#BTSEp45
"I have to go." The first thing I mumbled the moment I finished reading the whole article. My hands are trembling, kasabay ng kung papaanong manghina ang mga tuhod ko.
This is not happening.
This is not supposed to happen.
Humakbang na ako papalabas ng tent. Mabigat ang bawat paghinga ko nang mabilis akong dumako patungo sa sasakyan ko. May mga media staff pa nga ang nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. Magsisimula na kasi talaga ang shoot namin sa ilang minuto lang. Hindi ko sila pinansin. Mas mahalaga sa akin ang makita ang anak ko ngayon kaysa sa mag-mukhang suplada sa kanila.
Noong makaupo na ako sa kotse, ang una kong ginawa ay ang i-dial ang number ni Liv. Mabuti na lang talaga at siya ang nag-insist na kunin ko ang number niya in case of emergency.
While maneuvering the car, I pushed the call button. I am panicking as I wait for him to pick it up. And thanks God, he answered for feels like forever.
"Hey . . ." Came by his voice. It's weak. Seems like he is also bothered by the article of that damn news website. "Nabasa ko na rin ang news--"
"You!" Iritadong anas ko. Kung hindi lang talaga ako nagmamaneho ngayon, kanina pa ako napahilamos sa mukha ko dahil sa inis. "Ano bang ginawa mo? Paano ka nila nahuli?"
Iritado pa rin akong naglabas ng malalim na hininga. "Bwiset naman, Liv. Hindi ba't sinabi kong 'wag mo siyang ilalabas? Most specially, 'wag kang magpapahuli sa mga paparazzi na dumadalaw sa bahay!"
"Sorry na . . ." Bakas ang labis na pagkadismaya sa kanyang tono. Halatang maski siya ay naiinis sa sarili. "I can explain everything, okay? Just let me--"
"Talaga!" Hindi ko na maiwasang taasan siya ng tono. Sa dumadaan kasing mga minuto ay lalo lang umiinit ang ulo ko dahil sa kanya. "Siguraduhin mo lang talagang valid iyang dahilan mo!"
Itinapat ko ang bibig ko doon sa cell phone. Kunot noo akong nakatingin sa daan. "Dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na ilayo sa 'yo si Chance kapag nagulo na naman ang buhay ko nang dahil sa 'yo!" At sinabayan ko iyon ng pagpatay sa tawag.
Naiirita pa rin, napapairap akong hinagis ang cell phone sa passenger's seat. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. The last thing that I want is to face an accident just because of the fire burning on my blood!
Pero hindi ako nagtagumpay. Patuloy pa rin ang pag-init ng ulo ko nang marating ko na ang garahe ng bahay ko. Ganoon na rin ang dugo kong tumataas noong makababa na ako sa kotse ko. Sa irita ko nga ay hindi ko na ginawa ang nakagawian kong pagbati kay Aling Esing na laging nagbubukas ng gate para sa akin.
Nagtatangis at mabilis ang paghakbang ko nang lumakad na ako patungo sa pintuan. Marahas ang ginawa kong pagkabig sa door knob. Wala akong pakialam nang pabagsak kong binuksan ang pinto.
Dumiretso ako sa sala. At doon, nakaupo si Liv sa sofa. Nasa mga hita niya si Chance. Tumatawa habang kinikiliti ng kanyang ama. Nakangiti si Liv sa kanya pero agad iyong nawala noong makita na niya ako. I clearly saw his Adam's apple to move up and down the moment our eyes met.
"Czearine!" I roared. Mabigat ang paghinga ko habang hindi inaalis ang nagtatangis na mga mata kay Liv. Si Liv naman ay minu-minutong nag-iiwas sa akin ng tingin.
Ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang yabag ni Czearine. "Po, Ate? Anong nangyari?" Nakasuot pa siya ng uniporme. Siguro ay kararating niya lang galing sa school.
"Bring Chance to her room." I didn't exert effort to turn my gaze at her. Because my burning eyes have no plans on leaving Liv's face.
Agad na lumapit si Czearine kay Liv. Inagaw niya ang anak ko mula sa kanya. Si Chance naman ay umiiyak hanggang sa maitaas na siya ni Czearine patungo sa kwarto niya.
That was the moment I started to gravitate my feet towards Liv. Kusa siyang napatayo mula sa kinauupuan niya.
"I can explain everything--"
Natigilan siya nang lumapat ang palad ko sa kanyang pisngi. Pumanig ang kanyang mukha sa kabilang direksyon. I saw him open his eyes as he started to face me again. With his eyes flashing a sequence of pain on his heart. With the portion of his milky cheeks turning crimson because of my slap.
"You fucking need to explain everything or else, Chance will never meet her father again." My jaw is tightened. Nangininig ang kalamnan ko sa galit.
Gusto ko pa siyang sampalin. Gusto ko pa siyang saktan pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Walang mangyayari kung gagawin ko iyon. Parang siya, walang dulot.
Huminga siya nang malalim. Ilang segundong nagbukas-sara ang bibig niya. Tila bang hindi inasahan ang ginawa kong pag-atake kanina lang.
"Dinala ko si Chance sa bahay namin. Gusto kasing makita ni Nanay ang apo niya." He looked away. With his trembling lips, it is obvious that he is holding back his emotions.
"Eh 'di sana, pinapunta mo na lang dito ang nanay mo! Bakit dinala mo pa sa bahay niyo si Chance?!"
He turned his gaze back at me. "Hindi na makatayo si Nanay. Bedridden na siya."
Natigilan ako sa narinig. Napapapikit akong nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. Hindi ko inasahan ang nalaman.
"Wala talaga akong balak na labagin ang kondisyon mo pero . . ." Rinig na rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga kahit na nakabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko.
Muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. Kirot ang una kong nakita sa kanyang mga mata. "Okay . . . okay."
I swallowed hard.
"Okay, gets ko naman iyong sitwasyon. Pero sana naman, hindi ngayon. Marami pa namang araw. Sana naman, hindi ngayong binubuo ko uli ang career kong sinira mo."
"Kung hindi ngayon-- kailan? Kapag wala na ang Nanay?"
Napakurap ako sa narinig.
Nakita ko siyang ngumiti nang mapait sa akin. "Mawawala na ang Nanay. Ilang araw na lang ang itatagal niya sa mundo at ayokong dumating ang araw na hindi niya manlang makikita ang kaisa-isa niyang apo. Ayokong mabuhay na nagsisisi kasi hindi ko man lang naipakilala ang anak ko sa lola niya."
Napabuntong-hininga na naman ako. Napapikit sa inis. Pinili ko na lang na 'wag mag-salita.
Bakit ba parang ang hirap lunukin iyong ideyang may rason siya sa ginawa niya? Bakit ba parang napakasakit tanggapin na heto, tama siya at mali ako. Kahit na masisira na naman ang binuo kong pangarap nang dahil sa kanya, heto ako-- nasa maling panig na naman ng buhay ko.
"Nahihirapan na ako sa ganito, baby."
Kusang nagmulat ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko. "I told you not to call me that anymore."
Pero para bang hindi niya ako narinig. Pinunasan niya ang kumawalang luha sa mga mata. "Ang kumplikado na ng sitwasyon natin. Para bang wala akong karapatan sa kay Chance Pareho naman natin siyang binuo. Dugo at laman ko rin siya pero bakit naman ganito? Bakit kailangan ko pang magmakaawa makilala lang ang anak natin?"
"Anak natin?" Tumawa ako nang mapakla. I dramatically gestured my hands towards him. "Wow, sana naman naisip mo 'yan noong gabing ni-reject mo kami ng anak natin." My tone started to go harsh again. The pain that I have gained from his revelation towards his mother started to subside with the wind.
"May rason ako noon."
"Anong rason? Rason mong iwan kami kasi may Ysabelle sa kama mo? Rason mong 'wag kaming tanggapin kasi may ibabang babae diyan sa pesteng puso mo?" Dinuro ko ang dibdib niya. Bahagya siyang napaatras dahil doon.
"Sumagot ka!" Nakatungo lang siya. Tinatanggap lang ang panduduro ko sa kanyang dibdib. "Ano? Hindi ka makasagot kasi totoo? Kasi totoong ginagago mo kami ng anak mo--"
"Your mom was my reason." He mumbled with almost a breathless tone. "She was the one behind the shits I've put you through."
Nanlaki ang mga mata ko. Kusa akong natigilan. Blinking, I felt the air to leave my lungs.
"Kung tinatanong mo kung ginago ba talaga kita noon, the answer is no. Everything was just a set up. Everything was just a manipulation just for you not to end up with me." He sighed. "And your mother. . . She was the master mind of it. She used me to break your heart. She used me to break us-- to end us."
"Ano-- paano?" I stepped back. Natitigalgalan ako.
"Remember the day noong hindi ako umuwi sa condo mo? I told you I was going to visit my mother who was confined back then." Liv is biting his lips, seems like he is preventing himself to sob. "But life is nothing but bullshit. Nag-50/50 ang Nanay noon. Kung hindi siya maooperahan noong mga oras na iyon, mawawala siya sa amin. Hindi na niya kakayanin kung hahanap pa kami ng ibang hospital. At ginamit iyon ng nanay mo para pasukuin ako sa relasyon natin."
I blink more.
Confused, I chose to just listen to him.
"Kaibigan ng nanay mo ang Doctor ng nanay ko. Inutusan niya ang Doctor na 'wag operahan ang Nanay kung hindi ako papayag na hiwalayan ka."
Liv put his hands on top of his head. Right now, tears are flooding his fragile eyes. "I can still remember it. That specific situation is still burning on my mind. Sa office ng Doctor na iyon, lumuhod ako sa nanay mo. Lumuhod akong 'wag niya na akong papiliin. Kasi mahal na mahal kita, Asia. Hindi ko kayang mawala ka. Pero . . . Pero hindi nagbago ang desisyon ng nanay mo."
Napahawak ako sa bibig ko. Tumulo ang luha diretso sa mga pisngi ko. I found myself sobbing painfully.
"Mahal na mahal kita pero noong mga oras na iyon, kailangan ako ng Nanay. Mas kailangan niya ako kaya wala akong nagawa. Wala akong nagawa kung hindi ang piliin siya."
I looked away. I can't help myself but to just shed tears. To sob hard. And to let my emotions out. Because if I don't, it will kill me. His revelation is stabbing my heart and I am defenseless as I accept it.
"Sinubukan ko namang mag-back out sa plano pero wala na, hawak na kami ng nanay mo sa leeg. Isang maling galaw lang, dudurugin niya ang pamilya ko. Papatayin niya kami kaya wala na akong choice kung hindi ang tanggapin na lang na tapos na tayo. Na wala na. Na hanggang doon na nga lang talaga tayo."
Bumagsak ang kanyang maskuladong mga balikat. "Tangina lang . . . Ang hirap-hirap mong abutin. Ang taas-taas mong mahalin."
Napapailing ako. Patuloy ang kirot sa pagbugso sa sistema ko. "Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Sa dalawang taon na nangangapa ako sa rason kung bakit mo ako ginago, bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Kasi gusto kitang tulungan. Ayokong patuloy kang masaktan. Gusto kong kamuhian mo ako kaysa sa patuloy mo akong mahalin. Para hindi ka na masaktan. Tinulungan lang kita--"
"Tinulungan?" The corners of my lips are turning down as I said, "No, Liv. No."
"Sa ginawa mo? Lalo mo lang akong sinaktan. Lalo mo lang akong pinahirapan."
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Hindi mo alam kung gaano ako nahirapan sa nagdaang dalawang taon. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang kasi . . ." Bumagsak ang mga balikat ko. "Kasi binigay ko naman lahat. Bakit kinulang pa rin ako? Bakit iniwan pa rin ako?"
My tears are blurring my vision as I continued sobbing. "Sana sinabi mo na lang. Maiintindihan ko naman. Kaya naman nating gawan ng paraan. Pero bakit mas pinili mong itago? Bakit mas pinili mong saktan ako?"
He run his tongue on top of his lower lips. He tore his gaze away from me. "Sorry . . ."
And then silence filled our space.
"Just leave." I finally told him after a few minutes. Napahilamos ako sa aking mukha. Sa tindi ng bugso ng sakit sa aking dibdib, hindi ko na magawa pang makapag-isip nang maayos. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang magpahinga. Kasi pagod na pagod na ako.
Liv only nod while wiping his endless tears. And then slowly, he started to walk away from me. He started to leave me alone with my heart and mind fighting for my hidden feelings towards him.