Katahimikan lang ang isinagot ng amang si Alfie kay Amira at nagpatuloy kumain na parang wala itong narinig. She wanted to shake her father and demand an answer. Tinatanong niya ito nang maayos.
“Amira, baka naman na-misplace mo lang,” anang si Ailene na naka-depensa agad sa ama niya.
“Tutulungan na lang kitang maghanap mamaya pagka-agahan, ha?” anang si Yumi sa malumanay na boses. “Kumain ka muna.”
Hindi niya pinansin ang mga kapatid at nanatili lang ang mga mata sa ama. “Papa, nasaan po ang passport at visa ko?”
“Aanhin mo ba iyon?” kaswal nitong tanong. “May plano ka bang umalis ng bansa kasama si Francois?”
“Nasa inyo nga?” angil niya. “Wala kayong karapatan na kunin ang gamit ko.”
“Hindi ko ibabalik sa iyo ang travel documents mo hangga’t di tumitigil ang kahibangan mo kay Francois at di mo sinusunod ang gusto ko,” anito sa matigas na boses. He didn’t bother denying that he got her documents. At di man lang ito na-guilty na ginawa iyon.
“Papa, hino-hostage ninyo ang travel documents ni Amira para di sila magkasama ni Aklay?” bulalas ni Vera Mae. “Aba’y di po yata makatarungan iyan.”
“Papa, bakit di na lang ninyo hayaan si Amira at si Chef Aklay?” tanong ni Mabel. “Malaki po ang naitulong niya para magkasundo sina Kellan at Amira. Mabait naman po siya sa amin.”
“Saka masarap magluto si Tsef!” anang si Berry at itinaas pa ang isang kamay na may hawak na pesto bread.
“Matanda na rin naman sina Amira at Chef Aklay,” nakaismid na sabi ni Ailene. “Hindi na bata iyang anak ninyo, Papa. Huwag na lang ninyong ibigay sa akin ang Birkin na pangako ninyo sa akin basta ibalik ninyo ang travel documents ni Amira. Hindi ninyo pinakikialaman ang love life namin tapos siya pakikialaman ninyo. Unfair!”
Biglang ibinagsak ng ama niya ang kubyertos. “Ginagawa ko kung anong alam kong tama. Mga anak ko lang kayo. Hindi ninyo ako pwedeng utusan sa mismong pamamahay ko. Pinoprotektahan ko lang ang kapatid ninyo mula sa lalaking iyon. Kung gusto ninyo siyang ipagtanggol at ang lalaking iyon, then you are free to leave this house. This is worse than being on a coma. Na kinakalaban ka ng sarili mong mga anak. Iwan na rin ninyo ako.”
Walang nakakibo sa mga kapatid niya. Of course, all of them hungered for their father’s love. Lahat ng mga ito ay walang ipinagdasal na mabuhay ito at magising mula sa pagkaka-coma. Nobody would contest him right now. Emotional blackmail was her father’s strongest weapon. Walang kukuwestiyon dito kahit siguro na gusto nitong ipa-overthrow ang presidente ng Pilipinas. Inaasahan na niyang di siya kakampihan ng mga kapatid kapag ginamit ng ama ang sandata nito pero masakit pa rin pala. Masakit na mag-isa na naman siya at walang kakampi.
“Amira, pag-usapan na lang natin ito sa ibang pagkakataon. Kapag mas okay na si Papa,” anang si Yumi.
Nanatiling matiim ang anyo ni Amira habang nakatitig sa ama. “Ako na lang ang aalis,” anang si Amira at tumalikod. She was not scared to turn her back on a father who was selfish. Who only cared about his own feelings. Pinagbigyan niya ito. Kinalimutan niya ang mga pagkakamaling ginawa nito sa kanilang mag-ina noong bata siya. Pero di niya mapapalampas ang pangyayaring ito.
“No. They are free to leave the house except you, Amira,” deklara ni Alfie. “You are staying here until you see sense. Hanggang natanggap mo nang hindi karapat-dapat si Francois Mosqueada para sa iyo.”
TULALA si Amira habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto niya. Parang napakasaya at napakakulay ng tanawin sa labas ng mansion. Buhay na buhay ang makulay na hardin habang siya naman ay parang nalalambungan ng ulap ang paligid sa loob ng silid niya. She was like a princess in a tower. Hindi daw siya pwedeng umalis ng bahay ayon sa kanyang ama kaya nagdesisyon siyang huwag ring umalis ng kuwarto niya. Doon na lang siya mabubulok habambuhay.
“Ate Amira, kumain ka na,” pakiusap ni Eira. “Ako ang nagluto nitong mushroom soup. Recipe ni Chef Aklay iyan.”
“Wala akong gana,” sabi niya sa malamig na boses. Halos sa lahat ng kapatid niya ay nasa loob din ng kuwarto. Bawat isa ay naghahali-halili na ipagluto siya at pakainin. Sa loob ng tatlong araw ay di siya humahawak ng kahit anong pagkain. Nagtitiis lang siya sa tubig. Kahit nanghihina na ay pangangatawanan niya na huwag kumain. Patatagan sila ng amang si Alfie Banal.
“Amira, ano bang gusto mo para lang kumain ka na?” pang-aayo ng Ate Yumi niya na hirap na hirap na ang kalooban dahil sa pagdurusa niya.
“Gusto ko hayaan na kami ni Papa kay Alfie. O kaya ibalik niya sa akin ang travel documents ko. Gusto ko lang namang makasama si Francois kapag dumalaw sila ni Tito Romualdo sa France. Nangako ako sa kanya.”
“Ayaw ibigay ni Papa. Nakiusap na kami,” anang si Mabel.
Humalukipkip siya at itinaas ang baba. “Kung ganoon, di ako kakain.”
“Tatlong araw ka nang di kumakain,” bulalas ni Sky. “Magkakasakit ka niyan.”
“Nagawa kong mag-fasting noon para sa climate change. Kaya ko ring gawin iyon para kay Francois.” Kung matigas ang puso ng ama niya, mas matigas siya. Alam niya na ito ang wala sa lugar. Kung gusto nito na mawalan ng isang anak dahil sa pride nito at sa pagiging makasarili nito, so be it.
“Ako na nga ang kakain niyan,” anang si Ailene at kinuha ang mushroom soup. “Ako ang nagugutom sa mga dramang ito. Amira, natitiis ka nga ni Papa. Walang pakialam iyon kahit mamatay ka sa gutom. Tumirik man ang mata mo diyan, basta ayaw niya kay Francois.”
“Amira, gusto mo ba kaming iwan?” anang Ate Vera Mae niya.
Iniwas niya ang tingin dito. Alam naman niya na concern sa kanya ang mga kapatid. Ayaw na nga niya itong makita dahil kahinaan din niya ang mga kapatid niya. Kailangan niyang pangatawanan ang pagfa-fasting niya.
It was hell. Kaya niyang tiisin na walang pagkain. Ang di niya kayang tiisin ay ang buhay na wala si Francois. Kinumpiska ng ama ang cellphone niya. Mahigpit ang bilin ng ama niya sa mga kapatid niya na di siya pwedeng pagamitin ng cellphone o laptop para makapag-internet.
Ang alam niya ay ilang beses nang pumunta ang nobyo sa bahay niya subalit di pinayagan ng ama na makapasok ng bahay o makita siya. Ang sinasabi dito ay wala siya sa bahay. Nalalaman lang niya dahil sabi ng mga kapatid niya. Kahit na gusto siyang tulungan ng mga ito, inaalala din ng mga ito ang kalusugan ng ama.
Bumukas ang pinto at pumasok si Berry na may dalang pahabang kahon. “Halooo! May strawberry long cake ako galing kay Tsef Aklay!”
Noon lang biglang nabuhayan ng loob si Amira. Sa wakas, may liwanag na para sa kanila ng nobyo. “Nagkita kayo ni Francois?”
“Hindi. Nag-meeting sila ni Matyu. Nalaman nga niyang di ka kumakain kaya pinadalhan ka nito.”
Nagningning ang mga mata niya. Cake! Handa siyang kalimutan ang pagfa-fasting niya kung pinadalhan siya ng cake na si Francois mismo ang nag-bake. Puno siya ng pag-asam at dinalaan pa ang labi habang takam na takam na hinintay ang pag-aabot sa kanya ng cake.
“Tadaaaan!” anang si Berry at inilabas ang asul na sobre mula sa loob ng plastic bag ng cake. Iyon ang inabot nito sa kanya. “Love letter mula kay Tsef Aklay!”
“Love letter?” dismayadong tanong ni Ailene. “Makakain ba iyan?”
“Akala ko naman ‘yung cake ang padala ni Chef Aklay,” anang si Sky.
Kinipit ni Berry ang cake. “Sa akin ito, ‘no?”
Hinayaan niyang magkagulo ang mga kapatid at binuksan ang sulat. Tahimik niyang binasa iyon.
Amira,
Please take care of yourself. Nalaman ko na hindi ka pala kumakain. I am so worried about you. Sinusubukan kong makalapit sa iyo. Ayaw akong payagan ng papa mo. Pero huwag naman sanang aabot sa puntong sasaktan mo ang sarili mo. I want you to be well for me.
I am leaving for France on Friday. I wish you could join the trip. Hindi ako papayag na hindi ka makakasama. I will come to you no matter what. We will fight for our love, Amira. Mula ngayon, kakain ka na. Please.
Your mon amour,
Francois