TYSON’S POV
“May bagay kaming hinahanap… Baka matutulungan mo kami sa bagay na ito,” sabi ko habang lumalapit paharap.
“Paranoid at hindi makapaghintay kagaya ka parin ng dati… Hindi mo man lang kinamusta ang isang matandang tulad ko… napakawalang respeto mo…”
Biglang nanigas ang aking kamao at saka sinabing, “Kamusta ka po, lola?”
Tumawa naman siya at sinagot ako, “Ngayong tinawag ako ng isang dakilang hari ng mga dragon na ‘lola’ wala akong dapat ikabahala, hindi ba?”
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat na malaman kong alam niya ang pagkatao ko. Mukhang hindi siya ordinaryong tao lamang kumpara sa hitsura niya.
“Huwag mo na lamang siyang pansinin, lola, sadyang ganyan na lamang talaga po siya,” sabi naman ni Aurora at binigyan niya ito ng isang malaking ngiti. Ah! Ang mga ngiting iyon… kaya niyang alisin lahat ng galit at sakit na nararamdaman mo.
“Bakit naman ako makakaramdam ng hindi pagkakumportable sa naging asal niya?”
“Maraming salamat po, lola. Narito po kami para hanapin ang…”
“Alam ko Aurora, naparito kayo upang hanapin ang Heart Of Magic…”
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na itanong, “Sino ka ba?”
Huminga naman siya ng malalim at saka sinabing, “ Ako ang gumawa sa mystical land na ito. Lahat ng narito ay kontrolado ko…”
“Hinayaan mo kaming makapasok, ibig sabihin ba nito ay handa kang ibigay sa aming Heart of Magic?” sabi ni Aurora ng natutuwa.
Bigla naman siyang namutla at bakas sa mata niya ang galit pero matapos ang ilang sandali ay nagawa niyang kontrolin ang kanyang emosyon.
“Hindi ko kayo hinayaang makapasok… Hindi ko hinayaang makapasok ang kahit sinuman dito ng ilang siglo na ang lumipas…”
Bigla naman akong nalito sa mga sinabi niya at tinanong, “Hindi ba’t sabi mong kontrolado mo ang lugar na ito?”
Ang mga mata niya ay nagpakita ng isang pighati at sinabing, “Ginawa ko ang lugar na ito gamit ang aking mahika ilang siglo na ang nakakalipas. Ang lugar na ito ay tinitirahan ng mga mystical creatures. Ang kagandahan nito ay hindi mo maikukumpara sa mundo…”
Ang boses niya ay punong-puno ng emosyon at hindi niya na magawang magpatuloy sa pagsasalita…
Kahit pa ikaw ang makapangyarihang tao sa mundo ay hindi mo kakayanin ang emosyon mo. Kaya naman iyon din ang dahilan kung bakit pinanatili kong sarado ang puso ko pero ngayon…
Aslan’s Pov
“Zizi, isang linggo na simula nang makita ko si Tiara… Maaari bang makita ko siya kahit isang saglit lamang?” sabi ko na nagmamadali.
“Oh, cone on, Aslan… Noong nakaraang araw lamang ay wala kang pakialam sa kanya… bakit nag-aalala ka na ngayon?” Sabi ni Zarina.
“Gusto ko lang siyang makita kahit sandali… may tiwala ka sa akin, hindi ba, kapatid?” sabi ko na may nasasaktang ekspresyon.
Hinawakan niya naman ako sa aking mga balikat at saka sinabing, “Tsk… tsk… tsk… Iyan ba ang pinag-aalala mo, Aslan? Na baka mawalan ka na ng silbi sa akin. Huwag kang mag-alala, kapatid… Sa panahong lumakas na ang aking kapangyarihan, tutulungan kitang maging hari ng mga dragon…”
“Hindi mo babawiin ang mga sinabi mo, hindi ba?” sabi ko.
“Siyempre, hindi, kapatid. Ikaw na lamang ang natitira sa aking pamilya…”
“Paano naman si Tiara? Anong plano mong gawin sa kanya?”
Huminga siya ng malalim, “Siya ang tanging susi ko para makuha ang Heart of Magic. Sa panahong makuha ko na iyon… Baka papatayin ko na lamang siya, pero kung gusto mo siyang kunin ng buhay, maaari ko siyang ibigay sa’yo…”
“Salamat…” bago pa man ako makapagsalita ay pinutol naman agad ni Zarina ang sinasabi ko.
“Huwag kang masyadong umasa, Aslan. Nakadepende pa rin ito kung paano ang mangyayari sa mga napag-usapan natin… Malinaw na sa akin ang plano ko, ang gamitin si Tiara para makuha ang bato; at gamitin ang bato para patayin si Aurora at si Tyson; ibalik ang kapangyarihan ng mga witches, sisirain ko lahat ng sinumang humadlang sa akin, kahit pa ikaw!”
Ang tagal na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi niya. Alam ko na ito matagal na, kayang gawin ni Zarina ang mga ganitong matinding krimen kung alam niyang may patutunguhan ito.
Kinakabahan na ako sa pag-iisip sa sandaling makabalik sina Tyson at Aurora, alam ng Diyos kung anong kahihinatnan nila…
“Lola, uminom po kayo ng tubig,” sabi ko habang hinahaplos ang kanyang likod.
Tumingin siya sa akin na may halo-halong emosyon bago niya kunin ang baso mula sa akin. Nang hindi na siya nagsalita ng matagal, nagsalita na ako, “Lola, kung hindi ka kumportableng pag-usapan ito, hindi mo na kailangan pang ikwento. Maaari naman po kaming bumalik…”
Tinaas niya naman ang kanyang ulo saka tumingin sa akin. Ang mga di mabasang mga mata niya ay biglang nag-iba, “Pasensya na, masyado lang akong nilamon ng mga ala-ala ko… nakalimutan ko na may mga bisita nga pala ako… Tulad nga ng sinabi ko, ang lugar na ito ay tinitirahan ng mga mystical creatures… at lahat ng mga magagandang bagay ay hindi nagtatagal hindi ba? Nahanap ng Dark Queen ang lugar na ito at ninakaw ang heart of magic.”
Huminga siya ng malalim at saka tinuloy ang pagpapaliwanag, “Iyon ay noong mga malagim na panahon, Aurora… kahit pa ngayon, kinikilabutan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga panahong iyon…’
Hindi na ito ang unang beses na narinig ko ang salitang Dark Queen… Sino ba talaga siya?
“Sa kanyang nakuhang panibagong kapangyarihan, inalis niya lahat ang mga may buhay na creatures hanggang sa nawala na lamang sila ng hindi ko man lang namamalayan. At nang pinatay siya… nasira ang, ‘Heart of Magic’…”
“Nagsisinungaling ka,” bigla namang sabi ni Tyson. Agad naman akong napatingin sa kanya. Namumula ang kanyang mukha sa galit at ang lakas ng loob niya para paratangan ang matanda ay siyang ikinagulat ko. Akala mo naman ay nandoon siya noong nangyari ang bagay na iyon.
Nakakagulat na hindi man lang nagalit sa kanya ang matanda. Sinabi niya sa mahinahong boses, “Hindi iyon nasira sa panahon ng digmaan, aking anak. Pagkatapos ng ilang taon, Nakisama ako kay Celeste at sa isang makapangyarihan na witch upang isarin ito…”
“Holy F***! Dang it!” sabi ni Tyson at hinihila ang kanyang mga buhok sa inis. “Iyon ang dahilan ni Celeste para patayin si Tiara, nais niyang ibalik ang Dark Queen kaysa sa makuha ang bato… alam niyang wala na ang batong iyon…”
“Parang-awa mo na, sabihin mo sa akin na hindi siya buhay. Hangga’t may nabubuhay na kakampi ng Dark Queen, hinding-hindi tayo magiging ligtas…”
Nagsimulang ipaliwanag ni Tsyon kung paano ako kinuha ni Celeste, pero hindi ko ito binigyang pansin.
Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong binubugbog at hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin. Lahat ng paghihirap na ito… lahat ng mga panganib na kinaharap naming ay wala ring kabuluhan. Ang “Heart of Magic” ay hindi-hindi naming mahahanap dahil wala na nga ito.