CHAPTER 38

CALEB’S POV

“Ibig sabihin ba nito wala na nga ng tuluyan ang Heart of Magic?” tanong ko sa nanginginig na boses.

“Hindi ko man ninanais, pero tama ka, aking nak…”

Halos mahulog ang puso ko. Ano na ang sasabihin ko sa Dark Lord, ngayon? Pinangako niyang hahayaan niyang mabuhay ang mga kasama ko kapalit ng batong iyon.

Nagpasya kami na manatili muna sa bahay na ito hanggang sa sumapit ang araw. Pag-aalala at pangamba ang siyang nagpapanatiling gising sa akin ng buong gabi. Sa sandaling makabalik na ako, malalaman ng Dark Lord ang katotohan at alam ng Diyos kung gaano karaming werewolves ang kanyang papatayin…”

Niyakap ni Aurora ang matanda bago kami umalis, ipinagako niya din na dadalhin niya si Tiara dito sa araw na lumaki na ito. Nakakalambot ng puso na makita kung gaano kasaya si Aurora sa naging samahan naming ng boung magdamag.

Pero ramdam ko pa din ang panlalamig ng puso ko. Gusto kong makaramdam ng saya, pero ang mayroon lamang sa akin ay kadiliman; isang walang katapusang kadiliman…

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mag-isip ng kung anu-ano, iba kaya ang nangyayari ngayon kung hindi dumating sa buhay ko si Aurora? Pinaghaharian ko n asana ang underworld kasama si Lina…

Isang napakasakit at malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig. Ngayon wal akong silbe, hindi ko man lag magawang iligtas ang mga kasama ko…

Naglalakad kami sa gitna ng gubat nang may isang malaking tangkay ng puno ang biglang nahulog mula sa aming itaas. Agad naman akong tumalon sa may tabi ng mabilisan pero nagawa parin itong tamaan ang kamay ko.

Napa-ungol ako sa sakit, at nang itaas ko ang ulo ko ang tangi kong nakita ay sina Aurora at Tyson na nakayakap sa isa’t isa. Nakatayo si Aurora na nakayakap ang kanyang mga kamay sa katawan ni Tyson na tila ba prinoprotektahan niya si Tyson gamit ang kanyang katawan bilang sangga.

*Kita mo, wala siyang malasakit sa iyo… Pipiliin niya lamang si Tyson kaysa sayo… So ano ngayon kung nagawa mong patayin ang sarili mong kapatid para lamang iligtas siya? Ano ngayon kung kumampi ka sa isang demonyo para mahanap siya at iligtas siya… siya at siya parin ang pipiliin niya…”

Hinarangan ko ang mga tainga ko pero patuloy na bumubulong ang mga boses na iyon sa isipan ko.

Tumakbo naman palapit sa akin si Aurora at tinanong sa nag-aalalang boses, “Ayos ka lang ba?”

Umiling lamang ako at nag-umpisa ng naglakad. Diretsyo lamang ako sa paglalakad ng hindi ko man lang napapansin ko ano na ang natatapakan ko hanggang sa may tumalsik na lamang na tubig. Nakatapak na pala ako sa isang malamig na tubig ng lawa… Ag liwanag na mula sa tubig na tinatamaan ng sikat ng araw ang siyang tumama sa aking mga mata. Maya’t maya pa ay pumayapa din ang aking pag-iisip.

Kung nakuha ko lamang ang ‘heart of magic’ maaari kong maantala ang masamang balak ng Dark Lord sa mga kasamahan ko.

Aurora’s POV

Kakaiba ang kinikilos ni Caleb mula nang umalis kami sa maliit na bahay. Matapos bumagsak sa kanya ang sangay, agad siyang naglakad nang hindi man lang ako nahintay at hindi din niya akong hinayaan gamitin ng herbs ang kanyang natamong sugat.

Matapos ang isang mahabang lakad, sawakas at naabutan namin siya. Gusto ko sanang makausap siya ngunit ang magandang lawa ay tila hinuhugot ako patungo sa sarili nito. Ang malamig, kulay asul na tubig ay tila inaakit ako at nakalimutan ko ang lahat. Naupo ako sa isang bato sa tabi ni Caleb. Napanisin ko ang isang paggalaw sa aking kaliwa at napagtanto ko na tumabi din sa amin si Tyson.

Naupo lamang kami doon at pinagmamasdan ang kalmadong pag-agos ng tubig; bawat isa sa amin ay tila nilalamon ng mga malalalim na mga nasa isipan namin. Bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pananabik na makita ang Heart Of Magic.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang repleksyon ng kulay pula na rubi sa tubig. Ipinasok ko naman ang mga kamay ko sa tubig at sinusubukan kunin ito upang makita ko, pero bakit ko nga ba iyon ginagawa wala namang dahilan para gawin ko ito, pakiramdam ko lang naman iyon…

“Aurora, kanina ka pa nakaupo at kanina pa ang mga kamay mo sa tubig, napakatagal mon a diya. Umalis ka na diyan kung hindi magkakasakit ka,” ang boses ni Tyson ang siyang humila sa akin sa realidad.

Napabuntong-hininga naman sina Caleb at Tyson nang alisin ko na ang kamay ko mula sa tubig. Isang malaking hugis puso ang siyang na sa aking kamay. Hindi ko na kailangan pa ng anumang kumpirmasyon na ito ang heart of magic. Ramdam ko ang kapangyarihan nito na dumadaloy sa aking mga ugat.

“Bloody hell! Iyan ba ang nasa isipan ko?” agad na tumayo si Caleb mula sa kinatatayuan niya.

Tumingin naman ako sa bato na hawak ko at sinabing, “Sa palagay ko…”

Kinuha naman ni Tyson mula sa akin ang bato. Matapos niya itong suriin, sinabi niyang, “Heto nga ang heart of magic, nakita ko na ito dati.”

“Sorry… Ano?”

“Sabi ko nakita ko na ito dati.Tinuruan ako ng aming ina kung paano mo makikilala ang batong ito.” Pagpapaliwanag niya at saka ibinalik sa akin ang bato.

“Hindi ba’t sinabi ng lola na iyon na nasira na ang batong ito sa sandaling mapatay ang Dark Queen?”

“Hmmm… hindi ko alamh kung nawasak nga talaga ito, pero nakita ko rin ito bago pa namatay ang Dark Queen…”

Bigla naman akong nabigla at kamuntikan ko ng malaglag ang bato pabalik ng tubig, “Ilang taon ka ng aba talaga, Tyson?” tanong ko.

“Hawww! Hindi mo pa ba sinasabi sa ina ng anaka mo kung ilan taon ka na, Tyson? Isa siya sa mga sinaunag tao…” pang-aasar na boses ni Caleb.

“179 years old lamang namn ako, wala pa naman ako sa 200…” naiinis na sagot nito.

“Damn! Napakatanda mo na nga…” hindi ko mapigilan na isigaw. At nang makita ko ang ekpresyon niyang nasasaktan sa sinabi ko, agad ko namang idinagdag, “Pero mukha kang nasa mga 20’s lamang…”

Napahinahon naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin. Pero sa tingin ko mukhang hindi gusto ni Caleb na pinupuri ko si Tyson at bigla na naman itong umalis agad.

Habang nagpapakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, “Ano bang nakain no’n? Nasa ilalim ba siya ng isang spell?” bulalas ko.

Umupo naman sa may tabi ko si Tyson at saka hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung epekto bai yon ng bato o may iba pang dahilan, ramdam ko ang nararamdaman niya. Hindi siya nagsasalita pero sa kabila no’n raamdam kong mahal niya ako.

Bloody Hell! Ni hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagmamahal niyang iyon. At alam ko rin na gusto niya itong sabihin ngunit nahihirapan siyang ipakita ito. At nang tinango ko ang ulo ko upang pagmasdan ang kanyang mga mata, ramdam ko ang pagkalito at pangamba ng mga ito.

“Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi… hindi naman ako interesado dito…” binasa niya ang mga labi niya at saka lumunok bago niya ipagpatuloy ang kanyang mga sinasabi, “Mahal ka ni Caleb, Aurora. Iyon ang dahilan kaya iba ang mga inaasta niya. Hindi niya kinakayang makitang… Uhmmm… na nag-aalala ka sa akin…”

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko iyon. May punto nga siya doon, ayos lang naman siya noong una maliban na lang noong pinuri ko si Tyson…

“Bakit mo ito sinasabi sa akin?”

“Gusto ko lang naman maging patas. Simula nang mangyari ang mga ito at nagkaisa kami, naging isang higit pa sa kaibigan para sa akin si Caleb kaysa bilang isang kaaway. Kung hindi dahil sa kanya, pinatay na ako ng mga dragon at higit pa doon…”

Tila nagiging mabigat ang mga boses niya sa emosyon niya, at kita ko ang mga luhang kumikislap sa dulo ng kanyang mga mata, “Kita ko kung paano ka niya alagaan nang nasa palasyo ka.”

“Pagdating naman sa’yo Tyson? Ano ang nararamdaman mo para sa akin?”

Bigla naman siyang napatitig sa akin na para bang hinihingi ko ang buong kahariaan niya sa pagkakatitig niya sa akin.

“Ako…. Aurora… pwede bang palagpasin na lamang natin ito…”

“Gusto ko lang din maging patas katulad mo, Tyson…”

Napalunok naman ito at saka sinabing, “Kung ano man ang nangyari sa ating dalawa ay isa lamang pagkakamali… Hindi tayo para sa isa’t isa… Maayos na ang buhay ko bago ka pa man dumating…”

Bigla na akong umalis at tumakbo bago pa man niya ituloy ang kanyang sasabihin. Hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin niya.

Sigurado ako sa mga nararamdaman niya… Ramdam ko ang mga iyon… o kaya isa lamang iyong ilusyon na tumatakbo sa aking isipan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.