Chapter BH: Amira 134

NADAMA ni Amira ang unang tagumpay nang sa wakas ay aprubahan ng board ang pagpapataas sa medical benefits ng mga minero dahil na rin sa report na ipinasa niya noon. Sa palagay niya ay paganda nang paganda ang araw na iyon. Iyon ay hanggang bumuka ang bibig ni Caridad.

“Now that we gave additional benefits to the miners and we have a bit of adjustment in our funding, perhaps we can start exploring the Lambayan mining site extension. Let’s start exploring,” nang-aasar itong tumingin sa direksyon niya, “Kanayama.”

Awtomatikong tumayo si Amira. “Hindi ako papayag na galawin ninyo ang Kanayama. That is a protected site for the Lambayans. Their sacred land.”

“We have papers…” panimula ni Romualdo subalit sinalungat agad niya.

“That won’t mean anything once the Lambayans fight for their rights. At di tulad ng dati na wala silang alam, may Lambayan nang nakapag-aral at lalaban para sa kanila. Ako,” aniya sa mariing boses. “At oras na ituloy ninyo ito, sisirain din ninyo ang lahat ng bagay na pinaninindigan ng Banal Mining. Lahat ng itinayo ni Don Alfonso. Hindi niya hinayaang magalaw ang Kanayama para protektahan ang sagradong lupain ng mga Lambayan.” And atonement for what his son, Alfie Banal did.

Her stepmother faked a yawn. “Ito na ba ang presentation mo, Amira. This is becoming more and more boring, don’t you agree, everyone?” anang si Caridad at kinuha ang pagsang-ayon ng lahat ng ng nasa boardroom. Bitch!

“Amira, I appreciate your concern for the company’s reputation,” Romualdo said in a suave voice. “Pero tandaan natin na sa kabila ng rehabilitation program para sa mining sites natin, we have nothing much to offer once the mining operation stops. Paano na ang mga tauhan natin?”

Nakita niyang tumango si Yumi at sumang-ayon din ang iba niyang mga kapatid. Alam ni Romualdo kung paano mamanipulahin ang emosyon ng mga ito.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Amira. “If you will allow me to start my presentation, I will show you how we can still give jobs to our miners and their families after the mining operation shuts down.”

Inilahad ni Romualdo ang kamay. “By all means. The floor is your, Miss Banal.”

Matapos i-set up ang presentation niya sa projector at maipamigay ang folder na naglalaman ng printed version ng presentation niya ay nagsimula na siya. “Every mining community’s dilemma is how to fix the mess of left by mining and how to help out the miners and their families after the operation. Of course, gaya ng nasabi ni Chairman Mosqueda kanina ay hindi natin kayang i-sustain ang pangangailangan nila kahit na may rehabilitation program tayo. That’s why I am proposing Skyland Haven.” Pinindot niya ang button para sa projector at lumabas ang larawan para sa proposed project niya. “A community at the heart of Cordillera with an amusement park, hotels, lodging houses, restaurants and boutiques. A tourism hotspot which will rise from the closed mines.”

Napabuklat ng folder pati ang mga kapatid niya na mukhang walang interes at maging ang board of directors ay naging interesado na rin.

“Is that even possible?” tanong ni Ailene. “Isang recreation site mula sa isang lumang minahan?”

“Of course.” Sumunod niyang ipinakita ang isang amusement park sa Canada na dating minahan pati na rin ang The Mines City Resort sa Malaysia. “Pinag-aralan namin ang matatagumpay na mining rehabilitation program sa ibang bansa. These projects were ambitious but with the help from the government, the private sector and the higher academe, they were able to turn a ruined mining site into a paradise. At iyon ang pwede nating gawin para sa Lambayan site nang hindi nagagalaw ang Kanayama na isang protected area.”

“This is nice. Ambitious but nice,” anang si Mr. de Leon na tatango-tango.

“M-May snow palace?” tanong ni Eira na nagniningning ang mga mata.

“Yes. You can build your own snowman.”

“May boutiques,” sabi naman ni Ailene.

“Gusto ko ang design ng hotel kung sakali,” anang si Yumi.

“May weaving center din?” tanong ni Mabel. She looked pleased.

“At maraming-maraming kainan,” sabi naman ni Berry na kahit plano pa lang ang nakikita ay parang gutom na gutom na.

“Instead of exploring the Kanayama for mining, pwedeng maging tourism spot ito. At hindi lang sa Lambayan site natin pwedeng gawin ang project na ito. Malaking bagay ito para sa mining sites na wala namang masasabing tourism area. We can turn things around for them,” paliwanag niya.

“This will lift Banal Mining from the Dark Ages of mining in the country,” sabi ni Francois. “Do you think we won’t have problem of the environmental groups?”

“They will even endorse this. At kung ganito naman ang proposal ng mga mining company, sigurado ako na magmi-meet sila ng environmental groups sa gitna. It is win-win situation. We get to rehabilitate the land, work for the miners’ families and a tourism haven for everyone. Maraming possibilities na magagawa dito.”

“This is brilliant, hija,” naiiyak na sabi ni Mrs. Fulgencio na isang independent director. “Pwede ring maging retirement sanctuary naming mag-asawa ito. Traditional Cordilleran houses.”

“Yes. Gusto po sana namin ilagay iyan sa pine forest,” sabi niya. Gusto rin niyang haluan ng ethnic feel ang lugar.

“Don’t be so excited, everyone,” anang si Caridad. Nakita niya ang pagkibot ng labi ng madrasta dahil positibo ang reaksyon ng lahat. Nagsisimula na siguro nitong maramdaman ang pagkatalo nito. “The project is too ambitious. Do you think we can really do it? We are not Canada or Malaysia…”

“Of course, Tita Carrie. Madali na lang pondohan ang ganyan kagandang project,” anang si Francois at ibinaling ang atensiyon sa Vice President for Finance. “What do you think, Mr. Baua? I think we have reserve fundings that we can use for this and we can easily charm investors with this kind of proposal.”

“D-Definitely,” kinakabahan na sabi ni Mr. Baua at tumingin sa madrasta niya.

“If you will turn over to the next page, you can see the estimate expenses for this kind of project and our projected revenue.”

At nasiyahan siya nang manlaki ang mata ng mga naroon sa kikitain nilang pera kung saka-sakali. Ikinumpara din niya ang projected na kita kung ie-explore ang Kanayama bilang minahan at ang benefits na makukuha mula sa dalawang proyekto. The Skyland Haven won hands down.

“Let’s vote.”

NANLALAMIG ang kamay ni Amira habang binibigyan ng panahon ang lahat para pag-aralan ang boto ng mga ito. Anumang sandali ay malalaman na kung aaprubahan ang Skyland Haven o mas pipiliin ng mga ito na ituloy ang operasyon ng minahan sa Lambayan. Mukhang positibo ang responses kanina habang meeting pero hindi niya alam. Alam naman niya na mas panig ang board of directors kay Caridad. And there were her sisters. Napapansin niya na pasulyap-sulyap ang mga ito sa direksyon niya. They had an ax to grind with her. Kahit pa masaya ang mga ito dahil may facilities na sinadya niyang isama para sa interes ng mga ito, maaring di iyon sapat para pumabor sa kanya. Napilitan tuloy siyang lumabas sa balkonahe ng conference room para makahinga. She couldn’t take the tension.

Bumuga siya ng hangin at pinagsalikop ang palad. Ayaw niyang ipakita na kinakabahan siya. She couldn’t be a prey to the corporate sharks. Once they smell blood, they would rip her to pieces.

“Amira, calm down,” anang binata at hinawakan ang dalawang kamay niya para painitin. “Everything will be okay.”

“Sigurado ka? Baka naman may mali sa presentation kanina.”

Idinikit nito ang noo sa noo niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. “You did your best. Ibinigay mo na ang lahat. Ang kailangan na lang nating hintayin ay ang desisyon nila. Remember that I am always here for you. We are in this together.”

“Thank you, Francois. Gusto ko lang malaman mo na kapag kailangan ko nang umalis sa Banal Mining at gusto mong ituloy ang project mo na cookbook, makakasama mo ako kahit saan ka pa pumunta. Hindi tayo maghihiwalay.”

“You will do that for me? Paano ang plano mong sagipin ang mundo?”

Nagkibit-balikat si Amira. “Pwede kong gawin iyon kahit na saan. Kahit na mapunta pa rin sa akin ang Banal Mining, I just want to assure you that I will still be here for you. Oras na siguro para naman makasama ko ang taong nagpapasaya sa akin at wala akong kailangang intindihin.”

“Thank you. I just want you to know that loving you is the best that ever happened to me. Sabi ko dati takot akong ma-in love. Ayokong matulad kay Papa na parang mababaliw nang mawala si Mama. Pero nang makilala kita, parang aso naman ako na sunud-sunuran sa iyo kahit na itinataboy mo. Sabi ko hindi love iyon. I even warned you not to fall for me. Pero sa huli ako pala ang mai-in love sa iyo. I don’t say it often.”

“But I can feel it. Kahit na di ka magsalita, nararamdaman ko sa mga kilos mo. Alam ko na sa kahit anong laban ko hindi mo ako iiwan. Thank you for bringing out the best in me, Francois. Salamat dahil hindi na ako natatakot magmahal. At hindi ko ito pagsisisihan. Only love can give me this kind of feeling. Sumugal ako, yes. Pero ngayon pa lang panalo na ako.”

Then she couldn’t resist kissing him. It was the biggest battle of her life. She wanted to feel his warmth against her. Dahil gusto niyang maramdaman na buhay siya. Na gaya ng pagsugal niya sa pagmamahal kay Francois, alam niyang wala siyang pagsisisihan sa huli. At anuman ang maging resulta, hindi siya uuwing talunan.

Sila ni Francois ang unang nagpasok ng boto nila. Secured na ang boto nila para sa Skyland Haven. “Mr. Baua voted for Kanayama exploration,” anang representative mula sa SGV and Company na taga-tally ng votes.

Bumagsak ang puso ni Amira sa unang pagkabigo na iyon. Tinapik ni Francois ang kamay niya. “It is okay. Alam mo naman kanino ang loyalty nila.”

Nagsunud-sunod ang boto ng tatlo pang direktor para sa Kanayama exploration at pababa nang pababa ang kompiyansa niya.

“I vote for Skyland Haven,” anang si Mrs. Fulgencio. “It is stupid not to vote for it. Come on! Mga wala ba kayong pangarap? Ikaw, Director de Leon, gusto mo bang puro mga hukay ng minahan na lang ang i-manage mo? Don’t you want to see greens and happy families milling around the park. Hindi na natin kailangang pumunta sa abroad para sa ganito kagandang resort park.”

Napatikhim si Director de Leon. “I am voting for Skyland Haven as well. Sa palagay ko kung nandito rin si Don Alfonso ay magugustuhan din niya ang proposal ni Amira. It is brilliant. Tayo ang magiging pioneer niyan sa Pilipinas. At tama din si Francois na pagkakatiwalaan tayo ng mga tao at di na katatakutan ang minahan kung may ganito tayong project.”

“It is just a matter of political will. So I am with Skyland Haven,” boto naman ni Mrs. Agnos.

Nakakahabol na ang boto nila sa Kanayama exploration at sa kalaunan ay nakaungos sila ng dalawang boto. She was starting to gain confidence when her eyes settled to her sisters. Ang mga ito na susunod na boto. Collective votes at that. Wala siyang mabasa sa anyo ng mga ito. Di niya mabasa ang iniisip ng mga ito. Malaki ang gagampanan ng mga ito para malaman kung mananalo sila. Kakaunti na lang ang option nila dahil oras na kumampi ang mga ito kay Caridad, she was doomed.

She saw the smug look in Caridad’s face. Kampante na ito na dito mapupuna ang boto ng mga kapatid niya. Of course, kahit naman sino ay di makakabawi sa sekretong inilabas nito laban sa kanya. What she did was unforgiveable.

Pumikit siya at nagdasal. Katarungan. Nais lang niya ng katarungan para sa Lolo Alfonso niya. This lying and manipulative woman didn’t deserve a place in Banal Mining and Banal family. Ito ang tunay na pumatay sa lolo niya.

“Our votes are unanimous,” sabi ng Ate Yumi niya na siyang tumatayong spokesperson ng mga kapatid niya ngayon. Pigil ni Amira ang hininga hanggang maramdaman niya na hinigpitan ni Francois ang pagkakahawak sa kamay niya. Ihinanda na niya ang sarili kung sakaling hindi iboboto ng mga ito ang proposal niya. Handa na siya kahit na masakit… “We will go for Skyland Haven.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.