CALEB’S POV
Namamangha ako na pinapanuod si Aurora kung paano niya lakas-loob na pinapaalis ang leon. Pero bakas din sa mukha niya ang takot gayunpaman sinubukan niya pa rin kaming protektahan.
Ngayon, mas naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng tunay na katapangan. Hindi ibig-sabihin no’n na wala kang takot, ang ibig sabihin ng katapangan ay ang kaya mong lumaban para sa mga taong pinahahalagahan mo kahit pa halos mamatay ka na sa takot.
Kami ni Tyson ay nagpakain lamang sa takot na matapakan ang ego naming. At si Aurora ang siyang nagpakita ng tapang ngayong araw.
Sa sandaling umalis na ang leon bigla namang nawalan ng malay si Aurora. Agad naman akong lumapit para sana saluhin siya pero naunahan ako ni Tyson.
Nanlaki naman sa takot ang mga mata ko nang makita ko na halos kulay asul na ang balat ni Aurora. Naupo si Tyson sa isang malaking bato at saka naman niya pinahiga si Aurora sa kanyang kandungan, saka ito sinubukang gisingin.
Nangamba naman ako ng mapansin ko na may bakas ng kagat sa kanyang paa, “Holy crap!” sigaw ko at lumuhod sa sahig para makita at masuri ang kanyang sugat.
“Anong nangyari, Caleb?”
Binasa ng aking dila ang labi ko at sa nanginginig na boses, sinagot ko siya, “ Si Aurora… natuklaw siya ng ahas… At sa kalagayan niya ngayon palagay ko nakakalason ito…”
“Hindi… Hindi… Hindi ako papayag na may mangyari sa kanya… Kanina, hindi kalayuan ditto, may kapansin akong herb na pwedeng magamit upang gamutin siya. Pupunta ako doon at kukulin iyon… Ikaw na muna ang bahala sa kanya at saka… huwag mong hahayaang mamatay ang apoy… para mas madali ko kayong mahanap…” mabilis na sabi ni Tyson at agad namang umalis bago ko pa man siya sagutin.
Inihiga ko muna sandal si Aurora sa mga damo at saka ako gumawa ng bonfire. Mas lalo pang lumalala ang kulay ni Aurora sa bawat minutong lumilipas. Natatakot ako nab aka huli na ang lahat kapag dumating si Tyson.
Inalis ko naman ang pang-itaas na damit ko at saka ito itinali sa taas ng ankle niya. Habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang paa ay nag-umpisa na akong sipsipin ang dugo at saka ito dinura. Noong una tila nahihirapan ako pero habang tumatagal ay nagiging madali lang sa akin na subukan alisin ang lason sa kanya.
Halos mangalay na ata ang bibig ko sa patuloy na ginagawa ko. At dahil sa hindi na ako mapakali, hindi ko sinasadyang malunok ang dugo mula kay Aurora. Maya’t maya pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo at nahihirapan na akong panatilihing bukas ang aking mga mata. Ang huling bagay na lamang na nakita ko bago maging itim ang lahat ay ang nagliliyab na apoy.
AURORA’S POV
Ramdam ko ang hindi ko magawang paggalaw ng buong katawan ko na tila ba nabugbog ng napakalakas. Ginawa ko pa ding ibukas ang aking mga mata.
Nakita ko na lang ang sarili kong nasa kandungan ni Tyson at nakapatong ang ulo ko sa dibdib nito. Bigla namang namula ang mukha ko at agad akong tumayo paalis sa kanyang kandungan pero napasigaw rin ako sa sakit na nararamdaman ko nang mahulog ako sa sahig. Pakiramdam ko na bale na ata ang kanang paa ko.
Bigla namang nagising si Tyson sa pagkakatulog nito at sinabi sa mahinang boses, “Kamusta na ang nararamdaman mo?”
Bigla namang kinabahan ang puso ko sa sandaling lumapit siya sa akin. Nakaiwang bukas ang bibig ko sa kaba pero ang nais niya lamang palang gawin ay suriin ang aking mga mata. Napabuntong-hininga naman ako nang lumayo na ang mukha niya sa akin.
“Masaya ako na gumaling ka na, natakot ako nab aka hindi mo magawang makaligtas sa nangyari,” sabi ni Tyson at saka ngumiti.
“Ano bang nangyari sa akin? Wala akong maalala sa nangyari?” sabi ko habang minamasahe ang ulo ko.
“Tinuklaw ka ng ahas,” sagot niya sabay turo sa ankle ko.
Damn! Namamaga ito. Agad ko namang inalis ang damit na nakatali rito at iniabot kay Tyson. Lahat ng namuong dugo mula sap aa ko ay nagsidaloy at mas lalong guminhawa ang pakiramdam ko. Ang nararamdaman kong sakit kanina ay unti-unting nawawala.
Huminga naman si Tyson at sinabing, “Ummm… Kay Caleb ang damit na iyan…”
Bigla naman nagtaas ang kilay ko sa pagtataka, “Eh bakit wala kang damit?”
“Uhmmmm… nang umalis ako para maghanap ng herbs para gamutin ka, sinubukan naman ni Caleb na sipspin palabas ang lason. At nang bumalik ako imbes na iisa lang ang makikita kong walang malay ay naging dalawa na. At dahil wala na akong mapagpipilian hinati ko ang herbs para mailigtas kayong dalawa.”
“At bakit hindi pa siya gising?”
“Hindi ko hinati sa tama ang herbs…”
“Paano mo nagawa iyon, Tyson?” sabi ko at nag-aalalang nilapitan si Caleb. “Hinding-hindi kita mapapatawad kung may nangyaring masama kay Caleb.”
Sinasampal ko ng mahina ang pisngi ni Caleb, sinusubukan ko itong gisingin, “Caleb! Caleb! Please, gumising ka…”
Bigla naman siyang nagsalita sa inaatok na boses, “Meridith, hayaan mo akong matulog. Wala akong pakialam kung nasusunog man ang mundo.” Sabi nito at saka bumalik sa pagkakatulog.
Napabuntong-hininga naman ako nang malaman kong natutulog lang pala siya.
Lumuhod naman si Tyson sa may tabi ko at saka sinuri ang paa ko. Napakagwapo niya kapag seryoso siya at nakapokus sa isang bagay. Ewww! “Tyson” at ang salitang “Gwapo” sa iisang linya… Ano bang mali sa akin? Bakit ko iyon nasasabi?
Lumunok naman ako at nagsimula nang magsalita upang iwasan ang mga maaari kong isipin tungkol kay Tyson, “Patawad kung nasigawan kita kanina. Salamat sa pagligtas mo sa aming dalawa.”
Napalunok naman siya at nanatiling nakatingin sa ibaba at sinabing, “Ako dapat ang nagpapasalamat sa’yo. Nang hindi dahil sa’yo, pareho sana kaming ginawang hapunan ng leon na iyon.”
Parag ang hirap paniwalaan na ang dakilang hari ng mga dragon ay ngayo’y inaamin niyang nagkamali nga siya. Kahit pa hindi niya mismo iyon sinabi pero ganun na din iyon.
“Niligtas ko kayong dalawa sa mabangis na leon na iyon; niligtas niyo rin ako mula sa lason. Kaya sa tingin ko, patas lamang tayo…” sagot ko ng may ngiti. Hindi ko siya gustong makaramdam ng hindi pagiging kumportable.
***
Nagsimula na akong maglakad sa isang daan, at sinusundan naman ako nina Tyson at Caleb mula sa likuraan. Tila ata natuto na sila sa kanilang leksyon at hindi man lang nila ako tinatanong sa mga daan na aming tinatahak.
Sinasabi nilang buhatin na lamang nila ako dahil nga sa sugat na natamo ko pero ang problema ay pareho silang dalawa na inaalok ako. At hindi ako makapili sa kanilang dalawa. At doon ko napagtanto na naipit ako sa dalawang ito. Paano na ako makakapili sa panahong mahanap na namin ang bato?
“Hey, tumingin kayo doon…” nakuha naman ni Caleb ang aking atensyon sa sandaling magsalita ito at may tinuturo.
Isang maliit na bahay ang syang nakita namin sa gitna ng mga halaman. Tila ba napakatagal na ng bahay na iyon, halos nabubura na ang mga pintura nito, at ang daan doon ay tila matagal na din. Napapaisip ako kung may nakatira pa ba doon.
“Mas maganda siguro kung papasok tayo sa loob, baka may tao roon…” sabi ni Tyson habang papalapit sa bahay nang tumama sa binti ni Tyson ang isa sa mga halaman bigla na lamang itong napalundag at ngumiwi sa sakit… “F***! Halaman ba talaga ang mga ito o mga karayom?
“Kilala ito bilang isang mystical land. Mas mabuti sigurong magpatuloy na lamang tayo sa paglalakad kaysa sayangin ang oras natin dito…” sabi ni Caleb habang nag-iisip.
“Paano ka nakakasiguro Caleb? Ibig kong sabihin, hindi rin natin alam kung ilang tao na ang nakapunta sa lugar na ito?”
“Tama si Tyson. Mas makakabuti kung alamin muna natin kung mayroong tao dito, tutal ang layo na rin ng narrating natin…”
“sige, kapag yan ang gusto mo, Aurora. Humanap na lamang tayo ng daan…”
Sa sandaling nakapagpasya kaming tatlo ay bigla na lang gumalaw ang mga halaman at nagbigay ng daan para sa amin. Lahat kami ay tulala dahil sa pagkabigla pero agad din kaming nagmadali palapit sa bahay.
“Kakatok pa ba tayo o papasukin na natin ito?” sabi ko at isa-isa silang tinitigan.
“Sigurado ka na ba dito?” tanong ni Tyson saka ako hinawakan sa kamay.
“OO…”
“Kung ganon gawin na natin ‘to…” sabi naman ni Caleb at hinawakan ang kabila kong kamay.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at isang matandang mapayat at matangkad na babae ang bumungad sa amin. Ang mukha niya ay kulubot na at puti na ang mga buhok nito. Ngumiti siya sa amin na hindi pinapakita ang mga ngipin, “Hindi ko inaasahan na darating kayo ng mas maaga. Pumasok kayo aking mga anak, halika na kayo, pasok na…”
Sa kabila ng kanyang hitsura, mabibigat ang bawat padyak niya habang pinupunta kami sa isang silid-aralan… “Bakit hindi muna tayo magtya-a…” sabi niya at pinauupo kami sa may lamesa.