Chapter BTSSM 52

"Kahit di mag-asawa si Ate Alta, mayaman na talaga siya,” sabi ni Renzie at nilingon si Cora na kausap sina Olivia at Kristoff habang ipinupunas ang pasmadong palad sa itim nitong gown. Naiilang ito na makipag-usap sa mga de Angelis. Ang totoo ay naiilang itong makipag-usap sa mga mayayaman. “Kung noon pa sana natin nalaman na mayaman ka, hindi ka na sana nabuhay sa hirap. Baka nakatapos ka na ng pag-aaral.”

“May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay, Renzie. Kaya hindi tayo dapat nalulungkot kapag may pinagdadaanan tayong hirap. Ihinahanda lang tayo noon sa mas malalaking pagsubok sa buhay. May kapalit na magandang bagay kapag nalagpasan natin ang lahat.” At sa palagay niya ay si Kristian ang isa sa dahilan kung bakit di muna ibinigay ng Diyos ang lahat sa kanya. Dahil kay Kristian ay di niya matatagpuan ang pamilya ng ama niya. Siguro ay nakatakda talaga siyang maging isang bampira. At kung anumang hirap ang pinagdaanan niya noon ay nagpatatag sa kanya at naging dahilan para maging mas mabuti siyang tao.

“Anong plano mo oras na ikasal ka? Tatakbo ka pa ba? Nami-miss ka na namin,” ungot ni Chenie at humawak sa braso niya.

“Nami-miss ko na rin mag-training kasama ninyo pero mag-uusap pa kami ni Kristian.” Ang training pa lang niya sa ngayon ay kung paano itatago ang kapangyarihan niya bilang bampira upang di siya maamoy o maramdaman ng kalaban at kung paano kokontrolin ang lakas niya. Nag-aalangan siya kung babalik pa siya sa pagiging atleta. Parang unfair sa kanya kung lalaban siya bilang isang sanguis. Imposible na iyon. Gusto niyang malaman kung hanggang saan nagtatapos ang lakas niya bilang tao at saan nagsisimula ang lakas niya bilang isang rojo. “Pero tutulong pa rin kami ni Kristian sa mga atleta lalo na doon sa mga nagsisimula pa lang. Magte-training pa rin naman ako.”

“Alam na ba ni Homer ang tungkol sa kasal mo?” pabulong na tanong nito.

Malungkot siyang umiling. “Wala na akong communication sa kanya.”

“Nawala na lang siya basta nang pumunta kang China.” Bumuntong-hininga ito. “Malamang brokenhearted iyon dahil ikakasal ka na kay Sir Kristian. Patay na patay iyon sa iyo. Ano na kayang nangyari doon?”

Iling lang ang naisagot niya. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin si Homer at ang ibang mga Umbra. Ayaw na niya itong makaharap pa. Pakiramdam kasi niya ay nilinlang lamang siya nito. Hindi ito totoong kaibigan sa kanya. Parang di na rin niya mapaniwalaan ang kabutihang ipinakita nito.

"Alta, uuwi na kami. Hiyang-hiya na talaga ako dito," sabi ng Tiya Cora niya. "Parang di naman kami bagay dito."

"Ano pong hindi bagay? Hindi naman po mapangmata ang mga tao dito. Saka espesyal po kayong bisita namin. Kayo na lang ang kamag-anak ko dito tapos aalis po agad kayo."

"Nahihiya ako lalo na kapag naiisip ko ang mga ginawa ko sa iyo mula pagkabata mo at masasakit na sinabi ko sa iyo pati na rin sa nanay mo noong buhay pa siya. Samantalang kayang bumili ng kaluluwa ng kamag-anak ng tatay mo."

"Hindi ko na po iniisip iyon. Kundi dahil kabubunganga ninyo at mga sermon, hindi po ako magsisipag sa buhay. Kayo rin po ang kumupkop sa akin nang mamatay si Nanay. Hindi po ninyo ipinadala sa ampunan. Natural lang tumulong ako sa inyong magtrabaho kahit bata pa para pare-pareho tayong mabuhay. Magpasalamat na lang po tayo ngayon dahil magkakaroon na ako ng mas maayos na buhay."

"Kaya siguro pinagpapala ka. Sa kabila ng ginawa ko sa iyo, hindi ka marunong magtanim ng sama ng loob."

"Basta huwag na po kayong laging nakasimangot. Dalas-dalasan ninyo ang pagngiti. Malay ninyo may ma-in love sa inyo na matandang binata o kaya biyudong mayaman."

Pinisil niya ang braso nito. "Ikaw talaga! Ganyan ba ang ginawa mo kaya na-in love sa iyo si Kristian?"

Isang mahiwagang ngiti lang ang ibinigay niya dito. Walang sinasabi si Kristian na mahal siya nito ngunit hindi na iyon importante. Malaking bagay sa kanya na mas maganda ang relasyon nila. Mas open din sila sa isa't isa sa mga nararamdaman nila. Dominante pa rin ito minsan lalo na kapag kasama niya si Rafflesia. Baka daw kung saan na naman siya kaladkarin nito. Aminado siya na kailangan pa rin niya ang guidance nito. Bata pa siya para sa isang bampira. Marami pa siyang dapat malaman at ikonsidera bago kumilos. Nariyan din ang banta ng mga Umbra.

“You look gorgeous,” puri ni Kristian nang isayaw siya.

Sobrang abala ito sa anniversary at sa pagtanggap ng bisita kaya sa gabi na mismo sila ng party nagkita.

"Salamat kay Atrisha dahil siya ang tumulong sa amin na mamili ng damit at ipinasyal pa kami. Nag-spa pa nga kami."

Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Si Atrisha mismo? Sa iba ko inutos iyan." At puno ng pag-aalala ang mga mata nito nang iikot ang tingin sa paligid.

Hinawakan niya ang binata sa magkabilang pisngi. "Mabait naman siya sa amin. Magkasundo pa nga sila ni Tiya Corazon."

"Hmmm... I don't know. Nag-away kami dahil sa iyo nang huling beses kaming nagkita. Hindi niya matanggap na ikaw ang pinili ko.”

"I'm sorry. Ayokong magkasira kayo ng kaibigan mo dahil sa akin.”

"Desisyon ko na piliin ka. Never say sorry for it. Masaya ako na ikaw ang pinili ko. Minsan di maiiwasan na makasakit tayo ng tao dahil pinili natin ang magapapsaya sa atin.” At kinintalan nito ng halik ang noo niya.

"Sa palagay ko nirerespeto naman niya iyon. May kasama pa nga siyang date ngayon. Binigyan pa nga niya ako ng tips sa mga topak mo o sa mga gusto mong puntahang lugar o gusto monng pelikula. Sa palagay nagmo-move on na siya.”

"Sana nga,” usal ng binata. “Kung sincere siya na gusto niyang sumaya tayo, gusto ko rin na maging masaya siya.”

"TIRED?" tanong ni Kristian habang isa-isa nilang pinasasalamatan ang mga pauwing bisita. Pasado alas dos na ng madaling araw noon. Kahit ang mga de Angelis at iba pang rojo ay bumalik na ng Valle.

"Mas mahirap pala 'to kaysa mag-training o lumaban sa athletics event. Mas na kakakaba."

Ginagap nito ang kamay niya. "You did great. Gustong-gusto ka ng mga board of directors at investors. Mas gaganda daw ang image ko dahil ikaw ang pakakasalan ko at hindi isa sa mga babaeng nakaka-date ko."

"Mukhang behave ang mga girlfriend mo dati. They tried their best to be nice to me."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.