Chapter BH: Amira 146

“Bakit ako ang isasama ni Papa sa business meeting niya kay Mr. Villar at hindi ikaw, Ate Yumi? Kasama siya sa mga shareholders ng hotel mo,” tanong ni Amira habang isinusuot ang pearl earrings nang puntahan siya ng kapatid sa kuwarto. Naghahanda na siya noon para sa dinner nila ng ama kasama ang business associate nito at di niya maiwasang tanungin ang kapatid tungkol sa business associate ng ama.

“Hindi ko rin alam, Amira. Basta ang sabi ni Papa tiyakin ko daw na maganda ka sa dinner na ito.” Tiningnan siya ng kapatid mula sa buhok niya na naka-chignon hanggang sa red long sleeve scoop neckline niyang dress hanggang sa itim niyang sapatos. “Now you look good. Halika na. Kanina ka pa hinihintay ni Papa.”

Matapos magpasalamat sa kapatid ay sinamahan niya ang paa sa sala. Matapos siyang bigyan ng isang tango bilang pag-apruba sa anyo niya ay sumakay na sila sa sasakyan. Hindi na siya nagtanong sa ama kung saan sila pupunta o kung ano ang aasahan niya. Basta daw malapit ito sa pamilya ni Mr. Villar. Nabanggit din nito na may binatang ama ang lalaki.

Hindi na niya masyadong naintindihan iyon dahil napansin niya ang pamilyar na daan patungo sa restaurant ni Francois. Pumitlag ang puso niya. Sana lang ay pwede silang doon na lang kumain na mag-ama at ng colleague nito.

Lalo siyang na-excite nang tumigil iyon sa harap ng Le Belle, isang restaurant na nag-specialize sa international dishes na may flare ng Pinoy. Si Francois ang gumagawa ng menu doon at sapat na iyon para humatak ng maraming bisita. Excited siya dahil doon siya idinala ng ama. Pwede niyang ipagmalaki ang nobyo niya sa business colleague nito. She was hoping that this could be a way for her father would bridge the gap.

Subalit laking dismaya ni Amira nang makilala si Mr. Villar at ang anak nito na si Riko. Punong-puno ito ng tattoo mula leeg at bati sa braso ay tadtad rin ng tattoo. He had piercing on his lips and nose. Semi-kalbo ito at sa suot na black T-shirt at gula-gulanit nitong pantaloon. At kung tingnan siya nito ay parang gusto siya nitong kainin nang buo.

“Binabawi ko na ang sinabi ko na walang maganda dito sa Baguio. I usually prefer blondes and redhead. That’s why I enjoyed my time in Europe.”

“Madalas din sa Europe si Amira. She works for an environmental group.”

“I love nature myself,” anang si Riko at ngumisi. Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “I love making love in the open and be one with the nature.”

She heard her father and Mr. Villar chuckle. “I think they are getting along,” anang ama niya.

“My son loves to travel. Hinihintay ko lang ang tamang babae for him to settle down and take care of our business. Mukhang interesado siya sa anak mo.”

Pinigilan niya ang sariili na itulak ng palad ang mukha nito palayo sa kanya. Ikinibit niya ang isang balikat para layuan siya nito. Kumaway siya sa waiter. “I want your chef,” she said in a curt tone. “Si Chef Aklay.”

Nakita niya ang pagkunot ng noo ng ama. Hindi nito nagustuhan na ipinatawag niya ang nobyo. Ngayon ay nalaman na niya ang misyon ng ama niya kung bakit siya ang isinama nito doon. Gusto nitong ireto siya sa ibang lalaki at malamang ay gusto nitong ipamukha kay Francois kung anong klase ang gusto nito sa kanya. Isang lalaki na kahit na isang bum at nakakapit lang sa kayamanan ng ama nito ay kasundo naman ng pamilya. Anyone but Francois.

Pero hindi siya ang tipo ng babae na napapaikot. Maling-mali ang ama sa ginawa nito at titiyakin nito na wala itong magagawa para ilayo siya sa nobyo.

“Why do you need the chef? Pwede naman akong umorder para sa iyo. Alam ko kung ano ang gusto ng mga babae,” anang si Riko sa suwabeng boses.

“Not this girl. Si Chef Aklay lang ang nakakaalam ng gusto ko,” nakataas ang baba niyang sabi at ngumisi sa impertinenteng lalaki.

Maya-maya pa ay lumapit na sa kanila si Francois. “Good evening, my lady, gentlemen.”

“What is your specialty tonight?” tanong ni Mr. Villar.

“Beef bourguignon with lemongrass and grouper roulade served with William pear. For soup we have French onion soup, creamy seafood chowder. You will also enjoy your vegetable dishes that will suit your pallete. Amira loves our le fleur salad.”

“Sounds good. I will have that one,” anang si Mr. Villar. “How about you, Riko?”

“E di kung ano ang specialty nila,” anito at bumuga. Dismayado ito dahil mas alam ni Francois ang gusto niya at mali ang hula nito.

“Papa,” untag niya kay Alfie na malalim pa rin ang kunot ng noo.

“Order something for me,” anito at isinara na lang ang menu.

“I will let Francois take care of that. I am sure alam din niya ang gusto ni Papa,” anang si Amira at puno ng kompiyansa ang ibinigay na ngiti kay Francois. Hinawakan niya sa braso ang nobyo. “Don’t forget my dessert.”

“Of course. Eiffel Tower Chocolate or fruit terrine?” tanong si Francois.

“Both,” nakangising sagot niya. “Hindi ko talaga mare-resist ang dessert nila dito.”

Excited na kumain si Amira nang sa wakas ay i-serve ang dinner nila. Napansin niya na nag-enjoy din ang iba maliban kay Alfie. “Ano ba itong pinili ni Francois para sa akin? I don’t like it. Akala ko ba pwede ko siyang pagkatiwalaan?”

Nagkibit-balikat si Amira. “Baka nagbago na ang panlasa mo dahil sa matagal mong pagkaka-coma, Papa. I think Francois can remedy that.”

Pinunasan ni Alfie ang gilid ng labi ng napkin at umiling. “Hindi na. Nawalan na ako ng gana. How about we discuss our merger plan?”

“Merger?” tanong ni Amira.

Napapitlag siya nang biglang hawakan ni Riko ang kamay niya. “Tayo ang magme-merge. You and I. Our dads want us to be together. Sa palagay ko naman ay magkakasundo tayong dalawa.”

“What?” bulalas niya at puno ng tanong na tiningnan ang ama. Nakita niya ang nasisiyahang ngiti sa labi nito. That was his intention. He wanted a marriage merger for her and this twerp?

Dali-dali niyang binawi ang kamay at tumango. “Excuse me. I will just visit the restroom.” Inilapag niya ang Eiffel Tower Chocolate at ang fruit terrine sa harap ni Riko. “Try it. Sa iyo na lang ang dessert ko.” At saka matamis na ngiti ang ibinigay dito. Ayaw niyang magkahinala ang ama niyang nagngingitngit siya.

Isa sa mga waiter ang nakasalubong niya at binulungan. “Pakisabi kay Chef Aklay na sundan ako sa garden.”

Sa halip na sa restroom pumunta ay pasimple siyang dumaan sa gilid na pinto para magtungo sa garden. She welcomed the frigid night air. Wala siyang pakialam kahit na manginig siya sa labas dahil wala siyang coat at ang simpleng red dress lang ang suot niya. Mas gusto na niyang manginig sa lamig doon kaysa ang makasama pa si Riko o harapin ang ama niya. Kundi lang niya isinasaalang-alang na kagigising lang ng ama mula sa coma nito ay baka kanina pa siya nag-walkout.

Akala niya kapag nagising na ang ama niya at nagawa na niya ang proviso ng lolo niya ay magiging maayos na ang lahat. Pero bakit ganoon? Parang ito pa ang magiging kontrabida sa relasyon nila ni Francois? Di siya papayag na mangyari iyon.

“Amira, bakit mag-isa ka dito sa labas?” tanong ni Francois sa likuran niya. “Saka malamig dito.”

Niyakap agad niya ito. “Just keep me warm.”

He rubbed her arms. “Amira, may problema ba sa pagkain mo? Bakit umalis ka sa dinner ninyo? Mukhang importante iyon.”

“Hindi na nila ako kailangan doon. Sana tayo na lang ang nag-date,” maktol niya at nakangusong tumingala dito. “Francois, gusto mo bang umalis tayo? I mean, can we just get away from here?”

“Akala ko ba ii-schedule natin iyan? We can’t just leave right away.”

Pumikit siya. Kung nag-iisip na ang ama niya na isali siya sa kalokohang merger at ipapakasal siya sa iba, mas gusto na lang niyang lumayo doon. Bahala na. Pero di siya papayag na maipakasal sa iba. “Basta! Paano kung kailangang-kailangan talaga nating lumayo dito? Kunyari pikutin kita?”

Tumawa lang ito at kinintalan ng halik ang dulo ng ilong niya. “Silly. Wala naman siguro akong naipakain sa iyo na kakaiba, di ba?”

“Basta! Kapag ba niyaya kitang lumayo, sasama ka sa akin?”

Huminga ng malalim ang binata. “How about this? Baka umalis kami ni Papa next week papuntang France. Gusto niyang dalawin si Mama. Kung gusto mo, ipagpapaalam kita kay Tito Alfie.”

“Excuse me, Chef Aklay,” untag ng isang waiter. “Ipinahanap na po ni Sir Alfie si Ma’am Amira. Aalis na daw po sila. Mukhang galit po.”

“Let’s go. Ihahatid na kita,” anang si Francois.

“Hindi na. Bumalik ka na sa kitchen. Ako na ang bahala.”

“Kayo pinaka-espesyal na guest ngayong gabi. Ihahatid ko kayo,” sabi ng binata at nakaalalay ang palad sa lower back niya habang iginigiya siya pabalik ng restaurant. Subalit hinawakan niya ang kamay nito pagpasok nila ng restaurant. Hindi niya iyon itinago sa ama niya at sa mga Villar na nagsitayo agad nang makita sila ng binata. “I hope you enjoyed your meal.”

“Of course,” anang si Mr. Villar na nakita ang pagkamangha sa mga mata nito. “I can’t believe that we will meet a Parisian chef here. I am impressed. Pwede sigurong siya mag-cater sa engagement party nina Riko at…”

“Let’s go!” putol agad niya at kinintalan ng halik sa labi si Francois. “Good night, mon amour.” At pumasok na ng restaurant si Francois dahil tinawag ito ng isang waiter upang may ayusin sa kusina.

Nakita niya ang shock sa mukha ni Mr. Villar at ni Riko. “Mon amour?” tanong ng matandang lalaki.

Tumawa si Riko. “Of course. Culture sa Europe iyon, Papa. Normal lang sa magkakaibigan. Normal lang din siguro na halikan sa labi ng kaibigan niya.”

“I don’t normally kiss my friend. I just kiss my boyfriend. Natutuwa ako na nagustuhan ninyo ang luto ni Francois. I am so proud of my boyfriend,” deklara niya at kinamayan sina Mr. Villar at Riko na parehong tulala. “It is nice meeting you both. I will tell Francois that you are interested to get his services for Riko’s announcement. Who is his intended bride again?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.