Nakita ni Amira ang pamumutla ng amang si Alfie nang mabanggit ang pangalan ng dating asawa. “N-Nandiyan si Carrie?” di makapaniwalang tanong nito. Pagkuwan ay naging mapula ang mukha nito dahil sa galit. “Paalisin mo siya.”
Pinindot ni Manong George nang sunud-sunod ang busina ng SUV na halos ikatulig ng tainga ni Amira pero sa huli ay tumigil din ang matandang lalaki. “Sir, ayaw pong umalis.”
“What does she want this time?” tanong ni Alfie habang magkadikit nang mariin ang mga labi. “She’s supposed to be in Carribean, spending all the money I gave her.”
Nagulat na lang siya nang biglang may kumalampag sa bintana ng sasakyan sa tabi niya at nakita niya mula sa tinted na bintana ang pagkatok ng madrasta. “Alfie, let’s talk. Please. Importante talaga ito.”
Naging maagap naman ang bodyguard ng ama niya na nakasakay sa kabilang sasakyan para ilayo ang madrasta niya. “Ma’am, huwag na po sana kayong manggulo.”
“Hindi ako nanggugulo. I just want to talk to my husband. Please. You don’t really have to manhandle me. Wala naman akong gagawing masama sa kanya,” pakiusap ng madrasta.
“Papa,” aniya sa ama dahil mukhang mahalaga ang sasabihin ng madrasta.
Nanatili lang tuwid ang mata ng ama sa harap ng sasakyan. Matigas ang anyo nito. “As far as I am concerned, I don’t really care about her. Annulled na kami at wala na siyang karapatan na tawagin ako na asawa niya.”
Nauunawaan naman niya kung bakit matigas na ang puso ng ama niya. Dapat ay ganoon din siya pero di niya alam kung bakit parang nasasaktan siya habang naririnig ang pagmamakaawa ng madrasta niya sa labas ng sasakyan.
“Papa, baka kailangan mong kausapin si Aunt Carrie. Pakinggan mo man lang ang sasabihin niya. Mula nang sabihin mo sa lahat na buhay ka at magdesisyon na ayaw mo na siya sa buhay mo, wala ka nang narinig na kahit ano mula sa kanya.”
“You want me to talk to that woman, matapos ang lahat ng ginawa niya sa iyo? Sa akin? Sa mga kapatid mo?” Napailing ang ama niya. “Manong George, ituloy na ninyo ang sasakyan sa mansion. I want to rest.”
“Papa, makikinig lang po kayo kay Aunt Carrie. Di naman ninyo kailangan na paniwalaan ang mga sasabihin niya. Kahit man lang sa twenty years na pinagsamahan ninyo,” malumanay niyang sabi.
“Twenty years of lies,” mapait nitong wika.
“Just listen to her one last time then dismiss her if you don’t want to listen anymore. She didn’t give you a hard time with your annulment. Gasino bang pakinggan man lang ninyo siya. Please?” pakiusap niya.
Alam naman niya na dir in matatahimik ang ama kung di nito alam ang pakay ng madrasta niya. He might as well hear everything then move on.
Tinagawan ang ama niya ang head ng mga bodyguard. “Ilapit ninyo siya sa bintana ng sasakyan ko. But not too near.”
Maya-maya pa ay nakita na niyang nakatayo ang madrasta sa tapat ng bintana na kinauupuan ng ama niya subalit nakaantabay pa rin ang mga bodyguard sa magkabilang gilid. Unti-unting ibinaba ng ama ang windshield ng sasakyan.
Nakita niya ang mangiyak-ngiyak na si Carrie. She looked far from the polished and sophisticated socialite that she knew. Bagamat nakasuot ito ng simpleng floral long sleeve at pants pero alam niyang designer pa rin. Naka-pony ang buhok nito na kumawala na ang ilang hibla. Walang make up ang madrasta at kapuna-puna ang strain sa mukha nito. Na parang malaki ang problema nito at halos pasan ang daigdig.
Umaliwalas ang mukha nito nang makita ang ama. “Alfie, salamat naman at hinayaan mo akong kausapin ka…”
Akmang hahakbang ang madrasta niya palapit sa bintana nang iangat ang kamay. “Stay there. Hindi mangingimi ang mga bodyguards ko na i-reprimand ka. May five minutes ka para sabihin ang gusto mo. Don’t waste it.”
Yumuko ang madrasta at halatang napahiya. Di marahil nito inaasahan na iyon ang magiging trato dito. “Alfie, huwag naman sanang…”
Humalukipkip ang ama at itinuwid ang tingin sa harap ng sasakyan. “What do you want, Carrie? Naubos mo na ba ang lahat ng ibinigay ko sa iyo? That’s a hefty amount. Don’t tell me you spent all the I gave you? Limang buwan pa lang tayong naghihiwalay. Naipatalo mo ba sa pagka-casino sa Monaco o sa Las Vegas? O baka naman kulang pa ang lahat ng iyon? Getting greedy again?”
Umiling si Carrie. “No. G-Gusto kong ibalik ang lahat ng natitira kong pera at ang properties. H-Hindi ko kailangan ang lahat ng iyon. A-And I want to apologize for all the hurt I caused you. Mali ang ginawa ko. Masyado akong nasilaw sa pangarap ko at sa kagustuhan kong makaganti. K-Kaya sana ay patawarin mo na ako, Alfie. Tanggapin mo ulit ako.”
Isang mataginting na tawa ang pinakawalan ng ama niya. “Did you catch a fever in the brain or something, Carrie? Ano bang kalokohan ang sinasabi mo? Bakit naman gugustuhin mong tanggapin kita? We are annulled already. Keep the money. It is all yours. Just get out of my life.”
Naguguluhan siya sa ginagawa ng madrasta. Hindi niya tiyak kung seryoso ito sa pagsisisi nito. Lagi naman itong may ulterior motive sa lahat ng ginagawa nito. Pero ano? Wala naman itong mapapala sa ama niya. Naibigay na ang lahat ng nararapat dito. Ano bang gusto nitong mangyari?
Umiling si Caridad at sinubukang lapitan ang ama niya subalit dahil maagap ang mga bodyguards ay itinaas na lang nito ang mga kamay. “A-Alfie, gusto kong bumawi sa iyo. Hindi ko dapat itinuloy ang kabaliwan ko kay Romualdo. Ikaw ang totoong nagmamahal sa akin. Dapat inalagaan ko ang pagmamahal na iyon. Pero… pero nabulag ako sa paghihiganti at binalikan ako ng lahat ng kasalanan ko. H-Hindi na ako masaya na mag-isa. Kahit na nasa akin ang lahat ng pera sa mundo, I feel so empty without you in my life. Ikaw na lang ang pamilya ko, Alfie. I…I feel so lost.”
“You made your bed so lie in it,” anang ama niya sa mabigat na boses.
Nang humagulgol ng iyak ang madrasta niya at napaluhod sa tabi ng daan ay saka niya naramdaman ang kamiserablehan nito. She got money but it was not enough to keep her warm at night. Ngayon nito na-realize na ang pera o ang galit at paghihiganti ay di makakapagpapasaya dito. “Kahit alipinin mo ako, Alfie, basta huwag mo lang akong alisin sa buhay mo. Please! Give me a chance. Hindi ko sinasabing gusto ko ulit maging asawa mo pero hayaan mo akong bumawi sa iyo at sa mga anak mo lalo na kay Amira. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya.”
At saka may pagmamakaawa siyang tiningnan. Amira was a bit dumbfounded when she saw tears streaming down her stepmother’s eyes. Parang piniga ang puso niya. She could see the loneliness in her eyes and her tormented soul crying out for help. Nagpapakababa na ito. At parang ang pagpapakababa lang nito ang tanging paraan para mapahinga ang puso nito na nagdurusa.
“Hindi ka na makakatuntong sa pamamahay ko o sa kahit anong pag-aari ko, Carrie,” singhal ng ama niya dito. “Hindi mo na ako malalapitan pa o ang pamilya ko. We are done!” At saka inangat ng ama ang windshield ng kotse nito. “George, tumuloy na tayo sa mansion.” Inilahad nito ang palad sa nurse. “Tubig.”
Binigyan ito ng tumbler na may lamang tubig at tinungga iyon ng ama. Nakita niya na nahihirapan itong huminga. Na parang sasabog ang dibdib nito.
“Papa… are you okay?” marahan niyang tanong.
“Basta malayo ang babaeng iyon sa atin, anak. Ipinapangako sa iyo na hindi na niya kayo masasaktan na magkakapatid. Pangako ko iyan.”
“Paano kayo, Papa? Di ba kayo nasasaktan?”
Mariing nagdikit ang mga labi nito. “I can manage.”