na akong naiyak, kailan ba noong huli ko siyang nahawakan ng ganito?! Tangina. Hindi ko na maalala. 

"You know what? Araw-araw akong nag darasal na bumalik ka. Araw-araw akong humihiling na makita kita.." panimula ko at hinayaan ng tumulo ang luha ko sa aking pisngi. 

Sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil sa sakit na araw-araw kong dala. 

"Sana naman..sana naman makasama na kita. Hindi pa ba sapat iyong ilang taon kong tiniis na tingnan ka lang sa malayo? Hindi pa ba sapat itong tatlong taon kong pag durusa? My life is nothing without you Ezra.." umiiyak kong saad at nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. 

Totoo ba ito o dala lang ng kalasingan ko? 

"Sorry kung masyadong matagal ang hinintay mo Nexus. Sorry dahil maraming taon ang nasayang para sa ating dalawa.."

"Ssshhh. No, don't be sorry love. It's not your fault. You did great love, kahit wala ako noong panahong iyon ay nakaya mo and I will be forever proud of you. You're such a great woman that I have known, a brave woman that I have and you are worth dying for my love.." 

Hinaplos nito ang mukha ko, alam kong ilusyon lang ito. Dala ng kalungkutan at kagustuhan kong makita siya kaya heto ako, nasisiraan na ng bait. 

"I have regret back then kung bakit hindi kaagad kita tinanggap sa puso ko Nexus. You are my man, my husband. The one I will love and cherish forever til to my last breath. I hurt you many times but you're still on my side. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong matino para ibigay ka sa akin.."

Pinunasan nito ang mga luhang nag uunahang tumulo sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pag lapat ng labi niya sa noo at muli akong hinaplos sa pisngi. 

Kung panaginip ito ayoko ng magising pa. Kung dito ko lang rin naman siya makakasama mas mabuti pang matulog nalang ako habang buhay. 

"We are meant for each other love, we supposed to be in each other's arms..but..fate is a bitch. Life is a bitch. Kung inuna lang kita noon baka hindi ka nawala sa akin. If I was just selfish back then baka nagawan natin ng paraan-"

She kissed me. 

I am totally in shock. Ganito ba kapag liyong-liyo na? Pakiramdam ko ay totoo ang lahat. Kung paano niya ako hawakan, kausapin at maging sa pag halik ay totoo. Totoong totoo sa pakiramdam ko. 

"I am sorry.." rinig kong sabi niya ng huminto ito sa pag halik. 

Sorry? Sorry dahil hindi 'to totoo? Alam ko, alam ko na iyon. 

"I promise that I will be by your side Nexus. From the beginning you are mine and I'm yours too. Even death can't separate us, and I know time will come that we will be happy. No grenades or even bullets. I love you so much.."

Bakit pakiramdam ko ay namamaalam na siya? Kailangan ko pa atang lunaklak ulit ng alak. Sasabihan ko nga si Drake na tambakan ako ng alak dito. Mukhang maganda naman ang epekto eh, diba? Mag lalasing nalang ako buong magdamag. 

"I..I love you Ezra.." 

Hindi ko na kinaya kaya naman muli na naman akong nahiga at ipinikit ang mga mata. Pakiramdam ko ay hinihila na ako ng kaantukan. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.