Chapter No Me Ames: 25

Nagising si Meredith habang pinaliliguan siya ng halik ni Siege. “Wake up, Sleeping Beauty,” anito sa nanghihipnotismong boses. “Your prince is getting impatient. Bakit parang ayaw mo akong batiin ng good morning?”

Umungol siya at isinubsob ang mukha sa unan. “Go away, Siege! Patulugin mo muna ako, please. Hindi ba ako pwedeng magpahinga?”

“Ngayong gising ka na, hindi na kita hahayaang matulog.”

Pinagapang nito ang labi sa kanyang likod habang ang kamay nito ay gumagalugad at nanunukso sa sensitibong bahagi ng kanyang katawan.

“Stop it, Siege,” paungol niyang saway. Walang kumbiksiyon sa kanyang boses na gusto niya itong patigilin. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka bumabangon.”

Pumikit siya. Inuutos ng kanyang katawan na huwag siyang bumangon at hayaan ito sa ginagawa. Subalit tumututol ang kanyang isip.

Ibayong lakas ng loob at pagpipigil ang inipon niya upang makabalikwas ng bangon. “A-Anong oras na?” tanong niya at tiningnan ang bintana. Maliwanag na sa labas. Tantiya niya ay alas sais na ng umaga. “Papasok pa ako.”

Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan ang kanyang balikat. “Huwag na tayong pumasok. Dito na lang tayo sa condo mo.”

“No, Siege!” tutol niya. Bumaba siya ng kama at pinulot ang mga damit. “Magbihis ka na at umuwi. Kailangan nating pumasok.”

Puno ng pagkalito siya nitong tinitigan. “Why the sudden coldness?” tanong nito nang bumaba ng kama at pinulot din ang mga damit. “We shared a passionate night last night. Now you are throwing me out?”

“Last night is last night,” malamig niyang sabi. Subalit hindi niya ito matingnan nang direkta sa mata. “Iba iyon sa ngayon.”

Hinaklit nito ang kanyang braso. “Ano na naman ito, Meredith?” Puno ng kaseryosohan ang boses at mukha nito. “Ano ang mali? Akala ko pagbalik mo mapag-uusapan na natin ang kasal?”

Tinatagan niya ang sarili nang tingnan ito ng direkta sa mata. Walang emosyon sa kanyang mukha. Pinamanhid niya pati ang sariling puso.

“Tama ka. Kailangan nating pag-usapan ang kasal. Ikakasal ako, Siege. Pero hindi sa iyo. I’m marrying someone else.”

Bumadha ang galit sa guwapong mukha nito. “Anong kalokohan ito?” mariin nitong sabi. “Ako ang boyfriend mo at ako ang mahal mo. Tapos sasabihin mo sa akin na magpapakasal ka sa iba? O baka naman pinaglalaruan mo lang ako.”

Kahit anong pilit niyang pamanhirin ang pakiramdam ay nakadama siya ng sakit sa mga bintang nito. “Mahal kita, Siege. I still do. Pero gagawin ko ito dahil iyon lang ang paraan para matapos ang sumpa.” Napaupo siya sa paanan ng kama at isinubsob ang mukha sa kama. “K-Kailangang magpakasal ang isang dalaga mula sa pamilya namin sa isang binata na mula sa pamilyang nagpataw ng sumpa sa amin.”

“At ikaw ang ang kailangang magpakasal?” anitong may galit sa tinig. “Kailangan mo ba talaga akong ipagpalit sa lintik na sumpang iyan?”

Tiningala niya ito. “Ayoko ring gawin ito, Siege. Pakiramdam ko patay na ako nang sabihin ko sa kanila na pumapayag ako. Pero kailangan kong gawin dahil nangako ako kay Corrine. Kailangang mabuhay ni Emer.”

Sinapo nito ang noo. Bakas ang sakit sa mga mata. Nakakuyom ang palad nito at mukhang handang sumabog anumang oras. Mahal siya nito at masakit ditong malaman na magpapakasal siya sa iba habang tinanggihan niya ang alok nito.

Umuklo ito sa harap niya. Ginagap ang kanyang kamay at hinalikan. Wala nang galit sa anyo nito. Determinasyon ang nasisinagan niya dito.

“Kalimutan mo na ang tungkol sa sumpa. Marry me. Magiging masaya tayong dalawa. Maiintindihan tayo ni Corrine. Ipaliwanag mo sa kanya na ang ikagagaling ni Emer ay hindi nakasalalay sa mga kamay mo.”

Puno ng pagmamahal niyang hinaplos ang mukha nito. “Hindi ganoon kadali ang lahat. Hindi lang si Corrine ang pinag-uusapan dito. Ginagawa ko ito dahil mahal kita.”

Tumigas ang anyo nito at binitiwan ang kamay niya. “Pinapatawa mo ba ako? Paano mo mapapatunayan sa aking mahal mo ako kung sa ibang lalaki ka naman ikakasal? Hindi ba nakaka-insulto iyon?”

Tumayo siya. Determinadong pangatawanan ang naging desisyon. “Dahil mawawala ka rin sa akin kapag sinunod ang dikta ng puso ko at sumama ako sa iyo. Kadamay ka rin sumpa, Siege!”

She couldn’t take that risk. Hindi niya kayang mabuhay kung mawawala rin ito sa kanya sa huli. Mas mabuti nang ngayon sila magkahiwalay kung alam niyang mas magiging ligtas ito kung malayo siya dito.

Mariing magkadikit ang mga labi nito nang isinuklay ang daliri sa buhok. Nagpalakad-lakad ito sa harap niya. Halatang pinipigil lang ang matinding galit.

“Ganito ba ang gusto mo?” anito sa kontroladong boses. “Kalilimutan mo ang lahat ng nangyari sa atin? Alam mo bang wala akong ipinagkaiba sa babaeng matapos gamitin ay itatapon na lang sa isang tabi na parang basahan?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.