#BTSEp46
When I woke up the next day, sobrang sakit ng ulo ko. And then I run towards the comfort room the moment I felt myself puking. On the sink, I threw my liver out and swear, that was the most tiring thing ever. Para akong may hangover kahit hindi naman ako nag-inom kagabi!
I heaved a deep sigh. Nag-toothbrush muna ako bago maghilamos ng mukha. And from the mirror infront of me, I can clearly see my swollen eyes. Para akong inapi ng sampung bakulaw. Nag-buntong hininga muna uli ako bago nanghihinang lumakad pabalik ng kama.
When I sat on my bed, my sigh is still existing. Parang nabubuhay na lang yata ako sa paglabas ng malungkot na hininga, eh!
And then I sighed even more the moment my gaze landed on the three pregnancy tests. It was resting on top of my side table.
Yesterday, gabi na noong magsimula akong lumabas sa kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kasi sa dami ng luhang iniyak ko, pakiramdam ko ay dehydrated na ako.
I have no plans on talking with anyone on the house not until Czearine approached me. With a queer emotions on her eyes, she asked me, "Anong nangyari, Ate?"
I looked away. "Wala ako sa mood para mag-kwento." I bit my lower lips. "Bukas na lang."
I started to turn my back at her but she halted me by holding me on the arms. Doon ay napaharap akong muli sa kanya. And I blink the moment she handed me the paper bag that's sitting on the kitchen island beside us.
"Ate, nitong nakaraang linggo ko pa nahahalata na lagi kang may morning sickness. Ang sungit mo rin minsan which is different from your usual mood. Tinanong ko rin si Aling Esing kung may nakikita ba siyang napkin sa trash bin mo, wala raw."
Czearine is nodding as she gave me a reassuring smile. "Take it, Ate."
I squint my eyes at her. And then I open the paper bag. To my shock, it was a variation of pregnancy tests. That earned Czearine a wince at me.
This girl . . .
"Go na, Ate." She reached me only to caress my arms. "We are here for you. Kahit anong mangyari, nandito lang kami. Hindi ka namin pababayaan."
I nod at her as I sigh. Matapos ay napapasapo ako sa noo habang naglalakad pabalik sa aking kwarto.
I've been so denial lately. I tried to prevent the idea of me being pregnant for the second time but with the same reason-- Liv. I just can't accept the idea so I tried to keep it on the back of my mind. Pinilit kong magkunwaring irregular lang ang menstruation ko kaya ako ganito pero . . . katulad ng nangyayari, lalabas at lalabas din talaga ang katotohanan.
When I entered my room, I directed my way towards the comfort room. Doon ay ginamit ko na ang mga pregnancy tests. At pikit mata, inilapag ko iyon sa ibabaw ng sink. I was praying and wishing that everything is nothing but a false alarm.
Pero noong magmulat ako ng mga mata, pag-ngiwi ang una kong ginawa.
Nag-buntong hininga na naman ako. Napahilamos ako ng mukha. Para bang batang nagmamaktol, ginulo ko ang buhok ko. Matapos ay muli kong ibinaling ang tingin sa tatlong pregnancy tests. Inaakalang magbabago iyon.
Pero hindi.
Mayroon pa ring two red lines sa bawat isa nito.
"Sharp shooter, tss." I roll my eyes. Ginulo ko uli ang buhok ko! Matapos ay humiga ako para iuntog ang ulo ko sa unan!
Kinahapunan, dinalaw ako ng mga kaibigan ko. Inamin ko sa kanila lahat. Wala akong iniwang parte ng katotohanan ko. Mas mabuti nang sa kanila ko ito unang sabihin kaysa sa malaman pa nila ito sa media. Which I still don't have the courage to open up with. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong sinsagot na tawag magmula sa iba't-ibang news website sa Pilipinas. Until now, public is still speculating.
"Shuta ka! Na-jontis ka na pala, hindi mo pa sinabi!" Anas ng baklang si Hendrix. Ngayon ay dala-dala niya si Chance na ngayon ay paiyak na nakatingin sa kanya. Iniisip sigurong mukhang bakulaw ang nagbubuhat sa kanya ngayon.
"Oo nga!" Jopay is crossing her arms as she arched an eyebrow. "Kapag sinapak kita, tulog ka sa 'ken!"
"Nahihiya kasi ako sa inyo." I pouted.
Billie sits next to me. Napaaray ako nang binatukan niya ako. "Hiya? Mayroon ka pa pala noon?"
"Alam mo ikaw, pumapatol ako sa buntis." Akmang babatukan ko rin siya nang bigla akong may naalala. Natigilan tuloy ako. Buntis nga rin pala ako.
"Oh, bakit biglang nag-iba ang timpla ng mukha mo?" Avryl asked as she sits on the other side of me.
Yes, I should also reveal this to them. They are my true friends. I already hid my pregnancy with Chance from them. I can't afford hiding another life on my tummy now.
Pikit-mata, I am wincing as I revealed, "Mga beh, buntis rin ako ngayon."
At sabay-sabay silang napa-bulyaw ng, "Ha?!" Lahat sila ay nakaawang ang bibig. Lahat sila ay napapakurap.
"Sino naman ang ama?!" Hendrix is blinking as he control his voice. Ngayon ay umiiyak na kasi si Chance, natatakot na yata sa kapangitan niya. "Si Thorn?!"
"Gaga, kita mong may jowa iyong tao. Hampasin kita ng walis tingting diyan."
"So, sinong ama?" It's Jopay's turn to ask. "Don't tell me, it's . . ."
Sabay-sabay uli silang sumigaw ng, "Liv?!"
And I wince as I cover my face. Napapakagat-labi dahil sa kahihiyan, tumango ako. At sinundan iyon ng walang hanggang sermon mula sa kanila. Pero nagtapos iyon sa pagyayakapan namin.
They told me that they will never leave my side. That they will be beside me as I face the other plot twist of my life.
And for that, I am thankful.
"Alam na ba 'yan ni Liv?" Avryl asked.
I was the quickest to shake my head. Hindi pa ako ready na sabihin ito sa kanya. Kasi na-to-trauma pa rin ako doon sa gabing ni-reject niya kami ni Chance. If that happens again, hindi ko na alam. Baka mawalan na lang talaga ako ng pag-asa sa love.
Jopay sat infront of me. She caressed my thighs. "You should tell him. For what I feel, he really loves you. Alam mo ba, noong nawala ka? Ilang linggo siyang hindi lumabas sa condo niya. I remember Ezra has to pester him just to face the world again."
Avryl agreed as she nods. "Right. At saka between you and Ysabelle, parang hindi totoo iyong relasyon nila. Kasi noong nawala ka, nagkalabuan din sila."
Billie held my hand. "Believe me when I say that it's you whom Liv truly loves two years ago. I have the proof, remember your unreleased interview with PEP the day before your 18th birhday? I kept the copy of it dahil hindi iyon pinayagan ng Mom mo na i-release sa Youtube. She really used her money for it to be ruined but you know me, I am a huge LivAce fan so I kept it." She winked at me. "Hahanapin ko iyon mamaya sa PC ko. Don't worry, ii-email ko iyon agad sa iyo."
"Kaya ghorl, give Liv another chance. Kasi may bago na naman kayong Chance diyan sa tiyan mo." Hendrix told me with his smile on. Ngayon ay natutulog na si Chance sa kanyang balikat. Inaantok lang pala ang baby ko kaya umiiyak. "Maybe, it's due time na para ituloy niyo naman ang real life love team niyo. Kasi hindi naman talaga ito dapat natapos."
Nagpakawala lang ako ng malalim na paghinga.
I can't help it.
Kasi hanggang ngayon, bothered pa rin ako. Duda pa rin ako kay Liv. Well, this is the product of the shit he put me through. Nabasag na ang tiwala ko sa kanya. May lamat na ito. Hindi kagaya dati, maingat na ako kasi once na mabasag uli ito, natatakot akong baka hindi ko na uli ito mabuo.
***
The next hours, noong makaalis na ang mga kaibigan ko ay nagpasya na lang akong umalis ng bahay. Kasi alam ko, ano mang oras ay darating si Liv para bisitahin si Chance. Hindi ko pa kayang harapin siya. There's something on me that is pushing me to stay away from him.
Maybe, it's the guilt?
Or maybe, I am just scared to face the fact that I am pregnant with our second baby.
No matter what it is, I still drag my feet away from our house. Then I have this instant plan of visiting Mom. I meneuver the car towards the cemetery where Mom's body lies.
I know, patay na siya.
I know, I have to forgive her and that's what I am about to do. Kasi kung hindi, ako lang ang mahihirapan. Ako lang iyong makukulong sa poot at ayokong mangyari iyon. Buntis ako, masama ang maidudulot ng stress sa akin.
Dahil malapit lang naman ang sementeryo sa village namin, wala pang kalahating oras nang marating ko iyon. Heaving a sigh, I sat above the bermuda grass where Mom's grave can be found. With sad eyes, I stared at her face. She is looking elegant at her tombstone.
It was a minute of me just heaving a sigh from moment to moment. I can't mumble a word. Maski nga ang isalita sa aking utak ang gusto kong sabihin kay Mom ay hindi ko magawa.
Ang hirap niyang patawarin.
Gets ko naman na kailangan. Na dapat. Kasi nangyari na iyong kasalanan niya. At higit sa lahat, wala na siya. Wala na siyang pagkakataon para bumawi kaya heto ako, kailangang mag-adjust. Kahit na masakit, kailangang magpatawad.
Life is unfair but death is much unfair.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumunganga na lang sa bermuda grass. Segu-segundo ko itong binubunot na para bang batang naglalaro.
Hanggang sa . . .
Hanggang sa matigilan ako nang may tumapik mula sa likuran ko.
And when I turned my gaze at this person, my mouth went agape. The face of an old man whom I long to avoid came before my eyes. He is eyeing me with a combined happiness and surprise on his face. I only tore my gaze away.
"Hija . . ." Dad told me with his closed to breathless voice.