ASLAN’S POV
Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko.
“Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko.
“Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…”
“Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ibigay namin sa’yo si Tiara at ipaalam na patay na siya…”
“Bakit naman niya gagawin iyon?”
“Mahal ka niya, Aurora. Ayaw niya na siya ang isa sa mga magbibigay ng problema sa’yo…”
“Alam kong mahirap paniwalaan heto, Aurora. Sa ilang dekada na magkasama kami ni Tyson, walang ginawa ang kapatid namin para sa ibang tao. Maliban lamang sa panahong pinatay niya ang Dark Queen para lamang iligtas niya kami…”
Nanlaki naman ang mga mata ni Aurora ng mapagtanto niya ang katotohanan at tinanong, “Huwag mong sabihin sa akin na ang ina niyo ay ang Dark queen?”
“Tama ka, siya nga ang…” sabi ko at huminga ng malalim.
Bigla naman siyang tumayo at sinabing, “Gusto kong makita si Tyson ngayon na!”
Nagulat naman ako sa biglaang uto niya pero sa kabila no’n ay natutuwa din ako. Kailangan nilang mag-usap kung gusto nilang bigyan ng isang masayang pamilya si Tiara.
AURORA’S POV
Nasasaktan ako sa sandaling malaman ko na ang ina nila ay ang Dark queen. Naiintindihan ko kung bakit pinatay ni Tyson ang kanilang ina.
Lahat ng mga pait na nararamdaman ko sa kanya ay tila naglaho at nasasaktan ang puso ko na isipin kung paano niya kinikimkim lahat simula noong bata pa siya. Karapat dapat lang sa kanya na magkaroon ng isa pang pagkakataon.
Nag-teleport naman agad ako pabalik ng Pearl Palace at nakita ko siyang nakaupo sa may hardin.
“Ayaw ko ng kausap,” agad naman niyang sabi ng hindi man lang ako nililingon…
“Pero gusto kitang kausapin, Tyson…”
Agad naman siyang lumingon. Nasasaktan naman ako nang makita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit.
Tumingin naman siya palayo at sinabing, “Napagdesisyunan ko nang ayusin lahat dito at babalik na ako sa Typhoon. Bigyan mol ang ako kahit ilang mga araw lang at mawawala na ako na at pangako sisiguraduhin ko na parang wala na ako sa mundong ito…”
Naupo naman ako sa tabi niya at sinabing, “Ito ba talaga ang desisyon mo?”
“Hmmm… masyado akong nilamon ng kasakiman sa mundong ito. Gusto kong mapasaakin ang heart of magic at maging makapangyarihan sa lahat at maghari sa mundong ito… pero ngayon…”
“Ano na ang gusto mong gawin ngayon, Tyson?” tanong ko at hinawakan ang kanyang balikat.
Inangat naman niya ang kanyang balikat at bumukas ang kanyang bibig pero wala naman itong sinabi na kahit ano. Ilang sandali lamang, tumango siya at ngumiti nang may paghihina, “Hindi na bale…Gusto ko lang malaman mong hindi-hindi na ako makikialam pa sa buhay mo… o kay Tiara man.”
Pagkatapos no’n ay tumayo siya at naglakad palayo. Napakatipikal parin niya tulad lamang ng dati. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napasigaw, “Sarili mol ang palagi ang iniisip mo!”
Bigla naman siyang bumalik na parang kidlat at hinawakan ako sa balikat. Namumula ang mga mata niya at sinabing, “Handa akong iwanan lahat ng mga binuo ko at magpakalayo para lamang sa kasiyahan mo, pero makasarili parin ako sa paningin mo?”
Tinignan ko naman siya ng masama, “OO.”
“Ipaliwanag mo nga sa akin…” galit na sabi niya.
“Dahil alam mo, Mr. Pighead… Lahat na lang ay ikaw ang nagdedesisyon… Tinanong mo na ba ako kung ano ang gusto ko?”
Umatras siya ng bahagya at inalis ang kanyang kamay, “Hindi ba heto naman ang gusto mo?”
Nagpakawala naman ako ng malalim na paghinga at sinabing, “Nakapagbitaw ako kanina ng mga masasakit na salita pero iyon ay dahil hindi ko alam ang buong katotohanan. At ngayong alam ko na kung bakit pinatay mo ang nanay niyo at ligtas din si Tiara. Gusto kong magkaroon si Tiara ng isang kumpletong pamilya.”
Ang mga ugat sa ulo niya ay nagsilabasan at nakita kong humigpit ang mga daliri niya, nanigas ang mga kamao niya, “Sa palagay ko hindi iyan magandang ideya, Aurora. Ang makasama niyo ako ay magbibigay lamang sa inyo ng kapahamakan… hinding-hindi ka makakahanap ng kapayapaan at kasiyahan kung nasa tabi niyo ako…”
Hinawakan ko naman ang mga pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa akin, “Buong buhay mo, uhaw ka sa pag-ibig ng magulang mo. Naging ulila din ako noong limang taong gulang pa lamang ako… Alam mo kung gaano kahirap ang mabuhay na hindi kumpleto ang pamilya mo. Iyon ba ang gusto mo para kay Tiara?”
Tumagilid naman siya at sinabing, “Alam ko naman iyon pero…”
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, “Magagawa nating harapin ito ng magkasama, Tyson…”
“Sa tingin mo kaya…” sabi niya ng may nanginginig na boses at hinila ako para yakapin.
Sinubsob ko naman ang ulo ko sa may dibdib niya at sinabing, “Bubuo tayo ng isang magandang mundo para kay Tiara na punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan…”
CALEB’S POV
“Alam kong hinding-hindi moa ko bibiguin,” sabi ng dark Lord at saka hinawakan ang bato.
“Ngayon na nasa iyo na ang gusto mo, inaasahan kong lulubayan mo na ako at ang mga kasamahan ko,” sabi ko at iniyuko ang ulo ko.
“Hindi iyon basta-bastang mangyayari sa ganoong paraan, Caleb. Nakatali na ang buhay mo sa akin. Hangga’t nabubuhay ka, ikaw ang magsisilbing lakas ko. Hindi ka na makakaalis kahit pa gustuhin mo… Gayunpaman kung pinagpatuloy mong suportahan ako, palalayain ko si Meridith at ang kanyang sanggol…”
Napaatras naman ako sa sinabi niya… “Baby?” tanong ko.
“Tama ka, buntis siya at ikaw ang ma ng dinadala niya…”
“Nasaan siya… Gusto ko siyang makita…”
“Buhay pa siya sa mga sandaling ito, pero kung hindi ka susunod sa mga inuutos ko... alam mo na kung ano ang kaya kong gawin…”
Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Pinagtaksilan ko si Aurora para lamang makuha ko ang bato para sa kanya pero heto lamang ang isusukli niya sa akin?
Nilunok ko lahat ng pride at galit ko. At sinubukan ko siyang tanungin sa mahinahong boses, “Hindi ba’t nakuha mon a lahat ng gusto mo?”
“Hindi, heto lamang ang simula ng lahat. Gagamitin ko ang batong ito para labanan ang hari ng mga dragon at ng mga witches… At pagkatapos ako na ang magiging makapangyarihan sa lahat.”
Kinikilabutan ako sa malademonyong tawa niya. Napalunok naman ako. Alam ng diyos kong ano ang hinayaan kong mabuhay sa pamamagitan lamang ng pagbigay ko ng bato.
AURORA’S POV
Pinapanuod ko si Tiara na ngumingiti habang tulog at gumugulong. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at nilibot ang aking mata sa buong kwarto.
Noong unang makapasok ako ng Typhoon Palace masakit sa mata ang mga gintong pader, mga alopores, rebulto, halos lahat ay gawa sa ginto. At gumamit ako ng mahika para maging kumportable ang lugar,
Hindi pumayag si Tyson noong una pero pinalagpas niya ito. Nagpasya na akong sumama kay Tyson dito sa Typhoon at mag-umpisa ng panibagong buhay.
Ang lugar na ito ay kakaiba kumpara sa mundo ng mga tao. Mas marami ang lugar kung saan malayang magpalit anyo ang lahat ng mga dragon-shifters. Mga napakagandang lawa, mga hardin at iba pa ang nakapalibot sa palasyo. At ang tanging hindi ko lang nagustuhan ang lugar na ito na puro ginto.
Sa dami ng ginto ditto parang kaya ko nang bilhin ang boung mundo, kahit pa triple nito. Pero sa kabilang banda, nabawasan ang pagiging paranoid ni Tyson at ramdam ko na ligtas ako ditto.
“Aurora,” rinig kong boses ni Tyson nang pumasok siya.
“Shhh…” bulong ko at tinawag siya palapit kay Tiara.
Binigyan niya naman ako ng tila nagsisising tingin at naupo sa tabi ko. Napalunok siya at naubo bago siya nagsalita, “Ang lahat ng tao ditto sa Typhoon ay gusting makita ang mga Hari, Reyna at ang munting prinsesa.”
Huminto siya sa sandali at saka tumingin sa akin bago magpatuloy, “Nagbigay paalam ako sa kanila na magkakaroon tayo ng seromonya… pero kung hindi mo gustong dumalo… sasabihin ko sa kanila na ang Reyna ay hindi sila gustong makilala…”
Pinulipot ko naman ang mga kamay ko at tinanong, “Bakit hindi mo man lang ako tinanong bago ipaalam sa kanila?”
“Hmmm… importante ito Aurora… Hindi na mapakali ang mga Dragon… alam mo kung paano naging isang reyna ang Dark Queen.. kaya…”
Itanaas ko naman ang aking kilay at ako ang tumapos sa mga sinasabi niya, “Gusto nilang makita kung gaano ako kasama?”
Hinawakan niya naman ang aking kamay, “Hindi sa ganun, Aurora.”
Napakaseryoso ng mukha niya kaya naman hindi ko mapigilang hindi matawa, “Ayos lang naman, Tyson. Naiintindihan ko. Mag-aayos ako…”
Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago siya tumayo at umalis.
“Tyson…”
“Hmmm…”
“May gusto akong ibigay sa’yo,” sabi ko at ipinakita ang bato sa aking kamay.
Nanlaki naman ang mga mata niya at napasigaw, “Bloody Hell! Saan nangggaling iyan?”
“Heto ang totoong Heart of Magic. Ang sinubukang hanapin ni Caleb ay peke. At gusto kong ibigay ‘to sa’yo.”
“Saan mo naman nahanap ang pekeng batong iyon sa gitna ng mapanganib na gubat na iyon?”
“Mahikam” sabi ko.
“Parang-awa mo na, Aurora. Huwag kang magbiro, seryoso ka ba?”
Bigla ko namang niyakap ang leeg niya at sinabing, “Hindi ako nagbibiro aking munting hari ng mga dragon. Noong nahanap ko ang batong iyan, nagawa kong gumamit ng mahika kahit pa saloob ng Mystic Island na iyon.”
“Ibig sabihin no’n lahat ng iyon ay isa lamang pagsubok? Kaya mo naman talagang iligtas ang sarili mo at ang bato…”
“Tama ka, hun, at naipasa mo iyon…”
“At bakit mo binibigay ito sa akin?”
“Malaya ka ng gawin kung anong gusto mo diyan…”
“Cool! Gamit ang batong ito, babalik ako sa Earth at tatalunin ko lahat ng mga werewolves, witches at mga maghuhula. At matapos no’n ako na ang magiging hari ng buong mundo…”
Nasaktan naman ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang inaasahan ko. Pero hindi ko na pwedeng bawiin ang mga sinabi ko.
Malakas na ingay ang siyang gumising kay Tiara. Agad ko naman siyang binuhat at sinubukang patulugin ulit, “Sige na, umalis ka na at gawin ang mga plano mo. Huwag mong istorbuhin ang pagtulog ng munti kong anghel.”
Lumapit naman siya sa akin at bumulong, “Tignan mo nga ang mukha mo… Parang bang natalo ka sa isang labanan…”
Huminga ako ng malalim, “OO, Tyson,” sabi ko.
Niyakap niya naman ako mula sa likod at bumulong sa akin, “Nagbibiro lang naman ako, Aurora. Nasa akin na lahat ng kailangan ko. Bakit pa ako pupunta saw ala namang kwentang bagay?”
Napangiti naman ang mga labi ko at tumalikod ako para halikan siya. Gumalaw naman ang mga labi niya ay hinalikan ako pabalik ng sabik na sabik.
Naglalaro ang dila ko sa kanyang bibig nang biglang nag-umpisang umiyak si Tiara. Natawa naman ako ng bahagya at tinulak siya palayo at abala kaming libangin ang aming munting prinsesa.