Nakangiting pinanood ni Amira ang paghahabulan ng dalawang paru-paro sa pagdapo-dapo sa makukulay na bulaklak sa hardin ng ina ni Francois. It was such a cold morning. Alas otso na ng umaga subalit ngayon pa lang unti-unting nalulusaw ang fog sa init ng araw. Katatapos pa lang ng pagbuhos ng ulan.
Tumingala siya at natanaw ang asul sa langit sa kabila ng mga ulap. Magiging maganda ang araw na ito. She had a good feeling about it.
“Amira, gusto mo ba ng tsaa?” tanong ng inang si Himaya.
Nakangiti siyang tumango sa ina. “Salamat po. Lumabas na po ba si Francois sa kuwarto niya?”
“Hindi pa. Nagbibihis pa siguro.” Nagtungo siya sa kusina at idinulot nito ang tsaa sa kanya. “Handa ka na ba sa presentation mo, anak?”
“Opo. Kahapon pa po.”
Bago pa mag-lunch ay na-perfect na nila ng team niya ang presentation at nai-run na rin nila. Ni-review iyon ni Himaya na kasama nila sa paghahanda ng presentation sa loob ng dalawang linggo. Hindi talaga siya nito iniwan at tiniyak nitong walang butas ang presentation niya. Kaya naman maaga siyang nakatulog kagabi at nagising nang may ngiti sa labi. She was ready for battle.
“Amira, aalis na ba tayo?” narinig niyang tanong ni Francois mula sa sala. Then she heard him utter a French word. A not so nice French word.
Nang puntahan niya ito sa sala ay naabutan niya itong nagkakabuhol-buhol ang daliri sa pagbubuhol ng necktie nito. “Need help?” tanong niya.
“Yes,” anito at sa wakas ay sinukuan ang kaawa-awang kurbata.
Suot nito ang necktie na bigay niya dito pati cufflinks. Napansin din niya na nangangalumata ang nobyo. “Anong oras ka natulog, mon amour?”
“Maaga akong natulog,” sabi nito pero nakatuwid lang ang tingin at di sinalubong ang mga mata niya.
“Hindi naman nakatulog si Sir Aklay, Ma’am Amira. Nandito lang siya sa may sala at palakad-lakad,” pambubuko ni Manang Conching dito.
Tinaasan niya ng kilay ang nobyo. “Anong nangyari? May problema ba?”
“Ninenerbiyos kasi ako para sa presentation mo.”
“Bakit ka naman nenerbiyusin? Hindi naman ikaw ang magpe-present?” tanong niya habang inaayos ang knot ng kurbata nito.
“Well, the board won’t be easy on you. I am sure may instruction si Tita Carrie na durugin ka. At nandoon din ang mga kapatid mo. Hindi ka ba kinakabahan?”
“As of this moment, no. Kampante ako sa presentation mo. Nandoon ka naman nang mag-mock defense ako.” Pinisil niya ang balikat nito. “I will be okay.”
“Paano kung hindi ka nila iboto? Paano kung hindi ka manalo?”
Nagkibit-balikat siya. “Their loss, not mine. Ibig sabihin hindi sila professional at ngayon pa lang ay naaawa na ako sa magiging kinabukasan ng Banal Mining sa mga kamay nila.”
“Iiwan mo ba ako pagkatapos nito? Siyempre babalik ka na sa dati mong buhay. Baka pupunta ka na ulit sa ibang bansa. Di ko alam kung kailan tayo magkikita.”
Yumakap siya sa leeg ng nobyo. “Francois, ngayon mo pa ba iniintindi iyan? I am sure we will find a way to be together. Hindi ang pag-alis ko sa Banal Mining ang katapusan nating dalawa. That is kung aalis ako. We will discuss this after the meeting.” Baka nga kapag nawala siya sa Banal Mining ay mas madalas pa silang magkasama ng nobyo. Mas flexible na ang schedule niya noon. Perhaps he could start traveling the world as well. Gusto niya itong samahan.
Mariin nitong hinalikan ang labi niya. The kiss tasted of this man, his love for her and his fears of losing her. “Amira, kahit anong mangyari huwag mo akong iiwan. Hindi ko alam kung ano pa ang matitira sa akin kapag nawala ka.”
Hinaplos ng daliri niya ang labi nito na nahawaan ng lipstick. “I won’t leave you. I won’t get this far without you and I don’t think I can go on living without you ever.”
Ibang tao na siya kumpara sa Amira na unang nakilala ni Francois anim na buwan na ang nakakaraan. She was distrustful. Isa lang ang direksyon ng utak niya. Everything was black and white. But Francois showed her that life was exciting and painted with different colors. He made her see those colors because of love. At hindi niya pinagsisisihan na sumugal siya na mahalin ito.
“Francois, Amira, it is about time,” untag sa kanila ni Himaya.
Niyakap niya ito ng mahigpit. “Salamat, Nanay.”
“Kahit anong mangyari nandito ako para sa iyo. Francois, ikaw na ang bahala sa anak ko,” bilin nito sa binata.
Nang tumahimik pa rin ang nobyo habang bumibiyahe sila papuntang La Trinidad ay nabahala siya. She didn’t like this atmosphere. Pati siya ay kinakabahan lalo na’t traffic. “Manong George, pakisalang po ang Aegis. Magko-concert kami.”
Gulat siyang tiningnan ni Francois. “May oras ka pang mag-concert?”
“Yes. At kailangan kumanta ka rin.”
Pumailanlang ang introduction ng Sinta at tumuwid ng upo si Amira. Nanatili pa ring seryoso si Francois at mukhang walang balak kumanta. Siniko ito ni Amira at pinanlakihan ng mata. “Pag-ibig ko sa iyo tunay at totoo.” Di man lang siya nito sinabayan at tiningnan lang siya na parang alien siya. Itinuloy lang niya ang pagkanta with todong feelings. “Sintamis ng wine, sintagag ng sunshine.”
Nakita niya na nagsimulang bumuka ang bibig nito pero konti lang. “Tunghayan mo sana ang aking pagsinta.”
Napangiti si Amira. He was warming up. Nang chorus na ay tumodo na rin ito sa pagkanta. Pati si Manong George ay nakikibirit na rin sa kanila. Sa wakas ay na-diffuse ang nakakatensiyong atmosphere sa loob ng kotse. Katatapos lang mag-showdown ng Basang-Basa sa Ulan nina Francois at Manong George nang tumigil ang sasakyan sa harap ng Banal Mining Corporation.
Nakangiti niyang tiningala si Francois. “I think we are ready.”
Maging ang mga staff ni Amira sa Special Projects Division ay maganda na rin ang mood pagdating niya pero determinado. Ang mga ito ang nakasama niya sa loob ng anim na buwan at kung mawawala man siya sa Banal Mining ay mami-miss niya ang mga ito. They were some of the most determined and passionate people in the field. Kung maari lang sana ay makatrabaho pa rin niya ang mga ito.
Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. “Guys, kahit anong mangyari team pa rin tayo. Kahit na…”
“Ma’am, hindi naman po kayo aalis, di ba? Malaking bagay po ang naitulong ninyo sa amin at marami kaming natutunan,” anang si Brynette na naluluha na. At nakita niya ang iba na nagiging emotional na rin.
“Hey! Walang iyakan. Gusto ko maging masaya tayo dahil maganda ang presentation natin.”
“Ilaban ninyo iyan, Ma’am! Susuportahan namin kayo,” sabi ni Macky at itinaas ang nakakuyom na kamao.
Dala niya ang team niya habang taas-noo siyang naglalakad patungong boardroom. Saka lang siya nagsimulang manlamig pagpasok niya nang makita niyang naroon na ang mga kapatid niya. They were all polished in their dresses. No one would doubt that they were Banal heiresses. At siya na lang ang hindi sigurado sa katayuan ng pagiging isang Banal. A barely heiress.
“Good morning,” bati niya sa mga ito na may kasamang tango. Pormal na mga tango din ang ibinigay ang iba pero nakita niya si Eira na parang gustong-gustong pumunta sa kanya. Gusto sana niyang lapitan ang mga ito pero hindi ito ang oras. Titiisin muna niya ang mga ito sa ngayon.
Kinamayan niya ang board of directors at ang iba pang nasa silid. Hinagilap ng paningin niya ang abogado ng pamilya. “Where is Attorney Ferrer?”
“Your sisters are here. Hindi na nila kailangan si Attorney Ferrer para i-represent sila,” anang si Caridad na eleganteng-elegante sa itim na Estee Lauder jumpsuit na may gold straps. There was a thrill of victory in her eyes. Na hindi pa man nagsisimula ang laban ay natalo na siya nito.
Naramdaman niya ang tensiyon sa katawan ni Francois. Nang tumingala siya ay nakita niya ang tiim ng mga mata nito na nakatuon sa kamay ni Caridad na nakahawak sa braso nito. Parang gusto nitong sugurin ang dalawa at komprontahin sa posibleng kataksilan ng mga ito.
“This is not the time, Francois,” bulong niya dito.
Parang noon lang natauhan ang binata. “Let’s take a seat.”
He was able to conceal his emotions in a hard cast mask. Pero nararamdaman niya na kumukulo ang kalooban nito. Inapuhap niya ang kamay nito at pinisil. Kailangan niya ang good mood at focus nito. She couldn’t afford Francois losing his control and emotions.
Nang ideklara na ang pagsisimula ng meeting ay hinamig din ni Amira ang sarili. Ngayon na ang simula ng tunay na laban.