Chapter 32

Ask for the moon 32

Nagsimula na akong maglakad.

Gusto kong bumalik sa loob ng faculty para kausapin pa si Ms. Valencia at sabihan ng mga salita na magpaparealize sa kaniya na mali ang ginawa niya.

Halata pa sa pagmumukha niya na walang pagsisisi sa ginawa! Paano talaga niya nakokonsensya 'yon?

Hindi niya man lang ba talaga naisip na paano pag-uwi ng estudyante at mag-overthink?

Paano kung sobrang mamoblema ang estudyante at hindi na makapagfocus sa pag-aaral?

Paano kung hindi na makayanan ng estudyante na harapin ang iba niyang kaklase dahil sa kahihiyan?

Hindi niya ba talaga naisip ang mga gan'ong bagay?

Kasi totoo naman din ang sinabi ko sa kaniya. Never naging kasalan ng estudyante kung hindi siya makakapagbayad ng tuition! Maybe they need to be responsible pero hindi 'yon kasalanan! Alam kong mahirap kapag tungkol sa pera ang kailangan.

Paano na lang kung 'yung pera naiipambayad nila dito ay pinangkain muna nila para makatawid sa gutom?

Siguro napasok sa isip ni Ms. Valencia na hindi naman pala kaya na mabayad ng tuition bakit dito pa pinag-aral? Maybe Stone's parent want her to studied here dahil bukod sa maayos na facilities ay gusto nila na pag-aralin sa magandang paaralan ang anak nila. Tulad nalang nila Mama at Papa.

Pumasok na ako sa next class ko binati naman nila ako kaya tumango-tango na lang ako.

"Ms. Yoreh! Ang ganda mo talaga crush na crush po kita!" Pag-amin ni Vince.

Nginiwian ko siya "Child abuse" biro ko.

Tumawa naman agad sila.

Nagsimula na akong magturo ng kung ano-ano. Tutok naman ang atensyon nila sa'kin kahit na may iba-iba silang kinakalikot.

Sinusubukan ko din na magrecite at nasasagot naman nila na senyales na nakikinig sila sa mga sinasabi ko.

Pinagsulat ko sila ng essay tungkol sa dinisscuss kong topic.

Well, Umangal sila pero dahil ako ang batas dito sa loob ng classroom ay wala silang nagawa.

"Ipasa niyo 'yan sa Class President niyo,"Sambit ko.

Nag-angalan pa muli sila gaano ba kahirap na kumuha ng ballpen at papel na walang pag-angal? Okay, I know naman.

"Kung may problema kayo kahit tungkol saan ay pwede niyo kong lapitan. Kung nahihiya naman kayo na magsabi sa'kin ay pwede naman kayo na itext ako or immessage sa messenger,"

Agad naman silang napatigil sa ginagawa at nagtatakang tumingin sa'kin.

Ngumiti ako "Wala lang gusto ko lang na kapag may problema kayo pwede niyo ako kausapin, lapitan at hingan ng tulong. Ayaw kong may estudyante akong mayr'ong problema na hindi ko alam. Gusto ko maging aware sa inyo,"

Tumango-tango sila at binalik ang tingin sa ginagawa.

Umayos ako ng pagkakaupo at sumalumbaba bahagya ko pang hinilot ang sentido ko.

Mga ilang minuto ang lumipas ay tumayo na ako.

"Ipasa niyo na lang," Anunsyo ko. "Fernandez, Ilapag mo na lang 'yang mga papers sa desk ko sa faculty. Wala 'yang deadline na time as long na mapasa n'yo ngayong araw. Kung hindi kaya ngayon ay kausapin n'yo ko at bigyan ng maayos na dahilan. Gotcha!"

Naghiyawan naman agad sila.

Napatingin ako sa iba kong estudyante na hindi na agad nagkandaugaga.

"Ayan! Sige! Umariba kayo! 'Yung mga blush on niyo sa pisnge ay ipantay niyo naman aba!" Inis kong bulyaw sa mga estudyanteng nasa harapan ko.

Umirap sila sa kawalan "Maam naman!" Reklamo nila.

"Hoy Lirel! Twing sa klase ko kayo dyan sa bandang likuran puro pagmemakeup ang inaatupag niyo!" Bulyaw kong muli.

Ngumuso lang sila at nagpatuloy sa paglalagay ng face powder sa kanilang mukha. Umirap nalang din ako at dumila sa kanila bago tuluyan na lumabas ng classroom nila. Tanging cellphone lang ang dala ko dahil I can handle naman ng gan'on. At hindi ko naman sila masisisi kung gusto nilang maging mature ang mukha kaagad o maglagay ng kung ano anong mga kolorete sa pagmumukha.

"Maam Yoreh!"

Kunot-noo kong inilibot ang tingin. Sino na naman ba ang tumatawag sa'kin. Lagi na lang may tumatawag sa'kin kapag nandito ako sa hallway. Kung hindi may crush sa'kin na student ay manghihingi naman ng pagkain!

"Maam, Pinapasabi po ni Mrs. Santiago na bilhan mo raw po ng makakain 'yung manggagawa d'on sa building 4," saad ng estudyante at iniabot sa'kin ang isang libo bago tumakbo.

Ayan sige! Playground 'to hindi paaralan.

Inis akong naglakad papuntang building 4. May iilan na estudyanteng binabati ako ang iba naman ay umiiwas ang daan. As if naman pagrerecitetin ko kayo dito, duh!

Diretso ang tingin ko sa daan. I'm wearing my usual uniform na black slacks at pink blouse. Nakalugay rin ang medyo kulot at mahaba kong buhok. Natatanaw ko pa sa hindi kalayuan ang ibang mga senior na nakadungaw sa'kin at kinikindatan ako.

"Pagkayo binatukan ko baliktad kayo," biro ko kaya agad silang nagtawanan.

"Iba ka talaga Maam!" Sigaw ng isa.

Iba ka your face!

Tinawanan ko lang sila at umirap. Huminto ako sa harapan ng ibang mga trabahante na hula ko ay mga nasa 30's to 40's palang ang edad.

"Hello po!" Panimulang pagbati ko dahilan upang mapatingin sila sa'kin.

"Hello, ano pong maipaglilingkod namin, Maam?" Tanong ng isa.

"Inutusan kasi ako ni Mrs. Santiago na bumili ng pagkain para sa inyo. Gusto ko lang tanungin kung ano ba ang gusto niyong pagkain?" Nakangiting tanong ko.

Nagkatinginan naman sila na para pangnahihiya.

"Ah kahit ano na lang po, Maam." Sagot naman ng isa.

"Sa'yo, Engineer?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko at bumaling sa likuran ko.

Halos matumba ako dahil sa pagkagulat. Napatingin pa ako sa napahawak sa'king upang alalayan ako. Binigyan ko siya ng isang apologetic smile.

Ibinaling kong muli ang paningin sa lalaking ngayon nasa harapan ko na.

He's standing straight while his hands inside his pocket. Tinaasan niya ako ng kilay bago nag-iwas ng tingin. Humakbang siya ng ilang beses upang mapalapit sa'kin habang saglit na pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok.

He chuckled "Wala," matigas na sagot niya.

Bago tumalikod.

Bago talikuran ako.

Na para bang hindi niya ako kilala.

Na para bang hindi niya ako nasaktan noon.

Na para bang hindi siya ang dahilan ng matinding pagluha ko noon.

Na parang wala lang.

Na parang wala na talaga.

Na parang hindi na pwede.

Na parang tapos na talaga.

He looked the same, 'Yung charisma niya ay mas lalong naging malakas. Sa bawat paggalaw niya at kitang-kia kung paano nagpeflex ang muscle niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at binalingan ang ibang trabahante.

"A-ah sige, Bibili na'ko," kinakabahan kong sambit bago ako tumalikod.

Halos magkandatumba-tumba ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako babaling ng tingin paano kung magkita sila ni Samuel?

Kinagat ko ang labi ko at umayos ng paglalakad. Naramdaman ko naman agad ang pagkahilo dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

May nabati pa din sa'kin ng makapasok ako sa Canteen. Gustuhin ko man na balingan sila ng tingin at ngitian ay hindi ko nagawa. Kinakabahan ako.

Kung ano-ano na lang pinagbibili ko dahil wala naman silang sinabi na specific na pagkain.

Tinulungan pa ako ng ibang students na magbuhat.

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na siya.

Sa ilang taon na lumipas ay hindi pa din pala siya nakakasawang titigan. Gusto ko sana na 'wag ng tumuloy na iabot 'tong pagkain at utusan na lang ang ibang students pero nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Salamat!" Pasasalamat ko sa mga tumulong.

Ngumiti sila " Walang anuman, Ms. Yoreh" saad nila bago tumalikod.

Sunod-sunod ang paglunok ko.

"Nandito po 'yung pagkain ha" anunsyo ko sa mga trabahante.

Inayos ko ang paglalagay ng mga styrofoam sa lamesa.

Pasimple kong inangat ang tingin kay Cyrus na nakapameywang na panglalaki habang nakatitig sa building. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya alam na tinutunaw ko siya ng tingin.

Bahagya akong yumuko at nag-iwas ng tingin ng bigla siyang gumalaw at naglakad palayo.

Saan siya pupunta? Hindi ba talaga siya kakain? Baka malipasan siya ng gutom!

Lumapit naman agad sa gawi ko ang ibang trabahante sunod-sunod pa ang pasasalamat nila dahil sa pagbili ko ng pagkain kaya ay nginitian ko sila at sinasabing ayos lang.

"Tubig," alok ko sa kanila.

"Salamat,"

tumango-tango ako.

"Yoreh?"

Agad akong nag-angat ng tingin. Napatakip ako sa bibig ng makita ang mukha ni Sai, Ipinalibot ko pa ang tingin ko sa paligid.

"Sai, Wendrix, Hugo,Izi, Jake and Ben?" Tukoy ko sa kanila.

Ngumisi naman agad sila.

Wala si Cyrus.

"Dito ka pala nagtuturo! Kung alam ko lang edi sana ako na nagpaassign dito!" Natatawang saad ni Ben bago ako niyakap.

Niyakap ko siya pabalik at tinapik ang likuran.

Niyakap din ako nilang lahat bago ako ngitian bahagya pa nga nilang ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Cyrus, Bro! Nandito pala si Yoreh 'di mo man lang sinabi?" Natatawang saad ni Sai.

Napabaling ako kay Cyrus na may karga- kargang bata. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Ang cute ng bata! Napadako naman ang tingin ko sa babaeng nakakapit naman sa kabilang braso ni Cyrus habang nakangiti din sa'kin.

"Hello, I'm Yoreh," pakilala ko sa kaniya at naglahad ng kamay.

Ngumiti ako pero parang nagulat naman siya sa inasta ko. I'm happy for Cyrus and for her.

"A-ah, I'm Liane," Pakilala niya at tinanggap ang kamay ko.

Tumango-tango ako at binalingan ang bata na karga ni Cyrus.

"Hi Baby.." nakangiting saad ko at pinisil ang mataba niyang pisnge.

"Anong name niya?" Baling ko kay Cyrus.

Napalunok naman ako ng seryoso ang titig niya sa'kin dahil parang nakakaoffend ang sinabi ko. Binalingan ko ng tingin si Liane.

"Celia is her name," Nakangiting sagot niya.

Tumango-tango ako " Hello Celia, I'm Tita Yoreh," pakilala ko.

Nginitian niya ako kaya mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Bakit mo naman kasi iniwan si Cyrus, Yoreh. Edi sana kayong dalawa 'yung may anak,"

Napaubo naman si Liane kaya sinamaan ko ng tingin si Hugo na walang preno.

Unti-unti ng bumagal ang paghinga ko dahil sa narealized kong kung hindi ba talaga ako umalis kami pa rin hanggang ngayon?

"Past is past na. I'm Cyrus past while Liane is his present and future. Masaya naman ako dahil alam kong masaya si Cyrus," nakangiting sambit ko.

Nakakunot ang noo nila akong tiningnan at mukhang sinusuri ang ekspresyon sa pagmumukha ko.

Pinilit kong pigilan ang pagsimangot dahil biglaang pagsikip ng dibdib ko.

"Wala lang sayang lang, mahal na mahal ka pa naman ni Cyrus dati! Sayang, Yoreh. Sinayang mo si Cyrus!" makahulugang saad ni Jake.

Nakagat ko ang labi ko, Sayang nga.

Agad silang tumango-tango at bahagyang ngumisi.

"Mommy!"

Agad akong tumalikod para tingnan kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. Napangiti ako ng makitang tumatakbo si Sophie palapit sa'kin.

"Baby!" tawag ko sa kaniya bago humalik sa pisnge.

Huminto siya sa harapan ko at hinila ako dahilan kaya nahablot niya ako.

"Papa's here! Let's go na! Lola is already waiting for us na!" Naghihisterical niyang sigaw.

Hinila niyang muli ako.

Napadako ang tingin ko kay Samuel na nakakunot ang noong nakatingin sa likuran ko. Alam kong si Cyrus ang tinitingnan niya dahil sa masama ang titig niya.

Napakamot ako sa ulo ko at sinalubong si Samuel. Tinaasan niya ako ng kilay kaya nag-iwas ako ng tingin. Kinarga naman agad niya si Sophie bago balingan ako ng tingin.

Bigla akong kinabahan baka sumabog ngayon ang galit niya kay Cyrus.

Maglalakad pa sana siya palapit kay Cyrus pero hinawakan ko na siya sa braso kasabay ng pag-iling-iling ko.

Tumango-tango siya "Let's go," aya niya.

Nginitian ko naman sila Sai na nakaawang ang labing nakatingin sa'min. Binigyan ko sila ng apologetic smile gusto ko man sila na ipakilala si Sophie ay hindi ko na nagawa.

Nagsimula na ako maglakad.

Ngumiti ako kay Sophie ng ngitian niya ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.