TYSON’S POV
Patuloy kami sa pagsunod kay Aurora pero wala na atang katapusan ang paglalakad naming, natutukso na akong iwanan siya pero hindi ko hahayaang magkaroon iyon ng dahilan para magkaroon ng pagkakataon na mapunta siya sa panganib.
“Alam niya ba talaga ang ginagawa niya?” bulong ko at naglakad kami papunta sa isang sulok.
Nagbuntong-hininga naman si Caleb at sinabing, “So, ang isang dakilang hari ay hindi at nagugustuhang may mas magaling pa sa kanya…”
Bigla naman akong nainis nang isipin ko ang sinabi niya. Nagseselos baa ko sa kakayahan ni Aurora? Pero hindi sa tingin ko. Kung kaya niya kaming ilabas sa maze na ito, matutuwa at proud pa ako; kayulad lamang kung gaano ako kaproud kay Aslan sa mga nagawa niya noong mga bata pa kami.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga, at agad kong sinundan si Aurora patungo sa masikip na daan. Ang mukha niya any bigla nagningning nang makita niya ako, “Minamarkahan ko kanina pa ang mga puno simula ng naglalakad tayo. Kanina pa tayo palakad lakad sa iisang lugar pero ang dalawang puno na lamang na ito ang hindi pa namamarkahan. Subukan nating dumaan dito,” masayang sabi niya.
Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya pero sinundan lamang namin siya. Bigla na lang naging iba ang hitsura ng dinadaanan naming, naging mahamog ang gubat at madilim ang paligid.
“Aurora, sa tingin mob a dadalhin tayo ng daan na ito sa dapat nating puntaha?” tanong ni Caleb at nililibot ang kanyang mata sa gubat at nag-aalala.
“Hindi ko alam Caleb, pero masyadong malayo na ang nalakbay natin para bumalik pa tayo. Halika na lang at huwag kang maging parang isang takot na aso jan…”
Grrrrr! Ang tunog na parang galing sa isang Leon ay umalingawngaw sa kung saan bahagi ng gubat. Agad namang humawak sa kamay ko si Aurora at sinubsob ang mukha niya sa akin at napasigaw, “Ayoko…. Ayaw kong mamatay ng dahil lamang sa leon…”
“Sino ngayon ang parang takot na pusa?” sabi ko sabay tawa.
Agad niya naman ako tinulak palayo at saka sinabing, “Umakyat na lamang tayo sa mga puno. Sa gano’ng paraan hindi tayo maaabot ng leon…”
Isa na namang tunog mula sa leon ang narinig naming at bigla na lang umakyat ng puno si Aurora na parang unggoy. Ako at si Caleb naman ay nagpakawala ng malalakas na pagtawa.
“Gusto niyo bang mamatay na dalawa? Umakyat na kayo sa puno, dali…” sabi niya ng pautos.
“Isa akong dragon-shifter, Aurora, sa tingin mo ano na lamang mukha ang ihaharap ko kung matatakot ako sa isa lamang hamak na leon?”
“Huwag mong kakalimutan na hindi mo kayang maging dragon dito. Ang kakayahan mo ay walang gana dito.”
“Hindi possible yan, sigurado ako na kaya kong patayin ang leon na iyon kahit pa wala akong kapangyarihan dito…’sabi ko at nagpakawala ng hangin at nanatiling nakatayo sa kinaroroonan ko, hinhintay na umatake ang leon.
Lumakas ang tunog at para bang kidlat ang tunog nito, at isang malaki at kakaibang leon ang bumungad sa akin. Halos mas malaki pa ito ng tatlong beses sa laki ko. Inilabas niya ang kanyang mga pangil at umungol pero nanatili lang akong nakatayo na hindi man lang ako natakot. Malakas ang loob ko na ang pisikal na katawan ko ay kaya siyang labanan.
Bigla namang tumalon sa akin ang leon. Hinila kong pareho ang kanyang mga kamay, iniisip ko na magagwa ko itong i-wrestling. Pero hindi ko kinaya nang wala ang kakayahan ko.
Ang mga kamay ko ay sumakit at nanginging ang mga ito dahil nanghihina na, lumapit lalo ang leon sa akin. Ramdam ko ang bawat paghinga niya at ang mga mata niya ay punong=puno ng pagnanasa at pakiramdam ko huminto ang puso ko sa pagtibok nito.
Maya’t maya pa ay itinapon ako nito palayo at nakita ko si Caleb na patuloy ito sa paghampas sa leon ng isang tangkay ng puno. Tila ba hindi man lang nababahala ang leon at nagagawa niya ding umiwas dito.
At nang makita ko ang leon na papalapit kay Caleb, pinutol ko ang isang tangkay ng kahoy at saka nag-umpisa itong hampasin. Sa pagtutulungan naming dalawa nagagawa naming kunin ang atensyon niya pero tila wala na atang katapusan na labanan ito. Napakaliksi ng leon at mahirap patumbahin.
Aurora’s POV
Ang mga baliw na mga ito! Sinabi ko na ngang umakyat sila ng puno pero hindi nila ginawa. Gusto pa nilang ipagmalaki ang lakas nila. Pag-akya lang naman ng puno, matatapakan ba no’n ang ego nila!
Takot akong pinapanuod ang matalinong leon na lumulusob sa kanila. Kung nagpatuloy pa ito maaaring mamatay sina Caleb at Tyson.
Tumingin ako sa paligid at naghahanap ng maaaring magpataboy sa leon. Isang mukhang matigas, kulay abong bato malapit sa may oak tree ang nakita ko parang itong isang flintstones. Kung makakalapit lang ako sa mga batong iyon, magagawa kong gumawa ng apoy para paalisin ang leon. Pero ang problema ay napakalapit ng leon sa mga batong iyon.
“Kailangan mong gawin ito, Aurora.” bulong ko at dahan-dahang bumaba sa puno hagga’t kaya ko. Nakapunta ko malapit sa puno at agad na pumulot ng mga baton ang bigla akong nakarinig ng pag-ungol.
Halos lumabas na sa bibig ko ang puso ko sa sobrang takot nang makita kong tumalon ang leon papunta sa akin. Sumigaw ako at pinikit ko ang mga mata ko. At nang wala akong naramdamang nangyari, agad kong binuksan ang mata ko at nakita ko si Tyson na sinusubukang labanan ang leon.
Agad naman akong umakyat ng puno ng may nanginginig na mga binti at mga kamay. Nagiging agresibo lalo ang leon at galit nag alit na.
Hinila ko ang isang tuyong tangkay ng puno at hinawakan ito gamit ang dalawa kong binti. Agad ko namang kinikiskis ang bato pero ang nanginginig kong mga kamay ang siyang gumugulo sa ginagawa ko.
Pinunasan ko ang pinagpapawisang mga kamay ko sa damit ko at bigla nahagilap ng mga mata ko si Caleb na nasa dulo kasama ang leon at wala na itong matatakbuhan. Naliligo na sila sa pawis at halatang pagod na pagod na sila. Kung hindi pa ako magmamadali siguradong mamamatay sila.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at saka mabilis na kinuskos ang mga bato. Umiinit ang bato ngunit walang lumalabas na apoy. Kaya naman kumuha ako ng mga tuyong dahoon at nag-umpisa ulit na kuskusina ng mga bato malapit dito. Bigla naman akong napabuntong-hining ng may kaginhawaan ng biglang may apoy na lumiyab. Hindi ko na pinansin ang apoy na tumatama sa mga binti ko at inapuyan agad ang isang tangkay ng puno.
At sa sandaling nasindihan ko na ito ay agad naman akong bumaba ng puno. Kita ko sina Tyson at Caleb na sumusuko na, kailangan kong gumawa ng paraan.
“Hey! Ikaw na mabangis na pusa! Ako ang labanan mo!” sigaw ko at tinutok ang umaapoy na kahoy.
Hindi ko alam kung umagaw pansin sa kanya ang boses ko o sadyang naiintindihan niya ako dahil bigla na lamang itong lumapit sa akin.
Isang malakas na sigaw ang kumawala sa aking bibig at hinawakan ko nang mahigpit ang nagliliyab na kahoy at saka ito sinaksak sa kanya. Maya’t maya ay nahulog sa lupa ang nagliliyab na kahoy. Pinanuod ng leon ang umaapoy na kahoy ng ilang sandali saka tumakbo palayo.
Sa sandaling umalis ang leon, agad naman akong nanghina na kanina ko pa nilalabanan. Ang kahoy na umaapoy ay unti-unting nagiging abo at ako naman ay humandusay na rin sa lupa.