“Okay. Sa hot spring sa Itogon na lang tayo ng mag-overnight. Pag-usapan natin next time. I have to go, mon amour.”
“Laylayden sik a!” sigaw ni Amira nang makasakay na ito ng kotse. Iyon ang Igorot word para sa “Mahal kita”. Hindi siya nahihiyang ipagsigawan iyon sa lahat.
Nang pabalik na siya sa garden matapos makalabas ng gate ang kotse ni Francois ay napansin niyang may nakasilip sa bintana ng library. Ang ama niya. Matiim ang anyo ni Alfie. Subalit mabilis din itong umalis sa bintana nang makitang nakatingin siya.
Amira hoped that her father won’t be so difficult when it comes to her. Sa ngayon ay madali pang pakisamahan ang ama niya. Hindi niya alam pagdating ng mga dadating na araw. Hindi niya alam kung anong klaseng ama si Alfie Banal.
"MA'AM Amira, ano po kayang mangyayari kay Sir Romualdo? Kasi may OIC na inilagay ang board. Madami po kasing usap-usapan dito tungkol sa kanya na aalisin daw siya nang tuluyan. Ano po sa palagay ninyo?"
Kagat ng sekretarya ni Amira na si Brynette ang pang-ibabang labi habang nakatayo sa harap niya. Inangat ni Amira ang paningin mula sa pinapipirmahan nitong papers sa kanya sa gastos nila sa research. Tatlong araw na mula nang bumalik siya sa trabaho at sinusubukang maging normal ang lahat. Alam naman niyang tahimik na pinag-uusapan ng mga empleyado ang tungkol sa nangyari sa boardroom meeting nila. Wala lang direktang nagtatanong sa kanya bilang respeto pero napuno ng espekulasyon ang kanilang opisina dahil na rin sa mga pagbabago nitong nagdaang mga araw. Si Brynette lang ang may lakas ng loob na magtanong sa kanya.
Pilit na ngumiti si Amira. “Nagbabakasyon lang si Tito Romualdo sa ngayon. Sa loob ng mahabang panahon, wala siyang inisip kundi ang trabaho niya. Kahit nang mamatay ang asawa niya, bumalik agad siya sa trabaho dahil ayaw niyang pabayaan ang kompanya. He takes his work seriously. He gives his all. Oras naman siguro para magbakasyon siya saglit.”
An OIC was installed to replace Romualdo. Kapuna-puna din ang basta na lang pag-alis ni Caridad ng banta at sinabing nag-cruise ito kasama ang ilang kaibigan. Iyon ang sinabi ng ama niya sa lahat.
“M-Ma’am, nakakahiya man pong magtanong kasi… may usap-usapan din po tungkol sa kanila ni Ma’am Carrie. May relasyon daw po sila at…”
She cut her secretary’s words with a whip of her hand. “Usap-usapan lang iyon. Hindi dapat mahaluan ang performance ni Tito Romualdo sa kompanya. Dedicated siya sa trabaho. Huwag na sanang pag-usap-usapan ang tungkol sa kanila ni Tita Carrie.”
“Sige po, Ma’am. Pasensiya na po sa abala,” anito at lumabas ng kuwarto niya.
Nakontrol ng media department ang tungkol sa paghihiwalay nina Alfie at Caridad. Pagbalik sa cruise ni Caridad ay saka ia-announce ang paghihiwalay ng mga ito. O kung magdedesisyon man ito na mangibang-bansa na lang para sa mas tahimik na paghihiwalay. Her father just wanted her out of the way. Walang sinuman sa mga taga-Banal Mining ang magtatangkang magsalita sa mga reporter. Mahigpit ang panuntunan ng mga ito. At marahil na rin dahil sa respeto kaya walang nais magsalita.
Sa ngayon ay hindi makaalis si Amira sa Banal Mining dahil kailangan siya doon ng ama. Bagamat wala pang pormal na approval ng board ay gusto na ng ama na pag-aralan ang gagawin para Skyland Haven. Ilang taon na lang at matatapos na ang operasyon sa Lambayan. Inaayos na rin ang transfer ng papeles sa tribo ng Lambayan upang di na galawin pa ng kahit anong kompanya ng minahan ang Kanayama. And father had grand plans for them.
Pero alam niyang di pa rin tapos ang lahat. Sa dami ng pagbabago sa pagbabalik ng ama, natatakot siya na pati siya ay maaapektuhan nito. Nate-tempt siyang bulabugin si Francois kahit na oras ng trabaho. She wanted to make sure that he was okay. Higit sa lahat ay nami-miss niya ito. Alam naman niyang bumabawi ito sa trabaho at kailangan nitong asikasuhin ang restaurant na hawak nito sa Baguio.
Napitlag siya nang mag-ring ang cellphone niya at dali-daling dinampot iyon nang makitang si Francois ang tumatawag. “Hello.”
“Hello, mon amour. Busy?”
“Para sa iyo hindi ako masyadong busy. I wish I could see you right now.”
“Alam mo naman na may pagka-genie ako, ‘di ba? Your wish is my command.”
“Pupuntahan mo ako dito?” excited niyang tanong. “O gusto mong puntahan kita sa restaurant?”
“Sumilip ka sa bintana mo ngayon.”
Dali-dali siyang tumayo at ibinaba ang blinds ng binata niya. Napasinghap siya nang makita na naroon si Francois sa baba. Nakatayo ito sa tapat ng opisina niya habang may hawak na isang malaking teddy bear. She squealed in delight. Nandito ang nobyo niya. “Sandali lang. Bababa ako.” Paglabas niya ng kuwarto ay itinaas ni Brynette ang kamay na may kausap sa telepono. Itinaas niya agad ang palad. “Mamaya na lang. I will just call him or her back. May emergency.”
Paglabas niya ay niyakap agad niya si Francois. “I miss you!”
“Hey! Dahan-dahan. Baka maibagsak ko ito,” anito at inangat ang teddy bear na nakasandig sa balakang nito.
“A stuffed toy?” tanong niya.
“Uhmmm… nakita ko kasi kagabi nang dumaan ako sa toy store. Naisip agad kita. Ayaw mo ba?” nag-aalangang tanong ng binata. “Baka kasi bawal sa environmental code mo o kung anuman.”
“Silly. Siyempre hindi. Ngayon lang kasi may nagbigay ng stuffed toy sa akin.”
“Wala pang nagbigay sa iyo ng stuffed toy?”
Umiling siya. “Hindi pa nga. Kahit noong bata pa ako hindi ako nabilhan ni Nanay ng stuffed toy. Libro lang ang madalas niyang iregalo sa akin. At ngayong malaki na ako, sino naman ang magreregalo sa akin nito?”
“Ako,” anito at inabot ang malaking teddy bear sa kanya.
Niyakap niya ang light brown teddy bear na may malaking ribbon. “Oh! This is nice,” sabi niya at ngumiti sa nobyo. “Thank you.” Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “Kung pwede lang sana na dito lang siya sa office ko para mayayakap ko kapag nai-stress ako at di kita nayayakap.”
Natawa si Francois. “Of course. It would look silly if you have a teddy bear in your room.”
“Basta gagawa ako ng paraan para nakabantay lang siya sa akin.”
“Gusto mo bang mag-dinner tayo mamayang gabi? A dinner with hot pool involved.”
Yumakap siya sa leeg nito. “That is what I exactly need.”
“Amira!” narinig niyang tawag ng amang si Alfie. Bumaba ito mula sa kotse at lumapit sa kanya.
“Papa, dadalaw po pala kayo ngayon. Di man lang kayo nagpasabi,” sabi niya at hinalikan sa pisngi ang ama. Matiim ang tingin nito sa nobyo niya. “Uhmmm… dinalaw lang po ako ni Francois para ibigay ang stuffed toy.”
“At gusto ko rin pong ipagpaalam si Amira para mag-dinner kami mamayang gabi,” magalang na sabi ni Francois at inilagay ang kamay sa likuran nito.
“I am afraid we have dinner with a colleague of mine tonight. Nang malaman niyang nagising na ako sa coma ay umuwi agad siya mula sa business trip niya sa Tokyo para lang makita ako,” anang si Alfie sa malamig na tono. He was not even apologetic to Francois, na parang ito pa ang panira sa schedule nila ng ama.
“Papa, hindi po ninyo sinabi sa akin agad!” bulalas ni Amira.
Ibinuka ni Alfie ang mga kamay. “Kaya nga ako nandito para personal kong sabihin sa iyo. Pumasok ka na sa loob. Oras ng trabaho. Hindi ito ang oras para makipagligawan,” sabi nito at isang malamig na tingin ang ibinigay kay Francois saka naglakad palayo kasunod ang sekretarya nito na apologetic ang ibinigay na tingin sa kanyang nobyo.
“Pasensiya ka na. Naabala pa kita sa trabaho,” anang binata na parang nahihiya pa sa kanya. “Baka lalo siyang magalit sa akin.”
Bumuntong-hininga si Amira at hinawakan ang braso nito. “Ako nga ang dapat mag-sorry kasi bigla na lang nagsabi si Papa. Saka coffee break ko naman. Babawi na lang ako sa iyo sa ibang araw. Okay?”
Marahang tumango ang binata. “Okay.”
She waved goodbye to him with a heavy heart. Kailangan niyang ihanda ang sarili niya sa mga dadating na araw. Her father would make it difficult for her and Francois. Kailangan niyang maging matatag.