CHAPTER 39

TYSON’S POV

Naupo lamang ako doon na walang kibo ng napakatagal. Ano bang problema sa babaeng ito? Halos kinuha ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin at aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa huli, tumakbo lamang siya na hindi man lang ako pinakinggan.

Huminga ako ng malalim saka hinanap sina Caleb at Tyson. Ang araw malapit ng lumubog. Kailangan kong mahanap ang dalawang iyon bago pa man dumilim. Hindi magandang ideya ang maging mag-isa sa gubat na ito lalo na sa gabi.

At matapos ang isang oras na paghahanap, Natagpuan ko si Caleb na nakatayo sa gilid ng isang matarik na lambak.

“Anong ginagawa mo dito?” sabi ko habang papalapit sa kanya. Sa gulat niya ay agad naman itong lumingon sa akin at halos kamuntikan nang malaglag sa may lambak.

“Damn it! Tyson… Hindi ka ba nag-iisip? Tignan mo naman ang lambak… kapag nahulog ako dito… siguradong basag na ako…” sabi ni Caleb habang inaayos ang balance niya at nagmadaling umalis sa dulo nito.

Habang hinahabol ang hininga niya tinanong niya, “Asan si Aurora?”

Sasagot na sana ako nang makarinig ako ng mga pagpadyak. Napangiti naman ang mga labi ko sa sandaling makita ko si Aurora.

“Salamat sa ngalan ng mga anghel at andito na rin ang anghel,” bulong ko. Salamat sa Diyos at ayos lamang siya.

“Hinahanap niyo baa ko?” sabi niya at hindi niya man llang napansin na naglakad siya malapit sa dulo ng lambak. Bigla naman akong kinabahan sa sandaling makita ko siyang nahulog sa cliff.

“Aurora!” sigaw naming dalawa ni Caleb at agad na tumakbo at sinubukang abutin agad ang kanyang kamay. Tila huminto na sa pagtibok ang puso ko. Hindi! Hindi ito pwede mangyari, hindi siya maaaring mahulog…

Napabuntong-hininga ako nang makita ko siyang nakawahaw sa sangay na nakatusok sa sa bato. Napakadelikado man na nakasabit siya ditto pero mas mabuti na iyon dahil dahil magagawa ko pa siyang iligtas.

“Caleb tulungan mo akong hilain ang mga ugat ng banyan tree na ito. Itali natin ang mga ito para makagawa ng tali…”

Sinigawan ko naman mula sa ibaba si Auora, “Hintayin mo lamang kami, ililigtas ka naming!”

AURORA’S POV

Nakatingin lamang ako kay Caleb at Tyson habang hirap na hirap silang dalawa na sinusubukang iligtas ako. Nakakamangha kung paano ko sila nakikitang nag-aalala sila sa kapakanan ko… sa kapakanan ko nga ba? Nasa akin pa rin ang bato… Ako ba talaga ang gusto nilang iligtas o ang bato? May isa lamang paraan para malaman ko ito.

Nang pareho na silang nasa tabi ko, inilabas ko ang bato mula sa aking bulso. At nang makita kong nakita nila ito hinayaan kong mahulog ang bato mula sa aking kamay.

“Gosh! Hindi!” sigaw ni Caleb at saka humawak sa isang bato. Si Tyson ay parang hindi naman nabahala sa pagkahulog ng bato at mas nakapokus lamang ito sa paglitas sa akin. At matapos ang matinding pagsisikap niya ay nagawa niya akong hilain pataas ng cliff.

Ang inaasahan ko ay susubukang iligtas ni Tyson ang bato at si Caleb… ang inaasahan kong magliligtas sakin dahil mas pakiramdam ko na mas may malasakit siya sa akin.

“Ayos ka lang ba?” sabi ni Tyson at nakatitig lamang siya sa akin ng may pag-aalala.

Tinango ko ang ulo ko at saka sinabing, “Ang heart of magic, wala na ito. Mas mabuting hanapin mo na ito.”

“Baliw ka na ba? Tignan mo nga ang sarili mo… putlang-putla ka na… ni hindi mon a magagawang iligtas ang sarili mokapag may mga hayop na lumusob sa atin…”

“Pero Tyson paano kung nawala na natin ito ng tuluyan?”

Hinaplos niya ang aking pisngi at tumingin sa aking mgha mata, “Nailigtas ko na ang bagay na mas pinapahalagahan ko ng sobra.”

Natuwa naman ang puso ko sa narinig kong sinabi niya. Pero ayaw kong magkaroon ulit ng maling akala. “Nagbibiro ka lamang hindi ba?”

Tumingin naman siya sa akin na may nasasaktang mga titig, “Tingin mo ba biro lang ito sa akin… noong panahong nakilala kita lagi na akong binabangungot…”

Hinawakan ng isa niyang kamay ang braso niya at tumingin paibaba, “Palagi na lamang itong nauulit… ang mahulog ka sa isang cliff at mamatay! Ni hindi mo alam kung anong naramdaman ko nang makita kitang nahulog…”

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Agad ko siyang niyakap at sinabing, “Patawarin moa ko, Tyson. Kung alam ko lamang ang naging bangungot mo, nag-isip na lang sana ako ng ibang plano…”

Tinulak niya ako palayo at tumingin ng masama sa akin, “Plinano mo ito?”

Sumikip ang dibdib ko… hindi ko gustong maging malayo ulit siya. Kaya naman tumingin ako sa kanya ng may nagmamakaawang mga mata, nagmamakaawa sa kanyang bigyan niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag.

“Nang sabihin mo sa akin na may nararamdaman si Caleb sa akin at ikaw wala… hirap na hirap akong paniwalaan iyon…”

“Wala akong sinabing hindi kita mahal…”

Bigla naman akong kinabahan, “Pero kanina…”

“Tumakbo ka agad nang hindi mo man lang ako pinakinggan…”

Bigla naman natuwa ang puso ko at umaasa. At nagsimula akong isipin ang isang masayang pamilya kasama siya, “Ibig sabihin ba niyan hindi mo na ako kinamumuhian?”

“Hindi kita kailanman kinamuhian, Aurora. Noong gabing may mangyari sa atin alam ko na may kakaiba sa’yo at sa akin. Gusto kong sabihin sa’yo ang tungkol sa pagkatao ko at hingin ang kamay mo pero…”

“Pero ano, Tyson? Please, sabihin mo sa akin…” sabi ko ay hinawakan ang kanyang balikat.

“Sumula nang binabangungot ako. Naisipan ko na maililigtas lamang kita kung hinayaan kitang mapalayo sa akin… Kaya naman nagalit ako noong dakipin ka ni Aslan… Napakatanga ko Aurora. Akala ko kayang kong kontrolin ang kinabukasan ko…”

Bigla na lang umiikot ang isipan ko… Hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko sa biglaang pag-amin niya. Nanatili ang katahimikan, mga mabibigat at malalamig na hangin ang tumatama sa amin habang nakaupo kami. Halo-halong emosyon ang nasa isipan ko. Napakahirap sa akin na pagtagpi-tagpiin ang lahat.

“Ano na ang gagawin natin sa bato?” tanong ko para sirain ang awkwardness na nasa pagitan naming dalawa.

“Ano ba ang gusto mo, Aurora?”

“Gusto ko lamang umuwi at yakapin ang anak ko.”

“Kung gano’n iyon ang gagawin natin. Iwanan na lamang natin ang magulong lugar na ito…” sabi nito at biglang tumayo.

“Caleb?”

“Hayaan mo na lamang siyang hanapin niya ang heart of magic at angkinin iyon…”

Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi niya. Buong akala ko ang kapangyarihan ang siyang mas pinapahalagahan ni Tyson sa buong buhay niya… Ngayon sa naging desisyon niya, ipakita niya lang sa akin na nagkamali ako ng tingin sa kanya.

Ang paglalakbay namin pabalik ay mas nakaka-awkward sa bawat minutong lumilipas. Sa tuwing nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin ay agad namang namumula ang mukha ko na parang bang kamatis at kinikilig ang puso ko. At kung nagpatuloy pa ito siguradong mababaliw na ata ako… Kailangan kong mag-umpisang magsalita… kahit ano para maabala ako sa kung ano mang nararamdaman ko.

“Bakit lahat sila ay takot sa Dark Queen, Tyson?”

Lumunok naman siya at sinabi sa seryosong boses, “Hindi niya man lang pinalaya ang sarili niyang pamilya. Noong labing walong taon ang panganay niyang anak ibinigay niya ito sa isang demonyo para lamang mahanap ang heart of magic. Verona, ang demonyong tagahula ay patuloy sa pag-inom nito sa kanyang dugo na siyang nagbigay sa kanya ng lungkot at sakit… ni hindi man lang siya bumalik para tignan ang lagay nito…”

Bigla namang huminto sa paglalakad si Tyson at ang lalim ng iniisip…Hinawakan ko naman ang kamay niya at tinanong, “Ayos ka lang ba?”

“OO, nadala lang ako sa kwento…” sabi nito at binigyan ako ng nanghihinang mga ngiti at saka ipinagpatuloy ang kwento… “Bumalik nga siya noong araw na limampung taon na siya…”

“Gosh! Limampu?... napakatagal no’n… siguradong kinamuhian siya ng kanyang anak…”

“Hindi, hindi niya iyon ginawa… masaya siya ng makita niya ito. Masaya siya na dumating ang kanyang ina at sawakas ay ligtas na siya…”

At nang nanahimik si Tyson ng napakatagal ako na ang nagtanong, “Kung gan’on naging masaya ang naging wakas nila?”

Huminga ng malalim si Tyson at sinabing, “Nagrebelde ang mga dragon matapos mamatay ang asawa niya, ang dragon king. At gusto nilang makita ang panganay na anak nila na maupo sa trono… At kailangan niyang ipagpalit ang pinakabata niyang anak kapalit sa panganay na anak niya…”

Tila ba magkakasakit ako sa kwneto niya. Karapat dapat lang sa kanya ang pangalan niya bilang Dark Queen.

“Napakasama niya! Ganun na lang ba sa kanya kadaling ipagpalit ang mga anak niya?”

Nagbuntong-hininga si Tyson at nagpatuloy, “Nalaman ng panganay niya ang nangyari at nagmakaawa itong palayain ang kapatid niya… pero matigas ang puso ng kanilang ina… Ni hindi man lang siya kinilabutan na patayin ang sarili niyang asawa para sa isang ritwal… at nang malaman niya ito ay pinatay niya ito…”

Tumingin ako kay Tyson, parang mas nababahala pa siya sa kwentong iyon kaysa sa akin… Hindi ko alam na may awa din pala sa puso niya.

Napakahirap isipin na isang ina ang kayang saktan ang sarili nitong anak. Ina rin naman ako pero mas nangibabaw sa akin ang protektahan si Tiara. Anong klase siyang ina?

Nasasaktan ako para sa kawawang batang iyon na nagdusa nang dahil ipinanganak siya ng isang b****.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.