CHAPTER 46

AURORA’S POV

Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga.

Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon…

Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito.

Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.”

Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyson ang bawat parte nila sa plano.

Kung hindi ko nailigtas si Tiara sa tamang oras, buhay nila ang nakasalalay rito. Gagamitin ko lamang ang bato para makapgteleport.

Ibinulsa ko ito sa leather na pantalon ko, pinikit ang mga mata, at sinubukang magpunta muli roon.

TYSON’S POV

Ang grupo na dumating kasama ang Dark Lord ay kakaunti. Tiyak na susubukan niyang gamitin si Tiara bilang bitag at eksaktong balak kong hayaan siyang gawin iyon.

Inutusan ko ang lahat ng aking kasama na manatiling nakatago habang kami ni Aslan ay pupunta sa kung saan sila dadaan. Ang kailangan lang naming gawin ngayon ay maghintay na makarating sila.

Ilang sandali bago lumitaw sa harapan namin ang Dark Lord, binalaan ako ni Zarina. Tumayo ako malapit kay Aslan upang mahawakan ko siya at mag-teleport kung kinakailangan.

Isang biglaang malakas na enerhiya ang naramdaman ko na siyang fdahilan para kilabutan ako. Tila malakas siya. Wala akong ideya kung mananalo ba kami laban sa kanya kahit na sa mayroong ang tulong ni Zarina ngunit kailangan naming subukan.

“Sino ang nandito sa harapan natin ngayon kundi ang dakilang hari ng Typhoon? Bakit naman hindi siya nasa loob ng protektakdong mga harang?”

Nanlaki ang mga mata ko saka tumingin sa kanya at sinasabing, "Ano ba ang ginagawa mo dito sa lupain ko!"

Hinawakan naman niya ako sa balikat at sinabing, “Hindi ba parang hindi ata maganda ang pagsalubong mo sa akin? Hindi ka ba nag-aalala na papatayin kita kapag ininsulto mo ako…”

Kumulo ang dugo ko at kamuntikan na akong mawalan ng kontrol nang marinig ko sa isipan ko si Aslan, *Isipin mo si Tiara…*

NAgpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Hindi mo gugustuhing kalabanin ako. Isang utos ko lamang at lahat ng mga tauhan mo ay magiging abo.”

“Tignan natin!” sabi niya at pumalakpak. Mga daan-daang witches at mga werewolves ang biglang pumaligid sa amin. At ang hindi alam ng mga kalaban ay pinapalibutan sila ng libu-libong mga kasama ko.

Umulan ng mga bala sa kanila bago pa man nila napagtantong nangalahati na ang bilang nila.

“Gumawa kayo ng harang, mga tanga!” utos ng dark Lord.

Di-nagtagal, ang mga witches ay naglagay ng isang spell na ginagawang walang silbi ang aming mga bala. Lumaban ang aming mga witches at humina ang bawat harang ngunit sumali sa laro ang Dark Lord.

Sa pamamagitan ng isang alon ng kamay, pinatay niya ang sampung mga witches sa gilid namin. Kailangan kong pigilan siya kung hinsi papatayin niya ang lahat sa loob ng ilang minuto.

Inilabas ko ang anyong dragon ko at inutusan si Zarina na balutan ako ng mahika. Huminga ako ng apoy sa kanyang direksyon ngunit lumingon siya sa eksaktong oras at gumamit ng isang spell upang mapatay ang apoy.

Nagpadala siya ng isang malakas na enerhiya patungo sa akin ngunit ang nakapalibot na spell ni Zarina ay prinotektahan ako. Maraming beses pa niya akong inatake nang sunud-sunod at tila nagtatagumpay ito.

* Sa palagay ko hindi ko na kaya ito * rinig kong boses ni Zarina.

F***! Ano na ang dapat naming gawin ngayon?

Tinaas niya ang kamay niya para atakehin ako ngunit binuhat siya ni Aslan sa himpapawid at ibinagsak sa lupa. Ang pagkabigla ang siyang sumira ng pokus niya ngunit ilang sandali lamang iyon.

Kailangan kong mag-isip agad bago pa niya pinatayin si Aslan. "Nasaan ang mahiwagang bato mo, Madilim na Panginoon?" Tanong ko sa tono ng pang-aasar.

Nanlaki ang mga mata niya at tinitigan niya ako saglit bago sabihin, "Ikaw ang nagpalit ng bato, hindi ba?"

"Nagsisimula palang akong tignan kung gaano ka katalino, Adam…"

Nabigla siya nang binanggit ko sa kanya ang kanyang totoong pangalan ngunit mabilis siyang nakapagpigil. "Ibigay mo sa akin ang bato ngayon din!"

“Bakit ko naman gagawin iyon?”

“Kung ganun… hindi ko gustong mapatay ang isang inosenteng bata kapag nagpumilit ka pang tumanggi… Paano ko mapipigilan iyon?”

“Hindi! Sandali lamang! Baba na ako…” sabi ko at nag-anyong tao.

“Huwag mong sasaktan si Tiara… Kukunin ko ang bato…”

“Sa tingin mob a tanga ako, Tyson, para makipaglokohan sa…”

Damn! Ano ang dapat kong gawin ngayon? Hindi ko pwedeng ibigay sa kanya ang bato. Magiging makapangyarihan lamang siya.

*Tyson, may ideya ako, gamitin mo ang locket na nasira para maligaw siya sa daan…* rinig kong sabi ni Aslan.

Tila isang napakatalino na plano iyon at isasagawa ko na sana ito nang sumulpot ang boses ni Zarina. *Hell… Hindi pwede… Baliw ka ba? Ipupunta siya nito kung saan natin tinatago si Tiara.*

Damn! May punto rin siya… Ngayon wala na akong ibang pagpipilian kundi ang ipunta siya sa Sanctuary.

“Nag-iisip ka ng ibang plano, tam aba?” Sinabi ni Adam, inilagay ang kanyang kamay sa balikat ko ...

"Ito ay nakatago sa sanctuary. Dadalhin kita doon." sabi ko sa tila natalong boses.

Naramdaman niya ang sinseridad sa boses ko. Hindi siya nagpoprotesta, pero ang tanging hinihiling ko ay sana ilang oras o minuto ang pagteleport naming doon.

AURORA’S POV

Bumilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako sa madilim na daan. Laking pasalamat ko dahil gumana ang pagteleport ko sa pangalawang beses na subukan ko ito pero sana naging mas madali sa akin na makita ang daan.

Medyo matagal na akong naglalakad. Bukod dito, ako ay tinamaan ng mga mensahe mula kina Tyson, Aslan, at Zarina upang magmadali.

Kailangan kong ipagsapalaran ang paggamit ng mahika upang hanapin si Tiara. Kapag nahanap ko na siya, tila ipinunta talaga ako doon ng direksyon. Sa loob ng ilang minuto, narating ko ang silid kung saan siya itinabi.

Ang aking puso ay lumubog nang makita ko ang maputla na mukha ng aking anghel. Mukhang mahimbing ang tulog niya ngunit hindi ko masabi, hindi ako sigurado.

Gagamitin ko ang aking mahika upang masira ang harang nang may isang boses akong narinig, “Teka! Huwag mong gawin iyan. "

Ang aking dugo ay kumukulo at ako nagalit, "At sino ang pipigilan sa akin, IKAW?"

Tinaas niya ang kanyang kamay sa hangin at sinabing, “Hindi ako kaawaay, Aurora. Huminto ka muna sandali at pag-aralan ang spell bago ka kumilos.”

Itinuon ko ang aking mga mata sa kanya habang ginagamit ko ang aking lakas upang madama ang spell. Mayroong yelo, abo, buto, kasalanan, pagkabulok ... Ang pintig ng aking puso ay bumilis sa bawat elemento ng kamatayan na aking naramdaman. Ang spell na ito ay itinapon upang maalis lahat sa buhay ni Tiara.

"Hindi mahalaga kung ibigay mo sa Dark Lord kung ano ang gusto niya o hindi. Mamatay si Tiara at lahat kayo… ”

Nanlaki ang mga mata ko sa kilabot ...

"Oo, alam niya ang tungkol sa pagiging konektado iyo sa batang iyan."

"Pero paano?"

"Sinabi sa kanya ni Caleb ..."

Hindi pwede... Hindi niya ako mapagkakanulo sa pangalawang pagkakataon ...

Hinawakan ko ang kanyang balikat at sinabi, "Sabihin mo sa akin na ito ay isang kasinungalingan ...parang-awa mo na..."

"Ginawa niya lang iyon upang protektahan ako at ang aming sanggol ..."

Ang aking mga mata ay nanlaki patungo sa kanyang tiyan at pagkatapos ay ang pintuan palabas. "Dapat kang umalis kaagad ... Ang lugar na ito ay hindi ligtas ..."

Umiling siya at sinabing, “Pareho tayong may dapat gampanan, Aurora. Heto, kunin mo ang punyal na ito. Gamitin mo ito upang patayin ang Dark Lord. Proprotektahan ko si Tiara… ”

"Ngunit ..."

"Kailangan nating sundin ang plano ni Caleb, Aurora. Ito ang tanging paraan upang mailigtas natin ang mundo mula sa Dark Lord.”

Tinango ko ang aking ulo, naghanda akong mag-teleport pabalik sa battleground. Hindi ko ipinaalam sa sinuman dahil hindi ko nais na mabigla sila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.