CHAPTER 44

TYSON’S POV

“Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.”

“Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?”

“Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”

“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…”

“Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.”

“Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?”

“Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…”

“Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, mananalo tayo ng mas madali,” sabi ni Aslan ng lakas na loob.

“May duda ako diyan, Aslan. Gumawa siya ng magandang paghahanda sa pangalawa niyang plano. Painite weapons, malalaking spaceships, mga matitinding spell at kung anu-ano pa.”

“Ilang taon pa ang tatahakin nila bago sila mkarating. Sa palagay ko hindi natin kailangan mag-alala masyado.”

“Kailangan natin mag-alala, lahat ng mga ships na iyon ay hahantong sa teleport.”

“Ano? Saan niya naman nahanap ang kapangyarihan para magteleport gamit ang spaceships na mga iyon?” sabi ni Zarina sa natatakot na ekpresyon.

“Hindi! Hindi! Hindi heto maaaring mangyari…”

Damn! Saan niya naman nakuha ang ganung bagong ugali niya? Nakakairita na siya, “Tumigil ka na Aslan, at sabihin mon a lang sa amin kung ano ba ang problema.”

“Ang bato… na kay caleb ang bato… Iyon lang ang tanging bagay sa mundo na makakapagbigay ng malakas na kapangyarihan sa Dark Lord para gawin iyon.”

“Tama siya, kuya. Ibig sabihin lang no’n ay maaaring nakipagtulungan si Caleb sa Dark Lord o kaya naman kontrolado siya nito.”

Napakagat naman ako sa dila ko para mapigilan ko ang sarili ko sa pag ngiti. Siguradong nakakatuwang panuorin ang Dark Lord na gamitin ang pekeng batong iyon. Pero hindi ko gustong malaman ng lahat ang tunkol doon. Hindi pa ngayon, ang mas maraming alam ay mas mababa ang pagkapanalo…”

“Gumagamit sila nang pinaghalong mga teknolohiya at mahika para lusubin tayo. Dapat din na gawin natin iyon para Manalo tayo. Kunin niyo lahat ng magagamit natin, tawagin lahat ng pwedeng masuhulan, gawin niyo lahat ng imposible para tayo ang manalo sa larong ito… Malinaw ba!” sabi ko gamit ang isang bato na ginagamit para sa isang Royal Command.

“Masusunod, aming pinuno. Aalis na ako para ipunin lahat pati ang mga pilak na mga sandata.” Sabi ni Aslan at yumuko bago umalis.

“Pupunta ako sa Earth para pakiusapan ang mga witches at manghuhula,” sabi naman ni Zarina at naglaho.

Ang laro ay nag-umpisa na. Kailangan ko ng umalis at sabihan si Aurora tungkol sa mga bagong plano at kailangan ko siyang kumbinsihin na manatili lamang doon.

Kinuha ko ang isa pang locket sa cabinet at sinuot ito. Ilang sandali lamang ay nasa loob na ako ng Santuary.

Nabigla naman ako nang makita ko sai Aurora na walang malay sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko at sinuri ang kanyang pulso. Nabawasan naman ang pangamba ko nang mapagtanto kong buhay pa siya at nawalan lang ng malay.

Binasag ko naman ang isang baso at sinugat ang kamay ko saka ko siya binuhat sa may kandungan ko at pinainom ang aking dugo.

Agad namang bumukas ang mga mata niya. Lumingon naman ito sa buong paligid at agad na naupo. Naiyak naman siya sa humagulhol, “Si Tiara… Ang anako ko… Tyson… bigla na lamang siyang naglaho… si… gusto ko ang anak ko… Tyson ibalik mo siya sa akin…”

Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nawawala ag munti naming anghel na si Tiara. Masyado akong nag-alala kay Aurora na hindi ko man lang napansin na nawawala si Tiara.

Hidndi ko hahayang may mangyari sa kanya… Sisirain ko ang buong mundo kung iyon ang kinakailangan para lamang iligtas siya…”

Hinaplos ko ang mukha niya at sinabi sa mahinahong boses, “Aurora, makinig ka sa akin, mahal. Sabihin mo sa akin kung ano ba ang nangyari…”

“Hindi ko alam, Tyson. Hawak ko si Tiara nang magteleport kami pero bigla na lang siyang wala sa kamay ko nang makarating dito.”

“Bloody Hell! Paano nangyari iyon? Hindi ko pa naririnig ang bagay na tulad nito… walang pang nangyayaring ganito.”

“Ginamit ko ang kapangyarihan ko para mahanap siya sa lahat ng bahay na meron sa Typhoon pero hindi ko siya mahanap… mamamatay ako kung hindi ko siya nahanap…”

Tinakpan ko naman ang bibig niya ng aking kamay, “Ililigtas natin ang anak natin, Aurora. Pero…” napahinto ako sandali bago ko ito tinuloy, “Pero, hindi ko ito kaya ng mag-isa. Kailangan mong maging matatag kung gusto mong mabawi si Tiara.”

Tumango naman siya at pinunasan ang kanyang mga luha. “Handa na akong siarin ang mundo para lamang makuha si Tiara, Tyson. Sabihin mo sa akin ang dapat gawin.”

“Hindi ako sigurado sa ideya ko pero maaaring andoon nga si Tiara pero kailangan nating magplano. Puntahan na muna natin sina Zarina at Aslan.” Sabi ko at hinawakan siya.

ASLAN’S POV

“May ideya ka ba kung bakit pinabalik tayo ni Tyson, Zizi?”

Huminga naman siya ng malalim at saka sinabing, “Wala, pero hindi maganda ang kutob ko dito. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko na parang kabayo…”

Hinawakan ko naman siya sa balikat at pinapakalma siya pero sa totoo lang ay kinakabahan din ako. Naghihintay kami nang matagal at mukhang aabutin pa ata sila ng ilang taon nang biglang dumating si Tyson kasama si Aurora.

Isang tingin ko lamang sa kanilang mga mukha alam kong may probelam.

Pinaupo ni Tyson si Aurora sa sofa at saka lumuhod sa harapan nito. Hinawakan naman nniya ang kamay niya at sinabing, “Tandaan mo, magkasama taong haharapin ito. Pinapangako ko na gagawin natin ang lahat mahanap lamang si Tiara.”

Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng kidlat… Hindi… Paano mawawala si Tiara kung nagpunta sila ng Sanctuary?

Napaluhod naman si Zarina sa kabilang banda at humawak kay Tyson para alalayan ang sarili.

“At ngayon nagawa na nga ng Dark Lord ang unang plano niya. Nagawa niyang kunin si Tiara habang nagteteleport ito papunta roon. May ideya ka ba kung paano nangyari iyon, Zarina?” ang boses ni Tyson ay mahinahon lamang pero ala kong sa loob niya ay puno na ng bagyong nagpatatalo. Namamangha parin ako sa lakas ng loob niya kahit pa nasa ilalim siya ng hindi magandang sitwasyon.

“Ipakita mo sa akin ang locket mo, Aurora,” sabi ni Zarina at inabot sa kanya ang kamay niya.

Masyadong nanginginig ang mga kamay ni Aurora na hindi man lang niya ito makuha kahit pa ilang ulit niyang subukan. Naupo naman si Tyson sa sofa at saka siya hinila sa kanyang kandungan.

Hinila niya naman ng mabilisan ang locket na parang baliw at ibinigay ito kay Zarina. Gumamit naman siya ng mahika para suriin ang locket. Isang malalim napaghinga ang kumawala sa kanyang bibig, “May naglagay ng isang spell sa locket na ito na hayaang magteleport ang taong nakasuot nito pero hindi ang kasama nito…”

Napasuntok ako sa kamay ko, “Hindi ka dapat nagpunta ng mag-isa sa Roxiant, paano na natin hahanapin si Tiara, ngayon?” sabi ko.

Napalunok naman si Zarina at sinabing, “Alam ko na kabaliwan na ito pero magagawa nating hanapin si Tiara gamit ang locator spell.”

Nanlaki ang mga mat ani Aurora at sinabing, “Makakaya mol ang iyong gawin kapag malapit lamang ang distansya niyo… Milyung milya ang pinag-uusapan natin dito. Mauubusan tayo ng lakas at mawawalan ng malay. Hindi natin iyon pwedeng hayaan kung may digmaan tayong kakaharapin na dapat isipin…”

Hinawakan naman muli ni Tyson ang kanyang kamay at sinabing, “Wala akong pakialam kahit ilang libong digmaan pa iyan ang mahalaga mailigtas ko ang pamilya ko…”

Namamangha ako sa mga sagot niya. Ang laki ng pinagbago ni Tyson matapos ng ilang buwan. Isa ngang munting anghel si Tiara na nagbigay ng ilaw kahit saan pa siya nagpunta, kailangan naming siyang iligtas kahit ano pa man ang mangyari.

“Zarina paano mo naisip na magagawa natin ito?”

“Nakatali na tayo kay Tiara at isa pa witct tayong dalawa, hindi naman masama kung susubukan natin,”

Agad namang tumayo si Aurora, “Gawin na natin ‘to!”

Ako naman at si Tyson ay inayos ang mga kasangkapan at itinabi ang mga ito para bigyan sila ng espasyo. Inilapag ni Zarina ang isang malaking mapa at saka naglagay ng kandila sa bawat dulo nito. Ipinikit niya ang mga mata niya at seryoso lamang ito hanggang sa kusang sumindi ang mga kandila. Kita ko ang hirap sa kanyang mukha. Hindi ko na mapiligan ang sarili ko at sinabi ng malakas, “Bakit ba kailangan mo pang maghirap kung pwede mo namang sindihan na lang ang mga kanidala?”

“Gumagawa siya ng spell para magkaroon tayo ng swerte.”

Damn! Masyado niya nang ginagawa lahat para makasigurong gagana nga iyon. At ag aming munting anghel ay makakasama naming muli…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.