Chapter Pepper’s Chase: 15

Isang malaking pagkakamali ang lahat. Mas mabuti sana kung isang estranghero ang nakasama niya. At least she could easily throw him out of her house and wave ‘sayonara’. Bakit sa mortal pa niyang kaaway?

“Hindi mo na ba gustong idetalye ko sa iyo ang nangyari kagabi?”

“I’m sure you tricked me!” akusasyon niya. Kahit siguro lasing siya, hinding-hindi siya sasama dito. At hindi siya papayag na may mangyari sa kanila.

Humalakhak ito. “Let me tell you, Pepper. Hindi ako namumuwersa ng babae. Ang pagkakatanda ko, ako ang pinuwersa mo.”

Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. “Hindi ako ganoon.”

Kahit na wala siyang maalala, alam niyang hindi siya mamumuwersa ng lalaki. Sana ay may maalala siya. Para maisalpak niya sa mukha nito ang lahat ng kasinungalingang gusto nitong palabasin.

Nagkibit-balikat ito na parang balewala ang pagkontra niya. Umupo ito sa tabi niya. “Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala. Nagkita tayo sa bar kagabi. Naglalasing ka nang lapitan kita. Hindi pa nga kita nakilala noong una pero nakilala mo ako. Sinabi mo sa akin ang ginawa sa iyo ni Perry and I thought you need company very badly. Sinamahan kita. Pagkatapos…”

Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin. “Pagkatapos ano?”

“Iniuwi na kita dito dahil wala ka namang dalang sasakyan. It was late kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”

“Ikaw ba ang nagbihis sa akin?” tanong niya. “No. Let me rephrase that. Ikaw ba ang nag-alis sa lahat ng damit ko?”

“No. You did it yourself. You undressed yourself infront of me. Gusto ko na sanang umalis para umiwas sa gulo pero pinilit mo ako. I tried to remain passive but things got out of hand. In fact, I couldn’t stop you from tearing off my clothes.” Hinagilap nito ang polo na kulang ng butones at may punit. “You are like a wildcat last night.”

“Sinungaling!” galit niyang sabi. “Sinamantala mo ako. You knew I was drunk. Kung anuman ang katangahang ginawa ko o kung totoo man ang sinasabi mo, dapat iniwan mo na lang sana ako.”

Mas mabuti na iyon tutal hindi naman niya maaalala ang nangyari nang nakaraang gabi. Sana ay hindi siya sasapitin ang ganitong kahihiyan.

“Hell! I’m not a saint! Hindi ganoon katindi ang kontrol ko. Ano ang gagawin ko kung ang isang magandang babae ay nagmamakaawa sa akin? Wala akong nagawa kagabi kundi pagbigyan ka. Nang sinabi ko sa iyong aalis na lang ako, pinigilan mo ako at nag-iiyak ka. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak.”

Isinubsob niya ang mukha sa palad. Gusto rin niyang magpapalahaw ng iyak nang mga oras na iyon. O kaya ay ibaon nang buhay ang sarili.

Hiyang-hiya siya sa sarili. Ganoon na ba siya kalupit sa sarili para magmakaawa sa mismong kaaway niya na angkinin siya?

“This is not true! Ano ang gagawin ko? Bakit ganito ang nangyayari sa akin?”

Ayaw lang niyang maging old maid. Pero ano ang napala niya? Ang nag-iisang lalaking inaasahan niyang aahon sa kanya sa pagiging matandang dalaga ay isa na ring babae. At ang mortal niyang kaaway ay sinasabing ito ang unang lalaki sa buhay niya.

Napahikbi siya nang kabigin siya nito at ihilig sa dibdib nito. “Hush now. Alam ko masakit sa iyo dahil wala kang naalala sa nangyari kagabi. Nakakapanghinayang talaga dahil iyon ang isa sa pinakamagandang gabi sa buhay ko.”

Natigilan siya sa pag-iyak at galit itong sinibat ng tingin. “Don’t touch me!”

Itinulak niya ito sa dibdib at bumagsak ito sa sahig. “Nakakasakit ka na,” inis na sabi nito nang bumangon.

Kinalma niya ang sarili. Hindi siya makakapag-isip ng tuwid kung magpapadala siya sa kanyang galit. Baka niloloko lang siya nito.

“T-Talaga bang may nangyari sa atin?” tanong niya.

Ngumiti ito at tumango. “Sa itsura nating ito, mukha bang wala?”

Pinakiramdaman niya ang sarili. Masakit ang ulo at katawan niya. Subalit hindi ganoon katindi ang pananakit sa sentro ng kanyang katawan. Dapat ay may nararamdaman siya doon. Pangalawang clue. Tumayo siya at naghanap ng kahit isang patak ng dugo sa kanyang kama. Hinaplos pa niya iyon at tiningnang mabuti. Wala talaga siyang makita.

“Anong ginagawa mo?” tanong nito.

“Naghahanap ng ebidensiya.” Hinarap niya ito. “At napatunayan kong nagsisinungaling ka. Wala akong makitang kahit isang patak ng dugo.”

“Dugo?” tanong nito na parang namamangha. “Virgin ka pa ba?”

Nakuyom niya ang palad at matalim itong tiningnan. “Virgin pa ako, hudas ka!”

Humalakhak ito nang nakaka-insulto. “Kaya pala halos magpakamatay ka nang hindi ka pakakasalan ni Perry. Let me tell you, Pepper. Hindi lahat ng babae ay nagbi-bleed the first time.”

“Sige. Given na hindi ako nag-bleed the first time. Pero wala naman akong maramdamang masakit. Alam ko ang pakiramdam kapag may gumalaw sa akin. It would definitely hurt. Pero walang masakit kaya sinungaling ka!”

Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nanatili pa rin ang nanunuksong ngiti sa labi at mata nito.

“Why are you hyped up about the pain when all I gave you was pure pleasure last night?” he said in a sensual voice.

With the word pleasure, dumagsa sa isip niya ang lahat ng nangyari kagabi. Parang bangungot ang lahat. Unti-unti nang bumabalik sa kanya ang alaala ng nangyari ng nakaraang gabi.

May katotohanan ang sinabi ni Chase. Naalala pa niya nang dalhin siya nito sa kanyang silid. At dahil sa espiritu ng alak ay lakas-loob siyang nag-striptease sa harap nito. Gusto niyang patunayan na kaakit-akit pa rin siya. Subalit pilit itong umiwas at sinabing uuwi na lang. Nagmakaawa siya ditong huwag siyang iwan. She remembered kissing him and tearing off his clothes. The next scenes were vague.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.