NAKANGITI si Amira nang makita kung gaano karami ang mga estudyante na nag-participate sa Environment Fair nila. Bagamat mga estudyante ang target nila, naki-participate na rin ang ibang mga Sagada bilang pagpupugay sa namayapang si Don Alfonso Banal.
Dapat ay simpleng activity lang iyon para sa mga bata pero di pumayag ang mga kapatid niya. Sinimulan ang araw na iyon sa isang parada at palatuntunan na dinaluhan ng mga taga-Sagada, mga tauhan ng Banal Mining at mga mag-aaral. Present din ang mga opisyal ng bayan. May tree planting din nang umaga at may cooking show para sa mga nais ng iba’t ibang putahe ng gulay na si Francois ang nanguna. May trade fair sa labas na nag-e-exhibit ng iba’t ibang organic na produkto at recycled products. Ipinagmamalaki kasi ng Sagada ang zero-waste management ng mga ito at ang kahenyuhan sa sining gamit ang recycled materials.
Inisa-isa niya ang mga silid na nakakapag-participate di lang ang mga estudyante kundi pati ang mga matatanda. Sa isang silid ay ang photography class na hawak nina Eira, Mabel at Ailene. May ilan silang Polaroid camera na ipapagamit sa mga estudyante. Subject ng mga ito ang kagandahan ng kalikasan at ipo-post sa bulletin board ang mga iyon. Nakita niya na nag-enjoy din ang mga kapatid niya sa pagga-guide sa mga bata at pati ang mga ito ay nakiki-selfie din.
Sina Yumi at Sky naman ang namahala sa art workshop. Iba’t ibang uri ng artwork gawa sa mga pinatuyong dahon at bulaklak ang ginagawa ng mga ito. At mukhang appreciated much ang pagka-clumsy ni Sky madumihan ang damit nito nang madikit ito sa isang pinatutuyong painting ng bata.
Pinakamaingay yata ang hawak nina Vera Mae at Berry. Ang food art ang napunta sa mga ito kung saan makakapag-decorate ng sariling cupcakes ang mga bata. Iyon din ang madalas niyang dalaw-dalawin dahil paborito niyang sumimple sa pagde-design ng cupcakes at pagkain nito matapos kunan ng larawan.
Si Vera Mae ang umaalalay sa paglalagay ng icing ng mga bata habang si Berry naman ang tagatingin kung maganda ang design ng mga ito o nagsa-suggest ng magandang toppings. Kakaiba ang mga toppings sa cupcakes dahil may mga pine trees, bulaklak o kaya ay maliliit na bahay at iba pang gawa ni Vera Mae na pawang edible. Nakaka-relax na activity iyon at nakakabusog.
“Ayan! Ganda ng gawa mo,” narinig niyang sabi ni Berry.
Nagulat na lang siya nang biglang pumalahaw ng iyak ang bata. “Waaaaa! Kinain niya ang cupcake ko.” At nakaturo ang batang lalaki kay Berry.
“Berry,” aniya sa nagbababalang boses at nakita niya na may icing ang labi ng kapatid niya habang namumuwalan sa cupcake. “Bakit mo kinain?”
Sumenyas ito sa camera. Tapos ay kung anu-anong mostra ang ginawa nito at lalo lang siyang walang maintindihan. Inabutan niya ito ng isang basong tubig. Dali-daling nilaklak iyon ng kapatid niya. Kinabog nito ang dibdib bago nagsalita. “Naa-apriseyt ko lang naman ang gawa niya kaya ko kinain. Ang galing mo kasi, totoy.”
“Hindi ako totoy!” angil ng bata. “Binata na ako.”
“Kung binata ka, bakit ka iyakin?”
“Berry!” saway niya dito. Naku! Magpapaiyak pa yata ito ng bata. “Mag-sorry ka dahil kinain mo ang cupcake niya.”
“Sorry pero dapat nga matuwa ka na nagustuhan ko ang cupcake mo. Sa mga tindahan ang nabebenta ay ang maganda at mukhang masarap na pagkain. Di mo pwedeng i-display iyan. Kapag walang dumampot diyan, ibig sabihin, hindi mukhang masarap. Kaya pwede ka ring magpasalamat sa akin.”
Umikot ang mga mata niya. Her sister was hopeless. Talo-talo sa pagkain. Nilapitan niya ang bata at hinawakan sa balikat. “Tahan na, ha? Gawa ka na lang ulit ng bago.”
“Papangitan ko na po para di kainin ni Miss Berry,” anang bata at lumapit sa mesa para mamili ng toppings.
Pinamaywangan niya si Berry. “Alam mo ba na pwede kang ireklamo ng bata sa ginawa mo?”
Ngumisi lang ang kapatid niya. “Okay lang. Bahala na si Atorni Matyu doon. Bibigyan ko lang ng awards ang batang iyon kasi maganda ang gawa niya.”
Bumuntong-hininga niya. Her sister was incorrigible. Di niya alam kung anong gagawin dito. But she was glad that she was dressing up more nicely now. Nababawasan din ang pagkaharagan nito at di na niya naririnig na magmura. Ang di na lang nababawasan ay ang katakawan nito.
Nag-announce na lang siya sa lahat bago lumabas ng silid. “Everyone, you may enjoy the activity until four in the afternoon. After that, pupunta lahat tayo sa church para sa isang magandang play. Excited na ba kayo?”
“Opo!” sabay-sabay na sagot ng mga bata.
Pagdaan niya sa kuwarto para sa art workshop ay nakatayo sa labas sina Mabel at ang batang si Angel. “Amira, nasaan na si Kellan saka ang ibang boys?” nag-aalalang tanong ng kapatid niya.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ko tino-torture ang fiancé mo. Ibabalik ko siya ng buong-buo,” nakangiti niyang sabi. “Tumutulong lang naman sila sa paggawa ng props ng mga boys. It isn’t that bad.”
Itinaas ni Angel ang kamay. “Tita Amira, I am ready for the stage play.”
“Good. Ready na rin ang costume mo para sa iyo.”
Pumalakpak ito. “Yehey! Yehey!”
Angel was a revelation. Ang alam ng lahat ay ito ang nakababatang kapatid ni Vera Mae pero ito pala ay naging anak nito kay Brian sa isang one-night encounter na di naalala ng binata noong menor de edad pa ang mga ito. Inako ng ina ni Vera Mae ang pagiging ina kay Angel. Pero ngayon ay ito na ang anghel ng lahat dahil sa pagiging bibo nito at masayahin. At excited siya na maging bahagi ito ng play bilang isang Banal.
“Na-memorize mo na ba ang lines mo?” tanong niya at umuklo sa harap ng bata.
“Opo. Nasaan na po ang fairy dress ko?”
“Pupuntahan natin sa church.” Hinawakan niya ang kamay ni
Sa St. Mary the Virgin Church ng Sagada ginaganap ang mga pagtatanghal ng mga dula sa Sagada ayon kay Leonard sa kanya. Di iyon kalayuan sa St. Mary’s Church kaya doon din nila gaganapin ang stage play para mas madami ang makadalo. Pasado alas tres na noon ng hapon. Ihinuli niya si Angel dahil madali lang naman itong ayusan. Nasa simbahan na ang lola nito para tumulong sa pag-aayos dito kaya matapos iwan si Angel sa bata ay pumunta siya sa dressing room ng iba pa sa importanteng cast niya sa play.
Kumatok siya sa pinto. “Pwedeng pumasok?”
“Pasok!” narinig niyang sabi ni Francois.
Nakangiti siyang sumilip sa pinto. “Hello, boys! I can see that you are ready for the play,” aniya at ngumiti nang makitang nagkanya-kanyang takip ng katawan ang mga lalaki sa loob. Napansin niya na nag-blush ang ibang nobyo at asawa ng mga kapatid niya dahil nakita niya ang mga ito suot ang bahag.
Si Francois lang ang proud na proud sa Igorot regalia nito. Komportable ito sa pagbabahag at mukhang di nilalamig. Gusto talaga nitong patunayan ang pagiging lead nito. Alam naman niya pangarap nitong maging lead sa isang play kaya naman masayang-masaya ito nang malaman ang role. Kinailangan nga lang itong mag-training sa ilalim ni Leonard bilang paghahanda.
Isang original screenplay ang ipinagawa niya para sa okasyon na iyon. At itinalaga niya ang walong lalaki para magsuot ng Igorot costume at sumayaw nang bahagya. Sinadya niyang isekreto ang gagawin ng mga ito hanggang kaninang umaga nang mag-practice na ang mga ito. At ngayon na lang nalaman ng mga ito kung anong costume ang isusuot para di mag-backout ang mga ito.
Galit siyang hinarap ni Attorney Matthew na hapit-hapit ang toweling robe sa katawan nito. “Amira, I didn’t sign up for this.”
Tinaasan niya ito ng kilay at inilabas ang waiver na pinirmahan ng lalaki. “On the contrary, may pinirmahan ka na nagsasabing handa kang gawin ang lahat para sa araw na ito. Na may tiwala ka sa akin na anumang ipapagawa ko sa iyo ay para sa ikatatagumpay ng birthday ni Lolo Alfonso. Si Berry pa nga ang nagpapirma sa iyo.” Inikot niya ang mga mata sa iba. “Gusto ba ninyong makita rin ang waiver na pinirmahan ninyong lahat.”
Naggiyagis ang ngipin ni Matthew. “I am not my strutting my stuff for all the world to see. I am a lawyer!”
Tinaasan niya ito ng kilay. “At walang lawyer na Igorot o indigenous na nakabahag lang? You might want to check the records for that.”
Natigilan ito. “I didn’t mean to offend…”
“Well, you signed a document. Sabi mo gagawin mo ang lahat. Magpaliwanag ka na lang sa lahat kung bakit ikaw lang ang wala sa play,” aniya at tinalikuran ito.
“Amira, baka naman pwedeng may ibang isuot o kaya ibang role,” kakamot-kamot ang ulong sabi ni Jairus. “Mabilis naman akong matuto. Kuya mo naman ako, ‘di ba? Baka pwede mong i-consider.”
“Sure. ‘Yung fairy costume,” nakangiti niyang sabi.
Nagtawanan ang iba. Mahirap nga naman ma-imagine na ang makisig na si Jairus ay magsusuot ng fairy dress.
Inakbayan ito ni Brian. “Pwede kitang pahiramin ng pink na wig na ginamit ni Angel sa school program nila nang mag-Lady Gaga siya. Bagay iyon sa iyo.”
“Di ka rin mayabang, pare. Ikaw nga itong unang nagtakip kanina.”
“So… who wants the fairy costume?”