CHAPTER 43

CALEB’S POV

Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.

Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.

Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.

Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”

“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”

Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”

“Oo na… Oo na… Nasaan naman ang ating munting anghel?

“Iniwan ko siya kasama nina Zarina at Aslan.”

“What the bloody hell! Aurora. Paano mo siya nagawang iwan kay Zarina kung alam mo namang tinangka niyang patayin si Tiara.”

“Sina Zarina, Tyson at Aslan, nabuhay sila na may galit at sama ng loob sa bawat isa, Caleb. Pero karapatan din nilang mabigyan ang isa’t isa ng pagkakataon.”

“Paano nagagawa ni Tyson na hayaang lumapit si Zarina kay Tiara? Siya itong labis ang pagkaparanoid na kilala ko…”

“Nakagawa lang naman ako ng paraan…”

“At iyon ay?”

Pinulipot naman niya ang kanyang kamay at sinabing, “Ano bang dapat kong sabihin sa’yo?”

Nagtaas kilay naman ako at inangat ang aking balikat, “Oo sige na. Kung ganun hindi ko rin sasabihin sa’yo ang sekreto ko.”

Hindi naman naging kumportable si Aurora at naglakad ng bahagya, “Pinagkaisa ko ang buhay ni Tiara sa aming apat; Tyson, Aslan, Zarina at ako. Kung mamatay siya, mamatay din kaming lahat. Sa ganoong paraan mapagkakatiwalaan naming ang bawat isa, at si Tiara ay magkakaroon ng kumpletong pamilya…”

“Whoah! Dapat pala inasahan ko na iyan sa isang magaling na Reyna ng mga witch!” sabi ko at yumuko sa kanya.

“Ngayon sabihin mo na ang sekreto mo sa akin, dali!”

Binukas ko ang bibig ko at magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng biglaang paggalaw sa paligid. “Aurora, sasabihin ko na lamang sa’yo kapag nagkita tayong muli.”

“Pero…”

“Magtiwala ka sa akin, umalis ka na,” sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay. Bigla naman siyang naglaho at wala na akong hawak hawak.

Pagkatapos ng ilang sandal ay nagsitayuan ang buhok ko sa likod nang marinig ko ang isang pagtawa mula sa paligid, “Nakikipagkita ka ng sikreto sa kalaban natin, tama ba?”

Bigla naman akong tumilapon sa isang pader. Napasigaw ako sa sakit na tumama sa aking likuran. “Maniwala ka sa akin, tinawagan ko siya para tulungan niya tayo sa plano natin.”

Pinakawalan niya naman ako at nahulog ako sa lupa.

“Kung wala akong nakuhang magandang impormasyon ngayong gabi… alam mon a kung ano ang mangyayari.”

Humingi ako ng patawad kay Aurora sa isipan ko at sinabi sa Dark Lord na nakasalalay ang buhay ng apat kay Tiara.

“Napahanga mo ako sa pagiging tapat mo. Pakakawalan ko si Meredith pero tutulungan mo akong gumawa ng digmaan laban sa mga dragon.”

Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang pumayag sa kagustuhan niya? Ang tanging iniisip ko ngayon ay ang makita kong muli si Meredith.

TYSON’S POV

“F***!” pagmumura ni Aslan nang bumaba siya mula sa kwarto. Heto na ata ang pang-isang daan niyang ulit sa pagbaba doon ng paulit-ulit.

Hinawakan ko naman ang kanyang balikat para pahintuin siya, “May balak ka bang sabihin kung ano ang nangyayari o balak mong mairita ako sa inis hanggang sa mamatay ko sa pagkairita.”

“Hindi ko alam kung totoo bai to, pero ang mga tao natin ay nakaramdam ng kakaibang pakay ng mga werewolves sa paligid. May kung ano silang balak na hindi natin alam…”

“Tama siya, Tyson. May kakaibang nangyayari. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid. Napakaraming grupo ng witches ang ngayo’y naglalakbay sa Nexus,” sabi ni Zarina nang siya ay pumasok.

“Aslan, kailangan nating tignan lahat ng footage sa may sanctuary.”

“Nandoon na si Raina. Ipapadala niya sa atin ang footage kung may kakaibang man siyang napansin.”

“Tignan mon a, TeyTey, nandito silang lahat…” sabi ni Aurora habang sinusundan si Tiara na naglalakad ng pagewang-gewang.

Natutuwa naman akong pinapanuod siya hanggang sa maabot niya ang binti ko. Binuhat ko naman siya at inikot siya. Ang mga tawa niya ay parang musika sa aking pandinig na gustong-guto kong marinig kahit pa habang buhay.

Isang larawan naman ang nakita naming sa monitor at nakuha nito ang atensyon ko. Huminto naman ako at binuhat lamang si Tiara at seryosong pinagmasdan ang sasakyang nakikita ko sa monitor. Hindi ako nakakita ng kahit anong katulad non.

“Woaaah! Ang spaceship na iyan ay nakakabighani. Parang bago lamang ang pagkakagawa dito,” sabi ni Aurora at manghang-mangha na nakatitig dito.

Mukha nga itong spaceship kung titigan mo ng malapitan.

“Bakit naman kailangan ng mga werewolves ng spaceship?”

“Para makapunta sa space, duh!”

Bigla namang namuti ang mukha ni Aslan at sinabi sa natatakot na boses, “O kaya naman para lumipad sa lugar na hindi nila kayang puntahan.”

Nagtaka namang tumingin si Aurora sa kanya, “Pasensiya na, may hindi baa ko nalalaman?”

“May mga hindi magandang kinikilos ang mga ito nitong mga nakaraang araw, at natatakot kami na baka nagsanib pwersa ang mga werewolves at mga witches para sa isang bagay.”

“Salamat sa Diyos at napakalayo natin sa Earth. Wala na akong lakas pa para maipit na naman sa mga kakaibang pangyayari…” sabi ni Aurora at saka kinuha sa kandungan niya si Tiara.

Ang hindi ko sinabi kay Aurora na tila ang plano nila ay ang lusubin ang Typhoon. Hindi ko gustong mag-alala siya hangga’t hindi pa kami nakakasigurado.

“Magpaalam ka na, sabihin mo bye… maglalaro lamang kami…” sabi ni Aurora at umalis na sila.

“Aslan, Zarina… ipaalam niyo sa mga ispya na maging alerto pa lalo. Kung may kakaiba mang nangyayari sabihin nila agad sa akin.”

“Huwag kang mag-alala, kuya. Proprotektahan naming ang ating pamilya natin kahit ano pa man ang mangyari.” Sabi ni Aslan bago umalis.

“Magteteleport ako papuntang Zeste Club,” pagbibigay alam ni Zarina bago ito maglaho. Parang lamang iyong normal na club, pero puno ito ng mga witches. Kung gusto man makaalam ng mga anumang balita o chismis doon ang dapat mong puntahan.

AURORA’S POV

Tila ang lungkot ng palasyo kapag wal ang iba. Napakarami namang mga katulong pero naturuan sila na alalahanin lamang ang kani-kanilang trabaho. Kakausapin lamang nila ako kung kinakailangan o kung may kaugnayan ba ito sa trabaho nila.

Naglilibot kami ni Tiara sa hardin ng biglang may tumalsik na tubig at isang papel ang nahulog ditto. Inilipat ko naman sa kabilang kamay ko si Tiara at pinulot ang papel.

Isa itong sulat mula kay Caleb. Gusto niya akong makita para sa isang sikretong impormasyon.

Hindi ako makapag-isip ng mabuti, iniisip ko ang sitwasyon ko. Walang tao sa bahay kaya naman hindi ko magagawang iwan si Tiara at masyadong delikado kung dadalhin ko siya.

May hindi ako magandang nararamdaman dito. Para bang may bumabagabag sa looban ko pero hindi ko mapagtanto kung saan ng aba ito nagmumula.

At sa huli, mas inisip ko ang kaligtasan ni Tiara at nagpadala ng isang sorry note kay Caleb. At nang pumasok na ako at para patutulugin na sana si Tiara, nagdagdag ako ng mga harang mula sa apoy, tubig, hangin at lupa bago pa man ako pumasok ng kwarto,

Sina Aslan, Tyson at Zarina ay nababahala nang dumating sila.

“Planong lusubin ng Dark Lord ang typhoon. Gagamitin niya ang mga sasakyang iyon para makapunta rito kasama ang mga werewolves.” Sabi ni Tyson habang minamasahe ang kanyang ulo.

“Napakalayo ng Typhoon milyong milya sin ang layo nito. Ilang taon din ang aabutin nila bago makarating dito.”

“Ang Dark Lord ang pinuno ng lahat ng pinakamalakas na mahika, Aurora. Siguradong may pinanghahawakan siya.” Sabi ni Zarina sa nanghihinang boses.

Alam kong napakaseryoso na ng sitwasyon dahil pati si Zarina ay nababahala na rin. Kumpara sa mga kuya niya, siya ang taong hindi madaling matakot.

“Kailangan nating maging maingat lalo na sa kaligtasan ni Tiara…”

“Sa tingin mo ba mas mabuti kong idala mo na lamang siya sanctuary at doon muna kayo hanggang sa bumalik ang lahat sa normal?

“Tama si Zarina, Aurora. Magpunta na kayo sa sanctuary ng mas maaga.” Sabi ni Tyson at hinawakan ako sa balikat.

Nagsimula naman akong kabahan nanag maisip ko ang pagpunta doon, “Pero Tyson palagay ko mas ligtas siya dito.”

“Please, Aurora. Huwag mon a kaming pahirapan pa. Hindi kami makakapag-isip ng maayos kung lumusob sila dahil sa pag-aalala naming sa kaligtasan ni TeyTey…” pakiusap ni Aslan.

At dahil lahat sila ay pinipilit ako, pumayag din ako sa bandang huli.

Nilabas ni Tyson ang kanyang locket at inilagay ito sa aking kamay. “Isuot mo iyan pagkatapos mong kunin si Tiara. Susunod din ako…”

Ang locket ay tila kakaiba… may kung anong hindi tama dito. Ginamit ko ang mahika ko para suriin ito pero wala akong maramdamang mali rito.

Baka napaparanoid lang ako. Binuhat ko si Tiara at saka inilagay sa leeg ko ang locket. Ilang sandali lamang ay nilamon na akon ng vertex.

Nang makarating na ako ng sanctuary, wala sa kamay ko si Tiara. Nagulantang naman ako at tumingin sa paligid. Asan si Tiara? Paano siya nawala sa mga kamay ko?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.