Ask for the moon 33
Umayos ako ng pagkakaupo habang ang mga mata nila ay sinusuri ako. Bumuntong hininga ako dahil alam kong ano ang iniisip nila.
Napapagitnaan namin ni Mama si Papa at nasa tapat ko ay si Samuel at napapagitnaan naman nilang dalawa ni Ate si Sophie. Mukha talaga silang pamilya.
"Pwede ba? Kumain na lang tayo? Family dinner 'to at ayaw kong ganito na titig na titig lang kayo sa'kin," Iritadong sambit ko.
Tumikhim sila at umiling-iling.
Pagkadating na pagkadating ba naman kasi namin dito ay nagsumbong na Samuel kay Ate na nakita niya nga daw si Cyrus sa school kaya ngayon tinitingnan nila kung ano ang reaksyon ko.
Aaminin ko na sa ilang taon na lumipas ay siya pa rin kaso hindi na pala ako.
"Anak ba talaga niya 'yon? Baka naman nagjumped ka na naman sa conclusion? Ayan ang hirap sa'yo. Baka nga siya na ngayon ang namamatay kakaisip kasi tinawag ka ni Sophie ng Mommy at baka napagkamalan pa nila na si Samuel ang nakatuluyan mo," sabi ni Ate.
Na para bang hindi niya asawa si Samuel. Well, Maybe she really trust me and Samuel na kahit gaano kami kaclosed ay hindi namin siya lolokohin.
Naalala ko lang nung ilang araw palang ako na nagtuturo at pinapasundo pa talaga ako ni Ate kay Samuel. Ang akala ng iba ay boyfriend ko si Samuel, Like duh? Seriously?
"Yuck," sabay na sabi namin ni Samuel.
Tiningnan ko siya ng nakakadiring tingin. Nagkunwari pa siyang parang nasusuka kaya umirap ako.
Bumaling ako kay Ate na natawa sa inasta namin ng asawa niya.
"Mama, I want some icecream," Busangot ang mukhang saad ni Sophie.
Inirapan siya ni Ate kaya dali-dali siyang hinampas ni Mama sa braso.
"Pati anak mo pinapakitaan mo ng gan'yang pag-irap baka magaya 'yan sa'yo na puro pagtataray!" Bulyaw sa kaniya ni Mama.
Napasapo naman si Papa sa kaniyang noo. May napapabaling ang tingin sa gawi namin dahil sa pagsigaw ni Mama kay Ate.
"Ice cream naman kasi agad Sophie? Kumain ka muna ng bato," Hinampas ulit siya ni Mama. " I mean ng kanin. Kumain ka muna ng kanin bago ka mag- ice cream,"
Tumayo si Sophie at nagpunta sa gilid ko. Ngumuso siya at nagpuppu eyes habang pinaglalapat ang dalawang palad.
"Please, Mommy Tita," malambing niya sabi.
Nagcrossed arm ako at tinaasan siya ng kilay. Nagpuppy eyes na naman siya na para bang manghihina siya kapag hindi ko pinayagan na bumili ng ice cream. Napatingin ako kay Mama at Ate na nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin.
"One serve lang," nakangiting sabi ko.
Umiling si Ate "No," bumaling siya kay Sophie. "Eat first, Sophie." Maawtoridad na sabi ni Ate.
Bumuntong hininga ako "Sige na, Sophie." ngumiti ako. "Pipila na si Tita d'on," Turo ko sa lane ng ice cream orders. "So kumain ka muna para pagbalik pwede mo na kainin 'yung dala kong ice cream, Okay?"
Sophie nodded "Got it!" Sabay takbo niya sa tabi ni Ate.
"Pila lang ako," Paalam ko.
Hindi nila ako pinansin na para bang alam na nila na gan'to ang gagawin ko. Nagpatuloy sila sa pagkain. Si Mama at Papa abala sa papipicture ng pagkain. Samantalang si Samuel ay hinihimas ang buhok ni Sophie. Si Ate naman ay abala sa tikim ng halos lahat ng order.
Tumayo na ako at nagsimula na maglakad.
Simula ng mabuntis si Ate pagkatapos niya grumaduate ay halos ako na ang katuwang niya. Samantalang si Samuel naman ay abala sa trabaho pero nagawa pa rin siya nagawa ng oras para makasama ang mag-ina niya. Bilib nga ako kay Samuel kasi kahit na pagod siya sa trabaho nagagawa niya pa rin na bantayan si Sophie.
"Yoreh?"
Napatingin ako sa gilid ko.
"Akia?"
Bakit ba nagkikita-kita kami ngayong araw ng mga kakilala ko sa Manila?! Reunion ba 'to?
She laughed "Oo, Ako nga," tanging sagot niya.
"Bakit ka napapadpad dito sa Cavite? Dito ka ba nagtatrabaho or nakatira na?" Curious kong tanong.
Humakbang ako dahil umusad na ang pila.
Kumamot siya sa batok "Yup, Actually restaurant namin 'to ng asawa ko,"
Gulat ko siyang binalingan "Asawa? Omg, may asawa ka na pala?" masayang saad ko.
Kumusta na kaya 'yung problema niya sa step Dad niya? Siguro nalutas na niya because the way she smiled!
Tumango siya "Almost two years na kaming kasal actually I invited Cyrus. Kamusta na pala kayo? I thought nandito din siya dahil sa bagong naassign sa kaniya na project," masayang sabi niya.
Bahagya akong natahimik.
Pilit ko siyang nginitian "May asawa at kasal na siya,"
Kumunot ang noo niya na para bang wala siyang alam. wait,
"You didn't know?" Takang tanong ko.
"Kasal ka na ba?" Balik niya sa'kin.
Umiling ako "Hindi,"
She nodded "So hindi pa siya kasal,"
"You didn't know? Hindi mo kilala si Liane?" takang tanong ko bago humakbang ulit.
Bahagya pa siyang natawa dahil at tinuro ako.
"Don't tell me si Liane ang sinasabi mong asawa niya?" Natatawang tanong niya.
Tumango ako "Oo, Nakita ko sila kanina sa school," I explained.
"Are you still studying?"
I chuckled "Gaga, Teacher ako," I proudly said.
She nodded "Yoreh," natatawang sabi niya. "Si Liane ay step sister niya . Nagkaanak si Tito Armando sa ibang babae," She explained.
Nanlaki ang mata ko siyang tinitigan pala tingnan kung nagbibiro ba siya. Umiling-iling pa siya na parang nadissappoint sa'kin.
Hinila niya ako papunta sa bakanteng pwesto. "Magkwentuhan muna tayo ako na kukuha ng order mo mamaya," nakangiting sabi niya.
Tumango-tango lang ako.
"So hindi niya 'yon asawa? step sister niya lang?" Takang tanong ko.
Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagtango-tango niya.
Tumawa siya "Tingin mo magloloko 'yon sa'yo? Si Cyrus? Mahal na mahal ka non kaya hindi ka non lolokohin. Alam mo ba nung nagkaproblema nga ako at sa unit niya ako nagstay puro ikaw ang kinkwento niya. 'Yun lang 'yung time na nakita kong ngumiti siya ng malawak at parang naliliwanag ang mata sa t'wing kinkwento ka," Sumalumbaba siya habang nakangiti sa'kin.
Wala pa rin pinagbago ang maamo at maganda niyang mukha. I wonder why she cheated?
Napayuko ako dahil sa sobrang guilty sa paraan ng pagbigkas niyang ng mga salita kitang-kita ang katotohanan.
"I'm sorry kung dahil sa'kin ay nagkahiwalay kayo. I just badly need his help that time and I understand your side naman,"
Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. Hinawi ko ang buhok na tumama sa pisnge ko.
"Nung umalis ka hindi namin siya makilala na. Lagi siyang tulala at hindi makausap ng maayos. Hindi nakain dahil laging walang gana. Halos lahat kami na naging kaibigan niya din pati sila Tita at Tito hindi niya magawang kausapin. Lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto," malungkot sabi.
Naramdaman ko naman agad ang paninikip ng dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Parehas kami.
Parehas na parehas.
"Kahit bumigkas ng salita hirap siya," she stopped. "That time we realized that he loved you the most," mahinahong sabi niya.
She smiled at hold my hands "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkagan'on. Pero ikaw rin ang dahilan kung bakit.. Kung bakit siya nakasurvived," umiwas ako ng tingin. "Sinabi namin sa kaniya na kung susuko siya. Paano ka na?"
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at kinagat ang labi para pigilan ang pagsasalita. May sinenyasan pa siya na waitress at nagdala ng tubig sa kaniya at inalok rin ako.
Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa kaniya.
"Salamat," kumamot ako sa batok. "For telling me the truth,"
Ngumiti ako.
"Does chasing him is a good idea?" wala sa hwisyo kong tanong.
Nagulat naman siya sa tanong ko dahil napaayos siya ng pagkakaupo. Inabot ko ang baso ng tubig na nasa harapan ko tinungga.
Does chasing him is a good idea?
If yes, why not?
I guess now I need to make the move.
I was hurt but he was hurt too.
I left him, He tried to hold me but I didn't stay. So he let me go.
She smiled "If you love him then go chase him," ngumuso siya. "I loved someone that's why I didn't chase him when we broke up. I cheated on him but Cyrus? He deserves a chase,"
Ngumiti muli siya pero sa ngiti niya ay nararamdaman kong gusto niyang balikan ko si Cyrus. Na gusto niyang habulin.
We're on the same surface.
I also want.
"Mommy, Where's my ice cream? Nagagalit na si Mama kasi sabi mo babalik ka so I didn't finish my food," nagtatampong saad ni Sophie.
"Akia, Si Sophie. Sophie, Meet Tita Akia she's my friend?" hindi ko rin sigurado.
Tinaasan ako ng kilay ni Akia pabalik balik ang tingin sa'min ni Sophie.
"She's my niece," I explained "Anak siya ni Ate nasanay lang talaga siya na minsan ay Mommy or Mommy Tita ang tawag sa'kin," iiling-iling kong paliwanag.
Tumango-tango siya. "Oh Hello, Sophie." bati niya.
Kinawayan naman siya ni Sophie "Hello po!" masiglang balik sa kaniya.
"I'm the owner of this, Do you want ice cream?"
Sophie nodded "Yes, I want a cookies and cream flavor,"
Tinaas ni Akia kamay at may lumapit na agad na waitress.
"Ilang serve?" Tanong niya sa'kin.
Tinaas ko ang isang index finger ko "Isa lang para kay Sophie lang naman,"
Tumango siya binalingan ang waitress "One serve, Cookies and cream,"
The waitress nodded and turned around.
"Sige na bumalik kana muna d'on kina Mama mo," baling ko kay Sophie. "Mag-uusap lang kami ni Tita Akia," Pahabol ko.
"Okay," sagot niya.
Humarap ako kay Akia nagdekwatro siya ng upo at nginitian ako.
"Sa makalawa birthday ng anak ko," she proudly said. "Pahingi ako ng number mo tetext ko sa'yo 'yung venue at oras. Wala kasi akong dala na invitation dito,"
"May anak ka na rin pala," mangha sabi ko. "Sige," sabay abot ko sa kaniya ng cellphone ko.
Nilabas naman niya ang cellphone niya kinopya ang number na nasa screen ng phone ko.
"D'on sa bata mo ibigay," turo ko sa pwesto nila Sophie.
Tumango-tango naman agad ang waitress.
"Sige, Balik na'ko sa loob titingnan ko pa 'yung ginagawa ng mga bagong employees namin," paalam niya.
"Sure! See you again na lang," Bumeso ako.
Bumeso rin siya "Alright,"
Nakangiti akong naglakad papunta sa pwesto namin.
I will chase him.
I will chase, Cyrus.
If this is the most reliable way to get him back then I'm willing to chase him.
I'm willing to swallow my pride no matter what just for him.
I'm willing to take a risk for him.
I'm willing to beg for him.
I'm willing to stay.
I'm willing to make him stay.
I want to be with him because he's my Sun and when he's lost from me again.
I might not be able to survive and endure the pain again.