Isang malungkot na Francois ang bumaba ng SUV nito at sinalubong ni Amira. His eyes were as gray as the dark skies above. Pinagpag niya ang maong na jacket nito na bahagyang nabasa ng ulan. “Ano? Kumusta na si Aunt Carrie? Pumayag na ba siyang sumama sa iyo? Sumilong man lang o kumain?”
Marahang umiling ang binata. Ito ang pinakiusapan niyang puntahan ang madrasta at kumbinsihin na sumilong at kumain man lang. Wala na siyang ibang pwedeng mahingan ng tulong. Baka sakali ay makinig ito kay Francois.
“Hindi pa rin daw siya aalis doon hangga’t di siya binibigyan ni Tito Alfie ng pangalawang pagkakataon. Ni ayaw nga niyang magpapayong sa akin. Amira, it is freezing out there. Baka kailangang ikaw na ang kumausap sa kay Tita Carrie. Baka makinig siya sa iyo.”
Tumingin siya sa taas kung saan alam niyang nasa silid nito ang kanyang ama at nagpapahinga. Baka madismaya ito sa mga susunod niyang gagawin pero di niya kayang makibaka sa konsensiya niya.
Hinawakan niya ang kamay ng nobyo. “Let’s go.”
Malakas ang kaba ni Amira dahil pabigat nang pabigat ang bagsak ng ulan. Halos zero visibility na nga sa tindi ng buhos. Wala sila halos makita ni Francois sa daan. Nang makarating sila sa labas ng gate ay naabutan niya si Caridad na nakaupo sa gutter sa gilid ng gate. Yakap nito ang sarili habang nangangaligkig sa lamig. Isa sa mga security ay pinapayungan ito.
Binuksan niya ang payong niya at nilapitan ito agad. “Aunt Carrie, sumama na po kayo sa amin ni Francois. Doon na lang po tayo sa cottage niya para makakain kayo. Baka po magkasakit kayo dito,” sabi niya. Baka ma-hypothermia ito. Walang hangal na gugustuhing mababad sa malakas na ulan sa malamig na Cordillera.
Nangatog ang baba nito. Her teeth chattered. Dahan-dahan nitong inangat ang basang-basang mukha sa kanya. Mukha itong basang sisiw. Malayo sa elegante at sopistikadang señora ng mga Banal. Hindi rin niya gusto ang pagkakahugot ng hininga nito. She must be having a hard time breathing. It didn’t look good. “H-Hindi ako aalis dito h-hangga’t di ako pinapatawad ni Alfie. G-Gusto kong marinig mula sa k-kanya n-na tinatanggap ulit niya ako sa buhay niya.”
Bumagsak ang anyo niya. “Pero Aunt Carrie…”
Paano ba niya sasabihin sa madrasta na kahit anong gawin nito doon ay walang pakialam ang ama niya? His heart was hardened by anger. And she couldn’t really blame him.
“Alam ko. Di niya ako matatanggap. Pero dito lang ako. Kahit anong mangyari sa akin, dito lang…” Isang malalim na hininga ang hinugot nito at basta na lang itong nawalan ng malay at napahiga sa gilid ng daan.
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Amira. “Aunt Carrie!”
NAGISING si Amira sa paghaplos ni Francois sa buhok niya. Napabalikwas siya ng bangon at luminga sa paligid. Maliwanag na sa labas ng bintana ng private waiting lounge ng mga Banal sa Sagada Doctor’s Hospital. “Si Aunt Carrie?”
Mula sa mansion ay itinuloy nila ang madrasta na nawalan ng malay sa Sagada Doctor’s Hospital. Inaapoy na ng lagnat si Caridad dahil sa pagkakababad sa ulan nang idating nila ng ospital. Ayon sa doktor ay oobserbahan pa ito dahil bukod sa posibleng kaso ng pneumonia, mahina din ang katawan nito. Posibleng madalang nang kumain ang madrasta. Patunay iyon na nalipasan na ito ng gutom at lahat ay pinili pa rin nitong mag-vigil sa harap ng mansion. At hindi siya sigurado kung gaano pa katagal iyon na nangyayari.
Kaya naman magdamag nila itong binantayan ni Francois. Di siya mapakali hangga’t di ito nagigising o walang positibong balita ang doktor na may hawak dito. Mahigpit ang bilin niya sa mga doktor. She wanted the best care for her stepmother. Kahit na di na ito legal na Banal, ayaw niyang mabago ang pagtrato dito. Sa kabila ng di magandang nagawa nito kahit pa sa Banal Foundation, nalaman naman niya na magaganda pa rin ang proyektong nagawa nito at marami itong natulungan. Baka nga ito pa rin ang director ng foundation kundi lang nakadispalko ng pera.
“Don’t worry about her. Bumaba na ang lagnat niya sabi ng mga doktor. Naagapan din ang pagkakaroon niya ng pneumonia. She was already suffering from hypothermia when she got here. Hindi rin nakatulong na ilang araw na siya halos na di kumakain. She’s susceptible to diseases.”
Nakahinga siya ng maluwag. “It is good to know that her condition is improving.” At nagpapasalamat siya dahil di siya nagmatigas. Di yata kakayanin ng konsensiya niya kung may nangyaring masama sa madrasta niya at nagmatigas din siya katulad ng ama. “Salamat din kasi tinulungan mo ako. Alam ko naman na di rin kayo in good terms ni Aunt Carrie.”
Nagkibit-balikat ang binata. “In good terms na kami ni Papa. Sa totoo lang wala namang mangyayari kung magagalit ako sa kay Tita Carrie. She is miserable already. Kung nagawa mo siyang pagmalasakitan sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa iyo, bakit naman hindi ko rin gagawin sa iyo. I am so proud of you.”
Humilig siya sa dibdib nito. “Thank you, Francois. Kung hindi naman kita minahal, di naman magbabago ang pananaw ko sa mundo. Hindi ako magiging ganito kasaya at di ko rin magagawang pakawalan ang galit ko. Perhaps that’s what love can do. Nagiging masaya ka na di mo naman makukuha kung magtatanim ka ng galit o kung maghihiganti ka.”
“Dumating ba si Papa?” tanong niya at tumuwid ng upo. “Nag-text kasi ako sa nurse niya tungkol sa kondisyon ni Aunt Carrie kagabi.”
Lumungkot ang anyo ng binata at marahang umiling. “Hindi siya dumadalaw pa. Siguro dahil malakas pa ang ulan hanggang kaninang umaga. Mabuti pa mag-breakfast muna tayo sa cafeteria.”
Kahit naman yata tuyong-tuyo ang daan at tirik na tirik ang sikat ng araw ay di pa rin dadalaw ang ama niya. Kahit na ano pang gawin ng madrasta niya, di pa rin paniniwalaan ng ama niya ang sinseridad nito. And she couldn’t imagine her stepmother slaving herself either.
Matapos mag-agahan ay ipinatawag na sila ng doktor para sabihing gising na ang madrasta niya at maari nang dalawin. Nang dumating sila sa hospital suite nito ay naabutan nila ito na tumatangging kumain kahit na sinusubuan na ito ng nurse. “Ma’am, kumain na po kayo o mapipilitan na namin kayong i-dextrose,” pakiusap ng nurse dito.
Umiling ito. “Ayoko talagang kumain.”
“Aunt Carrie, lalo lang pong maiinis sa inyo si Papa kung sinasadya talaga ninyong magkasakit. Hindi ko kayo matutulungan na makabawi kay Papa kung hindi kayo kakain,” malumanay na sabi ni Amira.
Nahigit nito ang hininga. “Amira… tutulungan mo ako?”
“Sana. Pero kung nagpapaawa lang kayo sa pamamagitan ng pagpaparusa sa sarili ninyo, baka kahit ako hindi na kayo matulungan. Maikli ang pasensiya ko sa mga ganitong drama. Make up your mind. Parating na rin ang mga kapatid ko para protektahan si Papa mula sa inyo. Wala na akong magagawa para sa inyo kapag dumating sila,” nakahalukipkip niyang sinabi at iniwas ang tingin dito.
Bigla itong naalarma. Animo’y natakot ito na mawala ang natitirang pag-asa nito. “Ako na ang magsusubo sa sarili ko. Salamat,” sabi ng nurse.
Nakamasid lang sila ni Francois habang kumakain ito. Marahan ang kilos nito at nakahukot ang balikat. She looked plain and dull. Gone was her haughty queen air. Animo’y isang normal na babae lang ang nasa harap nila ngayon. She looked frail and thin. Napansin na rin niya ang linya sa dati ay makinis at banat na banat nitong mukha. Her stepmother aged a lot. Dati akala mo ay nasa mid-thirties lang ito. Ngayon ay mukha na itong nasa fifties na ito. Way older than her age.
Taliwas sa sinasabi ni Caridad na di ito gutom, tatlong beses pa itong nag-request ng refill ng soup at tinapay. She took it as a positive sign. Ibig sabihin ay gusto na rin nitong makabawi ang katawan nito mula sa panghihina.
“Good!” nakangiting sabi ni Francois nang ayusin ang unan nito para makasandal itong mabuti. “Kapag po pwede na kayong kumain ng ibang pagkain, ipagluluto ko kayo ng paborito ninyong chocolate. Sisirain natin ang diet ninyo para po malamanan naman ang pisngi ninyo. Nasobrahan na kayo sa diet, Tita.”
Bigla na lang napabulalas ng iyak si Caridad. “Auntie, okay lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?”
Natutop nito ang bibig at umiling. “Wala. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mabuti pa rin kayo sa akin sa kabila ng ginawa ko? Hindi ba dapat iniwan na lang ninyo akong walang malay sa tabi ng daan? Napakasama kong tao. Bakit di na lang ninyo ako pinabayaan?”
Francois gave her a kind smile. “Tita, pinalaki kaming mabuting tao ng mga nanay namin. Hindi namin kayo pwedeng pabayaan na lang sa isang tabi. Kahit ano pang ginawa ninyo sa amin, you don’t deserve to be left alone while you are sick. My mother would roll over her grave if I do that.”
“Masyado kaming masaya ni Francois ngayon para maging malupit sa kapwa namin. Hindi na namin kayo kailangang parusahan. Ginawa na ninyo iyon sa sarili ninyo,” sabi niya sa kaswal na boses.