TYSON’S POV
Napakalakas ng tibok ng puso ko nang malapit na kami sa Pearl Palace. Nakaramdam ako ng pagod at pagkabahala… na tila ba may mangyayaring hindi maganda. At bumilis naman ang paglalakad ko sa sandaling maisip ko iyon…
Hindi na rin mapigilan ni Aurora ang sarili at tumakbo na papasok ng palasyo. Matapos ang ilang sandali, agad naman akong lumapit sa kanya at maglalagpasan ko n asana siya pero bigla itong nagteleport.
Napatawa naman siya dahil natalo niya ako, “Ano ang nararamdaman mo na natalo kita, aking kamahalan?”
Sinubukan kong pigilan ang pagngiti ng mga labi ko pero hindi ko nagawa. Ngumiti ako na parang ewan at sinabing, “Masaya ako na matalo ako mula sayo, aking mahal…”
Namula ang mukha niya at agad na tumingin palayo. Napapaisip ako kung tatanggapin niya kaya ang pagmamahal ko sa kanya… mukha namang may malasakit siya sa akin, at mukhang naaakit din siya sa akin… pero hindi ko alam kung mahal niya ba ako o kung may pagtingin pa siya kay Caleb…
“Zarina, Aslan… asan na ang munti kong anghel? Sabik na sabik na akong makita siya,” sigaw ni Aurora.
Naglakad naman pababa ng hagdan si Zarina at kasunod niya si Aslan… May kakaiba sa kanya pero hindi ko iyon mabasa. Hinaplos naman niya ang palad at sinabing, “Sawakas at dumating natin ang panahong ito…”
“Asan si Teytey?” tanong naman ni Aurora.
“Nawala na ba ang kapangyarihan mo Aurora matapos ang paghahanap? Bakit hindi mo iyon gamitin at hanapin siya?”
Nairita naman ako sa sinabi niya. “Hindi ito ang tamang panahon para makipaglaro sa’yo Zarina. Napakahaba na ang aming nilakbay at gusto naming makita ang munti naming anghel bago magpahinga.”
“Tama ka, kuya. Heto na ang panahon para makipaglaro.”
Bago ko pa man siya tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin ay sumigaw naman si Aurora sa nababahalang boses, “Asan si Tiara? Hindi ko siya mapakiramdaman?”
Natakot naman ako at napatingin kay Aslan pero ang mga mukha niya ay hindi ko mabasa kaya hindi ko malaman kung ano bang nangyayari dito.
Hinawalan ni Aurora ang balikat ni Zarina at nag-aalalang tinanong, “Asan siya? Asan ang anak ko, Zarina?”
Nagulat naman ako nang biglang lumipad sa may pader si Aurora. Agad naman akong lumapit sa kanya upang tulungan siyang tumayo.
Tumawa naman si Zarina at saka sinabing, “Akala ko ay magagawa kang palakasin ng Heart of Magic… sabi nga nila hindi lahat ng kapangyarihan ay kayang panghawakan ng lahat…”
“Ang lakas ng loob mo para atakihin ang sarili kong mate sa loob ng sarili kong palasyo… Paparusahan kita sa…”
Napahinto ako sa pagsasalita nang makita kong kuminang ang mga mata niya, at isang tila kulay puting ilaw ang pumalibot sa katawan niya.
“Paano mo ako magagawang parusahan kuya, sa araw na patay ka na?”
Nagpakawala siya ng isang malakas na enerhiya papunta sa kinatatuyuan ko, pero bago pa man iyon tumama sa akin ay agad namang humarang sa harapan ko si Aurora at gumawa ng isang pananggang tubig bilang harang.
Ang bolang apoy ay nagpaikot-ikot bago ito nawala.
Nanlaki naman ang mga mata ni Zarina sa gulat, “Paano mo iyon nagawa? Sinabi ko sayong hindi mo kayang gawin ang kapangyarihan ng tubig…”
Iniangat naman ni Aurora ang kanyang kamay at pinikit ang mga mata. Mabilis ang mga paggalaw ng mga bibig niya at alam kong may binubulong itong spell, maya’t maya pa ay isang kulungan na gawa sa tubig ang siyang nakapalibot kay Zarina.
Pinulipot naman ni Aurora ang kanyang mga kamay at sinabing, “Ang tanging natutunan ko lang kay Tyson ang hindi pagtiwala sa kungsinuman. Nagsumikap akong aralin ang spell na sinabi mong hindi ko makakayang gawin… Ngayon, sabihin mo sa akin, asaan si Tiara?”
Nasaktan ako na tila natapakan ang pride ko kung paano nagawang kontrolin ni Aurora ang pangyayari.
AURORA’S POV
Napapangiti ako sa sandaling hindi magawang gamitin ni Zarina ang kanyang kapangyarihan ng ilang ulit.
“Aurora, pakawalan mo ako ngayon din… o hindi mo na makikita ang anak mo…”
Napaatras naman ako sa pananakot niya. Buong akala ko nagbibiro lamang siya.
“Totoo ang lahat ng ito, Aurora. Hawak ko si Tiara at hindi mo siya makikita kung hindi mo binigay sa akin ang heart of magic…”
“Nagbibiro ka lang hindi ba?” sabi ko sa natatakot na ekspresyon.
“Hindi, tama siya. Hawak namin si Tiara. Ang tanging paraan lamang para makuha niyo siya ay ang ibigay sa amin ang heart of magic.”
Para ba akong sinusuntok, naiintindihan ko na magagawa kaming pagtaksilan ni Zarina pero si Aslan… “Kuya…”
“Wala kang kuya ditto, Aurora. Isa lamang akong anak na gustong ipaghiganti ang pagkamatay ng aking ina.”
“Ano naman ang kinalaman dito ni Tiara? Isa lamang siyang sanggol…”
“Pero may kinalaman lahat dito si Tyson… at may pakialam siya kay Tiara… o baka naman wala, kapatid… mas pipiliin mo bang mamatay na lamang siya?”
Napatingin naman ako sa direksyon niya. Oo sinabi niyang mahal niya si Tiara pero noong mga nakaraang buwan gusto niya din kaming mamatay. Kaya naman hindi na rin ako sigurado sa magiging reaksyon ni Tyson.
“Zarina, tungkol lang ito sa ating dalawa, wala kang dahilan para idamay dito ang isa lamang inosenteng sanggol.”
“Siyempre, meron, kuya. Gagawin ko siyang bitag para lamang patayin ka. Gagawin ko iyon para maghiganti sa pagpatay mo sa ating ina!”
Pakiramdam ko ay kinidlatan ako. “Anong ginawa niya?”
“Oh ang aking munting kapatid, hindi ba sinabi sa’yo ng aking kapatid na pinatay niya ang aming ina isang daang taon na ang nakakalkipas?” sabi niya sa malambing pero nakakasukang boses.
Bumilis ang tibok ng puso ko at tinanong si Tyson, “Ano ang sinasabi niya, Tyson? Totoo bai yon?”
Huminga ng malalim si Tyson at tumingin paibaba. Hindi ko na kailangan ng mga salita mula sa kanya para maniwala dahil siya nga ang pumatay dito.
Gosh! Hindi bakit ba kailangang mangyari to?
“Buong akala ko may magandang pagkatao sa looban mo, pinatunayan mo lamang na nagkamali ako. Palaging mong sinasabi na ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo ay noong gabing may mangyari sa atin. At alam mo kung ano ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko, ang makilala kita. Pinagdarasal ko na sana hindi na lang kita nakilala: na hindi ko nalaman ang kakayahan ko, at hindi ako nasangkot sa kabaliwan na ito.” Palakas ng palakas ang boses ko sa bawat salitang binibitawan ko. At sa huli napahinto ako sa pagsasalita at nagsimulang umiyak.
“Zarina… para na kitang isang kapatid… Parang-awa mon a, hayaan mo na lang sumama sa akin si Tiara… lalayo ako dito at hinding-hindi ko na ipapakita pa ang pagmumukha ko sa’yo…” pagmamakaawa ko.
“Maaari kong gawin iyon… kung ibibigay mo sa akin ang heart of magic,” sabi ni Zarina at ngumiti ng malademonyong pagngiti.
“Pinapagod mo lamang ang sarili mo, Zarina. Wala sa amin ang bato. Nalaglag ito mula sa bangin at tinalon ito ni Caleb. At kahit pa nakuha niya ang bato, malabong ibigay niya sa’yo iyon. Ang pangarap mong patayin ako ay mananatili lamang isang pangarap. Kaya mas makakabuti sa’yo na pakawalan mo na lamang si Tiara,” sabi ni Tyson at ngumisi.
“Sinasabi mo ba ang totoo? Wala ba talaga sa inyo ang bato?” sabi ni Zarina na gulat na gulat.
Maya’t maya pa ay nawala din ang pagkagulat niya at sinabing, “Aurora, bibigyan kita ng pagkakataon na makuha si Tiara. Patayin mo si Tyson at ibibigay ko sayo si Tiara.”
“Walang hiya ka!” sigaw ni Tyson at humawak sa kulungang gawa sa tubig. Matapos ng ilang sandali ay umatras ito at binitawan ang hawla. Umaagos pa rin ang kapangyarihan ko mula sa tubig at hindi ganon kadali para hawakan ito ng matagal kahit pa ang isang dragon.
Ipinikit ko ang aking mata, pinakiramdaman ko ang enerhiya ni Zarina. Hindi niya balak ibalik si Tiara… o hindi niya talaga ito hawak? Ramdam ko iyon sa kanya. Kung ganon nasaan si Tiara?
Sumigaw sa sakit si Zarina nang atakihin ko siya ng mga bolang apoy. “Nasaan si Tiara?” sabi ko at tinignan siya ng masama.
“Hindi ko sasabihin sa’yo maliban na lamang kung papatayin mo si Tyson…”
“Kailangan mo munang ipakita sa akin kung nasaan siya.”
“Hindi mo yan gustong gawin hindi ba?”
Nanatiling tahimik si Tyson nang itaas ko ang kamay ko, at sinasabi kong manatili lamang siyang tahimik.
“Hindi ko sasabihin,” sabi ni Zarina.
“Hindi mo sasabihin o hindi mo kayang sabihin? Ni alam mo nga ba kung nasaan siya?”
“Siyempre naman.”
“Ibibigay mo ba siya sa akin sa oras na patayin ko si Tyson?”
“Ibibigay ko siya sayo, sigurado ako doon…”
Nalilito na ako sa sinasabi niya. Ngayon nagsasabi na siya ng totoo… pero hindi iyon ang sinabi niya kanina…
Huminga ako ng malalim at tinanong, “Ibibigay mo ba siya sa akin ng buhay?”
Nanginginig ang boses niya at sinabing, “Oo naman… anong klaseng tanong iyan?” sabi niya at tumingin paibaba at tumingin palayo sa akin.
Pakiramdam ko ay may pinupunit ang puso ko, “Pinatay mo siya, tama ba ako?”
“Bakit ko naman gagawin iyon?”
Patuloy siya sa pagtanggi pero ramdam ko na nagsisinungaling siya. Pinatay niya ang anghel ko. Lahat… lahat ng ito ay wala ring saysay… patay na si Tiara… wala nang natira sa akin…