Chapter BH: Amira 124

MAHILO-HILO pa si Amira nang magtungo sa kusina. Naabutan niya si Manang Rosing na nagluluto ng agahan. “Gawis ay agew yo,” bati niya ng magandang umaga sa salitang Kankana-ey at umupo sa marmol na kitchen top.

“Gawis, Ma’am,” anang cook. Kalabasa burger at gatas ng kalabaw ang ini-request niya na agahan.

“What are you doing in my kitchen, Amira? What are you doing in my house?” umaalingawngaw sa buong kusina na tanong ni Caridad.

Nang iangat niya ang tingin dito ay nakatayo na ito sa may pinto ng kusina at nakasandal sa hamba. Nakasuot na ito ng roba subalit hindi pa rin ito nakaayos, in her whole splendor. Kadalasan kasi kapag bumaba ito ng kusina sa umaga ay nakaayos na ito at naka-make up na.

“Good morning, Aunt Carrie,” magalang niyang bati at pilit na ngumiti.

"Si Ma'am Amira po ang sumundo sa inyo sa Lizardo Farm at nag-uwi sa inyo dito. Inasikaso pa nga po niya kayo at binantayan hanggang makatulog kayo. Kaya dito na lang po siya natulog para kung may kailangan daw po kayo ay nandito lang siya,” sabi ni Manang Rosa.

Naumid ang madrasta niya. Di marahil nito inaasahan na aasikasuhin niya ito habang lasing ito o nag-abala siyang sunduin ito. Kung siya nga lang ang masusunod, wala naman talaga siyang pakialam dito. "Thank you, Amira. I am sorry for raising my voice. Masama lang ang pakiramdam ko."

"I understand.”

“Would you like to join me for breakfast?” her stepmother asked in an even voice.

Tumango siya. “Sure.”

Maingat ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ni Caridad nang magtungo sila sa lanai para sa agahan. It was such a beautiful morning. Nang tumama sa mukha niya ang malamig na hangin ay mas gumaan ang pakiramdam niya. Tahimik lang ang madrasta niya. She realized that she didn’t know her at all. Marami pa siyang bagay na di pa natutuklasan dito. At nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito.

“I hope you are feeling better,” aniya habang umiinom ito ng tsaa.

“Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. That drink must be spiked or something. Magrereklamo ako kay Amrita,” anito at mariing nagdikit ang mga labi. Naalala kaya nito ang mga ginawa nang nakaraang gabi o ayaw na nitong malaman pa. “Hindi ka na rin sana nag-abala na sunduin ako kahapon at asikasuhin.”

“Wala akong choice. Nagmakaawa sila sa akin. You were making a spectacle of yourself last night. Wala kang gustong pakinggan. Inaaway mo silang lahat. Ako lang ang natawagan nila kagabi na pwedeng sumundo sa iyo. Hindi naman kita pwedeng pabayaan na mag-isa.”

“Hindi ako nalalasing,” anito sa may angil na boses. “I know my limits when it comes to alcohol. I can hold my own.”

Sumimsim siya ng tsaa. “No need to fret or explain. Kahit kanino ay nangyayari iyan. Just get over it. Sinabihan ko na rin si Tita Amrita kung pwedeng huwag nang kumalat pa ang nangyari sa party. Sinabi ko sa kanya na posibleng stressed out ka lang. Siya mismo ang tumiyak na di na lalabas pa ang nangyari.”

Maang siya nitong tiningnan na parang di makapaniwala sa sinasabi niya. “Why are you so nice to me? Ikaw ang sumundo at nag-asikaso sa akin. Ikaw din ang nakiusap na huwag nang lumabas ang nangyari kagabi.”

“You are still a Banal. It would like badly on us if your immaculate reputation would be smeared by a mere incident. So petty. Ang kahihiyan mo ay kahihiyan ko. Di ako ganoon kasama para pabayaan kayo sa ganoong sitwasyon.”

“Even if you hate me?”

Tipid siyang ngumiti at itinaas ang baba. “Pinalaki akong maayos ng nanay ko para magmalasakit kahit sa taong itinuturing kong kaaway.” Itinaas niya ang noo bilang pagmamalaki sa ina. Kung nalaman nito na pinabayaan niya si Caridad sa kahihiyan ay baka makurot siya sa singit ng ina. “Uminom kayo ng maraming fluid at inumin ninyo ang headache tablet para bumuti ang pakiramdam ninyo.”

Inismiran siya nito. “Don’t tell me what to do. I am older than you. Kahit na ikaw pa ang tumulong sa akin, wala kang karapatan na utus-utusan ako sa dapat mong gawin.”

Itinaas niya ang mga kamay bilang pagsuko. “Wala na po akong sinabi.” No use arguing with her.

“This kindness won’t fool me, Amira.” She twitched her lips. Isang sampal nga naman sa mukha nito ang kabaitan at pagmamalasakit niya. She wanted to goad her into a fight again. Tiningnan siya nito sa malalamig na mata. “Hindi dahil mabait ka sa akin ngayon ay magko-concede na ako sa laban. I won’t give up without a fight.”

“Okay,” aniya at pilit na ngumiti. Wala siyang balak na patulan ito. “Salamat po sa breakfast. Aalis na po ako.”

“Kalaban mo pa rin ako. Wala kang karapatan na maging bahagi ng Banal Mining Corporation. Kahit isang tipak ng bato ay di dapat mapunta sa pangalan mo.”

“Get well soon, stepmom,” aniya at iniwan ito sa lanai.

Matapos magpaalam at magpasalamat kina Manang Rosing ay lumabas na siya ng bahay. Nakasalubong niya si Francois na may dala pang basket ng prutas. Nagulat ito nang makita siya. “Amira! Nabalitaan ko ang nangyari kay Tita Carrie. Is she okay?”

“Nasa lanai siya at nagbe-breakfast. Pumasok ka na sa loob. Matutuwa siya kapag nakita ka.”

“Are you okay?” tanong ng nobyo at sinapo ang pisngi niya.

“Yes. Of course. Tapos na akong mag-breakfast at pabalik na rin ako sa kubo.” Kinintalan niya ng halik sa labi ang nobyo. “Huwag mo akong alalahanin. May hangover si Aunt Carrie at inaantok pa ako kaya di kami nagsabunutan.”

“O-Okay. I will see you later,” anito at ihinatid siya sa sasakyan na maghahatid sa kanya pabalik sa kubo. “Manong George, kayo na po ang bahala kay Amira.”

“Yes, Sir,” anang driver.

Nang makarating sa kubo ay hindi siya nakatulog o nakapagtrabaho. She was bothered. Something was nagging her. Sa huli ay di siya nakatiis at tinawagan ang ina na nasa Vientienne sa bansang Laos. “Anak, napatawag ka.”

“Are you busy?”

“It is six in the morning here. It is okay. May problema ba?”

“A-Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa magulang ni A-Aunt Carrie? Anong klaseng tao po sila?”

INILAPAG ni Amira sa puntod nina Sobrino at Cornelia Balkan ang bungkos ng anthurium na pinatas niya sa hardin sa paligid ng kubo niya. Puting marmol ang puntod ng mga ito at di nalalayo sa gara ng puntod ng mga Banal.

Pero nakadama siya ng lungkot para sa mga ito. The place felt cold and so lonely. Parang di nadadalaw gaano ang mga ito kahit pa malinis ang puntod.

“Bakit dito tayo nagpunta?” tanong ni Francois at nakakunot ang noo habang pinagmamasdan siya. “Akala ko sa Lolo Alfonso at Lola Celestina mo tayo dadalaw.”

“Dahil sila ang unang lolo at lola ko. Nalaman ko kay Nanay na mga Balkan ang unang kumupkop sa amin dito sa Sagada sa loob ng dalawang buwan. Di na kasi kayang maglakbay ni Nanay sa ibang lugar dahil kabuwanan niya at dito na rin siya inabutan ng panganganak. Umiyak pa nga daw sila nang aalis na ako. Sabi nila maghintay pa daw si Nanay kahit ilang buwan pa. Tinanggap nila ako at minahal kahit di naman nila ako tunay na apo. Sayang kasi di ko sila nakilala.”

At na-touch siya ayon sa kwentong lasing ni Caridad na nagalit ang mga ito sa anak dahil di sinabi kay Alfie ang tungkol sa kanya. Na-appreciate niya ang pagmamalasakit ng mga ito at pagmamahal. Ni hindi man lang niya napasalamatan ang mga ito dahil mas namayani sa kanya ang sama ng loob kay Caridad.

“At si Tita Carrie naman ay parang nanay mo,” dugtong naman ni Francois at niyakag siya para umupo sa marmol na bench sa di kalayuan.

Naramdaman niya ang bigat sa puso niya.

“Sa galit ko kay Aunt Carrie, nakalimutan ko na minsan sa buhay ko ay ginawan nila ako ng maganda. Na naging mabuti rin sila sa amin ni Nanay dahil nang panahong walang gustong tumanggap sa nanay ko, ang mga Balkan lang ang tumulong sa amin. Na siguro di naman ganoon kasama si Aunt Carrie.”

“Ibig sabihin ay pinapatawad mo na siya?”

Itinaas niya ang palad. “Hey! Not so fast. She was not sorry about what she did. Pinangatawanan niya iyon. Di ko alam kung kaya kong magpatawad sa isang tao na di naman nagsisisi sa ginawa niya. For her, it was justified. Malaki pa rin ang nawala sa akin dahil sa kanya. ”

And her father was a means to an end. Na kailangan nitong makuha ang ama niya dahil gusto nitong gantihan ang mga tao. Siguro ay nagmamahalan ang mga ito pero para itulak ang madrasta niya na kalimutan silang mag-ina, may iba pa itong dahilan. And it made her feel queasy. Alam ba ng ama nito ang tungkol doon?

Tao lang din ang madrasta niya na may pangarap, nabigo at nasaktan. Natural lang din sa tao na maghiganti. Pero may kilabot na hatid sa kanya na malamang ang mga magulang nito na mabubuting tao ay kailangan nitong idamay sa paghihiganti nito. It was twisted. Habang may ibang anak na gagawin ang lahat ng sakripisyo para sa magulang, kailangan pa nitong naising magpakababa ang sarili nitong ama para sa buhay ng ina nito.

“Hindi ko na rin inabot sina Lolo Sobrito at Lola Cornelia pero mahal nila ang isa’t isa,” anang si Francois na may fondness sa boses nito.

Isang taon lang ang pagitan ng pagkamatay ng mga ito. Nauna lang daw si Cornelia na may cancer. Habang si Sobrito ay pumanaw dahil sa kalungkutan sa pagkawala ng asawa. Inatake na lang daw ito habang natutulog.

“Ano ang relasyon ni Aunt Carrie sa kanila?” di mapigilang tanong ni Amira.

“Mga simpleng tao lang ang mga Balkan. Di nga sila umalis sa simpleng kubo nila kahit na nakapag-asawa ng isang Banal si Tita Carrie. Nagsasaka pa rin sila kahit na pwede naman silang magkaroon ng maalwan na buhay. Ang alam ko lang nagtampo si Aunt Carrie sa kanila kasi ayaw nga nilang sumamang tumira sa mansion o lumipat sa mas malaking bahay.”

“Alam mo ba ang dati nilang buhay bago mapangasawa ni Papa si Aunt Carrie?” di niya maiwasang itanong.

“Nagtatrabaho sila sa bukid o kaya minsan ay naglilinis ng mga bahay-bahay. Ang alam ko nga minsan din nagtrabaho sila Tita Carrie para sa mga lolo ko sa bukid at kinukuha din silang tumulong kapag may okasyon.”

“Ibig sabihin magkakilala na sila ni Tito Romualdo noon? Close ba sila dati pa?” tuloy-tuloy niyang tanong.

Umiling si Francois. “No. I don’t think so. Walang nabanggit si Papa malibang si Tito Alfie ang kaibigan niya. But my father was a nice and friendly man. I am not really sure. Ngayon na lang sila naging malapit sa pagkakaalam ko.”

Tumatakbo ang isipan ni Amira. Nagkarelasyon ba sina Caridad at Romualdo bago nag-asawa ang huli? Sa palagay niya ay teenager na si Caridad noon. Around fifteen or sixteen maybe. Habang si Romualdo naman ay nasa early twenties. He would surely make an impression on the young Caridad. Posible naman, di ba?

“Amira, bakit mo naitanong?” untag sa kanya ni Francois. Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa mga tanong niya.

Ipinilig niya ang ulo. “W-Wala.” Wala rin siyang makukuhang sagot mula dito. Sina Caridad at Romualdo lang ang pwedeng makasagot ng taong na iyon. “Ummm… pwede bang pumunta tayo sa St. Mary’s? Gusto ko sanang itanong kung pwedeng venue ang school nila.”

Tumango si Francois. “Sure. Ano palang plano mo sa akin?”

Ngumisi siya sa binata. “Hintayin mo ang instruction ni Leonard.”

Dumilim ang mukha nito. “Leonard? Bakit naman nadamay si Lizardo dito?”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Be nice. Oras na para patunayan mo na hamak mas makisig ka sa kanya.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.