Chapter BH: Amira 147

“HOW dare you do this to me, Amira? Ipinahiya mo ako sa business associate ko at sa anak niya. Gusto mo bang ma-comatose na naman ako dahil sa kagagawan mo. Why are you being so difficult?”

Niratrat ng sermon ni Alfie si Amira pagbaba na lang nila ng kotse nito na nakahimpil sa harap ng mansion sa Baguio.Napakapinid ang bibig ni Amira buong biyahe habang kausap naman ng ama ang mga Villar. Puro sorry ang narinig niya sa ama habang matatalim ang tinging ibinibigay niya. Iniwas na lang niya ang tingin dito dahil wala siyang plano na makipagtalo dito sa loob ng sasakyan.

“Papa, you are the one who is difficult. Hindi mo naman sinabi na ako pala ang kasangkot sa business deal na sinasabi mo. Pinaplano ninyo ang kasal ko sa isang lalaki na noon ko lang nakita? That is not normal.”

“Normal? Sinasabi mo bang hindi ako normal? I have a clean bill of health. My doctors can attest to that. I taking care of your future, Amira. Like any father would do for the daughter he loves.”

Bumuga siya ng hangin. “Ganyan ba kayo magmahal? Idinala ninyo ako sa restaurant ng boyfriend ko at doon pa mismo ninyo ipinamukha sa aming dalawa na hindi ninyo kami gusto para sa isa’t isa. And what? Basta na lang ninyo akong ipapakasal sa isang lalaki na noon ko lang nakilala. Di bale naman sana kung matino ang Riko na iyon. He is just a bum. Kundi pa sa pera ng ama niya, baka gumagapang na siya sa kangkungan. He thinks he can get whatever he wants including me. Hindi ko inaasahan na ganyan pala ang taste ninyo sa mamanugangin. Papa naman! I thought you have more taste than that. I am so disappointed.”

“He is from a good family. Magbabago siya oras na pakasalan ka niya.”

Tumaas ang kilay niya. “And you are sure about that? Bakit ako magtitiyaga sa lalaking di ko kilala at di ko gusto samantalang may boyfriend ako na responsable, may magandang propesyon na maipagmamalaki ko sa kahit na sino at alam kong mahal ako?”

“Because he is the son of my enemy so he is also my enemy. Wala akong pakialam kung mahal mo siya. You should forget about Francois. Hindi siya makakabuti sa iyo!” anang ama sa maigting na boses.

Umikot ang mga mata ni Amira. Sooner or later, bakit parang alam niya na sasabihin din iyon ng ama? “Papa, you are being unreasonable. Bakit kailangan ninyo kaming idamay ni Francois sa away ninyo ni Tito Romualdo? Wala naman po kaming kinalaman doon. Lalong walang alam si Francois.”

“Malay ko ba kung ginagamit lang niya si Francois para paikutin ka at makaganti sa akin? O siya ang garantiya na makukuha niya ang kayamanan ng pamilya natin. Mamanipulahin ka ng lalaking iyon. Tingnan mo nga. Ngayon pa lang natututo ka nang lumaban sa akin.”

Napanganga siya. “Hindi po yata ninyo ako kilala. Hindi ako ang tipo na basta-basta namamanipula. Bago pa sumabog ang problema ninyo kay Tita Carrie, si Francois na ang kakampi ko sa lahat ng laban namin. Sa mga panahong wala akong kakampi, hindi niya ako iniwan. Nagawa nga niyang kalabanin ang sarili niyang ama para lang protektahan ako.”

“That is part of the manipulation. Who knows? Baka pakana lang niya iyon para makuha ang loob mo. Nasa iyo pa rin ang thirty percent ng shares ng Banal Mining Corporation. Napakadali para sa kanila na magawa ang gusto nila doon sa pamamagitan mo. At huwag mong kalimutan na ang ang Aunt Carrie mo ang tumulong na magpaaral kay Francois. Paano kung nasa likod lang siya ng lahat ng ito?”

She grimaced on the scenario. “You are just paranoid, Papa. Anong karapatan ninyo na husgahan si Francois samantalang wala kayo dito nang mga panahong kami ang magkasama? He deserves my trust and loyalty. Huwag ninyo akong gawing tanga. Alam ko kung anong ginagawa ko. Kilala ko si Francois. And he doesn’t deserve your treatment.”

“Kilala ko siya. He is a womanizer.”

“Was a womanizer,” pagtatama ni Amira at ngumisi sa ama. “Just like you. Pero kahit na gaano pa karami ang nagawa ninyong kasalanan, hindi ba nagbago naman kayo dahil kaya Carrie?”

Mapait ang anyo nito. “And look where it got me. Tinraidor ako ng babaeng mahal ko sa matalik ko pang kaibigan. At hindi kakayanin ng puso ko kung may masamang mangyayari sa iyo.” Hinawakan ni Alfie ang balikat niya. “Maniwala ka sa akin, anak. Ginagawa ko lang kung anong mabuti para sa iyo.”

“Is it about money?” tanong niya sa ama sa malalim na boses. “Kung inaalala ninyo na interesado si Francois sa kayamanan ng mga Banal, pwede kong ibalik ang shares sa pangalan ninyo.”

Umiling ito. “No! It is not about the shares. Gusto kong makinig ka sa akin bilang ama mo. Look at me, Amira. Ngayon pa ba tayo hindi magkakasundo dahil lang sa isang lalaki? I am your father and you should…”

Umiling siya at parang mapupuno ng asido ang bibig niya nang humakbang palayo sa ama niya. “Huwag ninyo akong gamitan ng emotional blackmail, Papa. Baka nakakalimutan ninyo kung sino kayo sa buhay ko bago pa ako matagpuan ni Lolo Alfonso. Baka nakakalimutan ninyo kung ano ang tingin ko sa inyo bago kayo magising. Kung ano ang pagkakakilala ko sa inyo sa loob ng mahigit dalawampung taon. You are the man who ruined my mother, deceived a whole tribe, plundered their land, killed some and because of you, I lost my birthright.”

“You don’t have to rub it in, Amira. Alam ko kung ano ang mga kasalanan ko. Bumabawi nga ako sa iyo. Sa inyo ni Himaya. Ano pa bang kailangan kong gawin para lang sundin mo ako?”

“Pabayaan ninyo kami ni Francois. Kung totoong mabuti kayong ama, hindi ninyo ako sasaktan. Hahayaan ninyo kami ng lalaking mahal ko.”

“No!” sigaw nito at nanlisik ang mga mata. “Hindi ka na makikipagkita pa sa lalaking iyon. Do not betray me.”

“I didn’t betray you and I never will. I am not your wife, Papa. At kung ipipilit ninyo ang gusto ninyo at lagi ninyo akong tatakutin, alalahanin ninyo na sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ay nabuhay ako nang walang ama. Isang linggo pa lang kayo sa buhay ko. Hindi ako natatakot na talikuran kayo kung hindi ninyo kayang irespeto ang gusto ko!”

Hindi na napigilan ni Amira na sumagot nang pabalang sa sobrang galit. She hated being manipulated. Siya lang naman ang ginaganito ng ama niya. She already had enough manipulation from her grandfather. Pati ba naman sa ama niya?

Nanlaki ang mga mata nito. “How dare you…!”

“Ayokong sumbatan kayo. Ayoko na ngang magalit sa inyo dahil alam kong kagagaling lang ninyo sa coma. Pero huwag ninyo akong piliting mamuhi na naman sa inyo. I have twenty-three years to vent out off my chest. Pinalampas ko ang lahat ng iyon dahil naisip ko na baka nagbago na kayo. Huwag kayong magpakilala sa akin ngayon. Stop being selfish again,” angil niya.

“Ako pa ang selfish ngayon? Ikaw nga itong hindi iniisip kung anong nararamdaman ko. Hindi mo naisip na sinasaktan mo ako sa pagsuway mo. Sinabi ko naman sa iyo kung anong klaseng tao ang ipinagtatanggol mo.”

“Francois is a way better person than you are! Stop acting as if you know everything. Huwag kayong umakto na laging tama ang lahat ng sapantaha ninyo dahil lang may mga taong nanakit sa inyo. There’s always two sides of the story. Di pwedeng version ninyo lang ang tama. Di pwedeng laging kayo ang tama.”

“Papa! Amira! Anong nangyayari dito?” tanong ni Yumi na hangos bumaba ng hagdan. “Dinig na dinig ang boses ninyo sa buong kabahayan.”

Maging ang iba niyang kapatid ay nagbabaan na rin. “Papa, Ate Amira, nag-aaway ba kayo?” tanong ni Eira.

Pupungas-pungas na sumunod si Berry. “Anong meron? May shooting ba ng teleserye dito? Pwede bang kunin akong ekstra?”

Naglabanan sila ng tingin ng ama. Gustong-gusto na niyang isumbong sa mga kapatid ang ginawa nito subalit sa huli ay pinili niyang manahimik na lang. Natatakot siya na baka sa huli ay kapareho din ng mga ito ang sentimyento ng ama. Paano kung sa huli ay magkampihan ang mga ito?

Her father was a charmer and he could easily use her sister’s emotion to his advantage. She couldn’t risk it. Oras na magkampihan ang mga ito ay wala siyang kawala. Mas lalong dadami ang kaaway nila ni Francois. At sa mga ganitong panahon, mas kailangan niya ang mga kapatid niya. Mas mabuting maglabanan silang mag-ama nang sila lang kaysa isangkot pa niya ang mga kapatid niya.

Ipinilig ni Amira ang ulo. “Nothing.”

“She is being a difficult daughter,” sa halip ay sabi ng ama niya.

“Baka naman po pwedeng pag-usapan ninyo ng maayos,” mahinahong sabi ni Vera Mae. “Ano ba iyon, Amira? Baka may maitulong kami.”

Umiling lang siya at huminga ng malalim. “Wala. Salamat na lang sa alok. Lalabas muna ako. Kailangan kong sumagap ng hangin.”

She wanted to breathe some fresh air. Subalit kahit sa paglabas niya ay parang pag-aari pa rin ng mga Banal ang hinihinga niya. Na parang nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng ama niya. Hinapit niya ang itim na coat sa sarili at idinala siya ng mga paa niya patungo sa gate. Nanatili ang atensiyon niya doon. Pakiramdam niya ay naroon ang hangin na kailangan ng baga niya. Hindi ang hanging nakakasakal. Nais niya ng hangin ng kalayaan.

She wanted to be free again. Free from her father’s manipulation and emotional blackmail. Free to love Francois.

“Amira, bumalik ka dito!” narinig niyang sabi ni Alfie at pilit siyang hinahabol. “Pupunta ka ba sa lalaking iyon? Mas gusto mo siyang makasama kaysa sa akin?”

Nilingon niya ang ama. “Don’t push me. Stop controlling me. Kahit si Nanay hindi ako sinakal nang ganito at di niya minanipula ang buhay ko. Hindi na ako teenager at kaya ko na pong magdesisyon para sa sarili ko. Huwag ninyong pagsisihan ko na tinanggap ko kayo bilang ama ko at nakilala ko kayo. Huwag ninyong sayangin ang pagkakataon na ibinigay ko sa inyo.”

At walang nagawa ang mga guwardiya kundi pagbuksan siya ng gate. Tuloy-tuloy siyang lumabas at ang isa pa nga sa mga ito ay pumara pa ng paparating na taxi para sa kanya. Sumakay siya at ibinigay ang address nila Francois.

Walang nagawa si Alfonso Banal, Jr. kundi ang pagmasdan lang siya habang palayo. She was her own person. At walang sinuman ang makakapigil sa pagmamahalan nila ni Francois kahit ang sarili pa niyang ama.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.