Nagulat pa ito nang makita na puno ng black beans ang loob. “Oh! Anong gusto mong ipaluto sa akin? Black beans bun?” Umiling siya. “Bread rolls?” Iling ulit ang isinagot niya. “Anong gusto mong ipaluto?”
“I am asking you to marry me.”
“Ha?” tanong nito at gulat siyang nilingon. “Come again.”
Bigla niyang ipinunas ang palad sa suot na jeggings sa sobrang tensiyon. “I am observing tradition. Sabi nila kapag gusto na daw magpakasal ng isang babae sa isang lalaki, dapat daw dalhan ng black beans.”
“Oh, mon amour,” usal nito at lumuhod sa harap niya. Hinawakan nito ang mga kamay niyang nanlalamig at kinintalan ng halik ang magkabilang pulsuhan ng mga kamay niya. “Masyado ba akong natagalang mag-propose? Hindi ko kasi sigurado kung handa ka nang pakasalan ako o hindi. Humihintay ako ng tiyempo…”
“Well, I am here now. I am ready,” puno ng kompiyansa niyang sabi. “And you don’t have to feel guilty that I am proposing to you. Alam ko naman na ako lang ang hinihintay mo. Pero kung ayaw mo naman na magpakasal pa sa akin, okay lang naman sa akin. Babawiin ko na lang ang beans ko at… okay lang sa akin.”
Shocks! She was blabbering. Ang totoo naman ay mas naplano nilang magkakapatid ang nalalapit na kasal pero hindi ang proposal niya. Ang totoo ay blangko ang utak niya hanggang ngayon.
Akmang tatayo siya nang pigilan nito ang balikat niya. “Wait. Amira, you know how much I love you and…”
Natigil ito sa pagsasalita nang biglang may kumatok sa pinto. “Nandito na kami!” narinig niyang masamang sabi ni Eira.
“Sandali lang,” anang si Francois at binuksan ang pinto.
“Tadaaan! Dala na namin ang inasinang baboy!” deklara ni Berry at halos iduldol agad ang plastic container na may dalang inasinang baboy kay Francois.
Napapikit na lang si Amira dahil di pa naman sumasagot si Francois sa kanya. Bigla na lang in-invade ng mga kapatid niya ang seryosong pag-uusap nila. Mukhang hindi na makahintay ang mga ito.
“Okay na ba kayo?” tanong ni Sky.
“We are still talking,” anang si Amira at pilit na ngumiti.
“I can’t believe that you are all here,” anang binata na parang di alam kung paanong ngiti ang gagawin habang kaharap ang mga kapatid niya.
“Siyempre naman,” may katarayang sabi ni Ailene. “Pakakasalan mo ba ang kapatid namin o hindi?” May halong pagbabanta iyon.
Nasapo ni Amira ang noo. Oh, no! Mukhang lalong gumugulo ang marriage proposal niya na iyon. Baka akala ni Francois ay pinipikot niya ito o pinipilit.
“Sisters, kumalma lang tayo,” pagpapahupa ni Yumi sa mga ito. “Hindi naman kailangang sumagot ni Aklay ngayon. Ang sagot niya ay kung magpapadala siya ng glutinous rice pabalik sa bahay natin.”
“G-Glutinous rice?” tanong ni Francois at luminga-linga na parang iniisip nito kung saan ito kukuha ng glutinous rice nang mga oras na iyon.
“Huwag kang mag-alala, Aklay. May dala na kaming glutinous rice dito. Isang kaban pa kung gusto mo,” nakangising sabi ni Vera Mae.
Talagang handang-handa na ang mga kapatid niya. Maging iyon pala ay ihinanda na ng mga ito. Napansin tuloy niya na di makagalaw si Francois sa kinatatayuan. He must be overwhelmed with what’s going on. Sa pagkakataong ito ay ito naman ang namumutla.
Napilitan tuloy siyang lapitan ang nobyo para i-rescue ito sa pampe-pressure ng mga kapatid niya. “Sisters, pwede bang masolo ko muna si Francois?” Mukhang hindi pa nada-digest ng binata ang mga nangyayari.
“Pero…” akmang may sasabihin pa si Berry pero hinila na ito palayo ni Sky.
“Magsosolo nga. Hayaan na natin sila,” sabi ni Sky.
Nang isara ni Francois ang pinto ay sumandal ito. There was a far away look in his eyes. “We are really getting married?”
“If… you will accept my proposal,” malumanay niyang sabi. “At kung makakasunod tayo nang tama sa tradisyon.”
Lumayo ang binata sa pinto at saka nagpalakad-lakad sa sala. “Tradition. Tradition.” Malamang ay may ideya na rin naman ang binata sa traditional courtship, engagement at wedding. “Anong mangyayari oras na ipadala ko ang glutinous rice sa bahay ninyo?”
“Paghahati-hatian ng mga pamilya at kamag-anak ang ibinigay natin sa isa’t isa. Tapos iimbitahan kinabukasan si Tito Romualdo sa bahay namin para mag-agahan sa bahay namin at iimbitahan din niya ang isa sa magulang ko para mag-agahan sa bahay ninyo.”
At ipinaliwanag pa niya ang ibang susunod na gagawing ritwal. “So how much time do we still have for the official wedding?”
“A week or two. Pero siyempre, nasa atin naman kung kailan natin talaga gustong magpakasal.”
“Two weeks?” bulalas ng binata. “Paano natin maihahanda ang lahat sa loob ng dalawang linggo? Alam ko naman na pwede naman tayong magpakasal sa ibang buwan o taon, but I want this a wedding to remember. I am willing to follow the tradition but I want to make sure if this is what you really want.”
Tumango siya at yumakap sa baywang dito. “I guess both of us waited long enough. Nai-release na ang libro mo. Hindi na rin ganoon kabigat ang responsibilidad ko sa Banal Mining. Kahit nga si Aunt Carrie di na rin pinoproblema ni Papa at ng mga kapatid ko. She even helped me out with the wedding preparation. Pero gaya nga ng sinabi ko, no pressure. We can still adjust it some other time.”
“No. We will push through with the tradition and the chosen date. Kahit na bukas pa mismo pwede kitang pakasalan,” puno ng pagmamahal na sabi nito subalit nasa mata pa rin nito ang pag-aalala. “I just have one wish.”
“Ano iyon?” tanong niya. “You get to choose what you will wear for our wedding, of course. Pati kung sino ang bestman mo o kung sino ang ninong at ninang na gusto mo.”
Umiling ito. “Gusto ko lang na hayaan mo akong mag-propose bago natin ituloy ang lahat ng tradisyon na ito. Can you give me thirty minutes?”
“Sure,” sabi niya at umupo sa prestige chair sa sala para hintayin ito.
“And I need you blindfolded.”
Walang nagawa si Amira nang piringan siya ng nobyo ng dark blue na panyo. It must be the longest fifteen minutes of her life. Wala siyang ideya sa nangyayari sa paligid niya malibang abala si Francois sa kusina. Sa huli ay sumuko na rin siya sa paghihintay ng oras at nakatulog.
She woke up with Francois showering her with kisses on her face. “Wake up, mon amour.”
Nang imulat niya ang mata ay nabungaran niya ang nakangiting mukha ng nobyo. Wala na rin ang piring niya sa mata. “Hey! Sorry. Nakatulog ako. Masyado ba akong natagalan?”
“Its okay. Kumain ka muna ng cake bago na naman tayo sugurin ng mga kapatid mo dito.”
Kumunot ang noo niya. Cake? Akala niya ay magpo-propose ito.
Dinampot nito ang cake mula sa center table at lumuhod sa harap niya. Subalit sa halip na ‘Will you marry me, Amira?’ ang nakalagay sa cake ay ‘Bawal kumain ng cake pag di mo suot ang singsing’ ang nakalagay. And there was the ring, in the middle of the lotus-like sugar flower. An emerald-cut diamond ring. Hindi siya mahilig sa singsing o alahas, but the ring definitely made her heart melt. She knew what it meant – a symbol of Francois’ love for her.
Inunat niya ang kamay. Then she wiggled her fingers. “Isuot mo na. Dali! Gusto ko nang kumain ng cake.”
“Hindi ko alam kung ano talaga ang habol mo sa akin – katawan ko o dahil masarap akong gumawa ng cake.
“Both,” nakangisi niyang sabi.
“Mas excited ka pa sa cake kaysa sa engagement ring.” Naiiling nitong inilapag ang cake sa center table at saka isinuot ang singsing sa daliri niya. He looked dead serious when he kissed the back of her hand. “You know that I will do everything and anything for you. I will marry you anywhere and in any tradition. Kahit ano pa gagawin ko matiyak lang na makakasama kita habambuhay.”
Yumakap siya sa leeg nito at hinila ang ulo nito palapit sa kanya. She kissed him like she wanted to own him until they were both breathless. They were engaged. Ang singsing sa kamay niya ang patunay niyon. “I am more than willing to spend many lifetimes with you. Maaring sabihin nila na imposible pero sinabi ko rin na imposible akong ma-in love at imposible na gustuhin kong magpakasal. You turned my world around, Francois. And I don’t regret falling in love with you. Our love for each other made me the happiest girl alive.”
Idinikit nito ang noo sa noo niya. “I can’t promise you pure happiness. Alam ko na maraming pagsubok na dadating sa atin pero tandaan mo na lagi akong nasa tabi mo. Di tayo laging magkakasundo, but I am willing to compromise. I want this to work. And I know we can make this work.”
This love was solid. Hindi na siya ang babaeng parang wala sa sarili na naguguluhan sa nararamdaman niya noon para kay Francois. This was not simple attraction. Sa dami ng pinagdaanan nila, alam niyang totoo ang pagmamahal na ito. At hindi na siya natatakot. She knew what she was getting into. She was actually excited to be Mrs. Francois Mosqueda forever.
“Can you give me one last saccharine kiss before my sisters come back?” Nararamdaman niya na bubulabugin na naman sila ng mga kapatid niya.
“I am more than happy to oblige.”
And when he kissed her this time, she forget about the world. Kahit nang marinig niyang may bumato sa bubong para bulabugin siya at nagcha-chant na ng glutinous rice ang mga kapatid niya sa labas ay di pa rin naghiwalay ang mga libi nila ni Francois. Makakapaghintay ang mga ito kahit ang cake. Because Francois’ kisses and love were more addictive than any cake in the world.