Chapter Episode 47

#BTSEp47

"Hija . . ." Dad's tears started to cascade down his cheeks. Upon seeing him, may mga nagbago sa itsura niya. Para siyang tumanda. Para siyang nagdala ng malaking problema sa puso sa matagal na panahon.

Ibinaling ko ang mga mata sa ibang direksyon. I am not ready to meet his gaze. More so, to talk with him. Kasi ilang taon ko na silang iniwasan. Ilang taon akong nagtago. Kasi nahihiya ako sa lahat ng nangyari sa akin. I was their unico hija, kaso anong ginawa ko? Nagpabuntis ako nang maaga. Isa akong kahihiyan sa angkan namin.

"Glad I saw you again, anak."

Dad sat beside me and then he hugged me. I was not expecting for it. I flinch for a moment but not for a few seconds. His warm embrace is my familiar comfort. It was my safe haven back then. He was my comfort zone against the war zone that Mom is giving me.

On cue, I found myself hugging him too. Napakapatong ang ulo ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay tinatapik ako sa aking likod. Para ba akong nanumbalik sa pagkabata. Iyong panahon kung saan yakap niya lang ang kailangan ko para mawala ang sakit na ibinigay sa akin ni Mom.

"Dad . . ." Humikbi ako.

Kumalas sa pagkakayakap si Dad. Matapos ay hinawakan niya ang mukha ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"Anak, kamusta ka na? Nag-alala kami ng Mom mo sa 'yo." Dad is gazing me with a fatherly love that only him who could give me.

"Dad . . . Sorry." Patuloy ang paghikbi ko. Para ba akong batang humihingi ng patawad sa kasalanang ginawa. "Sorry po . . ."

Dad is so quick to hush me. He is shaking his head as he said, "Anak, naiintindihan kita. Naiintindihan ko kung bakit mo iyon ginawa. Hindi naging madali ang pinagdaanan mo kaya't naiintindihan ka ni Dad."

My sobs only grew from what I heard.

"Hindi ako galit sa 'yo, okay?"

I nod at him and I hug him again. This time, tighter than earlier. Warmer than before.

Then, I heard his deep sigh.

Ilang minuto kaming nakayakap lang sa isa't isa nang magsalitang muli si Dad. Kumalas uli siya mula sa yakap namin at tinignan ako diretso sa aking mga mata.

"Siguro, oras na rin para malaman mo ang katotohanan." Tumingin siya sa picture ni Mom sa lapida bago muling nagbaling ng tingin sa akin. "Wala na rin naman ang Mom mo. I think, this is the right time for you to know the truth about you."

Truth?

I blinked.

"Naalala mo noong bata ka pa? Naalala mo iyong mga araw na pinagmamalupitan ka ng Mom mo?"

I swallowed hard before I nod. I was not ready for this, I found myself being cooperative due to the growing tension from my heart.

"Your Mom is a rape victim . . . and you, you are the product of that unfortunate event."

I gasped. Air seems to leave my lungs as I put my hands on my mouth. Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ang kusang pagtulo ng mga luha ko.

"I am not your real father and that's fine for me. Masiyado kong minahal ang Mom mo kaya't pumayag ako sa kanya noong sabihin niyang hindi na niya gustong mabuntis pa." I heard Dad to sigh. "We already have you and that's more than enough for me to be a father that I envisioned to be."

Hindi ako makapagsalita. Pinoproseso ko sa aking utak ang mga narinig. I only gasp for air as my tears continued blocking my vision. Ngayon ay patuloy nitong binabaha ang mga mata ko. Patuloy ding kumikirot ang dibdib ko sa bawat pagpilit kong tanggapin ang mga narinig.

Dad pulled me again for a hug. I sob at his chest. "That explains why your Mother is giving you a tough love. Back then, we both knew that Liv really loves you but your Mother, her mind is indennial. Her mental strength is weak."

"Her mindset is to hurt you-- to not give you the love that you deserves. Her plan is for you to pay the sins that your real father committed with her. Kaya ayon, naging irrational siya. At hanggang ngayon, nagsisisi ako dahil hindi man lang kita natulungan laban sa pagpapahirap sa iyo ng Mom mo noon."

Dad is combing my long hair. It was one of the things I've missed about him. "You and Liv would have been a great couple if it wasn't for your Mom. You could have been the couple that the both of you planned to be."

Looking painfully apologetic, Dad continued, "Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon . . . Pinigilan ko na sana ang Mom mo." I felt Dad chest to let out a breath.

My sobs grew more. Along with my tears, I was left with nothing but pain on my heart. But I know, napatawad ko na si Mom. I know, wala mang rason ang patawarin siya, kailangan ko pa ring gawin iyon dahil ina ko pa rin siya. Kung wala siya, wala ako dito sa mundo. Hindi ko rin sana madadala dito sa mundo si Chance kung wala siya.

So, I have to fogive her. Even if it's unfair. Even if it's dreadful.

That moment, I just sob and sob until Dad joined me. We are hugging for feels like forever and swear, that is what I really need at that moment.

***

Ilang oras tumagal ang pag-uusap namin ni Dad. Mayroon kasi siyang mahalagang meeting na hindi pwedeng i-resched. Ganoon ka-passionate si Dad. His business is his priority. But he promised to make time with me and his granddaughter.

Doon, okay na ako.

The fact na minahal niya ako at tinuring na tunay na anak ay higit pa sa sapat para sa akin.

Noong marating ko na ang gate ng bahay namin ay alas-kwatro na ng hapon. Ang araw ay lulubog na ano mang oras. Halata ito sa kahel na langit.

Ilang busina na yata ang nagawa ko pero wala pa rin si Aling Esing. Kaya't bumaba na ako sa kotse ko. I was about to head towards the gate when the doork of my house opened. And it revealed Liv who is jogging his way towards me.

"Sorry . . ." He mumbled, "Busy si Aling Esing kay Chance."

With his boyish grin and sexy asian eyes, para bang hindi ko siya nasaktan kahapon. Para bang walang nangyari kahapon.

His looks made me look away. I sigh before I mumbled a word, "Right. Aalis na muna pala ako. May nakalimutan lang." I turned my back at him.

"Hey, teka lang. Kumain ka muna." Liv opened the gate to reach me.

I turned my gaze at him as I opened the door of the car. "It's okay. May pupuntahan lang ako. Ikaw muna ang bahala kay Chance." Nagmadali akong isara ang pinto kaya't hindi ko na narinig pa ang sunod niyang mga sinabi.

When I maneuvered the car away from the house again, I heaved a deep sigh.

Hindi ko talaga kayang harapin siya ngayon. Hindi ko kayang makasama siya sa loob ng bahay. A part of me is bothered. And the bigger part of me is being pestered by the quizzical pain.

Alam ko namang may rason siya kung bakit niya ginawa iyong nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Pero . . . Pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan. Kasi nagdusa ako ng dalawang taon nang dahil sa wala lang. He should've told me the real situation. Hindi na sana ako nasaktan. Hindi na sana ako nahirapan.

Huminga na lang ako nang malalim.

At noong mapadako ang tingin ko sa tahimik na park ay doon ko naisipang i-park ang sasakyan ko. When I opened the door, the fresh wind welcomed me. I was with bored face as I started to walk down to the artificial hills of it.

Ngayon ay ako lang ang tao dito. Maya't-mayang huni ng ibon ang maririnig sa paligid. The cold wind is waving my hair as I stare at nothing. I am just here, sitting and blinking when my cell phone rang.

Agad kong kinuha ang cell phone ko mula sa bulsa. Nang makita ko kung sino ba ang tumatawag, agad akong na-alarma. Nanlaki ang mga mata ko. Tila bang nanlamig ang katawan ko nang makita ang pangalan ni Mother Lizly dito. It was a viber call.

Ilang saglit kong pinakalma ang sarili ko. Ilang segundo akong bumuga ng hangin bago ako naglakas loob na sagutin ang tawag.

"Hello, anak." It was Mother Lizly's motherly voice. Bagama't bakas ang pagiging lalaki niya dito ay matinis pa rin ito na gaya sa mga babae.

"Bakit po kayo napatawag?" I bit my lower lips. This is the first time I interacted with her after I gave her a hard time. After I ghosted the career the she gave me. Maski siya ay hindi alam ang totoong nangyari sa akin kaya akala ko ay galit siya.

"I just . . . I just want to apologize for the things I made you do two years ago." She told me with a shaking voice. Minu-minuto kong naririnig ang bahagya niyang paghinga nang malalim. "Liv told me that you already knew the truth about your breakup with him. And prolly, this is also the right time for you to know my truth."

Hindi agad ako nakasagot. Ilang beses pa muna akong napakisap-mata. "I am listening."

"That night, noong nag-hihingalo ang nanay ni Liv sa hospital, he called me. He begged for my cooperation. As his manager and his second mother, I have no choice but to help him. Dito na papasok si Ysabelle." She sighed.

"Si Ysabelle ang ginamit namin para sirain ang relasyon niyo. Your best friend is hesitant to do it. But I forced her. Kasi that time, wala nang pag-asa ang love team nila ni Ezra. At kayong dalawa ni Liv, bagama't nasa rurok kayo ng karera noong mga oras na iyon-- we can't still change the fact that as long as your mother is alive, she will invade your life up until her plans of you marrying a man she liked happened. And her plans won't happen as long as you are inlove with Liv."

Maya't-maya ang ginawa kong pagbuga ng hininga. Sa mga naririnig ay hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang pagbigat sa dibdib.

"That moment, I changed my plans for you. Plilano kong gawin kang artista na hindi kakapit sa ideya ng loveteam para sumikat. Kasi alam kong kaya mong mag-isa. At nagtitiwala ang management sa kakayanan mo kaya iyon ang lalong nagtulak sa akin para gawin ang desisyon kong iyon."

Marahas akong nag-ipon ng hangin sa aking mga baga. "Iyon ang gusto mo. Mo." I was smiling sarcastically at the wind. "Minsan ba, inisip mo iyong gusto ko? Iyong plano ko?"

Natigilan si Mother Lizly doon. Wala akong kahit anong ingay na narinig mula sa kabilang linya.

The pain on my chest is growing. "Mother Lizly, ginawa mo akong aso. You made me pick up bones na ayoko namang gawin. All throughout that journey, ikaw iyong nasunod lagi. Paano naman ako? Paano naman iyong plano ko? Iyong gusto ko?"

Mother Lizly's voice is becoming rough. Her emotions is eating her up. "Anak, listen first."

I heard her deepest sigh. "I did it all for you. Lahat ng ginawa ko noon ay hindi para sa akin. Para sa iyo iyong lahat. Kasi naiisip ko, as long as your Mom is alive, she will try to stop you from doing the things that you love. I have no choice but to go with her flow for your dreams."

I am shaking my head as I continued listening with her. My eyes are flashing a series of pain from my heart. Along with my heavy breath, I found myself looking up at the sky. Ngayon ay naghahalo ang kahel at asul dito.

"I protected your dreams. Naalala mo iyong umiyak ka sa akin dahil pinigilan ka ng Mom mong ituloy ang career mo? Iyon ay dahil sa desisyon ng management na gawin niyo ni Liv ang on-screen relationship niyo? I flew to USA to beg for her. To kneel infront of her."

I bit my lips. Patuloy akong nakikinig habang pinagmamasdan ang mabagal na mga ulap. Gumagalaw ito pa-silangan.

"And I succeeded but with one condition, she told me to not let Liv fall inlove you. Kaya sinunod ko siya, I told Liv everything about it. Iyon ang rason kung bakit ilag sa iyo si Liv noon. I demanded him to do it kasi natatakot akong baka mapalapit kayong dalawa sa isa't-isa."

Narinig ko pang umubo si Mother. Tapos ay sinundan iyon ng pagbuga ng hangin. "Pero wala pa ring nangyari, na-inlove pa rin kayo sa isa't-isa kaya wala akong nagawa noong mangyari na iyong gabing iyon. Iyong pinapili ng Mom mo si Liv. Wala akong magawa. And as your second Mother, it pained me a lot that's why I have to change my plans. I know it will hurt you, but atleast . . ."

Mother's voice is becoming shaky, "Atleast, naprotektahan ko ang pangarap mo. Pinili kong gawin kang artista ng sarili mong career para wala nang maisalungat ang nanay mo. Ginawa ko iyong lahat dahil sabi mo, ito na lang career mo ang bumubuhay sa sa iyo. Ito na lang ang nagpaparamdaman ng purpose mo sa mundo. Kasi with the way your real mother treated you, you are finding validation of your worth from your fans. And having your career to fade will not only pain you, it will kill the last burning torch within your system."

I started to sob.

"Anak, pinili ko lang iyong happiness mo. I know, may ni-let go akong importante para sa iyo, but still, I protected another thing that's important for you and it's your career."

My sobs are growing. "Naiintindihan ko na, Mother. Gets ko na iyong sitwasyon mo. Pero bakit ang sakit pa ring intindihin? Kasi dito, para akong napagkaisahan. Para niyo akong niloko nang patalikod." I tore my gaze away from the sky. "Bakit ako lang iyong walang alam? Ang unfair naman n'on."

"Anak, kasi kung malalaman mo iyon noong mga oras na 'yon, magkakagulo. You are so ferocious that time and the least that I want is you having a deadly war with your Mom." Nanahimik nang ilang segundo si Mother Lizly, "Alam mo namang mahirap banggain ang Mom mo, wala kang laban sa kanya kaya ko iyon ginawa."

"Mother . . ." I wiped my endless tears using the back of my palm. "I'll talk to you some other time, sorry but . . . but I need space to realize everything. To swallow every shits that you all hid on me." Kasabay iyon ng pagpautol ko sa tawag.

And from the silent park, I continued sobbing. My arms are resting on my knees. Para bang bata, nakatungo ang aking ulo sa aking braso.

Hanggang sa . . .

Hanggang sa may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Agad akong napabaling ng tingin sa kanya. The moment I landed my eyes on his  tantalizing eyes, I tore my gaze away.

It's Liv.

Looking at me apologetically.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.