Chapter BH: Amira 154

Pumapailanlang ang tunog ng mga gangsa at gong sa buong Kanayama. Bawat mukha na naroon ay may nakapintang ngiti sa mga labi. Ipinagdiriwang ng lahat ang pagdedeklara sa Kanayama bilang isang protected area na pangangalagaan lamang ng mga Lambayan. Kasabay nito ay ang paghuhudyat ng pagkakaroon ng sariling paaralan para sa mga Lambayan ng Kanayama di lamang para sa mga bata kundi maging para sa mga matatanda na nais matuto.

Isang ritwal ng pasasalamat ang isinagawa kasunod ng pagbubukas ng bisig ng mga Lambayan ng Kanayama sa mga Lambayan na piniling mamuhay bilang minero at sa mga bisita mula sa Banal Mining Corporation. Sa loob ng dalawampu’t apat na taon ay binuksan ulit ng mga ito ang pinto sa mga dating Lambayan at mga bisita. Lahat ay nakasuot ng kanya-kanyang traditional na costume kung saan man nabibilang ang mga ito. Kahit ang mga opisyales ng Banal Mining Corporation ay nakasuot din ng kanya-kanyang tradisyunal na kasuotan kung saan mang tribo ng Cordillera nanggaling ang mga ito para ipakita ang pakikiisa. And Amira was proud to wear her own Lambayan regalia woven by her grandmother, Idang Asra.

Hudyat din ang pagtitipong iyon ng pagtanggap sa kay Amira at sa inang si Himaya bilang bahagi ng tribo. The prodigal daughter was back, she teased her mother. At nakita niya sa unang pagkakataon na parang bata muli ang ina. She was laughing a lot. Na parang walang nangyaring masama. At di rin nawawala ang mga taga-Lambayan na nakikipagkwentuhan dito. At kung dati ay kalahati lang ng mga Lambayan ang ngumingiti sa kanya, ngayon ay masaya na rin ang mga ito na kausapin siya at nararamdaman niya ang respeto at paggalang ng mga ito.

“Happy?” narinig niyang tanong ni Francois at humawak sa baywang niya. He was wearing his Sagada woven G-string, feathered headdress, colorful beads and animal bones and a woven poncho. He looked utterly gorgeous. Di nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagpapa-cute ng ibang kababaihan dito ng Lambayan na may nakaipit pang bulaklak ng kalabasa sa tainga.

“Very much,” aniya at humilig sa humilig sa balikat nito. “Noong bata ako, tuwing iniisip ko na babalik ako sa Kanayama, ang gusto ko lang naman ay tratuhin nila ako bilang isang normal na tao. Di bilang isang sumpa na pinandidirihan ng lahat. Gusto ko lang matanggap nila bilang isa sa kanila. At gusto ko lang na matanggap ako ng lolo at lola ko.”

Mainit ang yakap sa kanilang mag-ina ni Idang Asra. Ni ayaw ngang hiwalayan ang kanyang ina. Maging si Apo Semblat na nakita niya ang pagmamalaki sa mukha nang ipakilala siya bilang apo nito sa lahat. And his hug was the warmest of all. As if he held back a lot of emotions for her. At ang tanging ipinakita lang sa kanya nito noon ay kung ano ang inaasahan bilang isang pinuno ng Lambayan. Pero sa yakap nito ay naramdaman niya ang pagiging lolo nito sa kanya.

“And now, you have so much more. And you deserve it, Amira. You worked hard for it.”

“Right. And it was not easy. Akala ko nga aabutin pa kami ng ilang taon dahil wala daw silang tiwala sa amin.”

Bagamat naaprubahan ng board ng Banal Mining Corporation ang Skyland Haven project, hindi naman kumbinsido ang mga nasa Kanayama sa plano nila. Walang tiwala ang mga ito na mapoprotektahan ang lupain mula sa minahan o kahit pa sa planong theme park. It took them five grueling months before they finally accepted the project. Mahabang panahon para tanggapin ng mga ito ang dating Lambayan na bahagi na ngayon ng minahan. At sa pagtatayo ng Skyland Haven, marami ring limitasyon ang mga ito lalo na kung pipiliin ng mga ito na huwag pa ring pasukin ng mga turista at estranghero. Mas gusto niyang manatiling sagrado ang Kanayama subalit ang masaya lang sa ngayon ay tinanggap na ng mga ito ang kasulatan na ibinigay ng Banal Mining Corporation at ng gobyerno na ang Kanayama ay isang protected area na. Tinanggap na rin ng mga ito ang mga guro na magtuturo sa mga Lambayan sa Kanayama at ang mga school supplies. Excited na ang lahat para doon.

“You are like a Lambayan’s heroine now. Pakiramdam yata nila isa kang diyosa mula sa ibang mundo.”

Magaan siyang tumawa. “Dahil lang nakakasakay ako sa eroplano at nakapunta sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hindi na sila maa-amaze oras na makapag-aral na sila at malaman nila na kaya din nilang gawin ang nagawa ko.”

“Ito siguro ang dahilan kung bakit ibinigay sa iyo ni Don Alfonso ang proviso niya. Gusto niyang ipakita sa lahat kung ano ka talaga,” sabi ni Francois habang pinagmamasdan nila ang kasiyahan mula sa isa sa mga nakatumbang puno na nagsilbing upuan nila sa paligid ng pulungan. “At di ka lang nila basta tinanggap sa tribo nila kundi hinahangaan ka rin ng lahat. Idinala mo ang Lambayan at ang Kanayama sa bagong panahon. This is a new era not just for the Lambayan tribe but for Banal Mining Corporation as well. Ngayon pa lang pinag-uusapan na ang Skyland Haven. Pati ang mga environmentalists na bumabatikos sa iyo noon ay interesado na makatrabaho ka ulit.”

“Hindi ko rin naman magagawa ito kung wala ka. Kung di dahil sa iyo, baka noon pa ako sumuko. Parang napaka-imposible ng task na iyon. I thought I won’t make it alive or unscathed. Ilang beses ko nang muntik isuko ang sarili ko sa mga bagay na ayokong paniwalaan. I almost married a twerp. Bakit nga pala pinili mong kumampi sa akin noon?” nakakunot ang noo niyang tanong at tiningala ito.

“Because I was enchanted by your beauty.”

Siniko niya ito sa sikmura. “Magseryoso ka.”

Tumawa lang ito at sinapo ang six-pack abs nito. “I am serious. Okay. Hindi ko alam pero ibinilin ka sa akin ni Don Alfonso nang sabi niya ay sunduin kita sa bayan. Hindi ko alam kung bakit samantalang ang ibang kapatid mo ay sinundo naman ng mga abogado niya. Well, I didn’t mind. Basta ang bilin niya sa akin ingatan at alagaan daw kita. Iyon lang ang huling ibinilin sa akin ng lolo mo. At hindi ko makakalimutan iyon hanggang ngayon.”

“Sa palagay mo ba nag-matchmake siya sa atin?” nakataas ang kilay niyang tanong. “Kasi ibinilin niya ako sa iyo.”

“Gusto lang niya ng magandang lahi sa pamilya ng mga Banal.”

Iniikot niya ang mga mata. “Sige. Ipagmalaki ang kaguwapuhan mo. I think he handpicked man for me. Look at us.”

“At sa palagay ko ay hindi lang tayo ang nai-matchmake niya kung sakali.”

Tiningnan nito ang mga kapatid niya na kasama rin sa kasiyahang iyon at kasa-kasama ang kanya-kanyang nobyo at asawa. Nagpapaturo ang mga ito sa pagsasayaw sa mga batang nandoon. Kahit ang pamangkin niyang si Angel ay siya pang nagtuturo sa kay Kellan na nahihirapan na naman sa steps.

“That manipulative old man. Kahit na sa kabilang buhay gusto pa rin niya kaming pakialaman,” nakangiti niyang sabi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.