“But this is a good kind of manipulation.” Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Look at us. Look at your sisters. Di man bahagi si Don Alfonso ng paglaki mo, tiniyak niya ang kinabukasan mo. You have everything now – you have a father and your seven sisters, the acceptance of your mother’s tribe, a respected environmentalist who serves as a bridge between the mining community and the environment groups and you have gorgeous boyfriend.”
“You are right. My grandfather showed me that I can be so much more.”
Pumikit siya at dinama ang malamig na ihip na hangin. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang ang Lolo Alfonso niya at nakikisaya sa kanila. Nakikisayaw kasama ng mga anito na naroon. She hated him for being manipulative before. She hated him for making her do the things she didn’t want. He pushed her to her limits. Ngayon ay mas lumawak ang pang-unawa at pananaw niya sa mundo. She was not defined by her anger or her want to be accepted. Mas secured siya sa sarili niya ngayon, sa mga paniniwala niya at ipinaglalaban niya. Secured na rin siya sa pagmamahal at pagtanggap sa kanya ng mga tao sa paligid niya. Hindi na lang silang mag-ina ngayon sa mundo. May isa na siyang malaking pamilya. May mga tao nang tumatanggap sa kanya. At nariyan si Francois na nagmamahal sa kanya.
“Gusto mo bang mamasyal muna sa falls?” yaya ni Francois sa kanya. “I think walang tao doon ngayon.”
Ginagap niya ang kamay nito at tumayo. “Let’s go. Di naman siguro nila mapapansin na wala tayo dahil masyado siyang busy na mag-enjoy.”
“Di ba natin sila yayayain na sumama? Di pa nila nakikita ang falls,” tukoy ni Amira sa mga kapatid.
Bumuntong-hininga ang binata. “Pwede ba kitang masolo kahit na ilang minuto lang? Iyong tayong dalawa lang?”
At nakita niya ang pagod sa mga mata ng nobyo. He was working on his book and he also had to oversee his restaurants while writing his recipe book. Kaunting panahon na lang ang nailalaan nila sa isa’t isa dahil na rin sa abala si Amira sa pakikipag-negosasyon sa mga Lambayan at sinisimulan na rin nilang ayusin ang plano ng Skyland Haven. Kaya naman hindi niya matanggihan si Francois kapag nag-request ito na masolo siya. She missed those moments, too.
“Napansin mo ba?” untag sa kanya ni Francois habang nakaupo sila sa batuhan sa harap ng sagradong talon. “Iba ang tingin sa iyo ni Sikandro.”
Napanganga siya. “Ha? Hindi ko naman siya pinapansin. Anong problema niya? Napahiya ba siya dahil nakabalik na ako sa tribo?”
“No. I think he likes you now.”
Umingos siya. “Not interested.”
“Narinig ko na gusto siya ni Brynette,” tukoy nito sa sekretarya niya. “I bet some of your sisters oggled him a bit. Hunk daw.”
“Aayawan din nila si Sikandro kapag nalaman ang ginawa niya sa akin. At kahit na maghubad pa siya sa harap ko, hindi ako affected.” Tumigil siya sa paglalakad at yumakap sa baywang nito. “There is only one man with sultry gray eyes who can turn me into a puddle of mud with just a smile.”
“Sino kaya ang lalaking iyon?” inosenteng tanong ni Francois at tumingala na parang nag-iisip. “Sobrang guwapo siguro niya kaya patay na patay ka.”
“At kahit mayabang siya…”
Bigla itong natigilan at tiningnan siya ng matalim. “Ay! Bakit ganoon…”
“Shhh!” saway niya dito at pinigilan ng daliri ang labi nito. “You will like this part.”
“Okay.”
“At kahit na siya pa ang pinakamayabang na lalaki sa mundo, siya lang din ang bibigyan ko ng bulaklak ng kalabasa sa takdang panahon.”
Saka lang nawala ang iritasyon sa mukha nito at isang malapad na ngiti ang ibinigay sa kanya. “I like that. Really like that.”
At saka nito inangkin ang labi niya. She could hear the birds swirling around her and the rush of the wind. She really loved having Francois all by herself. At malaking bagay sa kanya na magkasama sila dito sa Kanayama ngayon. Dito niya nalaman na mahal siya nito. Dito nito ipinakita sa kanya kung gaano kalaki ang respeto at pagpapahalaga nito. At kung dadating ang panahon na magpapakasal sila, she wanted Kanayama to be a part of it.
Bigla silang naghiwalay nang makarinig sila ng ibang boses na nagmumula sa talon. Di naman pala nila solo ang lugar na iyon.
“You still look beautiful, Himaya. Parang walang nagbago sa mahabang panahon na hindi tayo nagkita,” narinig ni Amira na sabi ng ama niyang si Alfie. “Parang katulad ka pa rin ng dati.”
“Anong sinasabi mo, Alfie? Na mukha pa rin akong tanga at utu-uto?”
Napangiwi si Amira sa banat ng inang si Himaya sa kanyang ama. Nakita na lang nila na nakatayo ang mga ito sa may trail na pababa ng talon. Hinila siya ni Francois sa likod ng malaking puno ng apitong na may higanteng mga ugat at doon sila nagtago para di sila mapansin ng dalawa.
“H-Hindi naman. Nagpapasalamat lang ako dahil hinayaan mo na makilala ako ng anak ko at maging bahagi ng mga Banal. I owe you that one.”
Iniwas ni Himaya ang tingin dito at humalukipkip saka tumingin sa malayo. “Matanda na ang anak natin. Kaya na niyang magdesisyon sa sarili niya.”
“Thank you,” sabi ni Alfie at akmang hahalikan sa pisngi ang nanay niya.
“Hep!” anang si Himaya at itinaas ang palad bago pa sumayad ang labi ni Alfie sa pisngi nito. “Ano iyan? Bakit may kiss? Pwede namang salamat na lang.”
“Sa pisngi lang iyon. Saka wala naman akong nakikitang masama. Maliban na lang kung may malisya iyon sa iyo.”
Nanlaki ang mata ni Himaya. “Ako pa ang may malisya ngayon? Mahiya ka nga sa sarili mo, Alfie! Ang tanda mo na!”
Ibinuka ng ama niya ang mga bisig. “Ano naman ang masama? Dalaga ka at binata ako.” Isang buwan na ang nakakaraan nang maaprubahan ang annulment nina Alfie at Caridad. Akala niya ay wala nang interes ang ama sa pag-ibig, until this. “I think walang masama kung mag-date tayo ulit. I still find you attractive, Himaya.”
“Unfortunately, I don’t,” may katarayang sagot ng kanyang ina. “I am not a stupid teenager anymore, Alfie. At kung ngayon mo ako popormahan, basted ka agad sa akin. May kabaduyan ka namang manligaw. Anong petsa na ba? I-update mo naman ang mga hirit mo. Hindi na ako interesado. Sorry.” At saka naglakad palayo ang nanay niya pabalik sa nagkakasayahang mga Lambayan.
“Himaya, can’t you take a joke? Masyado mo naman akong sineseryoso. Binibigyan lang kita ng chance sa akin in case gusto mo pa ako,” anang ama niya at sinundan ito. “We can be friends, you know?”
Napangiwi si Amira. “Ouch! Basted si Papa.”
“Sa palagay mo ba magiging magkaibigan sila?” tanong ni Francois.
“Bakit naman hindi?”
“Do you want them to be together?”
Umiling si Amira. “Sa palagay ko di pa nakaka-move on si Papa kay Aunt Carrie.”
“Ano kaya ang nangyari sa kanya?”
Kaya naman napabilis ang annulment ng ama niya at ng madrasta ay dahil di na rin sumipot ang huli. Ang sabi ng ama niya ay abala daw ito sa pagbiyahe sa ibang bansa at nilulustay ang perang nakuha nito.
Huminga ng malalim si Amira. “Kung nasaan man siya ngayon, sana lang ay masaya na siya.”
“PAPA, pwede bang huwag ka na munang manligaw sa kung sinu-sinong babae? Baka kailangan mo munang ipahinga ang puso mo,” payo ni Amira kay Alfie habang pauwi sila sa Banal Mansion sa Sagada mula sa matagumpay na meeting sa headquarters ng Banal Mining Corporation sa La Trinidad, Benguet.
They had a meeting with some potential investors and they were interested to invest for Skyland Haven. May mga professors at researchers sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas ang gustong makatrabaho sila sa proyektong iyon.
For her grandfather’s first year death anniversary, they would unveil Skyland Haven’s project to the public. It was Don Alfonso Banal’s legacy. Sino bang mag-aakala na ang provisong ibigay nito sa kanya ay dito hahantong? Her grandfather must have known it from the start. At nakita rin niya ang pagsisigasig ng ama na magtagumpay ang proyektong iyon katulong si Romualdo.
Bagamat tagumpay ang plano nila sa Skyland Haven, sa palagay niya ay di naman okay ang ama niya pagdating sa buhay pag-ibig.
“Si Himaya lang naman ang gusto kong i-date. She’s not just any woman. She is your mother,” anang ama niya. “Saka binata naman ako. Ayaw mo ba ang nanay mo para sa akin?”
“Errr… Papa, baka naman dapat ay di muna kayo makipag-relasyon kasi katatapos lang ng annulment ninyo. Hindi maganda ang record ninyo kay Nanay…”
“Nagbago na ako,” sawata agad ng ama niya. “My twenty year of marriage is the proof that I am now a reformed man.”
“…ayaw ni Nanay na maging rebound girl. She deserves more than that. Saka may rule siya pagdating sa pagde-date sa mga babae. Kayo ang dating asawa ni Aunt Carrie na dati niyang bestfriend.”
“Hindi naman na sila magkaibigan. Why would it bother her?” anang si Alfie na biglang tumigas ang anyo nang mabanggit ang dating asawa.
Hinawakan niya ang balikat nito. “Dapat siguro i-enjoy muna ninyo ang sarili ninyo at i-enjoy ninyo ang company namin na mga anak ninyo. Kailangan ba talaga ninyo ng love life ngayon? Nandito pa naman kami.”
Bumuntong-hininga ito. “Iba naman ang relasyon ko sa inyo ng mga anak ko. Hindi mo kasi naiintindihan…”
She gave her father a kind smile. “Naiintindihan ko kayo, Papa. Kaya nga gusto ko na sa susunod na makipagrelasyon kayo, gusto ko na maging sigurado kayo. You don’t want to hurt yourself or someone else, do you?”
Pinagmasdan siya nito na parang di makapaniwala sa mga sinasabi niya. “My daughter giving me an advice on love. Ikaw na ba ang nanay ko ngayon?”
Bumuntong-hininga si Amira. “Ayoko lang masaktan kayo. So, walang masama kung ipapahinga muna ninyo ang puso ninyo.”
Tumahimik ang ama at marahil ay iniisip ang sinabi niya. Kundi siya nagkakamali, ito ang pangalawang beses na nabigo ang ama sa pag-ibig. Noong una ay sa nanay ng Ate Yumi niya. Mas masakit lang marahil ngayon dahil sa dinami-dami ng babaeng nakarelasyon nito ay ang babeng pinakasalan pa nito at nakasama sa loob ng dalawang dekada ang nanloko dito. And he needed that assurance perhaps that he was still worthy of anybody’s love. Di naman niya ito masisisi. Kahit naman siguro sinong tao, kahit ano pa ang edad, ay dadaan sa ganoong stage ng buhay.
Nagulat na lang sila nang biglang tumigil ang sasakyan nila. Muntik pa silang masubsob dahil sa biglang pagpreno ng driver. Her father braced his hands at the back of the driver’s seat.
“Papa, ayos lang po kayo?” tanong niya agad sa ama. Nakaalalay naman ang nurse nito para i-check kung may injury ito.
“I am fine.” Naging matiim ang anyo ng ama niya. “George, anong nangyari?” tanong nito sa driver.
“S-Sir, may bigla na lang po kasing humarang sa harapan ng sasakyan,” sabi ni Manong George na tiningnan sila sa rearview mirror.
“Sino?” angil ng ama niya.
Napalunok ang matandang driver. “Si S-Señora Carrie po.”