Chapter BH: Amira 152

Hinawakan niya ang pisngi nito. Then she kissed him like she hasn’t kissed him for a thousand years. May ngiti sa labi niya nang sa wakas ay masiyahan siyang halikan ito. “That is the only sweet thing that I need. I miss you.”

Idinikit nito ang noo sa noo niya. “I miss you, too. Kung alam mo lang halos mabaliw-baliw ako nang malaman kong di ka lumalabas sa kuwarto mo at ayaw mong kumain. Bakit ginawa mo iyon?”

“Akala ko kasi matatakot si Papa at susuko siya kapag nalaman niyang nagfa-fasting ako. Kaso nakipagmatigasan siya sa akin.”

“Ayaw talaga niya sa akin para sa iyo.” Bumuntong-hininga ang binata. “Gusto kong magalit sa iyo dahil pinabayaan mo ang sarili mo dahil sa akin.”

“Huwag kang mag-alala. Ilang beses na akong nag-fasting para sa climate change. Wala lang iyon sa akin. Pero nang mabasa ko ang sulat mo, naisip ko na kailangan kong lumaban.”

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Kinakausap ko na sana si Matthew kung anong pwedeng legal remedy na gawin namin para pakawalan ka ni Tito Alfie at hindi ka piliting magpakasal.”

“Gagawin mo iyon? Akala ko ba gusto mong maging mahinahon at ligawan si Papa?” tudyo niya dito.

“Ibang usapan na ang hindi ka kumakain at di ka pinapayagang lumabas ng bahay. Itinago pa niya ang travel documents mo. I draw the line when your health is suffering. Magsisisi ako kapag di pa kita inilabas sa mansion. Kung natitiis ka niyang magutom, ibig sabihin kaya din niyang ipakasal ka sa ibang lalaki na gusto niya kahit naghihingalo ka pa. I can’t afford that.”

“Naawa din sa atin ang mga kapatid ko,” nakangiti niyang sabi. “Alam mo ba na marami silang isinakripisyo para lang sa akin?”

“Yes. Alam ko ang lahat ng plano. Mahal ka nila.”

“And I would do the same for them. Nagawa kong makipaggulpihan para sa kanila noon. Mahal ko ang pamilya ko. At malaking bagay para sa akin na handa rin pala silang gawin ang lahat para sa akin. Kahit labagin ang utos ni Papa.”

“Paano kung pagbalik mo mawala ang lahat sa iyo?” nag-aalalang tanong ng binata sa kanya.

Umiling siya. “Kung pera lang, shares ko sa Banal Mining at ang mga lupaing pamana ni Lolo Alfonso, handa naman akong isuko ang lahat ng iyon para lang makasama ka. Walang halaga ang pera kung di mo kasama ang taong mahal mo. Kung mauunawaan lang sana iyon ni Papa.”

“He will realize it in time.”

Luminga siya sa paligid. “Saan pala tayo pupunta?”

“We are flying to Ilocos. Mula doon, may flight na tayo papuntang Hong Kong. Jeremie and the rest of the guys got us a chartered flight. Kaya pagdating natin doon, pwede na tayong lumipad agad papuntang Paris. Naghihintay na sa atin doon si Papa.”

Napasipol si Amira. “Wow! Now that is cool.” Tiningnan niya ang sarili. “Paano naman ang itsura ko?”

“Anong ginagawa ng Hong Kong at Paris para sa mga damit mo. I got it covered. Don’t worry. Ako na ang bahala sa iyo ngayon.”

“I know,” she whispered then nuzzled his neck. Isang bagong buhay ay naghihintay sa kanya kasama si Francois. At handa siyang harapin ang lahat ng pagbabago pati ang posibilidad na itakwil siya ng ama.

Saka na niya iisipin iyon. Sa ngayon ay ie-enjoy muna niya ang kalayaang tinatamasa niya at pinaghirapan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Ang tanging maisusukli lang nila ni Francois at maipakita sa lahat na masaya sila sa isa’t isa.

“TITA Liezl, nandito po ulit kami!” masayang sabi ni Amira nang ibaba ang bulaklak sa puntod ng ina ni Francois. Masaya nang inilatag ng nobyo ang picnic mat habang ang ama nitong si Romualdo ang naglabas ng pagkain mula sa picnic basket.

Pangatlong araw na nila sa bayan ng La Motte d’ Aveillans, France na nasa paanan ng kabundukan ng Alps. Iyon ang bahay ng ina ni Francois at doon ito nakalibing. Noong unang beses silang pumunta sa puntod nito ay bumaha ng luha dahil naging emosyonal ang mag-ama. Iyon ang unang beses na bumalik si Romualdo matapos ang ilang taon. Kahapon ay hinayaan lang nila si Romualdo na maglagi sa puntod. At sa pangatlong pagdalaw nila, gusto ni Romualdo na maging masaya naman ang lahat. Sa wakas kasi ay napatawad na nito ang sarili sa pagkawala ng asawa. Magiging malungkot daw ang asawa nito kundi nito ipapakitang masaya ito. Kaya naman naghanda sila ni Francois ng pagkain para sa picnic na iyon. Pagkakataon na rin iyon ng binata para i-try ang traditional na luto sa bayang iyon na nasa recipe notebook ng ina.

Natigil ang pagkukwentuhan nila tungkol sa adventure nila ni Francois sa Doi Mae Salong, Thailand nang biglang matigilan si Romualdo. “Nandito si Alfie.”

Namutla si Amira nang paglingon ay mamataan ang ama na naglalakad bitbit ang bulaklak. Nakadistansiya ang nurse nito sa kanila.

Tumayo sila ni Francois at itinago siya nito sa likuran nito para protektahan. “Hindi ka niya ka niya makukuha sa akin.”

“Ako ang bahala sa kanya. I won’t allow him to make a scene here,” anang si Romualdo at akmang sasalubungin ang ama niya para pigilan na makalapit subalit nilampasan lang ito ni Alfie.

Tuloy-tuloy ang ama niya sa puntod ni Liezl La-Croix-Mosqueda at inalay ang dalang bulaklak. “I am sorry. Ngayon lang ako nakadalaw sa kanya matapos ang mahabang panahon,” sabi ng ama niya. “Mahal mo talaga siya, Romualdo?”

Nagkatinginan sila ni Francois. Mahinahon magsalita ang ama niya. Mukhang walang balak maghanap ng away. Hinawakan nito ang kamay niya. Sinasabi nito na di sila pwedeng magpakakampante. Hindi basta-basta bibiyahe ang papa niya sa isang malayong lugar nang walang mabigat na pakay.

Marahang naglakad si Romualdo at tumayo sa tabi ng ama niya. “Nang makilala ko si Liezl, di na ako tumingin sa iba. Siya lang ang minahal ko. At gusto kong linawin sa iyo na walang nangyari sa amin ni Carrie. Wala akong interes sa kanya kahit katiting.”

“Kahit noong teenager pa siya at nagtatrabaho bilang trabahador sa inyo?”

Umiling si Romualdo. “Wala. I used to be a flirt. Natural lang sa akin ang ganoong biro dati pero di ko naman siya pinursue. Gusto kong sisihin ang sarili ko na dahil doon kaya naniwala siya sa akin pero wala naman akong ipinangako sa kanya. Hanggang pagtanda namin dadalhin pala niya iyon.”

“So what’s with you two?”

“I respect her. I respect my wife even when she passed away. I respect our friendship. Isa iyon sa pinakamatatagal na relasyong mayroon ako. Hindi isang babae lang ang sisira sa pinagsamahan natin. Sana noong makita mo si Carrie, kinompronta mo na kami para noon pa lang nalaman na natin ang totoo.”

Kinuyom ni Alfie ang palad. “Magulo ang isip ko noon. May sakit si Papa, hinahanap ko ang mga anak ko. At ang babaeng inaakala kong tapat sa akin ay hindi pala ako ang mahal. Wala akong lakas ng loob na harapin ang katotohanan noon na hindi ako ang mahal niya.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.