AURORA’S POV
Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay.
“Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?”
Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong.
Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok…
At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar…
“Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok.
“Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa ilalim siya ng isang maitim na mahika…”
“Wala akong makita…” sabi ni Zarina sa na babagabag na boses.
“Maaaring dahil mas malapit si Tiara kay Aurora kumpara sa ating lahat…”
Bigla namang kumislap sa tuwa ang mata ni Zarina at sinabing, “Gosh! Bakit nakalimutan ko iyon. Ang buhay natin ay nakasalalay kay Tiara. Pwede akong gumawa ng spell para marinig natin ang iniisip ng bawat isa. Para maging konektado tayo sa kahit anumang oras.”
Gusto ko ang ideyang iyon at susuportahan ko sana iyon nang biglang nagsalita si Aslan, “Pwede bang mag-isip ka muna Zizi bago magsalita? Ibig sabihin din noon ay ang mga iniisip din natin at nararamdaman ay maghahalo-halo. Si Tyson ang hari Zarina hindi maaaring ibigay niya lahat ng nasa isipan niya…”
Kumislap naman ang mga mata ni Tyson ng may lakas na loob at sinabing, “Tama ka, ako nga ang hari. At buo na ang pasya ko. Gawin mo na Zarina, maghanda na kayo para sa isang ritwal…”
Natuwa naman ang puso ko sa naging pasya niya. Ang lalaking paranoid at hindi sinasabi sa lahat ang kanyang plano ay handing ibahagi sa lahat para lamang iligtas si Tiara. Kung hindi man iyon tinatawag na pagbabago, hindi ko alam kung ano ba talaga iyon…
Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at tumingin sa kanya saka ibinulong, “Salamat…”
Hinila niya naman ako para yakapin at sinabing, “Anak ko rin naman siya… Kaya kong sirain ang lahat para lamang mailigtas siya at kabilang na doon ang sarili ko.”
Isang pag-asa ang sinisigaw ng puso ko ngayon. Magagawa naming mailigtas ang aming anak at ang kahariang ito ng magkasama…
CALEB’S POV
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, at tumayo sa kinaroroonan ko. Gusto ng Dark Lord na magkita kami agad.
Tumingin naman ako kay Meridith na natutulog ng mahimbing. Kahit pa ayaw kong gawin ito, pero kailangan ko…
Sa sandaling gisingin ko siya, nagising naman siya at sinabi agad, “Anong nangyari?”
Ang pagkabahala sa mga boses niya ay sinasaktan ako mula sa puso. Kung maaari ko lamang siyang bigyan ng kapayapaan.
“Caleb! Tinatakot mo na ako,” sabi nito.
Nagdikit ang mga labi ko at saka sinabing, “Nagtawag ang Dark Lord para sa isang pagpupulong. Ramdam ko na may masama siyang iniisip. At kung may nangyari mang masama, tandaan mong gawin ang pangatlong plano. Nasa kamay na natin ang lahat, Meridith…”
Napaluha naman siya at sinabing, “Kailangan mo ba talagang umalis, Caleb?”
Hinila ko siya agad para yakapin, “Ah! Meridith… hindi ko kontrolado ang lahat at ikaw na lang ang tangi kong pag-asa…”
At nang kumawala siya, ang mga mata niya ay nagpakita ng lakas ng loob, “Hindi kita bibiguin, Alpha.”
Hindi siya isang ina o kasintahan ko ngayon, isa siyang beta, ang isang mandirigma na ilang beses nang nanalo sa mga digmaan dahil iyon ang kapalaran niya.
May tiwala ako sa kakayahan niya pero isa itong hindi birong misyon na ibibigay sa kanya. Kailangan niyang lumaban bilang isang ina at kasintahan ko para sa planong ito.
***
Nanlambot ang mga paa ko nang bumagsak ako mula sa ere. Ang galit na boses ng Dark Lord ang narinig ko, “Ang lakas ng loob mo para magsinungaling sa akin, Caleb! Binigyan moa ko ng pekeng bato!”
Malakas na kidlat ang dumadaloy sa buo kong katawan na tila nawala lahat ng sakit sa buong katawan ko.
“Hindi… hindi ako kailanman nagsinungaling… binigay ko sayo ang bato na nahanap ko sa lugar na iyon…” nagawa kong sabihin sa naghihingalong boses.
Naramdaman niya ata na nagsasabi ako ng totoo at pinakawalan niya ako. Nahulog ako sa lupa ng malakas ng pwersa. Gusto kong magalit sa kanya pero alam kong hindi iyon magdudulot ng maganda para sa akin…
Habang hinahaplos ko ang ulo ko, tumayo ako at yumuko sa kanya.
“Ano na ang gagawin ko ngayon?” sinabi ko sa nanghihinang boses.
“Magpapatuloy pa rin ang plano pero magkakaroon lamang ng kaunting pagbabago. Lulusob tayo ngayong gabi at dadalhin lahat ng witches at magteteleport ng mga werewolves hanggang kaya ng lahat… Ang pakay natin ay ang lusubin ang pamilya ni Tyson. Gagamitin natin ang kanyang anak bilang bitag para sumuko siya… Sa tingin ko mas simple ang planong ito, mas madali, mas mabuti pero hindi gaano nakakaaliw. Maghanda ka na,” sabi niya at pumalakpak.
Maya’maya pa ay nagsama ang lahat. Aalis na sana ako nang isang malamig na kamay ang pumigil sa akin, “Mananatili ka lang sa tabi ko na parang anino.”
Dang!Paano ko magagawang makausap si Meridith para sa panibagong plano.
TYSON’S POV
Isang malakas na katok ang kumuha ng aking atensyon. Agad naman akong tumayo at saka binuksan ang pinto.
“Aslan, Zarina… anong ginagawa niyo dito?” Tumingin ako kay Aurora at sinabing, “Binigyan ko lamang siya ng pampatulog. Ginigising niyo lamang siya.”
Hindi na ako binigyan pansin ni Zarina at pumasok agad para gisingin ito.
“Bloody hell!Naririnig niyo ba ang sinasabi ko, kapatid?”
“Naririnig ko Tyson, pero kailangan na nating gumalaw,”
“Ang Dark Lord ay pinagsasama-sama na ang lahat ng kanyang grupo. Lulusubin nila ang Typhoon ngayon na mismo.”
“Kung ano man ang balak nila, hindi tayo nakahanda. Masyado akong abala kay Aurora akala ko naman…”
Hinawakan ni Aslan ang balikat ko, “Ayos lang ang lahat, Tyson. Gumawa ako ng dapat gawin, tandaan mo, magkakasama tayo rito.”
“At ginawa ko naman ang spell para sa mga plano…”
“Patawad zarina kung hindi kita nagawang tulungan. Hindi kita magawang tulungan dahil pinainom ako ng pampatulog ng pighead na ito.” Sabi ni Aurora sa inaantok pang boses. Ang cute niyang tignan. Ang tanging gusto kong gawin ay halikan siya pero ang nakakaasar na digmaan na ito…
Umubo naman si Zarina… at natawa ng bahagya, “Ayos lamang Aurora. Kailangan mong ipunin ang lakas mo. Kailangan mong magpunta sa Earth ng mag-isa habang nakikipaglaban kami sa Dark Lord. Kung lahat tayo ay wala, magdududa na siya…”
Hindi ko gusto ang lahat ng ito pero wala akong pagpipilian…
Mukhang maganda din ang dulot ng spell na ito sa aming lahat ang maging konektado sa buhay ni Tiara. Ang tanging kailangan naming gawin ay maghawak kamay at panuorin sina Zarina at Auora na bumubulong para sa isang spell. At matapos nun ang isipan naming lahat ay kunektado.
Parang bang isa itong portal na kumunektado sa bawat isipan namin. Biruin mo kailangan naming maging matatag na panghawakan ang bawat iniisip namin at maging matatag sa mga emosyon ng bawat isa.
Nagbuntong-hininga ako nang naghalo sa isipan ko ang nasa isipan nina Zarina at Aurora. Hindi ito maganda pero kaya pa naman.
“Patawad Tyson, nakalimutan naming sabihin sayo kung paano mo gagawin ang kontrolin at piliin lamang ang ilan na dapat mong sabihin…” sabi ni Auarora na may guilty sa kanyang ekspresyon. Ramdam ko na sinasadya nila ito pero pinalagpas ko na lamang.
May mas mahalaga pa kaming dapat gawin…