Chapter BH: Amira 149

“Yes, I know. Kundi lang mayaman ang Riko Villar na iyon, patapon siya. Nakadepende lang siya sa kayamanan ng pamilya niya. Well, my stubborn father doesn’t care a bit. Mas gugustuhin na niyang ipakasal ako sa mayabang at walang kwentang lalaking iyon kaysa sa iyo na anak ng kalaban niya. Iniisip niya na minamanipula mo ako. Na kasabwat ka daw nina Tito Romualdo at Aunt Carrie para makuha ang loob ko at mapaikot ako. Nasa kanila daw ang loyalty ko.”

She heard him say something in French but she was sure that it was not a nice word. Frustrated nitong kinuyom ng palad ang buhok ang buhok. “Hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ako interesado sa kayamanan ng mga Banal at wala akong kinalaman sa kung anumang relasyon at plano nila.”

“I know. Ipinagtanggol kita.” Bumaba siya ng kama at yumakap sa baywang nito. “Kaya… kaya naisip kong gawin ito. Gusto kong magpakalayo-layo na tayo kay Papa. Siya itong ginagawa ang lahat para manipulahin ako. Wala siyang karapatan na pagplanuhan ang kasal ko sa lalaking di ko kilala at di ko mahal. Ikaw na ang nagsabi na di ko iningatan ang sarili ko sa loob ng mahabang panahon para lang basta itapon. I’d rather have this night of passion or elope with you than marry that pompous ass. At least, I love you. At least, I got a choice. I got the final say. Hahayaan mo bang paglayuin tayo ni Papa? Hahayaan mo bang mawala ako sa iyo? Gusto mo ba akong maikasal sa lalaking di ko mahal?”

Kinabig siya nito ng yakap at kinintalan ng halik ang ibabaw ng buhok niya. Naramdaman niya ang higpit ng pagkulong niya sa bisig nito. She could sense his fear. Ayaw nitong mawala siya at gagawin nito ang lahat para protektahan siya. “Amira, I understand that you are scared and mad at your father.”

“Masyado siyang paranoid,” aniya at humikbi. “Ngayon lang siya magiging ama sa akin pero parang gusto na niya akong gawing puppet. Wala ba akong sariling isip? Wala ba akong karapatang magdesisyon sa sarili ko? Nalampasan ko ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko dahil sa iyo. At siya? Ano lang ba ang nai-contribute niya sa akin?”

“Kaya nga iniisip niya kung ano ang inaakala niyang makakabuti sa iyo. At hindi makakatulong sa relasyon mo sa kanya kung magtatanan tayo. And besides, I want to give you a grand wedding. Di lang dahil napilitan ka. Di lang dahil desperado kang huwag pigilan ni Tito Alfie ang relasyon natin. Mas gusto ko kapag naikasal tayo ay siya ang maghahatid sa iyo sa altar. Naroon ang nanay mo at ang mga kapatid mo. I want you to be whole. Ayaw mo ba iyon?”

“Gusto ko. Pero kung pilit tayong paghiwalayin ni Papa, I can live without a grand wedding. Intindihin na lang nila ako.”

Pumalatak si Francois. Hindi ito sang-ayon sa plano niya. “No. Ipapakita natin sa kay Tito Alfie na karapat-dapat tayong pagkatiwalaan. Na mataas ang respeto natin sa kanya. Masyado na siyang maraming pinagdadaanan kung saan pakiramdam niya ay tinraidor siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya. Huwag na nating dagdagan pa ang alalahanin niya. Mas makakabuti kung ibabalik kita sa kanya. Na malinis ang intensiyon ko sa iyo.”

Gusto niyang tumutol subalit nakita niya ang determinasyon sa anyo ng nobyo at ang kabaitan. Kung ibang lalaki siguro ay nasa sitwasyon nito ay baka siya pa ang yayain na magtanan o magpakasal agad para mailayo siya sa ama at tiyakin na di siya ipapakasal sa iba. But not Francois. He was too respectful to do that. Marunong din itong rumespeto at marunong umunawa sa mga tao kahit na ito na ang dinedehado. Pinapalitan nito ng pagmamahal at kabutihan ang galit na ibinabato dito. Gaya ng dati, handa itong gawin kung ano ang tama. Lalo lang tumaas ang respeto at pagmamahal niya dito.

“Wala naman akong problema doon. Natatakot lang ako na baka di na ako ipakita ni Papa sa iyo kahit na kailan.” Suminghap siya. “Anong gagawin natin?”

“Kaunting pasensiya lang, Amira. Alam ko na hindi magiging madali pero handa akong patunayan na mahal kita at maari niya akong pagkatiwalaan. Your father will somehow see the light.”

Umiling siya. “I am not sure if I should trust him.”

“Then trust me. Let’s do it my way.”

AYAW bitawan ni Amira ang kamay ni Francois nang pumasok siya sa mansion. Nag-text ang binata kay Yumi na iuuwi siya first thing in the morning. Marami pa ring takot ang dalaga at kung siya ang tatanungin ay mas gusto na lang niyang magtanan. Kung ayaw siyang itanan ni Francois, itatanan niya ang sarili niya at di siya babalik hangga’t di tinatanggap ng ama niya ang nobyo. But now he was returning her to her father with any guarantees. Ang tanging pangako lang ni Francois sa kanya ay gagawin nito ang lahat para tanggapin ito ng kanyang ama.

Sinalubong siya ni Yumi. “Amira, kanina pa kayo hinihintay ni Papa.”

Naabutan nilang palakad-lakad si Alfie sa sala habang nakaantabay naman ang nurse nito na bakas sa mukha ang pag-aalala.

“Tito, nandito na po si Amira kagaya ng pangako ko,” anang si Francois sa mababang boses.

Nalambungan agad ng galit ang anyo ng ama niya at hinatak siya palayo kay Francois. “Anong ginawa mo sa anak ko?”

“Wala po siyang ginawa sa akin, Papa. Ni ayaw nga niyang magpapikot sa akin,” aniya at sinadyang ngumisi sa ama.

“Anong pikutin?” tanong ni Alfie at nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ng nobyo. May nabubuo na namang masamang hinala sa isip nito.

“Amira, please let me talk to your father,” mahinahong sabi ni Francois. Napilitan siyang ipinid ang bibig niya. “Tito, nagpalipas lang ng gabi si Amira sa bahay. nakiusap siya sa akin na huwag muna siyang umuwi sa inyo. Sa palagay ko po ay kailangan niya ng oras na mag-isip. At hindi ko po magagawa ang iniisip ninyo na may mangyayari sa amin bago kami ikasal.”

Pagak na tumawa ang ama niya. “Kasal? No. Don’t even think about it. Hindi ikaw ang lalaking gusto ko para sa anak ko.”

“Ano ulit ang gusto ninyo, Papa? ‘Yung spoiled brat na bum na akala niya maikakama niya agad ako sa unang gabi pa lang naming magkakilala? Masyado ba kayong nakaka-relate kay Riko Villar noong kabataan ninyo? Wow! Hindi ko alam na ganoon na pala ang ideal man ninyo para sa akin. Ang swerte ko namang anak.”

Lalong tumalim ang tingin sa kanya ng ama. Narinig niya ang pagsinghap ni Yumi kasabay ng pagtutop ng palad sa bibig nito. nakarinig din siya ng anasan mula sa taas. Nang tumingala siya ay nakita niyang kanya-kanyang silip ang mga kapatid niya mula sa barandilya na harang sa taas ng hagdan. Si Berry ay nakabusangot pa habang ang mga nakauklo at nakasingit ang mukha sa gitna ng barandilya. Ayaw niyang malaman ng mga kapatid ang pinaggagawa ng ama pero oras na para malaman din ng mga ito ang totoo. Wala siyang pakialam kung kanino man planong kumampi ng mga ito.

“Papa, gusto ninyong ipakasal si Amira sa anak ni Mr. Villar? E bali-balitang adik iyon sa Europe. Kundi dahil sa koneksyon ng kapatid ni Mr. Villar na ambassador baka nakulong na iyon,” bulalas ni Yumi. “Saka ano bang problema ninyo kay Francois? He is a good man. Parang anak na rin ninyo siya.”

“Not anymore. Anak siya ng mang-aagaw ng asawa. Manloloko ang ama niya. At alam ninyo kung gaano siya kalapit kay Carrie. Ayoko ng mga taong di mapagkakatiwalaan na malapit sa inyong mga anak ko. Bakit naman ako magpapapasok ng anak ng ahas sa pamamahay ko?” maasidong tanong ni Alfie.

“Tito, alam ko pong may di kayo pagkakaunawaan ni Papa. Wala po akong lugar para depensahan siya. Pero patutunayan ko po sa inyo na karapat-dapat ako sa pagmamahal ni Amira. Na nasa kanya po ang loyalty ko at sa kung ano ang tama. Ipapakita ko po na malinis ang intensiyon ko sa kay Amira. Sana lang po ay bigyan ninyo ako ng pagkakataong ipakita na mabuti po ang intensyon ko sa kanya.”

Mataman lang itong tinitigan ng ama niya. Ang matalim na itim na mata ng ama laban sa malamlam at nakikiusap na abuhing mga mata ni Francois. Sa huli ay ang ama niya ang nag-iwas ng tingin. “Gusto ko nang magpahinga sa kuwarto ko,” anito at sumunod naman ang nurse nito nang maglakad ito palayo.

“Aklay, pasensiya ka na kay Papa,” paghingi ng paumanhin ni Yumi. “Alam mo naman na may pinagdadaanan siya.”

Marahang tumango ang binata. “Alam ko naman iyon, Yumi.”

“Salamat din sa paghahatid kay Amira.”

Ihinatid niya ang nobyo sa sasakyan nito. “See? It isn’t so bad. Sabi ko naman sa iyo na makakapag-isip-isip din si Tito Alfie. Sabi ko naman sa iyo magtiwala ka lang sa akin.”

Huminga siya ng malalim. Di pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib niya. “Basta huwag mong kalilimutang tumawag at mag-text sa akin. Saka… kailan mo ako dadalawin ulit?”

“Kung kailan mo gusto,” anito sa masayang boses.

Tumingkayad siya at mariing hinalikan ang labi nito. She wanted to cry. She was so scared. Paano kung di na niya ito makita? She didn’t want to let him go. “If you feel like I am in trouble, please come for me. Kapag may napansin kang kakaiba, itatanan mo ako kung kinakailangan. Ilalayo mo ako dito.”

“Amira, napag-usapan na natin ito…”

Kinuyom niya ang harapan ng T-shirt ko. “Mangako ka!”

Itinaas nito ang mga kamay. “Fine! Fine! J’taime, mon amour. Ayoko nang makita kang nag-aalala.”

Pinilit niyang ngumiti. “Ayan na! Ngumiti na ako para sa iyo.”

Subalit nawala agad ang ngiti niya nang makalabas na ng gate ang sasakyan ni Francois. Paakyat siya ng hagdan nang marinig niya ang yabag ng mga paa sa taas. Kanya-kanyang pulasan ang mga kapatid. Kanya-kanyang tago ang mga ito sa malalaking vase at ang iba naman ay nagkunwaring may tinitingnan na painting o kaya ay nagkukwentuhan para di halatang nag-uusyoso kanina. Nilampasan lang niya ang mga ito at tuloy-tuloy sa kuwarto niya. She didn’t have time for questions right now.

Pagpasok sa kuwarto ay nagtuloy-tuloy agad siya sa drawer kung saan nakalagay ang mga importanteng papeles niya gaya ng birth certificate, passport, visas at iba pang kakailanganin niya sa pagbiyahe. Namutla siya nang pagbukas niya sa taguan ay wala iyon sa loob ng malaking manila envelope ang passport niya at mga visa. Ilang beses niyang hinalungkat ang drawer pero wala talaga.

“Imposibleng ma-misplace ko iyon,” aniya sa nanginginig na boses. “Hindi pwedeng mawala iyon. Hindi pwede.”

Sinunod niyang hinalungkat ang mga bag niya dahil baka naiwan doon. Nang wala pa rin ay pati sa closet niya at pati sa ilalim ng kama at cabinet sa banyo.

Napalunok siya para pigilan ang nagbabantang luha. Ayaw niyang i-entertain ang isang bagay na kinatatakutan niya pero sa huli ay sumuko din siya. Tumuwid siya ng tayo at malalaki ang hakbang na nagmartsa palabas ng kuwarto.

Nasalubong niya ang isa sa mga kawaksi. “Nasaan si Papa?”

“Nasa lanai po at nagbe-breakfast,” anang dalagitang si Ara.

Matapos magpasalamat ay doon na siya tumuloy. Narinig niya ang masayang tawanan ng mga ito. She hated to ruin the fun but she had no choice. Kailangan na niyang harapin ang ama.

Tumigil si Sky sa pagkukwento nang makita siya. “Amira, saluhan mo na kaming mag-agahan.”

Di niya ito pinansin at tuloy-tuloy sa tapat ng ama na kaswal lang sa pagkain ng saging na saba na may caramel. “Papa, nawawala po ang travel documents ko sa kuwarto ko. Iniwan ko lang iyon doon bago ako umalis. Hinalungkat ko na ang buong kuwarto pero di ko nakita. Kayo po ba ang nagtago?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.