Chapter BH: Amira 143

“Tito, masama pong malipasan ng gutom. Kahit ilang subo lang po. Si Francois po kasi nakakain na,” aniya sa masiglang boses.

Saka lang nito inalis ang tingin sa larawan ng asawa at bumaling sa kanya. Walang emosyon sa mga mata nito. Sa itsura nito ay parang sumuko na ito sa buhay. “Are you here to gloat? Gusto mo bang makita mismo kung gaano kalaking sira ang ginawa ng madrasta mo sa amin o gusto mong i-report sa papa ko kung paanong sinira niya ang buhay ko?”

Napasinghap si Amira. “T-Tito, hindi po ako ganoong klaseng tao. Wala po akong intesyong masama sa pagpunta dito.”

Subalit di pa rin siya nito pinansin at nagpatuloy. “Sabihin mo sa papa mo na sirang-sira na ang buhay ko. Wala akong kamalay-malay na isang kaaway pa ang itinuring maging mag-asawa na kaibigan. Isang anay ang tinanggap namin sa buhay namin at sumira sa pamilya ko. Kaya kung gusto niyang maghiganti sa akin dahil ako ang minahal ni Carrie at hindi siya, nakuha na niya. Sa simula pa lang winasak na ni Carrie ang buhay ko. Kung gusto niya si Carrie, sa kanya na.”

“Papa, nandito si Amira para damayan kayo. Huwag sana ninyo siyang idamay sa problema natin kay Tito Romualdo o kay Tita Carrie,” anang si Francois.

Bumangon si Romualdo habang pnagmamasdan siya. Parang di ito naniniwala na malinis ang intesyon niya sa pagpunta doon. “Don’t you hate me? Sigurado ako na mas gugustuhin mong makasama ang ama mo na ngayon mo lang nakasama at nakita kaysa ipagluto kami ng anak mo.”

“Tito, wala po akong kinakampihan sa inyo ni Papa. Sa ginawa na manipulasyon ni Aunt Carrie, pare-pareho lang po kayong biktima.” Kung nagkaroon man ng relasyon ang dalawa o wala, malinaw na pinaikot nito ito ng madrasta niya para makuha ito. “Kahit po ako ay naging biktima ng manipulasyon ni Aunt Carrie. Hindi po tayo magkalaban, Tito.”

Isinuklay nito ang daliri sa magulong buhok. “That woman ruined me. She ruined my life. Takang-taka talaga ako dati kung bakit handa siyang magpa-loan sa akin ng pera nang walang collateral o kahit interes man lang para mapanatili ang shares ko. Maniwala ka sana na pilit kong binabayaran iyon. Dahil sa utang na loob ko sa kanya, hindi ako sumama kay Liezl sa Paris para magbakasyon. Hindi ko napansin na may dinadamdam na siya. Ni wala akong ideya na iniisip niyang may ibang babae ako dahil wala akong ibang iniisip kundi ang trabaho ko. Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin sa Banal Mining.

“Nang mamatay si Liezl na kasama si Luigi, sinabi niya na may sekreto ang dalawang iyon. Sinabi nito na hindi daw makakalimutan ni Liezl si Luigi. She kept on feeding me poison. Hanggang pati ang pagiging tunay na ama ni Francois ay kinuwestyon ko na rin. Kaya pala dini-discourage niya ako na ipa-DNA si Francois. Na kesyo di ko na daw makokontrol ang anak ko. Malaking kahihiyan daw iyon kapag lumabas ang totoo at lalo akong kalabanin ni Francois kapag nalaman nito ang totoo.”

Huminga ito ng malalim at nagpatuloy. “It was an unfortunate accident. Iyon ang ginamit na bala ni Carrie para pulaan ang asawa ko. Namatay na nga si Liezl, sinira pa niya ang pangalan ng asawa ko. Sana pala hindi ko na lang inisip ang trabaho. Siguro napansin ko na may sakit si Liezl. Naiparamdam ko sana sa kanya ang pagmamahal ko. Siguro buhay pa siya ngayon. O sabay kaming namatay at hindi na kami nagkahiwalay.” Saka isinubsob ng matandang lalaki ang ulo sa pagitan ng tuhod nito at humagulgol ng iyak.

“Papa, huwag po ninyong sabihin iyan!” saway ni Francois dito at hinaplos ang likod ng ama. “Mas gusto ba ninyo akong iwan na ulilang lubos? Wala na nga si Mama, gusto na rin ninyong mawala?”

Inangat ni Romualdo ang luhaang mukha. “Hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Nakadama ako ng insecurity pagdating kay Luigi. Alam ko na siya ang unang minahal ng nanay mo. Alam ko rin naman na rebound boyfriend lang ako ni Liezl. Sa takot ko noon na balikan pa niya si Luigi at iwan ako, kinulit ko siya para magpakasal sa akin. Pakiramdam ko ay isang bangungot nang piliin mo na maging chef din at mag-aral kay Luigi sa Paris kaysa ituloy ang pagiging mining engineer. Mas malapit ka pa kay Luigi kaysa sa akin. Akala ko talaga… akala ko talaga…”

“Papa, magkasing-guwapo tayo. Kahit tingnan pa natin sa salamin. Kay Mama ko nakuha ang gray eyes ko. Blonde naman si Uncle Luigi. Pareho tayong mahilig sa babae noong kabataan natin. Si Uncle Luigi naman ay may ibang preference. Hindi ako magaling magluto dahil si Uncle Luigi ang ama ko. My mom was also an excellent cook.”

“Could have been a great chef if she didn’t marry me.”

“She has a son who is a chef now. Sa akin natupad ang pangarap ni Mama. A chef who has a great command of the kitchen. Well, that authoritative streak is from my father who is a great leader,” Francois said with fondness in his voice.

Napaiyak ulit si Romualdo subalit sa pagkakataong ito ay niyakap nito ang anak. That scene gripped Amira’s heart. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya na nagyakap ang mag-ama. Natibag na ang malamig na pader sa pagitan ng mga ito. Wala na ang lahat ng masasamang hinala ng mga ito. Sa gitna ng magulong silid na iyon at sa lahat ng kaguluhan at kontrobersiyang bumabalot sa pamilya ng mga ito ay natagpuan ng mga ito ang isa’t isa. And it was beautiful. So beautiful. Sa loob ng mahabang panahon ay tinikis ng mga ito ang isa’t isa subalit ngayon ay hindi na.

“I am sorry, son. I messed up,” anang si Romualdo na parang hiyang-hiya sa anak.

“Hindi ninyo kasalanan iyon, Papa. Kasalanan lahat ito ni Tita Carrie. Hindi na ako magtataka kung siya rin ang may kagagawan sa pagbagsak ng kabuhayan ng pamilya natin noon para mapilitan tayong humingi sa kanya,” anang si Francois at napansin niya ang pagdilim ng anyo nito. He hated her stepmother.

Bumagsak ang balikat ni Romualdo. “Now, I have nothing. Sa palagay ko ay aalisin na sa akin ang pagiging presidente ng Banal Mining. Pati ang shares ko ay baka i-contest din nila lalo na’t kwestiyonable ang perang ipinahiram sa akin ni Carrie. Binabayaran ko iyon pero… I don’t know.”

“You got me, Papa. Ako ang bahala sa iyo,” anito at inakbayan ang ama.

“Salamat. Sa kabila ng mga pagkakamali at pagkukulang ko sa iyo, hindi mo pa rin ako iniwan. Pasensiya ka na, anak.”

“Ibinilin kayo sa akin ni Mama. Sabi niya huwag kayong iiwan. Bago siya mamatay sa ospital, iyon po ang sinabi niya sa akin. Kaya siguro niya iniwan sa akin ang shares sa Banal Mining na dapat ay para sa inyo ay para di tuluyang maputol ang ugnayan natin bilang mag-ama. The same reason that even if I want to hate you sometimes, I couldn’t leave you.”

Napapalakpak si Amira. “Ayan! Okay na po kayong dalawa. Siguro naman po pwede na kayong kumain, Tito Romualdo. Gusto ninyong iinit ko muna ang soup?”

“S-Sige. Kakain na ako pero kailangan ko muna sigurong maglinis ng katawan at magbihis. Kung nandito si Liezl, mapapagalitan niya ako kapag nalipasan ako ng gutom o kaya ay nakatulog nang suot ang pang-opisina ko na damit,” anang si Romualdo at bahagyang ngumiti.

Si Francois na ang pinag-init niya ng soup at sinamahan din nito ang ama sa guestroom para makapaglinis ng katawan at makaligo. Dala-dala pa ni Romualdo ang larawan ng asawa nang bumaba ng hagdan. Narinig pa niyang nagkakantiyawan ang dalawa na parang magkabarkada lang.

Habang naglilinis ng mga kalat sa taas ay napansin ni Amira ang masayang ngiti sa mukha ng ina ni Francois sa larawang nakasabit sa dingding. Alam niyang masaya ito kung nasaan man ito dahil sa wakas ay napagkaisa na nito ang mag-ama nito. Blessing in disguise ang gulong nangyari sa araw na iyon dahil iyon din ang dahilan para magkasundo ang dalawa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.