#BTSEp48
I quickly wiped my tears.
"What are you doing here? Sinong nag-aalaga kay Chance?" I automatically glared at Liv. Then I scoot away from him. Sa ginawa ko, napabuga na lang siya nang malalim na hininga.
"She's with Czearine." He is eyeing me as if I am the last woman on Earth.
"So, bakit ka nga nandito?" I responded with a harsh a tone. This is the thing I learned these past few days. I have to be strong. Fragility is a fucking idea that I will never do again.
"We need to talk."
"Talk about what?" I raised an eyebrow.
"Us . . . We need to talk about--"
I cut him off before I stand up. "There is no us anymore." I faced him, I am sure my face is looking bitchy when I say, "You should fucking knock some sense into it."
Tumalikod na ako sa kanya. Humahampas sa akin ang malamig na hangin nang magsimula akong humakbang. Kasabay ng paghakbang ko ang unti-unting pag-kirot ng puso ko.
Bakit . . . Bakit nagtatalo ang utak at puso ko?
Hindi ko na siya mahal. Alam kong hindi ko na siya mahal pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit sa pagbitaw na ginagawa ko ngayon, kakaibang hapdi sa dibdib ang dinudulot sa akin nito?
Hindi ko na nga ba talaga siya mahal o iyon lang ang gusto kong paniwalaan?
I halted my feet when I felt a hand to grope mine. Doon ay otomatiko akong napalingon kay Liv. My eye brows meet as I say, "Bitawan mo ako."
"Kailangan nating mag-usap." His eyes are flashing me the idea of a deep forlorn. This is one the moments I've seen him to be this fragile.
Inagaw ko nang marahas ang kamay ko sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit bahagyang tumilapon sa hangin ang kanyang kamay. "Tapos na tayo, Liv. Wala nang tayo, so bakit kailangan pang mag-usap?" I laugh sarcastically. "Para ano? Para magbalikan tayo?"
I am shaking my head as I laugh harshly, "Tanga ka?"
Sa sinabi ko ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Sinundan iyon nang pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple.
Nagkagat-labi siya para pigilan ang panginginig ng kanyang labi. "Wala na ba talagang pag-asa? Kahit maliit lang na chance, wala na ba talaga?"
"Oo!" Hindi ko na mapigilan ang pag-taasan siya ng boses. Bahagya na ring nandidilat ang mga mata ko. Sa tindi ng kirot sa dibdib ko, para bang hindi ko na maiwasan ang maging marahas.
"Bakit?" Nagkisap-mata si Liv. Matapos ay nakita ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. "Alam kong nagkamali ako noon. Alam kong ang gago ng ginawa ko. But I have my reasons. I have no choice, I was just caught up in a trance where I have to save my mother."
Tuloy-tuloy ang pagbugso ng luha niya. "Hindi pa ba sapat iyon?"
"That was not the case here, Liv." Marahas ang ginawa kong pagbuga ng hangin. "The case was you chose to leave me at the center of why's. You let me be drown to the sea of questions."
I gestured my hand dramatically at him, "Sana naman, pinaliwanag mo sa akin lahat noon. Maiintindihan ko naman. Mas makakaya ko naman. Kasi iyong naranasan ko sa nagdaang dalawang taon, masakit eh."
He looked away. Tears are still avalanching down his cheeks.
"Nangapa ako sa dilim, eh. Kinailangan kong magpatawad nang walang dahilan kahit masakit. Kahit masaklap. Kinaya ko lahat. Kinaya kong maging matatag. Kinaya kong buuin uli ang sarili ko para kay Chance."
"Then . . ." Liv's voice is breaking. "Then atleast give me the chance to complete myself again with you. Let me love you the way I used to before."
Para bang hindi ko siya narinig. "Tapos ngayon, babalik ka? Magdedemand ka ng pagbalik when in fact, hindi ka dapat umalis? Masosolusyunan naman natin iyong ginawa ni Mom. Kaya nating lusutan 'yon pero pinili mo ang madaling daan-- ang iwan ako. Ang itapon ako na para bang basura."
He shook his head. He is about to speak when I cut him off, "You only love me when it's convenient to you. Pero kapag nagkagulo na, wala na-- nakakalimutan mo nang mahal mo pala ako." Bumuga ako nang malalim na hininga bago nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.
"I get it. I understand your pain. But atleast, give me a chance to prove myself again." He is wiping his tears using the back of his palm. "Let me love you the way how I should have last two years ago."
Iyon ang puntong mabagal ang ginawa kong paglingon sa kanya. Walang luha ang lumalabas sa aking mga mata pero iyong puso ko, durog na durog-- basag na basag.
"Alam mo," I bit my lips before I swallow my emotions down, "sa love daw, ang mas nagmamahal ang laging talo. Sa nagdaang dalawang taon, doon ko lang iyon naintindihan."
Mabigat ang ginagawa kong paghinga. "Dati, ako 'yung mas nagmamahal sa atin. Ako iyong marupok kaya ayan si gaga, natalo, nabasura at nasaktan."
Tinusok ko ang loob ng pisngi ko sa ilang segundo. "Ayoko nang mangyari uli iyon. Iyong sakit na binigay mo sa akin noong gabing iyon-- sa pinto ng condo mo, sariwa pa rin sa akin. Masakit pa ring isipin. Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko lang iyong kirot noong gabing iyon. Kaya hindi mo talaga ako masisisi kung bakit ayoko na."
Segu-segundo ko ring hinahaplos ang braso ko para maibsan ang malungkot na lamig dala ng malakas na hangin. "Liv, na-trauma na akong matalo. Alam ko, kapag binigyan kita ng chance, ako na naman iyong mas magmamahal-- ako na naman iyong matatalo."
Nakakapagtakang walang luha ang nais na lumabas sa mga mata ko ngayon. Maski paghikbi ay hindi ko na magawa. Ito ba ay dahil tanggap ko nang hanggang dito na lang kami?
"Kaya, sorry. Sorry if I can never give you the chance that you are begging. Sorry, kung takot na akong sumugal. Sorry, kung takot na akong matalo uli."
Hindi na makasagot si Liv. Patuloy lang siyang lumuha. Ang paghikbi niya ay mahina ngunit naglalaman ng pinong sakit at kirot.
"Makuntento ka na lang dito." I heaved a deep sigh for the last time. "Kasi siguro, hindi talaga tayo ang dulo ng isa't isa. Siguro, hanggang dito na nga lang talaga tayo."
Right after that, I turned my back at him. Nagsimula akong maglakad papalayo sa kanya. At kasabay ng bawat paghakbang ko ang tindi ng kirot na gumigiba sa dibdib ko.
At that specific moment, it pained me to realized that I just cut the possible thread of our relationship. Pero tanggap ko na. Dati pa. Tanggap na tanggap ko nang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
***
The next morning, I woke up with a heavy heart. I really don't know why I am feeling this pain right now. Matagal ko na naman kasing tanggap na wala na talaga kaming pag-asa ni Liv. Na tanging mga anak na lang namin ang magiging koneksyon namin.
Pero, bakit kumikirot ang ideyang ito sa dibdib ko?
Siguro, dahil nanghihinayang ako? Ewan, oo? Hindi ko talaga alam.
Pakisap-kisap mata na lang akong inabot ang cell phone ko. And when I opened it, I was welcomed by Billie's message on viber. Shet sent me a video clip. I squint my eyes to read her message.
Billie
Beh! Heto na iyong ipinangako kong video clip niyo ni Liv noong interview mo a day before your debut. You should watch this!
I furrowed my eye brows. And nonchalantly, I started to play the video clip.
"Okay, start na tayo." I can still remember it, it was the camera man. The one with weird beard and grin.
Sa video ay nagsimula akong isuot ang headphone. Parang baliw, nanlaki ang mga mata ko doon sa video. Hindi ko maalala kung anong kanta ang nagpeplay doon pero sigurado akong Tiktok song 'yon. Kasi jusko, ngayon ay sumasayaw ako dito habang rinig kong bahagyang nagtatawanan ang ibang media staff.
And then on cue, narinig ko ang cute na boses noong interviewer. For what I can remember, her name is Sammy and she has the cutest face that I've ever seen. Actually, news reporter na yata siya ngayon sa istasyon na pinanggalingan ko. Not sure.
"Hello po, Mr. Liv Zoberano." Sammy said, ang cute talaga ng boses niya. Parang batang pabebe pero hindi sa nakakairitang paraan.
Liv started to flash his expensive smile. Naalala ko nito, parang pinilit ko pa yata siyang ayusin ang ugali niya for this interview. Suplado kasi porke't gwapo.
"Just call me Liv."
"Okay po." Sammy laughed awkwardly, halatang baguhan pa siya dito. "So, here's the question for you. Kailan mo nalaman na inlove ka kay Ms. Grace Samonte?"
I chuckle while rolling my eyes. Clichè question. Na-practice na ito sa amin ni Mother Lizly noon. She told us na kapag naka-encounter kami ng ganitong tanong, we should tell them that we fell inlove a month after our loveteam became official. Na na-inlove kami kasi we both discovered that we have personalities na swak sa isa't isa kaya kami nag-clique.
Lame question.
I am still rolling my eyes as I chuckle. Pero agad akong nahinto nang marinig ang sagot ni Liv.
From the video, Liv is staring at me with a smile that only the one who is inlove can do. "It was three years ago, I first met Grace sa isang acting workshop sa Quezon City. She probably won't know this kasi I was so timid back then. And nahihiya akong lumapit sa kanya because she is always with her best friend named Affle all the freaking time."
Natahimik ako.
Wait, wala ito sa script na prinactice sa amin ni Mother Lizly ah?
"Back then, I fell inlove with her. Cringey as it may sound but it's that thing called love at first sight. Back then, she instigated me to work my hardest just to enter the industry of Showbiz. Hindi lang para matulungan ang magulang ko kung hindi para na rin makilala siya."
Liv is staring at me from moment to moment. "Kaya noong maging artista na talaga siya, ginawa ko ang lahat para makapasok sa isang reality show kung saan ako nanggaling."
Umawang ang bibig ko. Kasabay ng pagsara ko nito ang mabilis kong pagkurap.
Tama ba ang naririnig ko?
"Kaya siya talaga ang rason kung bakit nasa harap niyo ako ngayon. Kung wala siya, wala ako dito. Hindi ko mararating ang tagumpay na nararanasan ko kung hindi dahil sa kanya. And for that, I promise that I will love her to the best that I can. She deserves someone who will hold her hand and I will prove that it will be me. I will forever hold her hand even if destiny doesn't side with us."
Sa video ay napakurap ako nang hawakan ni Liv ang kamay ko. With him holding my hands, he is smiling as he told Sammy, "My heart belongs to this girl. Always. Even if in another life."
Natapos ang video clip. Patuloy ako sa pagkurap. Patuloy kong prinoseso sa aking utak ang mga napanood. Hanggang sa napangiti ako. Parang baliw, ngiting-ngiti akong niyakap ang unan habang mahigpit na hinahawakan ang cell phone.
I should call Liv.
Shit.
I should call him!
But I was about to click the call button when . . .
"Ate!"
"Ate Grace!"
I snapped out of my trance when I heard Czearine. She is hysterically yelling and the first thing I thought of is Chance. Mabilis at kinakabahan akong lumabas ng kwarto ko. Takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko na ang sala.
And from there, I saw Czearine. She was holding Chance on her arms. My baby is smiling at me but it was different from what I saw from Czearine. She is flashing beads of tears as she pointed her finger to the flat screen TV infront of them.
Then, there's the voice of a male reporter . . .
"Nitong umaga lang ay nasangkot sa isang aksidente ang sasakyan ng dating aktor na si Liv Zoberano. Ngayon ay kritikal ang kanyang kalagayan habang dinadala sa hospital . . ."
Sa narinig ay nanghina ang mga tuhod ko. Kasabay iyon ng kusang pagbagsak ng cell phone ko sa sahig.