Chapter Episode 38

#BTSEp38

"Po, Doc?" I am blinking. Wishing that I can change the reality by just doing that.

"You heard it right, Ms. Samonte." The Doctor is eyeing me carefully. Seems like up for giving me a lot of sympathy that I really need right now. Tumatango siya nang mabagal noong magpatuloy. "You are five weeks pregnant."

That moment, my mind went blank. Kasabay iyon ng biglang pagbilis ng puso ko dahil sa kaba. At unti-unti, nagbago ang kaba sa kirot. Gumuhit ang kirot sa dibdib ko habang patuloy na prinoproseso ang mga narinig ko.

Buntis ako . . .

Shit, no. Hindi pwede. Hindi pwede . . . May career akong pinoprotektahan. Ganoon na rin si Liv. This mistake of us will ruin our future.

Noong mga oras na iyon, binaha ng mga problema ang utak ko. Hanggang sa napapatulala na lang ako habang pinipigilan ang mainit na luhang gustong kumawala mula sa nabibigla kong mga mata.

Paano kung malaman ito ni Mom? Mapapatay niya ako sa kahihiyan niya. How about Mother Lizly? She will be so disappointed of me. Baka bitawan na niya na lang talaga ako and it will pain me, big time. And my fans, anong iisipin nila? Nagpabuntis ako sa ex ko? Sa murang edad? At sa punto pa na ang stand ko sa publiko ay no to teenage pregnancy? Sobrang bata ko pang nabuntis, anong aral ang pwede kong ibigay sa kanila? Wala.

I am clearly doomed right now.

"Maiwan na muna kita, I will be back tonight to check on you." I heard the Doctor say as he slowly storm out of the room. Sa pagkabigla ay nakalimutan ko nang magpasalamat sa kanya.

And the moment I heard the door to close, napatakip na lang ako sa mukha. My chest is going up and down as I sob. My tears are flooding my vision as I try to stop it from brimming down my cheeks. The pain on my chest is unbearable.

It was crystal clear that I can never accept the unfortunate events that are currently invading my well planned future right now.

Naramdaman ko ang mainit na pagyakap sa akin ni Czearine. She is resting her head on my shoulder as she continuously tap me on my arms.

"Ate, everything will be okay po." As a teenage girl who doesn't know about the cruelty of life, Czearine is obviously not sure of what she mumbled. I can feel the lack of conviction on her voice just by the way how she heave a sigh.

I continued sobbing as I remove my hands from covering my face. My tears continue to block my vision as I stare at Czearine. "Wala kang pagsasabihan ng tungkol dito, okay? Let me handle this alone. Maliwanag?"

Napapalunok na tumango si Czearine. She is looking away as she nods. Para bang siya ang na-stress sa kalagayan ko. Para bang siya iyong bigat na bigat sa problemang bigla na lang sumulpot sa balikat ko.

***

Next week came. At heto ako, balisa. Kinakabahan. Hindi masukat ang pagkalito sa utak. Patong-patong ang mga problemang naiisip ko. I am starting to overthink and it's stressing the hell out of me.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulang solusyunan ang problemang ito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat unahin? Ang sabihin ba ito kay Liv? O kay Mom o kay Mother Lizly?

Pero natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong matakot pero hindi ko lang talaga mapigilan. I have this unknown fear within me that I just can't get rid of.

Litong-lito na ko.

Hirap na hirap na ako.

But one thing is for sure, I will never abort the life I have within my tummy. Alam kong mahirap ang kalagayan ko ngayon. Alam kong malaking problema ang idudulot nito sa akin but I just can't. I will never end my problems by ending the life I have within me.

Right now, I am lying on my sofa. Pinili kong manatili na lang muna dito sa unit ko nang isang linggo. I cancelled all of my schedules for last week. Tanging pagsisinungaling lang ang idinahilan ko kay Mother Lizly. I told her na nilalagnat ako, na hindi ko kaya ang bumangon. Which is kind of true.

These past few days, nahihirapan talaga akong bumangon sa umaga. Malala ang morning sickness ko. Araw-araw na akong naduduwal the moment na magigising ako.

Mother Lizly even insisted to visit me but I declined her. The last thing that I want is her to caught me redhanded due to this inevitable problem of mine.

About my friends, kinukulit na rin nila ako. Nabalitaan kasi nila ang pagkahimatay ko sa set. Once again, I mumbled a lie. I told them na okay lang ako. Na si Czearine ang siyang bahala sa akin.

Just like Mother Lizly, nagpumilit sila na makita ako. Pinahirapan talaga nila ako para lang mapigilan sila. Kinailangan ko pa ngang mag-galit-galitan para lang hindi nila ako puntahan.

I heaved a deep sigh as I burry my head on the throw pillows that I am hugging a little while. Then from there, I started to let out a deep sigh. I am calming my petrified self. Pero walang nangyari, patuloy akong binabalot ng kaba ngayon.

Nagiging paranoid na nga ako, eh. Feeling ko, anytime ay may reporter ang mangungilit sa akin para sabihin ang totoo.

Huling buntong hininga, I chose to close my eyes. Hinayaan kong dalawin na lang ako ng antok nang sa gayon ay makalimutan ko nang pansamantala ang mga problema ko.

***

A few months went in a blur. Before I knew it, I was three months pregnant. At hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam tungkol dito maliban lang kina Czearine at iyong Doctor ko.

I succeeded to hide everything. Although si Jopay, lagi niyang pinupuna ang tiyan ko. Lumalaki na raw kasi. Mabuti na lang at madali kong nalulusutan ang mga sitwasyon iyon sa pamamagitan ng pagsisinungaling.

Right now, I am wearing a red dress. Sinadya kong i-request na paluwagin ang fit nito sa akin. Ayoko kasing may makahalata sa lumalaki ko nang tiyan. Unti-unti na kasi itong nahahalata. Ayokong pagpiyestahan ng issue after ng premier ng movie namin ni Liv.

Katulad ng nakagawian, dapat ay sabay kami ni Liv sa saksakyan papunta sa Mall of Asia. Love team, eh. We were taught to be like this. To be together all the time. Kaya heto siya, dinaanan namin sa building ng management namin.

Sa bintana, kitang-kita ko ang suot niya ngayon. He is wearing a button down long sleeves. Nakabukas ang butones niya pababa sa kanyang dibdib. That made his broad chest to flash. Nakasuot rin siya ngayon ng fitted na black trouser at itim na timberland boots. His hair is messy and wet but in a fashionable way. Right now, he is looking like a Disney Prince.

The moment he hopped in the car, I froze on my sit. Napapikit ako sa biglang paglitaw ng kaba sa dibdib ko. Kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa designer bag ko.

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagsisimula akong pag-pawisan ng malamig

Truth is, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakay ko after the premier.

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya ngayong araw na buntis ako at siya ang ama.

Nakapag-desisyon na kasi ako. Ngayon ko na ito ipagtatapat sa kanya. I also need his help in this. Hindi ko ito kaya nang mag-isa lang.

A few minutes came at nakarating na kami sa mall kung saan gaganapin ang grand premier ng movie namin. And as usual, punong-puno ito ng mga fans namin. Tanging hiyawan lang ang nadidinig ko noong magsimula na kaming maglakad ni Liv sa red carpet. He is holding my hands and smiling at me as if he is really inlove with me.

Tumagal ang movie namin ng halos dalawang oras. Sa buong pelikula ay tumawa ako noong una pero noong kalagitnaan na ay nagsimula akong mapaluha. The plot twist was painful for me to handle. Pero mabuti na lang talaga at happy ending ito. Nagtapos ito sa pagkakaroon nina Cygny at Hue ng anak sa kabila ng hamon ng HIV.

That specific moment, the premier night concluded with a ton of applause from our fans and friends. They were all praising us for the acting skills. Some are congratulating us and most are fantastically amazed by us.

Noong una ay nag-aya pa nga si Carlise na mag-party pero mabuti na lang talaga at ang lahat hindi free noong mga oras na iyon. Napagpasyahan na lang namin ni Liv na bumalik sa kotse ko.

"Napakaganda ho ng movie, Ma'am Asia!" Ang bungad sa amin ni Manong Boying.

I simply smiled at him. "Thank you po, Manong." I moved to give Liv a space. Tahimik siya noong maupo sa tabi ko.

Noong magpaandar nang muli si Manong Boying ng kotse ay nagwagi ang katahimikan sa pagitan namin ni Liv. I am really hesitated right now. Bukas-sara ang ginagawa ng bibig ko. Lagi iyong nagtatapos sa isang malalim na hininga. Na sinasabayan ko ng pagsimangot sa bintana.

"May gusto ka bang pag-usapan?" I heard Liv. I was blinking when I turned my gaze at him. Nakatuon ang kanyang mga mata sa kanyang cell phone. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ah . . ." I was really thankful that he is the one who opened a coversation for us. Kasi hindi ko talaga kaya, "can we talk later? Like, sa unit mo?"

He turned his gaze at me for about three seconds. Muli niyang ibinaling ang tingin sa cell phone. Tanging pagtango lang ang niresponde niya sa akin.

That moment, I knew that I have to start collecting a lot of bravery right now. Kailangan ko na talagang lakasan ang loob ko.

It's now or never now.

***

Liv closed the door. We are now on his unit and suprisingly, na-miss ko ito. Na-miss ko ang lahat dito. Katunayan niyan, kusang naglaro sa utak ko ang mga eksena namin dito noong kami pa.

Lagi akong nakatambay doon sa tapat ng bintana para magbasa ng libro. Tapos doon ay guguluhin niya ako. Ganoon na rin sa kusina, sa tuwing nagluluto siya ay lagi akong nakayakap sa likod niya. Pati na rin dito sa sofa, dito kami laging magkayakap sa tuwing darating na ang hapon. It was a routine for us back then. Gusto naming sabay panoorin ang sunset nang magkayakap.

But yeah, those were all nothing but memories right now.

I have to move forward now while living those memories na kailanman, hindi na mauulit pa.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Liv said. Ni hindi niya manlang ako pinaupo.

Nakahawak ako sa strap ng bag ko noong humarap na ako sa kanya. Right now, he is with a tightened jaw. He is eyeing me as if a wild animal, ready to attack it's foe the moment it harms him.

"Uhm," I started. Prinactice ko na ito kanina sa kotse pero bakit parang gusto kong umurong bigla? Lahat ng lakas ng loob na inipon ko kanina ay para bang nawala na parang bula.

"Spill it." Liv's tone is dry. He is treating me as the same Grace na binabalewala niya lang noong una. Ni tignan nga ako sa mga mata ay hindi niya kaya.

Huminga ako nang malalim.

It's now or never.

Pumikit ako sandali at noong muling magmulat ay nagsimula akong magsalita.

"Buntis ako, Liv." That made him turn his gaze at me. Bahagya siyang napakurap sa narinig. That was the time where I started to tear my gaze away from him. With a low tone, I mumbled, "at ikaw ang ama."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.