Chapter 34

Ask for the moon 34

I'm wearing a white crochet lace dress with my botanic Ivy white sandals.

Mayr'ong napapatingin sa'kin habang nililibot ang paningin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa purse ko at sa dala kong paper bag.

"Yoreh!" Rinig kong tawag sa'kin.

Tumalikod ako para makita si Akia na tumawag sa'kin. She's smiling widely and examined my look.

Nandito kami ngayon sa isang resort dahil pool party ang theme na pinili nilang mag-asawa.

"Sorry, Napaaga ata ako?" Nahihiyang sabi ko.

Napakamot pa ako sa batok ko at bahagyang ipinalibot ang paningin. Hindi pa gaanong madami ang tao. Sabagay, Maaga ako ng isang oras!

She chuckled "It's fine! Tara d'on ka muna sa table namin. Mamaya ko na lang sa'yo ipapakita 'yung baby ko inaayusan pa kasi siya," masigla niyang sabi.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan bago hinila kung saan. May iilan pa na kinakausap pa si Akia kaya napapahinto kami.

"Pupunta ba si Cyrus?" tanong ko ng makaupo.

Nginitian niya ako ng nakakaloko at tinapik ang balikat ko.

"Hindi ata," simpleng sagot niya.

Ngumuso ako "Sinabi mo na pupunta ako?" Tanong ko.

She shrugged "Yes," Nakangusong sagot niya.

Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng pagkakaupo. I crossed my arm over my chest and took a deep breath.

"So iniiwasan niya ako?" I bit my lower lips. "Papuntahin mo naman, Akia,"

Umayos siya ng pagkakatayo at hinimas ang nakaladlad kong buhok.

"It's Cyrus choice kung ayaw niya pumunta dito. Pero dahil sinabi mo ay sige kukulitin ko but I can't promise na pupunta talaga siya,"

I nodded "Thanks," pasasalamat ko. "By the way, Saan ko pala 'to ilalagay?" Tukoy ko sa paper bag na dala ko.

"Mamaya na kapag nagbigay na rin ang iba kasi sineset up pa rin 'yung lagayan ng gifts. Maiwan muna kita dito. Tutulungan ko lang sa pag-aayos 'yung iba, ayos lang ba?"

I nodded "Sure, No prob. Take your time," nakangiting sagot ko.

She smiled "Alright," tinapik niya ang balikat ko bago maglakad palayo.

Infairness, Mukhang pinaghandaan talaga 'tong birthday party. I wonder nung first birthday kaya nung baby? Malamang mas maganda 'yon kasi first birthday!

Umayos ako ng pagkakaupo at bahagyang nagdekwatro. Inayos ko rin ang purse at paper bag na dala ko. Hindi naman gaanong kamahalan 'yung regalo ko pero basta galing naman sa puso ay ayos na, right?

Nasabi rin ni Akia kasi na lalaki ang anak niya. I wonder how he looks like? Maganda ang genes ni Akia at malamang sa malamang pamatay ang itsura ng anak niya!

Sumalumbaba ako at kinagat ang labi.

Paano kaya kung kami ni Cyrus ang magkakaanak? Hindi na ako lugi! Ang gwapo ni Cyrus at talagang nabiyayaan ng magandang genes! Well, maganda rin naman ako at alam ko 'yon.

Umiling ako dahil sa iniisip.

Umihip ang malakas na hangin dahil kung bakit sumabay sa pag-alon ang aking buhok.

Nginitian ko ang mga nadaan at nangiti naman sila pabalik. Mabuti na lang at nangiti sila! Kasi kung hindi baka magbago na agad ang timpla ng mood ko at baka sumimangot na naman ako. Dapat pala sinama ko si Sophie! Kaya sinabihan ko na rin si Akia na iinvite-tin ko ang ibang friends ko na available ngayon! Pero nakakahiya naman!

"Yoreh, Nandito ka pala? Ininvite ka pala ni Akia? She's Cyrus ex too, right? Magkakilala pala kayo and she even invited you?" Manghang tanong ni Ben.

Siya lang mag-isa at wala pa ang iba niyang kaibigan. Sana naman sumama si Cyrus! Para naman makapagda-moves na'ko sa kaniya!

I chuckled "Yeah, Hindi naman porket ex rin siya ni Cyrus ay enemy na ituturing ko sa kaniya. She's nice and also kind kaya why not? Wala naman siyang ginagawang masama or may pinapakitang masamang pag-uugali sa'kin," Umirap ako.

May past sila ni Cyrus at wala akong karapatan na kwestyunin pa 'yon. Maybe naging immatured ako dati na nagiging insecure ako or tinitingnan ko siya bilang threat sa'min ni Cyrus. That's not the situation right now! She have her own family.

Umupo s'ya sa tabi ko, I remembered that time when Cyrus invited me! Yung sinama niya ako sa birthday ni Ben dahil kay Akia! Iniwan niya ako that time at umupo si Ben sa tabi ko ng makita akong mag-isa.

Oh, The white enveloped! Na sa'kin pa.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama 'yung anak at asawa mo?" May bahid na pagkasarkatikong tanong niya.

Nandidiri ko siyang tiningnan. They really think na asawa ko si Samuel? Kadiri! Seriously? 'Yung asawa ng ate ko?!

Umirap ako "Hindi ko asawa si Samuel. He's my sister's husband!" for pete's sake!

Umayos siya ng pagkakaharap sa'kin na parang naguguluhan. Umiling-iling pa siya at parang pinoproseso pa ang sinasabi ko.

"So you mean, wala ka pang asawa?" manghang tanong niya.

Tinuro-turo niya pa ako. Inayos niya suot niyang polo shirt at mariin ulit akong tiningnan.

As if naman hindi ako nagsasabi ng totoo!

"Wala nga, Ang kulit mo naman. Si Samuel asawa siya ng ate ko at hindi pa kami ni Cyrus dati ay sila na ng ate ko. Kaya stop thinking that Samuel is my boyfriend or husband cause it's disgusting," Iritadong paliwanag ko.

He laughed "Bakit ka nagagalit?" mapang-asar niyang tanong.

I crossed my arm and glared at him. "How about Cyrus?" balik ko sa kaniya.

I knew the answer, I just want to fire him back.

"Hmm, What do you mean?"

I raised my brows "I mean, Yung nakita ko kayo sa school. Anong kaganapan 'yon aber?"

He pouted and shrugghed "No comment," mapanlokong sagot niya.

As if I didn't know!

Natanaw ko sila Sai na palapit sa gawi namin agad naman silang kumaway sa'kin. Kaya kumaway ako pabalik.

May napapatingin pa sa gawi namin kasi ang gagwapo ba naman nila kaya sinong hindi mapapatingin?!

Umupo sila sa bakanteng upuan, malaki naman kasi ang lamesa at maraming upuan ang available sa pwesto namin.

"May asawa na pala si Cyrus?" kunwaring hindi ko alam.

Natahimik sila at nagkatinginan na parang hinuhuli ang salita na isasagot sa'kin. Just wow, Gusto niyo kong nag-iisip ha?

"Ikaw rin naman," malamyang sagot ni Wendrix.

"Masaya naman ba si Cyrus sa asawa niya? sa pamilya niya?" pagmamaang-maangan ko.

Izi chuckled "Ba't hindi si Cyrus tanungin mo?" then he smirked!

Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngumuso siya.

"Siguro masaya naman si Cyrus," Ani jake.

"Sino ba ang hindi sasaya kapag nagkaasawa at nagkaanak, right?" Ani Wendrix sabay baling sa'kin.

"Oo nga naman," Sapaw ni Hugo.

I shrugged "Malay ko," ngumisi ako. "Wala naman pa akong asawa kaya paano ko malalaman?" balik ko sa kanila.

Napaayos sila ng pagkakaupo at sumeryoso ang pagbaling sa'kin ng tingin.

Mayabang kong hinawi ang buhok ko umayos ako ng pagkakadekwatro at pagcrossed ng braso sa tapat ng dibdib.

Mga baliw!

Tinaasan ko sila ng kilay "Sayang naman, I'm willing to chase him. Pero hindi na pwede kasi may asawa na pala siya at anak." kunwaring malungkot kong saad.

Natahimik sila dahil sa sinabi ko.Ramdam kong gusto na nilang bigkasin na hindi totoo 'yung tungkol kay Liane at Cyrus pero mukhang may pumipigil sa kanila.

"Hindi ba pupunta si Cyrus? Tawagan niyo naman sabihin niyo pumunta siya dito. Sabihin mo marami akong nakitang shanghai," utos ko.

Tumango-tango naman si Wendrix at nilabas ang cellphone.

Hindi na siya nag-abala pa na tumayo para tumalikod or what. Basta dinial na agad niya ang number ni Cyrus.

Hindi pa rin siya nagbabago! Mga utusan ko pa rin. hehe.

"Hello, Bro? Nandito kami sa birthday party ni Prince. Hinahanap ka ni Yoreh.. Chill, Bro. I'm not joking, Yeah, Gago! Totoo nga. Sabihin ko daw na maraming shanghai dito. Ulol, Bilisan mo na," natatawang sabi ni Wendrix.

"Pupunta daw ba?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Not sure, Busy daw siya," simpleng sagot niya.

"Busy," 'di na niniwalang ulit ko.

Nag-iwas lang sila ng tingin.

"Kumusta na pala kayo?" pag-iiba ko.

"Registered Nurse na kami ni Izi at Sai," sagot ni Jake.

Natutop ko ang bibig "Nurse pala kayo?! Kala ko engineer rin!" manghang sabi ko.

"Ako, si Wendrix,Hugo at Cyrus ang engineer na. Civil engineers," Ben proudly said.

Tumango-tango ako "Grabe wala akong kaalam-alam na registered nurse pala kayo," baling ko sa tatlo. "Hindi ba kayo busy?" Takang tanong ko.

Umiling si Sai "Hindi naman masyado, sakto lang 'yung pagkakabusy sadyang gumawa lang talaga kami ng time para makaattend dito since Akia is also our friend," he explained.

Mangha akong tumango-tango. "Kayo?" Baling ko kay Ben, Hugo at Wendrix.

"Tama lang naman may projects pa akong pending pero ayos lang naman since kaya ko naman. Wendrix lang malakas," natatawang sagot ni Wendrix.

"Ayos lang din naman ako sa mga projects na naaassign and inaaccept ko," Ben answered.

"Same," tamad na sagot ni Hugo.

"Wow, Wala pa kayong mga asawa o girlfriend man lang?" Curious kong tanong.

Hugo laughed. "Ako may girlfriend na," he proudly answered.

"Same," Ani Wendrix.

Sai raised his right hand. "Courting someone,"

Ben shrugged "Same,"

"Planning to propose!" Izi.

"Engaged," Jake proudly said.

Natakpan ko ang bibig ko sa gulat.

"Seryoso ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Talagang-talaga?! Itong mga lalaking 'to?! Na walang ginawa kundi ang mangbwiset?!

Tumango-tango silang lahat.

"How about Cyrus?"

"Waiting for someone," biglang sagot ni Sai.

My brows raised "Have a family, huh?" May mapanlokong sambit ko.

Hinampas naman agad siya nila Jake dahil sa pagbubunyag niya.

"Ah, Ano may hinihintay. I mean hinihintay niya si Liane kasi balak nila ulit magpakasal," hindi magkandaugagang palusot ni Sai.

"Ganun ba?" They nodded. " Pero wait, hindi ba ang sagwa naman kung si Cyrus at Liane ang magkakatuluyan? I mean, maganda naman si Liane pero ang pangit naman kung magpapakasal ang magkapatid, right?"

Nagtataka silang bumaling sa'kin.

Umirap ako "Sinabi sa'kin ni Akia ang totoo and I'm very dissappointed," kunwaring malungkot kong sabi.

They laughed awkwardly. "A-ah wala 'yun jinojoke ka lang namin!" Ani Sai.

I sighed and acted like they hurt me so bad.

I pouted " Ganun niyo ba talaga ako kaayaw kay Cyrus?" Malungkot na sabi ko.

Sabay sabay silang napatikhim at napahilamos sa mukha.

"Gago, Hindi naman." Ani Wendrix.

I laughed "charot," I joked.

Mayabang kong hinawi muli ang buhok ko na tumatama sa'king mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin. Bakit ba kasi hindi ko naisipan na magtali na lang or magsuot ng hairband!

Umayos ako ng pagkakaupo ng masilayan ang familiar na imahe, Sunod-sunod ang paglunok ko.

Even though he wore eyeglasses, I knew him well. He just wearing white button-up long sleeve, folded to his elbow and colored skin tone trouser, then color brown loafers.

Malakas ang dating siyang naglakad palapit sa gawi namin. Pinadausdos niya pa ang daliri sa kaniyang buhok bago ipasok sa loob ng bulsa. Still the same habit! he doesn't change!

Bakit ba kasi nakasalamin pa siya?! Hindi ko tuloy malaman kung nakatingin ba siya sa'kin.

Walang hiya akong tumayo at sinalubong siya. I put my arm around his arm.

Bahagya silang nagulat sa ginawa ko pero agad niya rin akong iniwas sa kaniya at dare-daretso umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Wendrix.

Tinanggal niya ang suot niyang salamin at binati ang mga kaibigan.

He ignored me. He just smiled with his friends. He doesn't bother to glance at me. He just sat on the chair like he doesn't see me. He was pretending as if I was wind, the wind he could feel but his beautiful eyes had not seen.

I would admit, it hurts.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.