Chapter BH: Amira 136

Ngumisi si Alfie. “Yes. That’s why you want me to wake up. Kailangan kong ayusin ang testamento ko. Kung mamamatay ako, lahat ng pamana sa akin ni Papa ay mapupunta sa mga anak ko. You can’t afford that. Babalik ka sa lusak kung saan ka nanggaling.” Ikiniling nito ang ulo. “And you hate that, right?”

Bakas ang sakit sa mukha ni Caridad at humakbang paurong habang pinagmamasdan ang asawa. As if she saw him for the first time. “Alfie, you are not yourself. Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Lumapit na rin si Romualdo. “Alfie, as much as I am happy to see you out of your coma and well, maybe you are not yet fit to join us in our meeting. Maybe you need to rest some more.” Bumaling ito kay Attorney Ferrer. “Baka kailangan munang bumalik ni Alfie sa ospital. Baka kagigising lang niya sa coma… kailan? Kahapon? Tapos bumiyahe agad siya. Baka naguguluhan pa siya at hindi niya alam kung anong sinasabi niya. Therefore, di pa namin siya mapapayagan na sumali sa meeting na ito at bumoto. I hope you understand.”

“He is more than ready,” Attorney Ferrer declared in a confident voice. Isang dokumento ang inilabas nito at inabot kay Romualdo. “Ito ang clearance certificate ng doktor. He is fit to travel. Wala ring problema sa pag-iisip niya ayon sa doktor niya. He is physically and mentally healthy.”

Inabot iyon ni Romualdo sa Vice President for Legal na si Attorney Chavez. “This is good. Hindi naman siguro pupunta sa meeting na ito si Alfie kung wala siya sa tamang bait at walang permiso ng doktor,” anang abogado.

“Don’t worry, Romualdo. Malinaw na malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari pati ang mga nakita ko nang gabi bago ako madisgrasya,” anang si Alfie sa pagitan ng mga ngipin at matiim na nakatingin sa lalaki. “Alam ko rin kung anong nangyayari dito. Alam ko kung anong ginagawa ninyo sa likuran. Alam ko rin ang mga plano ninyo ng asawa ko. Siguro kapag hindi nagawa ni Amira ang proviso niya at nakuha ng asawa ko ng thirty percent ng Banal Mining, she will hand it over to you as a reward for being her boytoy.”

“What? Mag-iingat ka sa sinasabi mo. Huwag mo akong aakusahan ng hindi maganda. Magkaibigan tayo. I will never do that to your wife. At lalong di ka niya lolokohin dahil mahal na mahal ka niya,” anang si Romualdo na nagtatagis ang bagang. Parang gusto na nitong patulan ang ama niya at nagtitimpi lang.

Pumagitna agad si Caridad sa dalawa subalit ihinarang nito ang katawan kay Romualdo para protektahan ito. “Romualdo, please. Huwag mo na siyang patulan. Unawain na lang natin ang sitwasyon ng asawa ko. K-Kagigising lang niya mula sa coma. There must be something wrong with his brain.”

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay di niya iyon bibigyan ng malisya. But she knew better now. Something was going on.

“Can we adjourn the meeting first and settle this in private?” suhestiyon ni Francois dahil nakatutok sa kanila ang mata ng board of directors at shareholders. Inilaladlad ng ama ang mga bagay na dapat sana ay sa pribado pinag-uusapan.

“No. We will continue with the election as soon as Alfie is settled out of the boardroom,” anang si Romualdo at naghahamong tiningnan ang ama niya.

Ngumisi si Alfie at naglakad para umupo sa puno ng mesa kung saan nakaupo si Romualdo bilang chairman. “Contrary to your belief, I am sane. Mahigit isang buwan na akong nagising mula sa coma ko.”

Namutla si Amira nang may maalala. “G-Gising ka na noon pang birthday ni Lolo?” Narinig nito ang lahat ng sinabi niya sa ospital noon.

“B-Bakit hindi mo agad sinabi sa amin, Papa?” tanong ni Ailene. “Alam ba ninyo kung gaano kahirap para sa amin na wala kayo?”

“Dahil gusto kong malaman kung ano ang dadatnan ko paggising ko. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa pamilyang ito matapos mamatay ni Papa.” Tumiim ang anyo nito sa direksyon nina Romualdo at Caridad bago inikot ang lahat ng nasa silid. “At alam ko kung anong nangyayari dito. Alam ko ang bawat sekreto ninyo. Lahat-lahat pati ang mga interes ninyo. Although hindi ako updated sa nangyayaring botohan. Who is leading? Mapupunta na ba sa asawa ko ang thirty percent ng Banal Mining? And what will happen will you do with the shares once you win? Ipapamahala mo sa lalaking mahal mo? Of course, you need that so he can recover with his losses.”

Napalunok si Caridad. “Stop it, Alfie. Ikaw lang ang mahal ko. Kung gusto ko mang makuha ang thirty percent shares ng Banal Mining, iyon ay dahil din sa iyo. Para sa pamilyang ito. Hindi mapapabuti ang kompanya kung si Amira ang hahawak nito. She hates you with so much passion. Sisirain niya ang lahat ng maganda sa pamilyang ito. Mahal ko ang pamilyang ito.”

“Mahal?” Pagak na tumawa si Alfie. “Of course, iyon ang pinapaniwala mo sa aming lahat. Such a brilliant actress. Baka mapaniwala mo ako kundi ko lang narinig mula sa bibig mo ang totoo. Nang gabing bago ako madisgrasya, pinuntahan kita sa bahay ni Romualdo. Ang sabi sa akin nandoon ka dahil gusto mong tiyakin kung okay lang siya. He was roaring drunk again and pinning for his dead wife, of course. Nang dumating ako at kumatok ako, hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako. Then lo and behold. Magkatabi kayo sa fireplace habang yakap mo si Romualdo. And you were telling him how much you love him while crying, begging him to forget about Liezl and love her instead because you are willing to give the world to him. So your love for me is bullshit, Caridad! Mahal mo lang ako dahil sa pero ko. Si Romualdo ang talagang mahal mo. You are having an affair with him! Sa kaibigan ko pa! Damn you! Damn you both!”

“No! No!” sigaw ni Caridad na umalingawngaw sa buong silid.

HINDI makagalaw si Amira sa tindi ng galit na nakikita niya sa mga mata ng ama. Maybe he was not physically well to fight. Pero nakita niya sa mga mata nito na gusto nitong saktan sina Romualdo at Caridad. Kinumpirma ng mga ito ang isang bagay na dati na niyang alam. Nasaktan siya para sa ama dahil comatose pa ito noon. Pero mas masakit pala na habang comatose na nito ay alam na nito.

It must be hell. Nadisgrasya ito at na-comatose habang alam na nito na may relasyon ang asawa at ang matalik na kaibigan. He was on a coma but his senses were working. Gumagana ang utak nito. And he was helpless. Hindi nito maipagtanggol ang sarili. Hindi nito makompronta ang dalawa. Pero mas masakit marahil ngayong harapan na, naibunyag na nito ang lihim ng dalawa sa lahat pero wala pa ring magawa ang ama. At least physically, he couldn’t unleash his fury.

Pwede niyang sabihin na karma ito sa panloloko ng ama niya sa ibang babae. At si Caridad ang karma nito. But looking at him now broke her heart into pieces. Mahal talaga nito ang madrasta niya. At kahit na ano pang ginawa ng ama niya, walang kahit sinong pusong nagmamahal ng totoo ang dapat na masaktan nang ganito at lokohin ng mga taong pinagkakatiwalaan nito. Mali ito. Maling-mali.

“This is hell,” narinig niyang usal ni Francois at naramdaman din niya ang tensiyon sa katawan nito.

Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng mga kapatid. Walang ideya ang mga ito sa nangyayari. At kahit pa may alam sila ni Francois, wala silang balak na humalo sa gulong ito. Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang maipit dito. But she must witness the truth. It was about time to set them all free.

“Oh, my god! May affair sila?” narinig niyang usal ni Mrs. Fulgencio.

“At hindi pa man comatose noon si Alfie pero may nangyayari na sa kanila. Wow! I never thought Carrie had it in her. Wala naman kasi sa itsura niya na gagawa ng ganoong kalokohan. Hindi pa siya nasiyahan kay Alfie. Siya na nga ang pinakasalan,” narinig niyang sabi ni Mrs. Agnos.

“Kaya pala parang may balita noon na si Carrie ang nag-back up kay Romualdo para hindi mawala ang shares niya dito kompanya,” anang si Mr. de Leon.

“Baka kailangang i-check ang Banal Foundation. Di natin alam baka napupunta lang pala sa lalaki ni Carrie ang pera ng kompanya,” sabi naman ni Mr. Kalaw.

Nakita niya ang takot sa mga mata ng madrasta niya. Lumalabas na ang baho nito. Dumadami na ang espekulasyon. Mga haka-haka na maaring totoo, maaring eksaherada, but damaging just the same. At walang magawa ang madrasta niya para magkaila. Bumabangon na ang multong nilikha nito. At bago matapos ang araw na ito, malaladlad sa lahat ang kasinungalingan nito.

“Meeting adjourned!” deklara ni Romualdo sa mabigat at kontroladong boses. Subalit patuloy pa rin ang bulung-bulungan hanggang balingan nito ang corporate secretary na nakikipagbulungan pa sa ilan sa mga director. “I said meeting adjourned! I want everyone who is not family and not concerned with the issue to clear this room! Anumang pinag-usapan dito, walang makakalabas. Iyon ay kung gusto ninyo na maging stable ang kompanyang ito. Out!”

Napapitlag ang corporate secretary na si Althea at saka lang nakagalaw sa kinatatayuan. “Everyone, how about some refreshments? We will set another meeting one of these days. This way please,” anito at inalalayan palabas ng conference room ang mga director, member ng board at shareholders.

Napansin niya ang nag-aalalang tingin ng mga ito. Ang iba naman ay parang nanghihinayang dahil di na makakasagap ng tsismis. Naroon din ang takot sa posibleng mangyari sa kompanya dahil sa komprontasyong ito. Nanganganib ang Banal Mining Corporation. She couldn’t care less about that now. Mas gugustuhin niyang maging klaro na ang katotohanan ngayon. Saka na niya iisipin kung ano ang epekto nito sa kompanya. Di na niya kayang mabuhay sa kasinungalingan at sa mga sekreto na lumalason sa pamilya Banal sa loob ng mahabang panahon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.