“Sa drawer ni Mama kasama ang findings sa kanya ng doktor na may cancer siya. Hindi ba naghanap ka ng ibang babae dahil nalaman mo na may cancer si Mama?” tanong ni Francois.
“What? May cancer si Liezl?” bulalas ni Romualdo at natulala. Bumagsak ang mga larawang hawak nito sa sahig. “W-Wala akong alam. Ang alam ko lang ay,” lumunok ito, “nagpunta sila sa ospital ni Carrie. Pero ang sabi ni Carrie stress lang daw iyon at kailangan ni Liezl na magbakasyon kasama si Francois.” Isang naghihinalang tingin ang ibinigay nito kay Caridad. “Alam mo ba na may sakit ang asawa ko, Carrie? Hindi mo sinabi sa akin?”
“Ayoko nang bigyan ka pa ng problema. Kaa-appoint lang sa iyo bilang presidente ng Banal Mining. Noon ka pa lang nakakabawi, Romualdo,” anang si Caridad sa nanginginig na boses. “A-And your wife died with another man. Ang lalaking una niyang minahal.”
“Who happens to be gay,” Francois said in a morose voice. “Ikakasal na si Uncle Luigi sa partner niya. Iyon din ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mama noon at naging magkaibigan na lang. Iba ang gusto niya. At kung iniisip mo na hindi mo ako anak, handa akong magpa-DNA test pero natitiyak kong mag-ama tayo. ”
“At hindi mo sinabi sa akin dahil…?”
Bumuntong-hininga si Francois. “Hindi ka rin naman maniniwala. You refused the DNA test as well. Kaya sa akin ibinigay ni Mama ang shares sa Banal Mining dahil iyon ang tanging link nating dalawa. Na ako pa rin ang anak mo.”
Romualdo let out a howl like a wounded animal. Ang sakit na nararamdaman nito ay tumagos sa puso niya. Sa loob ng mahabang taon ay inakala nito na hindi nito anak si Francois at pinagtaksilan ito ng asawa. Only to find out that his wife was sick and suffering. Ni hindi nito nakasama ang asawa nito sa huling sandali nito. “You!” anito kay Caridad at sinugod ang babae. Bago pa maagapan ng mga tao sa silid ay hinawakan ni Romualdo ang madrasta niya sa balikat at isinalya sa pinto ng conference room. “You made me think that my wife had another man. Ikaw din ang nagtanim ng lason sa isip ko na hindi ko anak si Francois. Ano bang ginawa kong masama sa iyo? Wala kaming ipinakitang masama sa iyo ng asawa ko. Bakit sinira mo kami ng pamilya ko?”
“Papa, tama na!” anang si Francois at pilit na inilayo ang ama dito.
Suminghap ng hangin si Caridad at hinawakan ang sariling leeg. “Bakit? Nagtatanong ka kung bakit? Nakalimutan mo na ba kung sino ako? Ako lang naman ang trabahadora ninyo noon na sinabihan mong maganda. Naniwala ako sa iyo na malayo ang mararating ko. Sabi mo hintayin kita. Nagsikap ako. Nag-aral ako para bumagay sa iyo. Kasi naniwala ako sa iyo. Ikaw ang unang taong naniwala sa akin na may mararating ako. Ikaw ang unang nagsabi sa akin na maganda ako. Pero pagbalik mo, kasama mo na ang babaeng iyon at ang anak ninyo. You broke my heart.” At impit itong umiyak.
“Anong problema mo? Bata ka pa noon. Why take it against me and my family? Nandiyan na si Alfie. Maayos na ang buhay mo at mahal ka niya. Di ka ba masaya na isa ka nang Banal?”
A sinister smile formed in her stepmother’s lips. The smile of a viper. “Masaya? Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nagagantihan ang lahat ng nanakit sa akin. Ang magulang ko, ikaw, si Liezl at ang lahat ng taong nanapak sa akin. Magbabayad kayong lahat! Pero kahit anong gawin kong pananakit sa iyo, ako pa rin ang nasasaktan. K-Kahit ba kaunti di mo ako nagawang mahalin?”
“No!” anang si Romualdo na parang diring-diri dito. “At sa palagay mo mamahalin kita matapos ang ginawa mo sa pamilya ko? Di lang sa akin kundi pati pagkakaibigan namin ni Alfie sinira mo rin. You are sick, Carrie. Kahit anong biyayang dumating sa iyo hindi ka pa rin masaya. Kahit na may magmahal sa iyo, di mo pinahahalagahan. Sarili mo lang ang mahal mo. I don’t want to see you again.” Kumawala ito sa pagkakahawak ni Francois at inayos ang suit nito. “Open the door. Buksan na ninyo bago pa ako makapanakit ng tao.”
Bumukas iyon at malalaki ang hakbang na naglakad si Romualdo. “I am sorry,” anang si Carrie sa impit na iyak. “Romualdo, makinig ka sana sa akin…” Subalit di na iyon pinansin pa ng ama ni Francois at tuloy-tuloy sa paglalakad.
“Sundan mo ang Papa mo, Francois,” aniya sa nobyo. Galit na galit sa Romualdo at natatakot siya sa maaring mangyari dito. Tumatakbo ang nobyo niya nang sundan ang ama nito.
Nilapitan naman ni Alfie ang nanlulumong si Carrie. “And what am I in your life, dear wife? A means to an end? A weapon you can use for your twisted revenge? Akala mo ba ay hindi ko malalaman.”
“M-Minahal din kita, Alfie. Pinagsilbihan kita at ang pamilya mo sa loob ng mahabang panahon. Tinanggap ko ang mga anak mo sa ibang babae. Nagkamali ako pero di mabubura ang lahat ng ginawa ko para sa iyo at sa pamilya mo. May mga pagkakamali siguro ako pero… hindi naman kailangang makaapekto iyon sa pagsasama natin.”
“Pagsasama natin? Sa palagay mo gusto pa kitang makasama matapos kong malaman ang ginawa mo pati sa mga anak ko? Di ka na nasiyahan na isekreto ang pagkatao ni Amira sa akin, siniraan mo pa siya sa mga kapatid niya na pumatay kay Papa. Inalila mo sina Sky at Mabel. Siniraan mo rin si Jeremie kay Ailene.”
“Mas pipiliin mo ang mga anak mo kaysa sa akin na dalawampung taon kang pinagsilbihan? Pinakasalan kita kahit na may prenuptial agreement. At barya-barya lang ang nakuha ko sa mana ng ama mo. Isang malaking insulto sa akin bilang asawa mo. Kung hindi sana sila dumating, higit pa doon ang para sa akin,” anang si Caridad sa pagitan ng naggiyagis na ngipin.
Greed. So much greed. Di nasiyahan ang madrasta niya kung anong mayroon dito. And she had never seen so much hatred in her life.
Hinawakan ni Alfie ang baba nito. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman babawiin sa iyo ang mga minana mo kay Papa at lahat ng ari-arian na nakapangalan sa iyo. I will even give you a generous settlement for our annulment.”
Napapatda si Caridad. “A-Annulment? Gusto mong ipa-annul ang kasal natin?”
“Ano pa bang patutunguhan nating dalawa kundi annulment? Malaya ka gawin ang gusto mo. Habulin mo na si Romualdo kung gusto mo. Gusto ko lang mawala ka sa buhay naming mag-aama.”
Inabot ni Attorney Ferrer kay Caridad ang isang folder. “Nariyan ang listahan ng lahat ng ari-arian na makukuha mo pati ang kalahati ng savings ninyo ni Alfie. Bibitawan mo na ang Banal Foundation pati na rin ang ibang posisyon na hawak mo bilang asawa ni Alfie sa negosyo.”
Nanginginig ang mga kamay ng madrasta niya habang tinitingnan ang laman ng folder. “No! H-Hindi ako papayag!”
“Kulang pa ba iyan?” tanong ni Alfie sa suwabeng tono. “Anong property o business ang gusto mong idagdag? I am on a generous mood today. Para naman matapatan ko ang pagsisilbi sa akin sa loob ng dalawampung taon.”
“No! Please don’t do this, Alfie.” Niyakap ng madrasta niya ang ama niya. “Alfie, tinanggap ko ang mga anak mo. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo. H-Huwag mo akong iwan. Please. I will be good. I will be really, really good. Kalilimutan ko na si Alfie. Kung gusto mo huwag na akong lumabas ng bahay. Basta huwag mo lang akong hiwalayan. Mamahalin kita sa paraang gusto mo.”
There was bitterness in her father’s eyes. “Noon mo pa dapat ginawa iyan. Your promises are not good enough, Carrie. Pinatay mo na kung anumang pagmamahal na naramdaman ko sa iyo. Dalawampung taon akong nagpakatanga at nagpagamit sa iyo. Dalawampung taon mo na ring nagamit ang resources at ang pagiging Banal mo sa paghihiganti mo sa ibang taong mas mababa sa iyo. Not anymore, Carrie. Not anymore.”
“Give me a chance,” pagmamakaawa ni Caridad. “Please.”
“Hindi naman kita iiwang pulubi. But for me, it is over.” Kinalas ni Alfie ang pagkakayakap ng madrasta dito. Lumingon ito sa kanilang magkakapatid. “Umuwi na tayo, mga anak.”
Maghawak ang kamay nila ni Vera Mae sa kaliwa at si Eira naman sa kanan niya nang lumabas sila ng boardroom kasunod ang iba pa niyang kapatid. Malungkot niyang pinagmasdan si Caridad na nakasalampak lang sa sahig habang iniiyakan ang masaklap na kapalaran nito.
“Huwag ninyo siyang kaawaan,” utos ng ama nila sa kanya. “Dapat lang sa Aunt Carrie ninyo ang nangyari. Hindi na niya kayo masasaktan lalo ka na, Amira. Tuluyan na siyang mawawala sa buhay natin.”