Chapter Pepper’s Chase: 14

Makulit na tunog ng alarm clock ang gumising kay Pepper. She knew it wasn’t an ordinary day because it was her birthday. Her twenty-ninth birthday. Gusto sana niyang dumilat upang batiin ang sarili subalit tumututol ang kanyang mga mata.

Pilit niyang inangat ang mabigat na kamay para kapain ang alarm clock at patahimikin nang kusa itong tumigil sa pag-iingay. Bahagyang gumalaw ang kama at may isang mabigat na brasong dumagan sa kanyang baywang.

Hindi kusang tumigil ang alarm clock dahil may ibang nag-off ng alarm. At lalong hindi siya mag-isa dahil may katabi siya.

Napadilat siyang bigla upang kumpirmahin ang katotohanan nang mabilis din niyang naipikit ang mga mata. Tumindi ang sakit sa kanyang ulo. Nakasentro iyon sa pagitan ng likuran ng kanyang mga mata at dumadaloy sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Wala yatang bahagi ng katawan niya na hindi masakit.

Naalarma siya. Nagsalimbayan din ang tanong sa kanyang utak. Hindi niya alam kung ano ang uunahin. Ang sakit ng katawan o ang katabi.

Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung magpa-panic siya. Pilit niyang inalala ang nangyari nang nakaraang gabi.

Matapos niyang malaman ang totoong pagkatao ni Perry ay nagtatakbo siya palabas sa restaurant. Di niya alam ang direksiyong tinahak. Marami rin siyang ideyang naisip para makalimot. Mga ideyang desperadang tao lang ang maaring makaisip.

Naalala na niyang pumasok siya sa isang bar na puno ng mga kalalakihan. Subalit wala siyang pakialam noon dahil ang importante ay masayaran ng alak ang kanyang lalamunan. Um-order siya ng tequila na puro double. Iyon ang dahilan kung bakit masakit ang ulo niya.

Gumalaw ang kama nang isubsob ng katabi ang mukha sa sugpungan ng leeg at balikat niya. Bumilis ang pintig ng pulso niya nang dumapyo ang mainit na hininga nito sa kanyang balat.

Mariin siyang napapikit at walang lakas na gumalaw. Saan niya ito napulot? Ang natatandaan niya ay may lalaking may suwabeng boses na lumapit sa kanya habang nagpapakalango siya. Nilingon niya ito. Subalit hindi na niya matandaan ang itsura nito.

Nasapo niya ang ulo. Sumasakit lang ang ulo niya kapag pilit niyang inaalala. Ni hindi niya matandaan ang nangyari pagkatapos. Iniuwi ba niya ito sa bahay niya at may nangyari sa kanila?

Napabalikwas siya ng bangon kahit nananakit pa ang buo niyang katawan. Pinigil niyang tumili nang maramdamang wala siyang damit. Mabilis niyang kinipit ang kumot sa sarili. Natakpan niya ang bibig upang pigilin muli ang pagtili nang makitang gaya niya ay wala rin halos saplot ang katabi, maliban sa kumot na gamit din niya.

Iginala niya ang paningin dito. Sa tulong ng munting sinag ng araw mula sa bintanang natatabingan ng kurtina ay naaninag niya ang hubad nitong katawan.

He was tall, tanned, muscular and very bare. His image was like Adonis in his sleeping form. Dumako ang tingin niya sa braso nitong nakapatong sa kanyang baywang. Tinangka niyang iangat iyon sa kanyang katawan subalit nakuha ng peklat na hugis U ang kanyang atensiyon. Kinabahan siya. Masyadong pamilyar sa kanya ang markang iyon. Pamilyar na pamilyar.

Parang napaso niyang nabitawan ang kamay nito at lakas-loob na pinagmasdan ang mukha nito na nakasubsob ngayon sa kanyang unan.

Namutla siya. “Chase?” wala sa sariling usal niya.

“Hmmm?” ungol nito at humigpit ang yakap sa baywang niya.

Tuluyan nang sasabog ang utak niya sa natuklasan. Tumili siya at itinulak ito palayo. Dahil pang-isahan lang ang kama ay tuluy-tuloy itong bumagsak sa sahig.

Nagmamadali siyang bumangon sa kama habang mahigpit na kipit ang kumot sa katawan. Paanong nangyari na ito ang katabi niya? Anong ginagawa nito sa kanyang kuwarto? Imposible ito.

Bumangon ito nang tuluyan nang matauhan. Sapo ang noo ay pilit siya nitong inaninag ng tingin. “Bakit mo ako itinulak? At ano ang itinitili mo diyan?” galit nitong tanong at namaywang. “Ang aga-aga, ang ingay-ingay mo.”

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kahubdan nito. Her eyes surveyed his body and admired it for a few seconds. Subalit nang dumako sa pinakasentro ay napapikit siya nang mariin at tumalikod.

“Bastos! Pwede bang takpan mo ang sarili mo?” namumula niyang sabi.

Malakas ang kaba niya. She’s an artist. Uma-attend siya ng nude painting session at mga lalaki subject. But she had never had a nude man on her bed. Hindi pa siya nagiging intimate sa isang lalaki. Until now.

“Magbibihis lang ako. Pero pwede mo rin akong panoorin habang nagbibihis. After all, we’ve been intimate last night” anito sa nanghaharuyong boses.

Namula ang tainga niya sa huling sinabi nito. “Magbihis ka lang diyan!”

“Pwede ka nang humarap ngayon.”

Pigil ang hininga nang humarap dito. Nakasuot na ito ng slacks. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit nakadama siya ng panghihinayang nang makitang may damit na ito.

Binasa niya ang labi at tinitigan ang mukha nito. “What happened last night?”

Nasapo nito ang dibdib. “Nakakasakit ng loob ang tanong mo. We shared an unforgettable night last night.”

Mariin siyang napipikit. “Direktahin mo na ako. Anong ginawa mo sa akin?” nang-aakusa niyang tanong.

Umangat ang isang sulok ng labi nito. “Huwag kang magsalita na parang ako lang ang may gusto sa nangyari. We did it together,” anitong mula sa kanya ay lumipat ang tingin sa kama.

Nanlalambot siyang napaupo sa kama. “Oh, no!” Nasapo niya ang noo kasabay ang pagpintig ng sakit ng kanyang ulo. “Hindi totoo ang sinasabi mo.”

Tumayo ito sa harap niya. “Hindi ako makapaniwalang wala kang maalala sa nangyari sa atin. Matapos ang lahat ng pinagsaluhan natin.”

Tiningala niya ito. “Tama na!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.