Nangangatog sa lamig si Amira habang nakatayo sa gate ng bahay ni Francois. Hinapit niya ang coat sa sarili para maibsan ang lamig. Kung tutuusin ay di ganoon kalamig ang panahon. Subalit ang lamig ay nagmumula sa kaibuturan ng puso niya. She was frozen inside. At hindi niya alam kung ano ang gagawin para maibsan iyon.
Pinindot ulit niya ang doorbell. Di sumasagot si Francois sa tawag niya. Baka hindi pa ito nakakauwi. Mukhang wala ring ibang tao sa bahay. Ang alam niya ay nasa Maynila si Romualdo para sa meeting sa abogado at marahil ay aasikasuhin din nito ang biyahe sa pagpunta sa France. Si Manang Conching naman ay baka tulog na o kaya ay baka dumalaw sa kamag-anak nito kaya wala.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal maghihintay sa nobyo. Sa huli ay umupo na lang siya sa harap ng gate at niyakap ang sarili para maibsan ang lamig. She was even on her high heeled pumps.
She just acted on impulse. And his house was the only place she could think of. Her refuge away from her father. Isang plano ang unti-unting nabubuo sa isipan niya. She was not taking a chance. Dapat malaman ni Alfonso Banal, Jr. na di dahil tinanggap na niya ito bilang ama niya ay pwede na nitong manipulahin ang buhay niya. He was making a big mistake.
Wer r u? I nid u.
Maya maya pa ay nag-ring na ang cellphone niya. Dali-dali niyang sinagot iyon. “Amira, nasaan ka?”
“Nandito ako sa labas ng bahay mo. W-Wala yatang tao.”
“Darn! Nandito pa ako sa restaurant pero paalis na ako.” Then she heard him barking orders to his staff.
“Okay lang, Chef. Kami na po ang bahala,” anang assistant kitchen manager.
“Salamat.” Binalikan siya ng binata. “I am on my way.”
Amira stomped her feet to ease the cold. Sana ay dumating na si Francois. Natatakot siya na anumang oras ay baka dumating ang ama niya ay kaladkarin na lang siya palayo. Parang napakatagal na panahon ang hinintay niya para sa pagdating ng nobyo. Inangat niya ang paningin nang marinig ang paghimpil ng sasakyan ni Francois sa harapan niya. Nakasuot pa ito ng uniform nito bilang chef. Di na ito nag-abalang magbihis para lang makarating sa kanya.
Paglabas nito ay sinalubong agad niya ito ng yakap. “Francois!”
“Hey! Anong ginagawa mo dito? It is late.”
“Basta gusto ko muna dito. O-Okay lang naman, di ba?”
“Nilalamig ka na dito. Doon tayo sa loob,” sabi nito at di siya mabaklas nito sa pagkakayakap sa baywang nito nang buksan nito ang gate at umakyat sila patungo sa bahay nito. She was really distraught.
Idinala siya nito sa may fireplace. Napasalampak na lang siya sa harap niyon sa labis na panlalambot at saka iniwan para lang magtimpla ng tsaa. Pagbalik nito ay hinawakan pa nito ang mga kamay niya para ihawak sa tasa. “Nanlalamig ang kamay mo. Inumin mo na.”
“Thank you,” sabi nito at nakatunghay ito sa kanya habang umiinom siya.
Bumuntong-hininga ito. “Anong nangyari sa iyo?”
Umiling lang siya at ibinaba ang tasa. “G-Gusto ko lang lumayo sa amin muna. Pwede bang dito muna ako? Gusto ko lang makahinga.”
Marahang tumango ang binata. “O-Of course. Kung saan ka komportable. Pero dapat sigurong tawagan mo ang papa mo para malaman niya kung nasaan ka. Baka mag-alala iyon sa iyo. Or do you want me to call him?”
Tumingala siya at saka huminga ng malalim. Isinandig niya ang ulo sa abodeng pader. “Alam niya kung nasaan ako. Kasalanan din niya kung bakit ako lumayo. I need space.”
“Natural lang iyan sa mag-ama na hindi magkaintindihan minsan. Hindi kayo lumaki nang magkasama. Kahit nga mga mag-ama o mag-ina na lumaki nang magkasama, may hindi rin nagkakasundo. Magiging okay din kayo ni Tito Alfie.”
Mariing nagdikit ang labi niya. “Not when he is stubborn. Not when he thinks that he is always right.”
“Fathers are really like that. Mabuti pa iayos ko na ang higaan mo. Wala si Manang Conching dahil umuwi siya sa pamilya niya sa Sagada. Tayong dalawa lang ang nandito. Don’t worry. You are safe with me,” anito at kumindat.
Nang maihanda na ng binata sa guestroom ay iginiya siya nito doon. “Wala ka na palang naiwang damit dito kaya hiramin mo muna ang natirang damit ng pinsan ko. Mas mabuti siguro kung magpapahinga ka muna. But if you really want to talk, katukin mo lang ako sa kuwarto ko. Okay?”
“Okay,” sabi niya at tumango.
Tuluyan nang nabuo ang plano sa isipan niya. Isang plano na titiyak na di na sila mapaghihiwalay ni Francois ng ama niya. Hinalughog agad niya ang cabinet na naglalaman ng damit ng pinsan nito. Then she remembered a lacy black nighties that she found racy before. Nang makita iyon ay inilabas agad niya sa cabinet at ihinagis sa kama. Sunod niyang inilabas ang silk robe. Kakailanganin ba niya ng silk rope? Kung kinakailangan siguro para maisagawa niya ang plano niya.
At titiyakin niya na di siya papalpak sa pagkakataong ito.
KINATOK ni Amira ang pinto ng kuwarto ni Francois. Pagbukas nito ng pinto ay nakasuot lang ito ng beige chino pants at walang suot na pang-itaas. Pinagala niya ang paningin nito sa malapad nitong balikat pababa sa matipuno nitong dibdib, well-defined abs na parang nag-aanyaya sa mga daliri niya para galugarin iyon. She was also curious with the hair that lined his lower abdomen then disappeared at the waistband of his pants.
Tinutuyo nito ng tuwalyita ang mahabang buhok. “Hey! Matutulog ka na ba? Or do you want to talk?” tanong ng binata na walang kamalay-malay sa naglalakbay niyang mga mata.
“I don’t want to talk, Francois. I want some action,” aniya at yumakap sa leeg nito saka maalab na inangkin ang labi nito.
Nawalan ng balanse ang binata at muntik nang matumba. Nanlaki ang mata nito at sinapo ang baywang niya para sa balanse. When both of them gasped for air, her lips went down south to nip his neck. Umungol ang binata. “H-Hey, Amira! S-Sandali…”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “You want slow? I can also give you that.” Itinulak niya ito at napahiga ito napahiga ito patihaya sa kama. There was a shock look on his face when he get up. Itinukod niya ang isang tuhod sa pagitan ng hita nito. Mula sa mga bulsa ng silk robe niya ay inilabas niya ang dalawang pulang silk scarfs. “Do you want me to tie you up?”
Nanlaki ang mga mata ng binata. “Amira, what the heck! Where is all this aggression coming from? Okay ka lang ba?”
She gave him a seductive smile. “Of course, I am.” Saka niya isinampa ang isa pang tuhod sa kama at itinulak ito sa dibdib hanggang lumapat ang likod nito sa kama. Inilapit niya ang mukha dito. She poised per lips above his until their breaths touch. “Make love with me, Francois. Make me yours tonight.”
Then she kissed him with all the sweetness, passion and desperation that she could give him. He couldn’t deny her this time. She wanted him so badly. She wanted him to be a part of her life forever.
“Amira,’ anang si Francois sa pagitan ng mga halik niya.
“Yes?” tanong niya. Then she nipped his lips again. Of course, she learned it from him. Francois got PhD in kissing and seduction. She
“Stop,” utos nito.
Hindi niya iyon pinansin. “Okay.” Subalit inilipat niya ang halik sa sugpungan ng leeg at balikat ito. She lightly nipped it then she heard him yelp.
“Amira, I said stop.” Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at hinuli ang mga mata niya. Puno ng pagkalito ang mukha ng binata. “Why are you doing this?”
No. She didn’t want to talk. She didn’t want to answer his questions. Saka na kapag nagawa na niya ang plano niya. Nang susubukan na naman niyang halikan ito ay niyakap siya nito. Then he rolled and she found herself on her back, Francois hovering over her. Mistulang may kidlat sa mga mata nito na nagbabanta.
“Amira, sasabihin mo ba sa akin ang totoo o iuuwi kita sa inyo?”
Saglit niyang napigil ang paghinga. Hindi siya papayag na ibalik siya nito sa mansion ng ama. Masisira ang mga plano niya. Subalit wala siyang kawala sa binata. Binasa niya ang pang-ibabang labi. “I want you to make love with me. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa iyo ngayong gabi. Gusto kong patunayan na mahal kita.”
“Amira, you don’t have to make love with me tonight to prove that. Alam mo naman iyon.” Hinaplos nito ang buhok niya palayo sa mukha niya. “I want you to give yourself to me on our wedding night. Hindi ako nagmamadali. Handa akong maghintay. Hindi mo iningatan ang sarili mo sa loob ng mahabang panahon para lang sa ganito. Kahit pa sabihing mahal mo ako. You know how much I respect you. I want to give you a night to remember as my bride.”
Nagningning ang mga mata niya. “Then let’s get married as soon as possible. M-Magtanan tayo kung kinakailangan.”
There was shock in his eyes. At mukhang nayanig din ang buong pagkatao nito. “Amira….” Bumangon ito at saka bumaba ng kama. Kinuha nito ang robe nito na nakasabit sa hook sa may dingding at isinuot. “Magtanan? Is there a need for that. I know I am sexy as hell and all. Maraming babaeng gustong mamikot sa akin pero hindi ko naman alam na ganoon ka rin, Amira.” There was humor in his voice. Siguro ay pinapagaan lang nito ang isang seryosong sitwasyon.
Bumangon din siya.“Yes. Pipikutin kita kung kinakailangan,” aniya at pinagdikit ang mga labi. Kinuyom niya ang mga palad.
Natigagal ang nobyo at maang siyang pinagmasdan. “Amira, why do I sense this desperation in you? May nangyari ba? May di ka ba sinasabi sa akin?”
Lumunok siya at pinagsalikop ang palad sa kandungan. “Kailangan kong gawin ito para tiyakin na di tayo paghihiwalayin ni Papa. ‘Yung kasama namin kanina na business associate niya na si Mr. Villar, plano nilang magkaroon ng business merger. Pero di ordinaryong business merger. Gusto na niyang ipakasal ako sa anak ni Mr. Villar.”
“What? Gagawin iyon sa iyo ni Tito Alfie?” bulalas ni Francois at ihinilamos ang mukha sa palad. “Sigurado siya na ipapakasal ka sa lalaking iyon.”