CHAPTER 41

ASLAN’S POV

Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla.

“Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses.

“Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?”

Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa.

Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…”

“Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”

Tumayo naman ako at at hinawakan ang hawla at napa-ungol sa sakit, “Nakinig sana ako kay Tyson. Hinayaan ko na lang sana siyang patayin ka na lamang niya, Zarina. Naniwala akong maliligtas pa kita. Pero nagkamali lamang ako, Zizi, kagaya ka lamang ng ating ina, punong-puno ng kasamaan…”

Napangiwi ako at inalis ang aking kamay at kita ko kung paano ito napapaso.

Nanlaki naman ang mga mata ni Zarina sa gulat at tinanong sa akin, “Anong sinasabi mo, kuya?”

Para bang mga asido ang mga salita niya kapag naririnig ko, “Huwag na huwag mo akong tatawagin na kuya matapos mong patayin ang aking anak.”

Bigla naman nagtaka ang mga kilay niya at tinanong sa nanginginig na boses, “Anak mo…”

Huminga naman ng malalim si Tyson at saka sinabing, “Ang sanggol na pinatay mo ay anak nina Aslan at Raina, si Lily. Nang sabihin ni Aslan sa akin ang plano mo, gusto na kitang patayin agad pero kinumbinsi ako ni Aslan na bigyan ka ng pagkakataon…”

“Iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali, Zizi. Masiyado akong nagtiwala sa’yo. Kahit pa binalaan ako ni Tsyon, napagpasyahan ko na ipagpalit ang sanggol ko kay Tiara… gumawa kami ng isang spell para hindi mo mamukahan ang bata… kung nakinig lamang ako kay Tyson… buhay pa siguro ang aking anak…”

Namula ang mukha ni Zarina sa galit at sumigaw, “Anong spell ang ginamit mo para i-hypnotize si Aslan?” sabi nito kay Tsyon.

“Wala, aking munting kapatid… sinabi ko lamang sa kanya ang katotohanan… bago pa man kami nagpunta para hanapin ang bato, napagtanto ko na kakaiba ang kinikilos ni Aslan…”

“Noong sinabing mo pinatay niya ang ating ina, dinala niya ako kay Fiona para ipakita sa akin ang mga ala-ala niya… Pinatay lamang ni Tyson ang ating ina para protektahan tayo, Zizi…”

Nanginig naman si Zarina, “Hindi ako naniniwala sa’yo… nagsisinungaling ka lang… gumagawa ka lamang ng kwento para magsisi ako…”

Lumapit naman si Tyson sa may hawla at saka sinabing, “Zarina, hayaan mo akong ipakita ko sa’yo… hindi ba masyado nang malaki ang pagkamuhi nating nabuo…”

Napa-ungol siya sa sakit sa sandaling hawakan niya ang hawla kahit pa napapaso na ito.

Ipinikit naman ni Zarina ang kanyang mata at hinawakan si Tyson. Bigla namang napunta ang isipan ko kung paano ko sasabihin kay Raina na ang anak niya… ang anak naming ay patay na… Naiyak na lamang ako at pinapakiramdaman ang sarili na nalulunod sa matinding sakit at pagsisisi.

AURORA’S POV

Tiara, ang minamahal kong anak, ang tanging nagbibigay sa akin ng buhay ay wala na. Habang nasa maze ako na iyon para lamang hanapin ang wala namang kwentang bato na hindi ko man lang alam na nasa panganib na pala ang aking anak.

Kung hindi ko lamang ibinigay si Tiara kay Zarina, ligtas pa sana ang munti kong anghel… para bang mawawalan na ako ng kaluluwa at hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin sa mundong ito…

Knock! Knock! Knock!......

Hinid ko na lamang pinansin ang mga katok sa aking pintuan dahil ayaw kong maistorbo, pero sa bandang huli ay tumayo rin ako at binuksan ito.

Naiwang bukas ang bibig ko nang makita ko sina Aslan at Raina na buhat ang isang sanggol, isa lamang itong ilusyon… Pero nang makita kong ngumiti ang sanggol ay nagsimula na akong maiyak.

Nanginginig ang mga mukha ko habang hinahaplos ang kanyang mukha… Isang malalim naman na paghinga ang pinakawalan ko nang hindi ito naglaho, totoo nga ito. Kinuha ko siya sa aking mga kamay, at hinalikan ito ng paulit-ulit, “Tiara… ang munti kong anghel…” hindi ko na maituloy ang mga sinasabi ko dahil sa patuloy na pag-iyak ko…

Nag-umpisa namang umiya si Tiara, hindi ata siya kumportable sa paghalik ko sa kanya. Pero hindi ko ‘to pinansin, dahil nakikita ko siyang hawak ko ng buo at buhay.

“Saan niyo siya nahanap?” tanong ko.

“Sinabi sa amin ni Tyson na sabihin naming sa’yong binigay siya sa amin ni Zarina bago ko pa man siya patayin gamit ang lihim na armas.”

“Patawad!”

“Siguradong mapapatay kami ni Tyson ditto pero gusto kong sabihin sa’yo lahat ng katotohanan… Maaari ba kaming pumasok?” Sabi ni Raina, sabi nito at naglakad palapit sa amin.

Nang manahimik ng kaunti si Tiara ay sinamahan ko na sila.

“Siguraduhin niyo lang magiging totoo kayo, kung hindi babalatan ko kayo ng buhay at paliliguan ng asin,” pagbabanta ko bago nagsimulang magsalita si Aslan. Tapos na ako sa mga paligoy-ligoy at mga kasinungalingan.

Nagulat ako nang malaman ko na si Lily ang napatay imbes na ang anak ko… huwag kayong magalit sa akin, masaya akong nabuhay ang anak ko… pero ang kapalit… napakasakit sa akin, napakasakit iyon na dadalhin ko habang buhay.

Kumukulo naman ang dugo sa pagiging hindi patas ng lahat. Napakamakasarili ni Tyson. Hindi man lang ba siya kinilabutan na gamitin ang ibang sanggol sa plano niya? “Ang masamang lalaking iyon! Hindi ba siya nag-isip na lamang ng ibang plano?”

“Sa pagkakataong ito, ako ang may kasalanan, Aurora. Gusto ni Tyson na patayin naming si Zarina o ikulong siya. Pero kinumbinsi ko siya na bigyan siya ng isa pang pagkakataon. May tiwala ako na hinding-hindi magagawang pumatay ng isang sanggol si Zarina… Binalaan din naman ako ni Tyson, pero…” sabi ni Aslan at saka hinawakan ang kanyang ulo.

Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ni Raina, at huminga ng malalim, “Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin… Halos gusto ko nang mamatay sa sandaling malaman kong wala na ang anak ko… at alam kong ikaw…”

Napakagat naman siya sa ibabang labi niya at sinabing, “Parang anak ko na rin si Tiara… Ako ang nag-alaga sa kanya habang wala kayo… Kung namatay man siya, siguradong hindi ko rin kakayanin… Gusto kong makita si Lily kay Tiara. Alam ko na hindi ako ang kanyang ina pero sana hayaan mo akong makita siya kahit sandali lamang…” paghagulhol niya.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkahawak ko sa mga kamay niya, “Sinakripisyo mo ang anak mo para sa kaligtasan ni Tiara. Binigyan mo siya ng pagkakataong mabuhay, Raina… parang anak mo na rin siya kaya walang problema sa akin…”

Pinunasan naman niya ang kanyang mga luha, “Seryoso ka ba diyan?”

“Oo naman… hindi ba’t napakaswerte ni Tiara dahil napakaraming nagmamalasakit sa kanya…” sabi ko at saka ibinigay siya kay Raina.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.